Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 30 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 30 )

Chapter 30 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 30 )

" Ano yan tol?". Tanong ko kay Steve habang nakatitig lang sa bagay na kanyang tinitingnan.

Nakahiga ako non sa aking napakalambot na kama.

Hindi nya ako sinagot, napako lang ang mga mata nya sa bagay na iyon. Ano nga bang bagay iyon? Ready na kayo? Haha!

Well ok!

Isang lumang pocket watch na kulay ginto ang nakapukaw sa atensyon ni Steve. Ang orasang iyon ay may lapad na 2.5 inches, sa harap na takip nito ay may nakaukit na dalawang mukha ng tao, hindi ko alam kung parehas lalaki. Masyado kasing madetalye at perpekto ang pagkakacarve sa kanyang kabuuan, maging sa likod nito. Mayroon din itong golden chain na may habang 26 inches. Bagamat may kalumaan na nga, ang mga nakaguhit dito ay nangingitim na sa kapal ng dumi nito. Gumagana pa iyon pero hindi ko naman ginagamit. Sino bang gagamit ng vintage item sa panahon natin? At sa edad kong 'to gagamitin ko yan?

Ibinigay sa akin ni mommy ang pocket watch na iyon noong huling araw na nasa ospital ako. Iginigiit kong hindi iyon sa akin pero ang sabi nya ay itago ko lang at sa akin na daw. Pwede daw isangla kung gusto ko dahil tunay daw na ginto iyon. Ewan ko lang?.

Kinuha ito ni Steve sa pagkakasabit, di ako tumutol dahil wala naman akong pakialam sa bagay na 'yon.

" Gusto mo? Sayo nalang..". Sambit ko kay Steve.

" H-ha? S-sa akin naman talaga galing ito..". Sagot ni Steve na sya namang agad na ikinagulat ko.

" Ha? T-talaga? I-ibinigay yan sa akin ni mommy.. ang sabi nya itago ko daw.. di ko alam na sayo pala 'yan? ". Gulat kong sagot, napaupo akong bigla sa aking pagkakahiga sa kama.

Sandali syang natahimik. " N-naaalala ko pa noong huling araw na ibinigay ko sayo 'to.. sa ilalim ng isang malaking puno kung saan tayo lagi na tumatambay, iyon din ang huling araw nang pagkikita natin..". Si Steve na napatitig sa akin habang nagsasalita, may pangingilid din sa kanyang mga mata.

Natouch ako sa mga sinabi nya kaya napaiyak ako ng sobra dejk! Wala pa easy!!. Napatitig din ako sa kanya ng seryoso.

" A-alam mo may kwento ito..". Si Steve at sabay ngumiti.

" Ta-talaga?". Sagot ko na hindi makapaniwala sa nalaman.

Tumango sya, lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

" Araw ng kaarawan mo iyon, 14 years old ka na noon. Ang mommy mo ay gustong gustong paghandaan ka ng isang party pero inaaway mo sya noon at ang sabi mo ay hindi ka na bata. Tawang tawa kami sa argumento nyong dalawa, kasama ko rin si kuya noon..". Natahimik si Steve ng ilang segundo. " A-ah..". Hanggang doon nalang ang aking narinig.

" Bakit ka huminto?". Alanganing sagot ko.

Natutok ang mata nya sa pagkakatitig sa akin, napansin ko rin sa mga titig nya na tila may pag aalangan syang magpatuloy o may inililihim sya na hindi dapat sabihin.

" Ibig kong sabihin.. oo nandoon din si kuya pero umalis sya agad dahil may gagawin pa daw sila ng mga kaibigan nya. So iyon, tayong dalawa lang ang naiwan then si tita Charisse at si tito Jake ( HAHA DAMAY DAMAY NA! ). Tapos akala ko ay ok ka na, inaway mo na naman ulit ang mommy mo haha! At iyon nga, dahil wala silang nagawa ay pumayag din sila sa gusto mo.. Ang sabi mo mas gusto mong gumala sa mall kasama ako, syempre malaking tuwa ang nanaig sa akin dahil kasama kita eh. Nahiya lang ako sa mga magulang mo dahil hindi mo sila isinama. Noong nasa mall na tayo ay di ka naman magkumayaw sa pagkakadaldal mo, kahit walang patutunguhan ang mga sinasabi mo ay nakikinig ako. Wala akong choice eh! Then? Papunta na sana tayo noon sa amusement sa 4th floor ng mall nang madaan tayo sa isang antique shop, nagtataka ako kung anong pumasok sa isip mo noong time na iyon at bakit ka naging interesado sa mga makalumang bagay.. nang dahil lang pala dito..". Itinaas ni Steve ang orasang hawak nya. ". Wala lang, ang sabi mo ay nagandahan ka lang dito pero hindi mo naman talaga totoong bibilhin. Natuwa ako sa tinuran mo, at dahil doon ay nakaisip ako ng paraan para kahit manlang papaano ay masurpresa kita sa iyong kaarawan. Pag uwi natin galing sa maghapong paglalaro sa amusement, dali dali din akong umuwi ng bahay. Halos lahat ng inipon kong pera ay inilabas ko, at sa mismong araw din ng kaarawan mo ay binili ko ito. Mabuti nga at hindi masyadong kamahalan dahil hindi naman ito purong ginto, 70% na mas lamang ang bronze. So totoo naman ang sinabi mo, maganda sya.. Kaya ayun! Di na ako nagpatumpik tumpik pa na ibigay sayo ito, niyaya kita noong gabi at dinala sa madalas natin gawing tambayan. Doon ay tahimik lang tayong nakahiga sa malambot na damo ng bermuda. Nang hinugot ko sa bulsa ang relo, doon nanlaki mga mata mo. Tuwang tuwa ka nga nang ibinigay ko sa iyo ito. Ang sabi mo pa ay iigatan mo ito at aalagaan, hinalikan mo pa nga ako sa labi eh! At syempre ang sarap non haha!". Bumuntong hininga si Steve at sabay binuklat ang takip ng orasan. " Gumagana pa pala eh!". Dugtong nya.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Joke lang haha!

Di naman ako makapagsalita ng mga oras na yun. Nabigla ako sa isiniwalat ni Steve sa akin. Hindi ko rin alam kung anong klaseng punto ang itatanong ko sa kanya. Titig na titig lang ako sa kanya sa sitwasyon.

Natahimik kaming dalawa.

Tahimik.

" So-sorry sa sinabi ko babe.. galit ka ba?". Pagbasag ni Steve sa aming katahimikan.

" H-hindi tol napaisip lang ako sa bagay na yan...". Turo ko sa orasang hawak ni Steve. " Sobrang mahalaga pala yang orasan na yan. Kaya pala hindi ko maitapon, saka sabi ko na nga ba hindi yan tunay na ginto kaya nagdadalawang isip din akong isangla yan eh hahaha!". Sagot ko na medyo nahimasmasan na.

Itutuloy...