Doon pa mas lalong bumilis ang pag andar ng bus kaya sobrang nagpapanic na ang lahat ng mga pasahero. Halos mabingi ako sa nangyayari, itinayo ako ni Steve at inakay papunta sa bandang gitna ng bus para kung sakaling mabunggo daw kami ay maliit na tyansa lang ng pinsala lang aming matatamo. Pero hindi kami nabunggo dahil iniliko kami nang driver at dumeretso kami sa pababang bahagi ng lupa, hindi naman masyado matarik ngunit syempre nakakatakot pa rin kasi nasa kalagitnaan kami ng trahedya! Wag kayong ano dyan!!.
Habang bumubulusok pababa ang bus ay sinusubukan namin ni Steve na marating ang gitna nito. Pero sa kasamaang palad, napatid ang paa ko sa gilid ng upuan dahilan para bumagsak at tumama ang ulo ko sa braces na malapit sa poste. Doon ako namilipit sa sakit at napasigaw ng todo.
" CHANDEEER!!!". Sigaw na narinig ko kay Steve, alam kong sumigaw sya pero mahina ang pagkakarinig ko sa boses nya.
Napahawak ang isang kamay ko sa paahan ng upuan at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa aking ulo. Nakaupo na ako, hindi ko naimulat ang aking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng traumatic disability kaya halos wala akong marinig sa sitwasyon, maging ang aking sarili ng sumigaw ay hindi ko rin marinig. Pero bumalik din ang aking pandinig nang makalapit sa akin si Steve at muli akong niyakap.
" Aaaaaaaaahhhh!". Sigaw ng mga pasahero sa loob ng bus.
" Aaaaaaaaargggghhh!! Zaaaachh!!!!". Sigaw ko naman habang mabilis ang pagbulusok namin sa pababang talampas, derederetso sa pagharurot ang bus. Rinig na rinig ko ang malalakas sigawan at hiyawan sa aking paligid, pagpapanic at ang iba ay hindi alam ang gagawin at sapilitan binabasag ang fibered glass na bintana ng bus para makatalon.
Hindi ko maigalaw ang aking katawan sa sitwasyon na iyon, mabilis ang kalampag nang aking dibdib. Nakahawak ang aking dalawang kamay sa aking ulo at walang tigil ang pagdaloy ng aking luha sa aking mata habang nakapikit. Ramdam ko naman ang mahigpit na pagkakayakap sa akin ni Steve, hindi ko lang maramdaman ang emosyon nya dahil sa kirot sa ulo na akin namang nararamdaman.
Habang nakapikit ako at namimilipit sa sakit ng ulo, buong buo naman na pumapasok sa aking isip si Zachary. Mga imahe nya at pangyayari na elevated na nagsisink-in sa aking utak.
Iminulat ko nang sagad ang aking mata. Para akong bumalik sa nakaraan, nasa isang pampublikong palaruan ako naroon.
Nang makarinig ako ng mga naghihiyawang tao na malapit lang, tumakbo si Zachary sa pinangyarihan. May hostage taking na nagaganap doon.
-----
FLASHBACK :
Isang sorpresa ang ibinigay sa akin ni Zachary kinabukasan matapos ang aking kaarawan, niyakap at hinalikan ko pa nga sya dahil doon. Niyaya nya akong magdate kami at masaya akong pumayag sa kanya. Nagtungo kami sa karnabal na pinakapaborito naming puntahan. Sobrang saya naming dalawa na magkawak ang aming kamay nang nasa loob na kami ng karnabal. Kahit anong rides ang sakyan namin ay hindi sya papayag na hindi kami magtabi, syempre ganoon din ako. Nang mapagod kami sa ilang mga rides na inupahan namin, napagpasyahan namin na kumain. Nagtungo kami sa isang kainan na pinakapaborito ko din, nasa loob lang din ito ng karnabal. Doon ko kasi unang natikman ang kakaibang luto ng fried chicken simula nang unang dinayo namin iyon. Minsan sa isang bucket ng fried chicken ay ako lang talaga ang umuubos, tuwang tuwa lang si Zachary sa akin at binibiro pa akong wala daw halos nadadagdag na taba sa aking katawan kahit isang malaking bandehado pa daw ng fried chicken ang aking kainin. Pagkatapos mabusog ng aking tiyan ay dumeretso kami sa sentro kung saan ay may malaking wishing fountain, doon kami umupo sa makukulay na brenches sa tapat. Naisipan kong lumapit sa fountain, maghahagis sana ako ng barya pero naalala kong wala pala kaming dalang barya kaya yung buong tig iisang libo nalang ang hinagis ko. Dejk! Haha! Nagpaalam pala si Zachary sa akin para magpapalit ng barya.
Habang wala pa si Zachary, naglakad lakad muna ako sa gawi. Napansin ko ang isang lugar kung saan may nag uumpukang tao. Naririnig ko ang malalakas na sigawan at tilian, akala ko isang show na may napakadelikadong pineperform. Nagtaka ako nang may sumigaw ng; " Pakawalan mo sya!!!". Bigla akong natigilan.
" Chanderrr!!!". Sigaw na narinig ko sa di kalayuan, si Zachary. Agad rin syang tumakbo sa kinaroroonan ko.
Pagkalapit nya ay napukaw din agad ang atensyon nya sa pangyayari malapit sa amin. Lumapit kami doon habang nakayapos ang bisig ni Zachary sa aking tagiliran. Pero nang makalapit na kami ay sya namang nagtakbuhan ang mga usisero palayo, isang baril kasi ang pumutok banda sa pinangyayarihan. Nang magkalasan ang mga tao ay doon na namin napagtantong may hostage taking pala na nagaganap, kinabahan ako at napatingin nalang kay Zachary.
Si Zachary, walang pagdadalawang isip irescue ang batang biktima ng panghohostage. Dinala nya ako sa ligtas na lugar ngunit tanaw pa rin sa pinangyayarihan. Doon na sya tumakbo ng mabilis at dumaan sa likod para hindi mapansin ng suspect. Nang makarating si Zachary doon ay mabilis nyang hinablot ang baril sa suspect at mabilis na nakawala ang batang hawak nito sa leeg, pero hindi tuluyan nahablot ni Zachary ang baril dahil sa higpit ng pagkakahawak dito. Doon na sila nagpambuno sa pag aagawan ng baril. May time na ipinuputok ito sa kawalan dahilan para mapagpanic ang mga tao. Pero doon na mas kinabahan ang lahat ng tumutok ang baril paharap sa kanila. Nagpapambuno pa rin silang dalawa at pilit pa rin inaagaw ni Zachary ang baril sa lalaki. Muling pinaputok ng suspek ang baril. DOON AY NAWALAN NA AKO NG MALAY.
-----
Dahil hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari ay bumalik na ulit ako sa bus at doon ko naman ienjoy ang trahedya haha! Joke lang!.
Itutuloy...