Nang makita ko sya ay mabilis na namang tumulo ang aking luha. Ang emosyong nananalaytay sa akin ay magkahalong sakit at sabik. Sakit – kung saan hindi ko masabi sa kanya ang katotohanang nanumbalik na aking alaala at ang mas masakit pa, nanumbalik na nga ang aking alaala ngunit hindi na sya ang nilalaman ng aking puso kundi si Steve. Sabik – kung saan gustong gusto ko pa rin syang mayakap, gusto kong madama muli ang kanyang mga bisig na yakapin ako. Pero iba ang nag uudyok sa akin. Hindi ko alam ang ihahakbang upang sabihin sa kanya na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa paraang hindi sya masasaktan. Ayoko rin makita sa pagitan nilang dalawa ni Steve na kapag namili ako ng isa sa kanila ay tuluyan na ring umiwas ang isa sa kanila.
Mahigpit akong niyakap ni Zachary nang makalapit na sya sa akin. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam na ako ng matinding guilt. Hindi ko talaga kayang masabi na hindi ko na sya mahal. Sa ganoong tinuturan nya sa akin, para akong sinasaksak ng paulit ulit. " Chander please gising!!". Sambit ko sa aking isip. Hindi ko na rin namalayang gumanti na pala ako sa pagyakap sa kanya, niyakap ko na rin sya nang mahigpit. Ngunit bigla syang kumalas, hinawakan nya ang magkabila kong pisngi.
" C-chander.. Natatandaan mo na ako??". Mariing tanong nya sa akin.
Tumutulo pa rin ang luha ko habang tinititigan sya, umiling ako. Ibig sabihin ay hindi. Shit!
Tinitigan nya lang ako habang hawak pa rin ang aking magkabilang pisngi, pero nararamdaman kong unti unti nya nang ibinababa ang kanyang mga kamay. Bigla syang umayos sa pagkaka upo, yung patagilid na nakatalikod sa akin.
" Naiintindihan ko..". Sambit nya.
Kinabahan ako sa sinabi nya, hindi nya kasi dinugtungan. Sa tingin ko ay alam na nyang nanumbalik na ang alaala ko.
Tahimik lang ako at hindi na sumagot.
" Akala ko nakakaalala ka na.. Hahaha! Pasensya na tol! Para tuloy akong tangang niyakap kita..". Si Zachary, nakaharap na sya sa akin at nakangiti. Nangingilid din ang mga mata nya.
Tulala akong nakatingin sa kanya. Nakakaguilt talaga tangina!.
" Ahmm.. Nakaistorbo ba ako sayo?". Malumanay na tanong nya.
" Err.. Hi-hindi n-naman..". Ang nasagot ko nalang.
" W-wala bang masakit sayo?". Tanong nya ulit.
" Ok naman..". Sagot ko
Muli nyang hinawakan ang aking mukha, sa bandang baba. Hinaplos nya aking buhok at hinawi ito pataas, pinunasan nya rin ang tumulong luha sa aking mata gamit ang kanyang kamay na amoy galing sa pagkakadukot ng alam nyo na. Joke haha! Pinunasan lang nya gamit ang hinlalaking daliri.
" W-wag ka nang umiyak.. Sayang kagwapuhan mo papangit ka kaagad nyan..". Birong sambit nya.
Napangiti naman ako ng hilaw. Hindi talaga ako makangiti dahil sa nararamdaman ko.
Nang ibanaba na nya ang kanyang kamay, tumingin sya sa kanyang relo. Nang makita ko naman ang kanyang relo, bigla kong naalala ang pocket watch na nasa bulsa ng pantalon ko. Agad ko itong hinugot sa bulsa at iniladlad pa talaga sa harapan ni Zachary, sandali kong tinitigan ang orasan. Napatingin din si Zachary sa hawak ko.
" N-nasa sayo pa pala 'yan?". Tanong nya.
" Ba-bakit?". Tanong ko rin na may pagtataka. Baka sabihin rin nya na sya ang nagbigay sa akin nito at nagsinungaling na naman sa akin si Steve.
" W-wala naman.. May naalala lang ako..". Sagot nya.
" A-ano naman?". Curious kong pagtatanong.
Ngumiti muna sya bago nagsalita. " H-hindi.. Naalala ko yan kay utol. Bitbit bitbit nya kasi yan noon.. S-sayo nya pala yan ibinigay..". Tugon nya.
Muli akong bumaling sa orasan. " N-nakita ko ito sa kwarto ko.. sabi nga daw ni Steve ay sa kanya ito at ibinigay daw nya sa akin noong kaarawan ko..". Sambit ko.
" T-talaga?". Nakangiting sagot nya.
Tumango lang ako.
" M-may tanong ako pala ako sayo..". Ani nya.
" Ano?". Maikli kong tugon.
" A-ang mommy mo? Sinabi na nya ba sa iyo? May binanggit ba sya tungkol sa akin?". Mariing tanong nya.
Hindi ako nakasagot agad, medyo napapailing ako. Sakto naman din ang pagbukas ng pinto ay pumasok si mommy sa aking kwarto.
" Anak! Oh my?". Gulat na sabi ni mommy.
Napatayong bigla si Zachary mula sa pagkakaupo.
" T-tita..". Si Zachary.
Itutuloy...