Doon ko na naipalabas ang emosyong kanina ay hindi ko kayang mailabas. Mahal ko na nga talaga si Steve. Ang kaso ay hindi ko naman kayang kumawala kay Zachary, mahal ko rin Zachary.
Hindi ko narinig na sumagot si Steve dahil sa nasabi ko. Marahan lang nyang ikinakapit ang mga braso nya sa akin. Ramdam ko rin ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
" P-patawarin mo 'ko..". Pag uulit ko.
Ilan segundong tahimik. Hindi rin lumaban si Steve sa pagkakayakap ko.
" Na-naiintindihan kita Chander.. h-hindi lang ako makapaniwala! S-sinabi mong mahal mo rin ako.. a-alam mo? Napakasaya ko!". Si Steve habang umiiyak.
" P-pero a-mahal ko pa rin s-si Zachary..". Sambit ko.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.
" Naiintindihan ko.. n-ngayon panatag na ang loob ko. Sa kabilang banda? Hindi ko lubos naisip na may puwang na pala ako sa puso mo. P-patawarin mo rin ako dahil ipinagsisikan ko ang sarili ko sayong mahalin kita ng sobra.. h-hindi ako magsisisi.. hindi ako magsisisi dahil mas pinili mo pa rin si kuya kesa sa akin. Mahal na mahal pa rin kita! At sa kabilang banda, nandito pa rin ako para sayo..". Si Steve.
" S-steve..".
" B-babe..".
Nagngitian na kaming dalawa.
Ilan minuto rin kami sa ganoon sitwasyon. Medyo gumaan din ang aking pakiramdam. Natapos na rin ang aming drama rama sa hapon. Haha!.
Tahimik.
" Miss na miss mo si kuya ano?". Pagbasag na tanong ni Steve sa aming katahimikan.
Tumango lang ako saglit. " H-hindi pa nya alam..". Sagot ko.
" H-hindi mo pa sinabi?". Gulat na tanong nya.
" H-hindi ko kasi alam kung papaano uumpisahan, sobrang magulo ng nasa isip ko kanina. Wala akong lakas ng loob. ". Sagot ko.
" K-kasi ako ng iniisip mo ganon ba?". Sarkastikong tanong nya sabay ngiti ng nakakaloko.
Napangiti nalang ako ng hilaw sa kanyang inasta.
" Oh ayan babe napatawa na kita..". Si Steve lalo pa syang ngumiti.
Napangiti na ako. " 'Y-yan, 'yan ang nagustuhan ko sayo eh.. 'yang mga ngiti mo, pamatay..". Sambit kong napangiti na rin ng todo. " Pero kay Zachary pa rin ako..". Dugtong ko.
" T-talaga? B-bakit hindi nalang ako ang piliin mo?". Sarkastikong biro nya.
Bigla akong natahimik. Isang buntong hininga nalang ang aking pinakawalan.
" P-pasensya na babe.. hindi na mauulit!".
" A-ayos lang.. mahal naman kita eh! Kaso hindi pwede..". Tugon ko. ( " Hindi tayo pwede.... Pinagtagpo pero di tinadhana.." huhu saklap! )
Napangiti ulit sya. " Atleast alam kong mahal mo rin ako.. kaya maghihintay parin ako..". Nakangiti nyang sabi.
( Hi guys? Pasensya na kayo kung hindi ko pinili si Steve. Wala eh? Loyal tayo.. miss na miss ko na talaga si Zachary. Kaya ko lang nasabi na hindi ko na sya mahal dahil sa matinding kaguluhan sa aking utak, hindi pa fully recovered kumbaga. Pero, it's final! Si Zachary pa rin. Mabait naman si Steve, mahal ko rin sya. Magkaibigan pa rin kami at walang makakapigil dun. Mga bitter! Haha joke lang!.
-----
" Mga baby boys! Get ready na, uuwi na tayo..". Ang biglaang pagbungad ni mommy sa amin.
Nagulat kami ni Steve sa pagpasok nya. Pero mas nagulat pa kami ng kasunod naman nyang pumasok si Zachary. Natulala na naman ako sa muli nyang pagdating. Sa sitwasyong iyon, tila ba huminto ang oras at ang nasa paligid ko. Tahimik, habang mabagal lang syang pumapasok sa kwarto. Abot tenga rin ang mga ngiting binibitawan nya habang marahan syang papalapit sa akin. Napangiti rin ako. Gusto ko rin tumayo at agad na kumaripas ng takbo patungo sa kanya, pero naistack ako sa pagkakaupo dala ng tensyong namumutawi sa 'kin na may magkahalong kaba at saya. Naaalala ko din ang ganoong pangyayari. Sa school, sa tuwing susunduin nya ako. Papasok sya ng derederetso sa aming silid, mabilis na lalapit sa akin at agad akong aakbayan. Pagkatapos, sabay kaming lalabas habang nakaescort sya sa akin. Paglabas naman namin ng school, dadalhin naman nya ako sa isang sikat na fastfood chain at doon na kami manananghalian.
Maya maya:
Bumalik ang aking ulirat nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nya sa akin. Tapos sinakal nya ako, hindi ako makahinga. Haha joke lang! Sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib sa sitwasyong nakayakap na sya sa 'kin. Naririnig ko rin ang paghikbi nya, umiiyak sya. Maging ang kabog sa dibdib nya ay naramdaman ko din. Kusa na rin ang pagpatak ng aking luha at mahigpit ko na rin syang niyakap. Napahagulgol narin ako dala ng sobrang sayang nararamdaman ko. Ang kaninang takot at pag aalangan ay napalitan ng kasabikan. Sobrang namiss ko si Zachary. Kakalas na sana sya sa akin, pero mas lalo ko pang hinihigpitan ang pagyakap sa kanya. Kaya hinayaan nalang nya ako.
" M-mahal ko..". Sambit ni Zachary. Hindi ko na rin narinig ang kanyang paghikbi.
Nang kumalas ako, mabilis nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at siniil agad ng halik ang aking mga labi. Ramdam ko ang mainit na labi nyang lumapat sa aking bibig. Sampung segundo rin ang itinagal, saka sya muling yumakap sa akin.
" A-ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to mahal.. ang tagal kitang hinintay..". Si Zachary, kumalas din sya sa pagkakayakap. " M-maraming salamat po tita Charisse..". Dugtong nya sabay punas sa luhang tumulo sa kanyang mata.
Hindi pa rin ako makapagsalita sa sitwasyon, nakatitig lang ako sa maamong mukha nya at pinagmamasdan ang bawat ngiting pinapatama nya sa akin. Napalingon din ako kay Steve, ngunit isang pilit na ngiti ang reaksyong binitiwan nya sa akin. Alam kong nasasaktan sya sa nakikita nya. Medyo naguilt ako sa sandaling iyon pero hindi nya ako masisisi. Mahal ko sya pero mas mahal ko ang kuya nya. ( Saklap pasensya na awtsu.. ).
" Ok baby boys.. tama na ang drama! Naghihintay na ang driver sa labas..". Sambit ni mommy.
Mabilis naman kaming sumang ayon. Inalalayan ako ni Zach sa pagtayo at inakbayan hanggang sa paglabas, samantalang si Steve naman ay inalalayan ko munang umupo sa wheelchair at si mommy ang nagtulak.
Since hindi naman masyadong malala ang pinsala namin ni Steve, napagdesisyonan nalang naming umuwi sa boarding house. Sa kotse na rin kami ni Zachary sumakay upang magpahatid. Nagpaalam na rin sa amin si mommy. Ayaw nya sanang pumayag na sa boarding house kami umuwi dahil hating gabi narin iyon, pero ipinagpilitan ko pa rin ang gusto ko hanggang sa pumayag sya. Umuwi ngayon sya nang luhaan. Haha joke lang! Maingat naman daw si Zachary sa pagmamaneho.
Sa kotse:
" M-mahal? I-ipapasyal kita bukas ha?". Abot tengang ngiting pag anyaya sa akin ni Zach.
Tumingin muna ako sa likuran, kay Steve. Ngumiti lang din sya nang nakakaloko. Hindi ko na nakita sa kanya ang malungkot na reaksyon, basta buong buo nyang inilabas ang ngiting lagi nyang ipinapakita sa akin noon. Lumingon ulit ako kay Zach na nakangiti.
" S-sa karnabal sana mahal.. namiss ko na ulit doon..".
" Walang problema bebe ko..". Si Zach sabay inihawak nya ang ang kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay ko habang ang kaliwang kamay naman nya ang nakahawak sa manibela. Ilan minuto rin kaming magkahawak kamay.
Nilingon ko ulit si Steve sa pamamagitan ng salamin sa harapan, nakadungaw lang sya sa bintana. Alam kong may malalim syang iniisip.
2:30 a.m.:
Narating namin ang boarding house, agad kaming nagpaalam ni Zachary sa isat isa. Mahigpit na yakap at mariing halik ang ibinigay nya sa akin, pagkatapos ay sumakay na sya sa kanyang kotse at tuluyan na rin pinaandar ito.
Agad kaming pinapasok ni mamang guard sa loob.
Itutuloy...