Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 34 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 34 )

Chapter 34 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 34 )

-----

Pagkalapit ko sa kinaroroonan ni Steve, mabilis ko syang niyakap at humagulgol sa iyak. Hindi ko lubos maisip na ganoon lang pala kaikli ang lahat ng mga pinasamahan namin, ngayon pa't sobrang mahal ko na sya. Ilan minuto rin walang tigil ang pag iyak ko sa harapan ng kanyang bangkay habang nakatakip ito ng puting kumot. Sobrang namimiss ko na sya, may time pa na iniyuyugyog ko ang bangkay nya at nagbabasakaling baka gumalaw.

Maya maya:

" Anak, anong ginagawa mo??". Sigaw ni mommy sa akin nang makasunod na sya sa kabilang kwarto kung saan naroon si Steve.

Bumaling agad ako kay mommy habang umiiyak ako sa galak. Haha Joke lang. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat nang mahuli nya akong iniyuyugyog ang bangkay, ewan ko kung galit sya dahil sa pagyugyog ko. Dahil sa pagtataka nya, agad syang lumingon sa kabilang deck na katabi lang na may halos tatlong metro ang pagitan. Napatingin din ako.

Ngunit laking gulat ko nalang.

" S-si S-steve? T-teka si-sino itong??". Nanginginig na tanong ko sa aking sarili.

Mabilis kong binuklat ang puting kumot na nakatakip sa kanina ko pang iniiyakang bangkay, at niyakap ko pa. Agad kong iniurong ang aking wheelchair sa gulat. Isang matandang lalaki pala yung patay na nakatakip.

" Ma! Bakit h-hindi mo sinabing may bangkay pala dito!!". Inis na tanong ko kay mommy.

" Omayghad!! Sa-sasabihin ko naman talaga sayo baby boy.. k-kaso ang bilis mo kasing pinaandar ang wheelchair mo..". medyo natatawang sagot ni mommy.

Lumapit sa akin si mommy at marahang itinulak ang aking wheelchair papalapit kay steve.

" Ang sabi ng doktor, nainjured daw ang bahaging likuran at kanang braso nya dahil sa pagkakaipit. Wala ka nang dapat ipag aalala baby boy.. nagpapasalamat din ako dahil walang nangyari sayo at hindi rin malubha ang natamo ni Stevie boy..". nakangiting sambit ni mommy.

Hindi ako makapagsalita sa sitwasyon, kusa na naman ang pagtulo ng luha ko sa aking mata.

May ilan minuto din ako sa pag iyak.

" I-iniligtas a-ako ni Steve mom..". Utal na tugon ko sabay hagulgol na naman sa iyak.

Napapunas naman si mommy ng kanyang mata dahil napapaluha na rin sya.

" B-baby boy anak? Alam mo? Proud ako sa inyong dalawa.. h-humahanga ako sa katapangan nyo ni Steve. Si Steve naman, if I were correct you? Mabait si Steve. He still suffering for what he want.. kahit sa sitwasyong hindi naman nya obligasyon, nariyan pa rin sya. Ever since, Im so very proud of his sincerity.. and he loves you..". Maikling paliwanag ni mommy, napingiti rin sya sa kanyang sinabi.

Iniliko ko ang aking wheelchair sa harap ni mommy. " Ma.. na-natatandaan ko na po ang lahat.. s-si Z-zachary! P-pero..". hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin.

Nagulat si mommy sa aking sinabi at napatakip ito ng bibig gamit ang kanyang dalawang kamay. " O-M-G??". Pag eemphasize nyang sinabi sa gulat.

Oo alam ko na ang lahat, alam ko na si Zachary ang tunay na nagmamay ari sa akin. Ngunit may di ako maisalawaran sa sitwasyon at sa nararamdaman ko ngayon. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Zachary pero may isang ugat na nagkokonekta sa amin ni Steve. Naguguluhan ako, gusto ko nang magbigti! Dejk!.

Nagulat kami sa agarang pagbukas ng pinto ng kwarto, biglang pumasok si Zachary na galit na galit at gustong manakit. Haha Joke ulit! Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Natulala lang ako, bigla akong nakaramdam ng pagkamiss. Napapikit ako at sinariwa ang nakaraan namin, buong buo sa aking isip na pumapasok ang lahat ng mga alaala.

" O-ok ka lang ba?". Tanong ni Zachary sa akin.

Noong binitawan nya ako ay sobra ang pagtitig ko sa kanya, namiss ko sya ng sobra. Bumaling ako sa walang malay na si Steve at muling bumalik kay Zachary. Nagsalita na rin ako.

" O-oo ku-kuya..". Sagot ko at kinuya ko pa sya.

Shit! Bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam! Bakit hindi ko masabi kay Zachary ang salitang " Mahal " ?.

" T-tita Charisse!!". Si Zachary.

Naculture shock naman si mommy sa sitwasyon nang makita nya sa kanyang harapan si Zachary, di rin sya makapagsalita agad.

" O-oh my?". Sambit ni mommy.

Bahagyang napayuko si Zachary. Tumingin naman sa akin si mommy at bumalik ulit kay Zachary.

Itutuloy...