" Nakakatuwa haha! Sa kabila nang lahat ay makikita ko parin pala ito..". Ani ni Steve habang nakatitig sa orasan.
Bigla ko naman hinablot sa kanyang kamay ang orasan na kanyang hawak. " Akin na yan!" Nakangiti kong sabi. " Dapat ang isang bagay na ibinigay na ay hindi na dapat pwedeng bawiin!". Dugtong ko pa.
" H-ha? Hindi ko naman yan binabawi sa iyo ah?". Nalitong na sagot ni Steve.
" Kaya nga! Kaya itatago ko na ito ngayon..". Sagot ko din, isinukbit ko sa bulsa ng pantalon ko ang relo. " Daldalhin ko ito pauwi!". Karagdagang tugon ko sabay tingin sa kanya at kinindatan pa sya.
Natulala na lang sa akin ang baliw.
-----
4:00 pm :
Nagpaalam na kami kay mommy dahil babalik na kami sa boarding house. Di na namin nahintay si daddy na makauwi dahil hindi naman daw pala sya pumasok sa trabaho haha! May business trip pala sila sa Davao.
" Baby boy!!!!". Sigaw ni mommy nang nasa tarangkahan na kami ni Steve ng aming bahay.
May iniabot syang sobre sa akin. Agad ko itong kinuha at binuklat, pera pala. Nakalimutan ko palang kunin ang allowance ko.
Nagpaalam na ulit kami kay mommy at niyakap nya ulit kaming dalawa ni Steve.
Tuluyan na namin nilisan ang bahay.
Sa bus stop :
" Hindi ka ba naghinayang na hindi tanungin ang mommy mo tungkol sayo?". Paunang tanong ni Steve.
" H-hindi naman? Sa una palang nong nakita ka nya, napansin ko ang pagkabalisa nya. Halata ko sa kanya ang ibayong kaba kanina. Gusto ko pa nga sana tumawa eh!.. Pero bigla lang ako naawa, dismayado din but both sides? Sa panig ko at kay mommy! Alam kong hindi pa rin sya handa. Then I respect her!". Maikling paliwanag ko.
Natahimik si Steve ng ilang minuto. " M-may pinag usapan kami kanina..". Si Steve.
" Oh? Ano naman?". Gulat kong tanong.
" Casual lang naman.. ipinagbilin ka nya sa akin na alagaan daw kita. Pabor na pabor sa akin si mommy babe!". Sarkastikong biro ni Steve.
Bigla syang umakbay sa akin, mabilis. Tinitigan nya ako at nginitian nang nakakaloko.
" Mommy? Ulol!!". Bulyaw ko.
Tinawanan lang nya ako.
Sakto naman ang pagdating ng bus, agad kaming sumakay at sa bandang dulo ulit kami pumwesto.
Tahimik lang kaming dalawa habang mabilis na umuusad ang bus. Muli kong hinugot ang orasan sa aking bulsa, tinitigan at inusisa ko ito. Doon ko rin napagtantong dalawang lalaki nga ang nakaukit sa takip nito, dalawang hari. Nahahati ang dalawang mukha sa magkaibang elemento, apoy at tubig. Ang creepy! Maging sa likod nito ay ganoon din pero wala nang mukha. Pagkatapos ko naman ito usisain, bumaling ako nang tingin kay Steve, nakasandal ang kanyang ulo sa fibered glass na bintana ng bus at nakatuon ang paningin sa tanawin sa labas. Napangiti ako sa pagitan nya at ng orasan, ang sarap lang isipin na sa itinagal tagal na nakasabit ito sa aking kwarto ay napakahalaga pala nito. Mas mahalaga pa ngayon. Muli kong isinilid sa aking bulsa ang relo, isinandal ko ang aking ulo sa aking inuupuan at lumingon sa bintana. Tanaw namin ngayon ang mga bulundukin sa malayo.
Tahimik.
-----
" Aaaayy!". Nakakagulat na sigaw ng isang babae sa harapan.
Akala ko kung ano na, nagulat din kami ni Steve. Bigla kasi lumundag ng mataas sa pagkakaandar ang bus. May mga sumita sa bus driver, hindi manlang daw nagmenor nang malapit na sa humps na dinaanan namin kaya halos lumipad na ito sa pagkakaangat. Ang dami din nagulat, akala nyo kami lang?.
Nagkatinginan lang kami ni Steve, natawa pa ako habang ang mukha naman nya ay seryoso.
Pero hindi pa pala natapos sa paglundag ng bus, nakailan din ito kaya marami nang nagalit at sinisigawan na ang driver. Hindi naman din makasagot ang bus driver.
" Ang lakas ng trip ng driver haha!". Patawa kong sabi.
" Babe kinakabahan ako..". Seryong sagot nya.
" H-ha? Bakit naman? Natatakot ka bang lumipad?". Biro ko pa sabay tawa.
Hindi na sya sumagot, tumayo syang bigla at itinuon ang mata sa nagmamaneho ng bus.
Maya maya :
" WALA TAYONG PRENOOOOO!!". Sigaw nang nagpapanic na na driver.
Matinding kaba agad ang namutawi sa aking dibdib, napatingin ako kay Steve, sa paligid. Narinig ko agad ang pagpapanic. Over speeded ang bus at tuluyan pa rin bumibilis dahil sa hindi na mapigil na mapahinto ito. Wala rin halos dumadaan na sasakyan kaya walang mabunggo ang bus.
" STEEEEVE!!". Sigaw ko kay Steve, obvious naman na pangalan nya.
Nang mapatayo ako ay agad akong niyakap ni Steve at bumalik sa pagkakaupo.
" Cha-chandeer!". Nanginginig na sagot ni Steve.
Itutuloy...