Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 28 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 28 )

Chapter 28 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 28 )

" T-tita...". Maikling sagot ko.

" R-relax baby boy ahehe.. I've a something quite question.. but? Hehe don't worry! I didn't force from your side to give me the point ok?" Ang malumanay na sabi ni tita.

Tumango ako pero bago iyon ay hinayaan nya muna akong gawin ang gusto ko sa cr. Kanina pa kasi puputok ang pantog ko sa dami ng nainom kong lemonade.

Pagkalabas ko ng cr ay wala na doon si tita Charisse, may ibinigay naman sa akin na note ang cook nila at agad ko naman kinuha at binasa.

-----

Sa terrace sa loob ng office ng dad ni Chander :

" P-pasensya po tita kung...". Hindi ko pa natapos ang aking sasabihin ay sya namang pagsasalita ni tita Charisse.

" Pa-paano mo sya natunton?". Seryosong tanong ni tita.

Pansamantala akong natahimik. " A-ah po? W-well ang totoo po sa isang kaibigan. Since the day, wala na po akong sinayang na oras at panahon. Natagpuan ko sya sa isang boarding house na malapit lang sa eskwelahang pinapasukan nya, at ngayon ay pinapasukan ko na rin. Sobrang excited and pitty much chilling ako that time, sabik na sabik na akong makita ang kanyang mga ngiti. Nang makita nya ako, hindi na nya ako kilala but I'd decided to make a move at sobrang kinapalan ko na talaga ang aking mukha kahit na mapahiya ako sa marami. I'll be on a positive issue, and his every reaction was confusing. He tried to reject me but then overall.. nang sinabi ko na sa kanya ang nakaraan namin ay hindi nya lubos maisip ang mga iyon. Marami nang tanong sa kanyang isip in the past few days, and the day passes through on his anger conciousness. Pero he's stable to be in a good part..tinanggap nya ako..". Paliwanag ko.

" A-ah? Ok.. Hmm? So ano anong mga natatandaan na nya lately?". Tanong ulit ni tita.

Napatunganga naman ako at hindi nakasagot agad. " A-ah w-wala pa po eh! P-pero noong may sinabi na ako na may nakaraan kami..wala pa rin..". Malungkot kong sagot.

" Then his reaction? A-anong sinabi sya for that mean?". Mabilisan nyang tanong ulit.

" A-ah.. wala po! Wala pa syang kasiguraduhan, walang nagsisink sa utak nya bukod sa paminsan minsan nyang napapanaginipan pero binabalewala nya lang.. a-at ayaw ko rin na malaman iyon dahil alam nyo na po tita kung sino ang lumalabas sa panaginip ni Chander.. at hindi ako iyon!". Sagot ko, napataas ang boses ko at medyo naguguluhan na rin ang aking utak.

Di agad nakasagot si tita. " He's Zachary?". Ang gulat na nasabi ni tita.

Natutula ako ng ilang segundo. Feeling ko ay aabot na din sa turning point ang pagsisiyat ng mga namagitan sa kanila ni kuya sa kanilang pamilya.

Tahimik lang din kaming nagkatinginan ni tita Charisse.

" Now the turning point hijo!". Si tita.

Bigla akong kinabahan pero inilihis ko ang aking sagot. " N-now? Kaya sya nagdecide na umuwi dito ay iyon talaga ang pakay nya sayo tita. A-at kinakabahan ako sa pwedeng maisiwalat na rebelasyong mangyayari. Sa isip ko, ayaw ko na nang dinaranas nya pero sa puso ko naman.. napakasakit dahil kung sakaling manumbalik at malaman na nya ang lahat na nangyari sa kanya ay mabalewala na nya ako..". Saad ko.

" P-pero hindi pa kasi ako handa.. paano na ito? Maygad!". Naguluhang sabi nya.

" A-ah? Uhmm..". Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung sasabihin ko o hindi pero patuloy akong naging matapang at desidido kaya itinuloy ko na rin ang aking sasabihin. " Tita!". Sandali akong natahimik. " K-kung magtatanong man po sana si Chander sa 'yo.. and it's time to reveal your secrets, my secrets? Please wag nyo pong isisiwalat na wala kaming naging relasyon ni Chander.. m-mahal na mahal ko po sya..". Paiyak kong sabi pero wala pang luhang lumalabas sa aking mata.

Bahagyang may tumulong luha sa mga mata ni tita Charisse pero agad nya rin itong pinahid.

" S-si Zachary?". Tanong ni tita.

Yumuko ako. " N-nagkita na po sila.. m-may takot man sa aking panig, p-patuloy pa rin akong lalaban at ipapaglalaban ang nasimulan ko na..". Sagot ko at doon na tuluyan na pumatak ang aking luha.

" Na-naiintindihan kita hijo.. pero alam mo? This is the part na pwede ka nyang kamuhian sa iyong pagpapanggap. Pananaw ang bumabase ngayon sa sitwasyon ni Chander. Then, pag umabot sa point na lubusan nang manumbalik ang nawalang alaala nya.. ang lahat ng pinaghirapan mo ay pwedeng mawala.. dapat pinag iisipan mo muna ang bagay na hindi kukumplikado sa sitwasyon sa darating na panahon. Kilala ko ang anak ko, ipaglalaban nya ang kanya. At naaawa ako sayo baby boy.. pero hindi kita hahadlangan sa ano mang nais mo, nakita ko na ang sincerity mo kay Chander before. Napakasakit lang but, go for it!". Si tita na maluha luha sa kanyang sinabi.

Ilan segundo akong natahimik. " Ha-handa po ako.. p-pero atleast napadama ko na sa kanya ang matagal ko nang inaasam na pagmamahal simula noon palang... Na kahit si kuya ang pinili nya ay hindi ako nagkimkim ng sama ng loob sa kanya kundi mas lalo pang nanaig sa akin na mahalin sya..". Sambit ko naman habang pinapahid ang aking luha.

Nagpunas na din ng luha si tita gamit ang tissue paper na inihanda nya na pala simula palang. Alam nyang may iyakan moments kami.

" Steve? S-salamat sa pagpapakumbaba mo.. pero? Syempre m-maghihintay tayo ng time. We observe his better improvement. L-let us support nalang kung ano man ang magiging result. Malay mo, hindi mangyayaring kamuhian ka nya in the end of the day..". Ani ni tita.

Hindi na ako sumagot, tumango lang ako. Alam na ni tita ang nais kong iparating sa kanya.

Doon na natapos ang lihim na pag uusap namin ni tita. Niyakap nya ako at ganoon din ako sa kanya.

May nabuong konting pag asa sa aking puso at naging panatag ang aking kalooban dahil nasabi ko na ang dapat kong sabihin. May mahirap man sa sitwasyon pero kaya kong panindigan ang mga mangyayari sa hinaharap. Alam ni tita na sobra ang pagmamahal ko kay Chander, kaya iyong sinabi kong wag nyang sabihin kay Chander ang lihim ko ay pumayag sya.

-----

Lumabas na ako ng bahay, hinanap ko si Chander kung saang lupalop man sya pumunta.

Itutuloy...