-----
Mabilis lang ang byahe ng sandaling iyon, mga isa't kalahating oras lang ay natunton na namin ang bayan sa taal batangas.
Huminto ang aming sinasakyang bus sa bus stop malamang diba? Pagbaba ay langhap na agad namin ang sariwang hangin na nanggagaling sa tambutso ng mga sasakyan. Haha joke lang! Syempre sariwang hangin talaga ang nalalanghap namin, mapuno kasi doon at magkakalayo ang mga bahay dahil sa lawak ng lupain ng mga naninirahan doon. Bukod pa dito na may pagkahistorical din ang lugar dahil sa mga lumang bahay pero hindi ganoong kapangit. Matibay kasi ang kahoy na ginagamit noong araw kaya matagal din ang itinatagal nito kumpara sa ibang kahoy na kapag inanay ay mabilis mabuwag.
Nilakad lang namin ang subdivision kung saan nandoon ang aming tirahan. Since malapit lang ito ay isang tumbling lang namin ay nandoon na kami. Haha joke lang ulit! Sumakay kami sa habal habal patungo sa aming bahay, ang pinakatradisyon sa amin lalo na't di masyadong pasukin ng mga sasakyan ang lugar namin dahil sa kitid ng mga daanan dito. Ang tanging nakakapasok lang ay mga motoksiklo, bisekleta at kapag swerteng maluwag ang daan ay nakakapasok ang mga tricycle at depadyak na may sidecar, maging ang kotse.
Nasa gate na kami ng aming bahay :
Namiss ko ang lugar sa totoo lang, naroon pa rin si manong guard na nagbabantay sa malaking bahay na kapitbahay lang namin. Akala nyo sa amin? Haha! Malawak din ang aming bakuran at may mga puno din. Ang bahay namin ay di naman masyadong kalakihan. Mayroon lamang itong tatlong palapag, limang kwarto na may tig iisang cr kasama na ang dalawang guest rooms, entertainment area, living room, auditorium? Joke lang wala pala. So iyon! Sa loob na ako ulit magkukwento. Nakaramdam din ako ng excitement sa paninibagong aking nakita. Wala naman pagbabago, ako lang talaga ang nanibago dahil sa tagal din na hindi ako nakauwi. Nakasalubong pa namin si mama mia na kasulukuyang nagdidilig ng mga orchids ni mommy, masayang binati kami nito. Di daw sya makapaniwalang sobrang GWAPO ko na. Syempre kinilig ako, itinanong ko na rin sa kanya kung nasaan si mommy at ang sabi nya ay nasa kusina.
Nakalapit na kami sa pinto, tiningnan ko muna si Steve na nasa kanan ko. Medyo seryoso, alam kong sobrang kaba ang namumutawi sa kanyang pakiramdam.
" Ok lang yan tol..". Ani ko sa kanya.
Buntong hininga lang nya ang aking narinig.
Agad kong binuksan ang pinto, pagpasok naman namin ay tahimik. Wala si dad, marahil ay nasa trabaho sa kasagsagan ng linggo. Kadalasan lagi kong nakikita sya sa sala at nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng mainit na kape. Agad kong pinaupo si Steve, minuwestrahan ko lang muna syang magpahinga habang ako naman ay pupuntahan sa kusina si mommy.
Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko agad si mommy.
" Ma!". Sigaw ko sa kanya.
" Omaygad! Chander anaaak!!". Gulat na sigaw ni mommy.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit at ganoon din ako, sobrang namiss ko si mommy ng sobra. Walang araw na hindi ko sya namimiss, kahit pa hindi ko ito sabihin sa kwento maniwala kayo!.
" Enebe? Bakit hindi ka manlang tumawag na uuwi ka?". Pinisil nya ang aking pisngi. " Sorry ang dumi dumi ni mommy..". Pabirong sabi ni mommy. Si mommy? Kung makikita nyo ay halos hindi nyo mapapansing may anak, mukhang dalagang tignan. Alagang alaga kasi sya sa kanyang balat at katawan kahit nasa edad na syang 40. Medyo palabiro din sya kaya di na ako nagtataka kung saan ko namana ang ganitong attitude.
" Ok lang po.. Ano ba yan??". Tanong ko sa kanyang ginagawa.
" Nag aaral na akong magluto my son.. sa tulong nya!!". Turo nya sa babaeng nasa harapan ko lang. Di ko sya kilala kaya di ko sasabihin ang pangalan. Parang bago? " Sya si ate Martha, ang cook natin at ang bait nyan.. magaling syang magluto! Kaya nagpaturo na rin ako.. kapag natuto na 'ko ay pwede ko na syang sisantehin.. Charot lang ano ba kayo..". Patawang sabi ni mommy at sinamahan pa ng medyo malakas na tawa.
Tawang tawa nalang kami ni ate Martha sa kanyang tinuran.
" Ma! May sorpresa ako sayo!!". Sambit ko.
" Oww nasaan?". Sagot nya.
" Sa living area..". Saad ko at agad hinatak ang kamay ni mommy para dalhin sa sala.
-----
Laking gulat nalang nya nang makita nya si Steve, napatakip ang kamay nya sa kanyang bibig at nanlaki ang mga mata. Di ko alam kung anong reaksyon ang meron sa emosyon ni Steve nang biglang tumayo ito at natulala. Nakita ko rin sa kanya ang pangingilid. Mabilis din akong nilingon ni mommy, napatingin ako sa kanya. Alam kong may pagtataka rin sya sa akin. Sinadya ko talagang biglain si mommy para magkaroon ng unang hakbang, hindi ko man kayang itanong atlis nang nakita sya si Steve ay may isa na akong dahilan para magsalita si mommy. Pero hindi iyon ang inaasahan ko mula sa kanya. Agad na nilapitan ni mommy si Steve, nakatakip pa rin ang kanyang bibig ng kamay nya habang lumalapit kay Steve. Doon lang nya binitawan nang magkalapit na sila. Inobserbahan ni mommy si Steve sa buong nitong pagkatao.
" S-steve? I-is that y-you?". Utal na tanong ni mommy.
Di agad nakapagsalita si Steve, halos lutang pa rin sya nang time na iyon. Nagshabu kasi kami bago umalis ng boarding house. Haha dejk!. Bigla itong napayuko at umiling nalang dahil sa hindi nya alam ang unang sasabihin nya.
Muli akong nilingon ni mommy, seryoso ang mukha nya ng tinignan ako. Nakatitig lang din ako sa kanya.
Itutuloy...