Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 25 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 25 )

Chapter 25 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 25 )

Pagkatapos ko maligo ay dali dali akong sumampa sa kama ni Steve, naabutan ko pang nakatulala lang ang baliw sa kawalan. Tanging boxers na itim lang ang suot ko at walang saplot na pang itaas nang lumabas ako ng banyo. Walang pasintabi akong sumalampak sa kanyang kama. Humiga ako ng patagilid na nakapaharap sa kanya. Lantad na lantad ang napakasarap kong katawan sa harap nya. Tahimik na lumingon sya sa akin, tinitigan ko naman sya.

" Ano ba kasing problema tol?". Mahinang boses ang aking pinakawalan nang tanongin ko sya.

Di muna sya umimik at muli sya bumaling ng tingin sa kisame ng kwarto. " Uhmmmm..". Huminga ng malalim. " Eh? Pwedeng hindi ko sabihin?". Sinseryong sagot nya.

" I-ikaw bahala? E-eh kung tungkol sa kumpanya lang naman ang pinoproblema mo wala akong pakialam dyan.. Pero??". Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko. " Ano bang gusto mo?". Sarkastikong tanong ko.

Nagtaka naman sya sa aking itinanong. " B-bakit? Trip mo ako?". Sarkastikong tanong din nya.

Natawa akong bigla. " Haha! E-eh wala? Di lang kasi ako komportableng ganyan ka. Nakakapanibago lang tol! Ang sarap mong asarin kaya! G-gusto kong tulungan ka pero ikaw itong nagkakait.. kaya ano bang gusto mo?". Saad ko.

" B-bakit kaya mo bang ibigay?". Mabilisang tanong nya.

Ngumisi ulit ako, alam ko ang gusto nyang sabihin. " G-game? Haha! Matagal na rin akong walang warm up! Ang huli ko yata ay yung ex girlfriend kong pagkatapos akong pagsawaan, iniwan lang din ako!". Pabiro kong sabi sabay pakawala ng malakas na tawa.

" Ano bang gusto mong palabasin?". Si Steve na medyo napabulyaw na.

" Hahaha! Palabasin?". Doon pa ako napatawa ng malakas sa tono ng pananalita nya. Kinindatan ko sya.

" Babe? Di naman yan ang gusto kong marinig sayo.. at isa pa? Hindi pinipilit ang pakikipagtalik! Hindi masaya kapag isa lang din ang nasisiyahan! Berirong!!". Sagot nya at umiling lang.

" Eh? Ano pala?".

Tumahimik kami ng ilang segundo.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita. " Gu-gusto ko sanang hindi nalang sumama sayo sa pag uwi mo sa inyo..". Ani nya.

" Ha? Bakit naman??".

" Ma-may gagawin pala akong importante!". Pag aalibi nya.

Napatitig ako sa kanya ng seryoso, nagsisinungaling sya. Parang may tinatago sya na kung ano at parang iniiwasan nya ang pamilya ko. Pero ano kaya? Gusto ko sanang tanongin pero baka mapersonal ko sya at biglang mag walk out. Parang badtrip eh!.

" Ga-ganon ba? E-edi wala na pala? Paano ako maniniwala sa mga sasabihin nila sa akin. Alam kong kilala ka nila! Kaya isasama kita. Wag mo na akong pahirapan tol!". Saad ko.

Hindi na sya sumagot.

Natahimik na rin ako at bumaba sa kanyang kama, tinungo ang study table at doon ay nagbasa nalang ako ng komiks.

-----

Kinabukasan :

Maaga kaming dalawa nagising ni Steve. Ang ibayong excitement at saya na nararamdaman ko ay sya naman ang pagkatahimik ni Steve. Hindi ko nalang sya kinulit, alam kong kinakabahan sya sa mga mangyayari at syempre ako rin naman. Napaisip pa ako kung paano ang magiging dating ko kila mommy kapag kinausap ko na ito o patuloy pa rin nilang ipagkakait sa akin ang mga dapat at kailangan kong malaman sa nakaraan. Napatingin nalang ako kay Steve sa ganoong sitwasyon na nakaupo lang sa kanyang kama habang nagsusuot ng sapatos. Tumingin din sya sa akin at ngumiti.

Tuluyan na rin namin nilisan ang boarding house.

Nang nasa bus station na kami ay pansin ko ang hindi magkumayaw na pagliligalig ni Steve. Nasa loob na rin kami ng aircondition na bus papuntang batangas. Tila ba napepressure sya at parang may gustong sabihin sa akin na bigla ko naman ikagugulat.

" A-ah Ba-babe?". Pauna nya.

" Bakit tol?". Sagot ko habang kumakain ng burger na tinake out namin sa isang sikat na fastfood chain.

" M-may s-sasabihin ako..". Kabadong sabi nya.

Hindi na ako nagexpect sa mangyayari dahil tama talaga ang hula ko na may gusto syang sabihin sa akin. Hindi na ako nagulat pero ano kaya yun?.

" O-ok makikinig ako..". Ang tanging nasagot ko.

" Pa-paano kung sabihin ng mga magulang mo sa iyo ang buong katotohanan anong magiging reaksyon mo?". Tanong nya.

Ibinababa ko ang aking kinakain at sandaling natahimik. " Eh? H-hindi ko alam tol.. ang totoo hindi ko alam ang una kong itatanong sa kanya, sa kanila.. Natatakot ako tol.. ayoko rin pwersahin silang magsabi ng totoo sa akin. Paano nga ba?". Sagot ko, medyo napatulala ako sa aking nasabi.

Ngumiti lang sya, itinaas nya ang kanyang kaliwang kamay at hinawi ang aking buhok.

" B-bakit?".

" Haha..". Mahinang tawa nya. " W-wala.. di ka nagsuklay?". Biro pa nya sabay ngiti.

" H-ha? Oo nga pala nakalimutan ko!". Sagot ko at napangiti na rin.

" Nakikita ko sa mga mata mo ang takot.. o-ok lang naman kung hindi ka pa handa na malaman ang lahat. P-pero ayoko kasing sa ibang tao mo pa malaman. Baka maging isang malaking katanungan ang maidudulot nyan sa 'yong isip. Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito? D-dahil sayo.. natatakot akong biglang mag iba ang mga pananaw mo sa akin kapag naisiwalat na sayo ang lahat!". Sandali syang natahimik. " P-pero sino nga ba ako diba? Wala naman talaga akong karapatan simula palang..". Maikling paliwanag ni Steve.

Natulala ako sa kanyang mga sinabi, nagtataka at biglang may pagtatanong sa aking sarili kung ano ang kahulugan ng kanyang sinabi. Titig na titig lang ako sa kanya sa sitwasyong iyon. Napansin ko din na may tumulong luha sa kanyang mata pero agad nya rin itong pinahid, gusto ko sanang sabayan syang umiyak dahil naiwan ko ang wallet ko sa boarding house. Joke lang!.

Itutuloy...