Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 16 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 16 )

Chapter 16 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 16 )

"Kanina pa ba kayo?". Tanong ni Kuya Zachary.

" Ngayon lang po kuya..". Pahumble kong sagot.

Palihim akong siniko ni Renz sa aking tagiliran at saka ako binulungan. " Gago tol.. Mukhang mas gwapo itong kuya ng babe mo ha? Ahihihi..". Bulong nyang may kasamang mahihinang tawa.

Siniko ko rin sya sa kanyang tagiliran, medyo napalakas ito kaya napaismid sya at hindi nagpahalatang nasaktan. " Ikaw? kung may hiya ka pang natitira mabuti pang itikom mo yang bibig mo ha! Pasasabugin ko yan!!". Pagalit ko ring bulong sa kanya.

" O-ok lang kayo?". Pagsabat ni Kuya Zachary.

Napansin siguro kaming nagbubulungan o di kaya kanina nya pa kami inoobserbahan ng palihim. Napansin ko rin kasi na simula pagpasok nya ay walang minutong lagi syang panay lingon banda sa amin. Napangisi nalang ako kanyang tinanong.

" Kuya!". Nagsalita si Steve.

" Ano iyon utol?". Sambit ni Zachary at nilingon si Steve.

" Hindi ba't may training ka sa kumpanya ni daddy? Hindi ka ba aattend?". Tanong ni Steve.

" A-ah oo! Bakit tol? Pinapaalis mo na ba ako agad?". Sagot ni Zachary.

" H-hindi naman sa ganon.. syempre hindi ba dapat ay maaga kang matuto sa pagpapalago ng kumpanya ni dad?". Si Steve.

" Ok? So kailan ka pa naging concern sa akin? I mean.. Wow? Concern ka na ngayon ha? Sa kumpanya?". Sagot ni Zachary, medyo pabalang na ito.

" Kuya.. pwede bang wag ngayon? May ibang tao..". Saad ni Steve.

" Ok my brother.. I'm on..". Si Zachary at lumingon pa sa akin.

Iyon ang kanilang usapan, hindi na ako muling nakinig pa sa kanilang argumento. Baka magmukha lang akong tsismoso kapag itinuon ko pa ang aking mata sa kanila. Pero dahil nga naintriga ako ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at kunwaring maglalaro ng games, talagang nag open ako ng app para maglaro pero palihim din akong patingin tingin sa kanila na panay naman din ang tingin nila sa akin. Pero bigo akong makarinig ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraan, puro tungkol sa kumpanya ang kanilang pinag usapan. Naalala ko lang, ang haba na pala ng episode na ito pero ngayon ko lang namention na may cellphone nga pala ako haha!

Pagkatapos ng mahabang pag uusap ng dalawa ay nagpaalaman na sa amin si Kuya Zachary. Bago lumabas ay huminto muna sya banda sa pwesto namin, nakangiti. Kumindat pa, hindi ko naman alam ang reaksyon na isusukli ko sa kanya kung ngingitian ko rin sya. Naawkward kasi ako lalo na yung biglaang pagkindat nya, di rin sya nahiyang gawin iyon na may kasama ako. Pagkalabas ni kuya Zachary ay tumayo din si Renz at nagpaalam na magbabanyo. Ang gago naman ay ginaya ang ginawa ni kuya Zachary, tumayo sa harapan ko at saka ngumiti at kumindat. Tangina! Natawa ako, bigla akong tumayo at sinipa sya. Tawang tawa naman syang lumabas at tinungo ang banyo.

Tahimik.

" P-pwede ka bang tumabi sa akin?". Pagbasag ni Steve sa aming katahimikan nong dalawa nalang kaming natira sa kwarto.

Agad din akong tumayo at hindi na nagdalawang isip na lapitan sya at tabihan. Sobra rin naman na namiss ko sya, di lang ako nagpahalata dahil nandyan si Renz at ang kuya nya. Sa sitwasyong katabi ko na sya, wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. Nagpapakiramdaman kung sino ang gagawa ng first move na magsalita, wala naman din akong masabi dahil napipiga na ang utak ko sa pagsusulat. Wala akong nagawa kundi ako nalang, at ang nasabi ko nalang:

" Kumain kana ba?". Tanong ko sa kanya.

Natawa sya at umiling. " Hahaha! Hindi ko alam kung sarkastiko, biro o sadyang nang aasar ka babe.. Paano naman ako makakakain kung nakabalot ng benda itong kamay ko..". Sambit nya sabay pakawala ng nakakaasar na tawa at sa bandang huli ay ngingisi.

" Malay ko ba? Baka lang pinakain ka na ng nurse mo?". Sarkastikong tanong ko. Medyo pabulyaw ito.

" Ano ka ba? Wag ka na magtampo?". Sagot nya at ngisi na naman.

" So hindi pa nga?". Tanong ko ulit, naiinis na naman ako. Ayan na naman yung mga bitaw na ngisi nya. " Anong bang gusto mong kainin?". Dugtong ko.

" Ikaw..". Mabilisang sagot nya.

Nagulat ako, ilang segundong natahimik. Biglang napahagalpak na ako ng tawa. " Hahaha!! Tangina mo tol!". Dahil sa ganoong eksena ko ay di ko na naisip na nakabenda nga pala ang kanyang braso. Napatapik ako ng malakas sa kanyang balikat.

" Aaaaaaaarrrgghhh!". Ang malakas na sigaw ni Steve.

" Aaahh!! Shit! S-soorry tol!!!". Napasigaw din ako sa pagkataranta.

Hinawakan ko ang napinsala nyang braso at saka hinimas himas ito para humupa ang sakit. Yan lang alam kong paraan, narinig ko lang din. Pero effective nga! Kumalma si Steve sa sakit, tanging mahihinang daing nalang ang naririnig ko sa kanyang bibig.

" O-ok ka na tol? Ikaw kasi eh.. Patawa ka..". Sambit ko.

" Awwoooh! Ang galing mo babe!". Saad nya at bigla na namang ngumiti. " Pero hindi naman ako nagpatawa.. sadyang madumi lang ang utak mo..". Dugtong nya.

" So-sorry tol..". Sambit ko.

" Ok lang.. Di naman masakit..". Sagot nya.

Napangiti nalang akong nakatingin sa kanya, ilan segundo din iyon. Pagkatapos ay tumayo na ako at saka tinungo kung saan ipinatong ng kuya ni Steve ang prutas na dala nito. Kinuha ko ang ubas at inilagay ito sa nakahandang plato na nakataob lang sa mini table at saka bumalik sa tabi ng kanyang higaan.

" H-hindi kaya ako malasing dyan?". Sarkastikong biro ni Steve.

" Kainin mo na!". Sambit ko habang hawak ang isang pitas na ubas sa tapat ng kanyang bibig.

Muli syang ngumiti nang abot hanggang tenga, tinitigan nya ako. Hindi na ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa asta nya. Naiinis ako! Hindi dahil sa ngiti nya, kundi dahil sa unti unti akong nahuhulog lalo na kapag pinakakawalan nya ang nakakalokong mga ngiti nya. Sunod sunod lang ang pagsubo ko sa kanya ng ubas hanggang sa magsawa na sya.

Wakas.. Dejk! Haha!!

Itutuloy...