" Bakit tol may maiiaambag ka na ba?". Sarkastikong sagot ko.
" Grabe ka naman tol! Syempre meron naman magtanong ka lang..". Sagot nya sabay umupo sa upuan sa gilid.
Di ko na sya sinagot. Ibinaling ko ang aking paningin sa kinaroroonan nila Kayla at tinawag ang mga ito.
Pssst!! Kayo dyan!!". Tawag ko kila Kyla at sa tatlo pa nyang kasama na nagseselfie lang.
Agad din naman lumapit ang mga ito sa akin.
" Is there anything wrong babe?". Ani ni Kyla nang nakalapit na, at babe pa talaga ang tawag sa akin ng haliparot.
" Wa-wala!! Mukha yatang nakakaistorbo ako sa inyo.. sige na magselfie na lang kayo!". Ang nasabi ko nalang. Sa totoo lang ang sasarap pagmumurahin ng mga putangina. At ang mas nakakainis pa, sinunod nila ang sinabi kong magselfie nalang. Watdapak?.
" Ok! Go girls!!". Ang narinig ko pa kay Kyla.
Bumaling nalang ako kay Paco a.k.a Paquito. Baka sya na! Mukha naman may alam at GENIUS itong tao na 'to. Naka eyeglasses kasi sya at busal ang bunganga tapos makapal ang kilay. Dejk! Pero totoong naka eyeglasses sya. Nagtanong na ako.
" Paquito! Alam mo ba ito? f(x) = 365 √ 35000.00?". Ipinakita ko pa sa kanya ang problem at saka nya ito tinitigan.
Limang minutong tahimik :
Napakamot ulo nalang ako sa sitwasyon. Sino ba naman di mapapaganon? Halos 5 minutes na syang nakakatitig lang sa problem ni wala pa syang naisuggest na solusyon. Anak ng?.
Bigla naman tumayo at lumapit si Renz sa amin hawak pa ang cellphone nya, naglalaro lang. " Ano ba yan tol?". Tinignan din nya. " Naku! naku!? Malaking problema nga yan tol!". Dugtong pa nya.
Tinitigan ko silang dalawa. Sa isip ko, parang tinotorture ako ng mga ito ha! Puro mga pasarap! Porket ba sobrang talino ko sa math ganoon nalang nila ako kung abusuhin? The heck!.
" Grrr!!! Magsialis na nga kayo!!". Mabilisang sigaw ko.
Napatingin din ang apat haliparot na nagseselfie lang sa tabi ng puno.
" O-omaygash?". Ang narinig ko kay Kyla sa di kalayuan.
Lumapit sya. " Babe?". Sambit nya at agad na hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang balikat ko at hinimas himas ito. " Relax ka lang.. mamaya na kasi yan! Masyado ka nang matalino about dyan.. why don't you join us? Selfie? Make a cumshots? Ugh!". Ang nakakabwisit na sabi nya.
Tumayo ako at saka humarap sa kanya, hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at inilapit ko ang aking mukha sa kanya saka nagsalita. " Kyla? Alam ko maganda ka.. kaso? Hanggang doon ka nalang.. Peace yow!". Iyon na lang ang aking nasabi at tuluyan na akong nag walk out. Dumeretso ako ng canteen at doon ay naisipan kong kumain.
Tulala naman silang lahat.
-----
Class dismiss..
-----
Umuwi akong pata ang mukha dahil sa pagkadismaya. Sayang, isang puntos lang lamang ng kalaban. Kundi lang sa limang pulpol na kasamahan ko na wala manlang naiambag kahit isa. Kung tutuusin kaya kong ako lang, pero syempre mabait ako kaya babahagian ko din sila sa nakuha kong grado na mas mataas pa sa grado ng salamin ni Paco.
Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko si Steve na nakatayo at walang saplot sa katawan. Lantad na naman ang malaadonis na hinog nyang katawan sa aking harap at ang harapan nya na may makapal na bulbol. Sinusubukan nyang magsuot ng damit kahit nahihirapan sya. Napansin na nya ako pero ituloy nya pa rin ang pagpapahirap nya sa kanyang sarili. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin sya sa paggalaw ng kanyang braso at pagtaas ng paa dahil sa nakasementong binti nito.
" Ok ka lang tol?". Tanong ko na kunwari di ko alam na hindi sya ok.
" Argh! O-ok lang babe.. wag moko alalahanin..". Sagot nya. Ngumiti pa rin sya sa akin.
Actually simula nang inilabas sya ng ospital ay sariling sikap nya ang magsuot ng damit. Ayaw nya rin kasi, at mas lalong ayaw ko rin. Baka makawahak lang ako ng nakakadiring bagay haha!.
" Kumain ka na ba?". Tanong ko.
" E-eh hindi pa babe.. Ikaw?". Sagot nya, natapos na rin sya sa pagpapahirap sa kanyang sarili.
" Oh eto!". Iniabot ko ang isang supot na naglalaman ng napakasarap na pagkain. Hamburger.
" Wow babe.. sa-salamat". Sambit nya sabay pakawala ng mga ngiting walang mapadsidlan.
Medyo nawala ang pagkadismaya ko no'ng time na iyon nang makitang muli ang mga ngiting pinakawalan si Steve. Stress relief kumbaga. Kahit sa napakababaw kong problema, kapag nakikita ko ang mga pinakakawalan nyang ngiti ay agad itong nawawala.
Bahagya na rin akong napangiti. " Para sa simpleng pagkain lang kung makangiti ka akala mo isang proposal na ng kasal ang ibinigay sayo!". Biro ko.
Sandali syang natahimik, tumitig sa akin. " Para sa'yo simple lang ito babe.. pero para naman sa akin isang itong espesyal! May cheese ba 'to?". Saad nya sabay ngisi.
" A-ano? S-sampung piso lang yan babe! E-este T-O-L! Mabuti nga't naisipan ko nalang ibili nyan para sayo.. p-pero kung demanding ka at gusto mo pang may kasamang cheese mas mabuti pang ibalik mo nalang sa akin yan! Nagugutom din ako!". Pabulyaw kong sabi.
Natawa naman sya sa aking tinuran.
Hinati nya ang burger at ibinigay naman nya sa akin ang kalahati nito. Syempre ako ang lamang ako bumili eh! Nang matapos naman namin ubusin iyon ay agad kaming bumaba para tumungo sa mess area at doon mananghalian. Inalalayan ko na rin sya sa pagbaba ng hagdan.
Itutuloy...
Note: Nabwisit ako dito! Ang haba ng pag edit ko dito tapos nadelete lang! Then gumawa ulit ako ng bago.. ayun bwisit pa rin kasi nawala sa utak ko yung last scenes.. kaya hanggang dyan nalang! Ge enjoy!..