Chereads / THE HEART OF AMNESIA / Chapter 18 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 18 )

Chapter 18 - " THE HEART OF AMNESIA " ( PART 18 )

" Nagustuhan mo ba tol?". Tanong ni Zachary.

" Oo naman Zach!. Tignan mo dun oh!!". Turo ko sa giant flying swing. " Alam mo ba na paborito ko ang duyan kuya?". Masaya kong sagot.

Nakatingin si Zachary sa flying swing. " Alam ko kaya nga dito kita dinala..". Biglaang pagkasabi nya.

" Ha? A-alam mo? Paano?". Takang tanong ko.

" Ha? A-ah! Ano nga bang sinabi ko?". Pagmaang maangan nya.

" Ah di bale na!". Ngumiti nalang ako at ibinaling ulit ang paningin sa flying swing.

" So ano pa bang hinihintay natin?". Sambit nya.

Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti, tumango simbolo ng pagsang ayon.

Pinaderetso na nya ako sa entrance at sya naman ay pumunta ng boot para bumili ng ticket. Sobrang excitement at kaba ang aking naramdaman. Excitement- dahil ngayon lang ako makakasakay sa ganitong thrilling na rides. Kaba- dahil naalala ko na naman noong 2nd year na tumilapon ako malapit sa krik dahil sa lakas ng pagswing ko. Pero kahit ganoon, di pa rin magkumayaw ang nararamdamang saya at abot tengang mga ngiti ko. Wala eh! Pinaglihi ako sa duyan haha!.

Nang makalapit na kami at pang ilan na lang kami sa pila ay doon na mas tumindi pa ang aking naramdamang kaba. Kinakabahan ako para maexcite. Napatingin nalang ako kay Zachary at ngumiti, sinuklian nya rin naman.

Iyon na nga at tuluyan na kaming nakasakay ni Zachary ngunit hindi kami nagtabi, nasa likuran ko sya since isa't kalahating metro ang pagitan ng mga hanging chairs. Iba rin ang nasa tabihan ko. Nang itinaas na kami ay mas natuwa pa ako, halos 45 feet na ang taas namin pero wala lang ito para sa akin, hindi kasi ako takot sa heights. Napasigaw ako kay Zachary sa likod pero hindi sya sumagot. Nang inumpisahan na itong paganahin ay iginuyo guyo ko pa ang aking paningin sa ganda nang nakikita ko sa ibaba at sa ganda ng tanawin sa limitasyon ng karnabal habang mabagal pa lang ang ikot nito. Hanggang sa tuluyan ng bumilis ang aming pag ikot. Doon na ako nagsisigaw sa sobrang saya, maging sa mga ibang nakasakay dito ay puro sigaw, hiyaw at tili ang aking narinig.

" Kuya Zach!!!!!". Malakas kong sigaw sa kanya.

Ngunit hindi nya yata ako narinig dahil sa ipinagpatong patong na sigaw ng mga tao. Pinilit kong lingonin sya hanggang sa naabot na sya ng aking mga mata. Nakita kong masaya sya pero wala syang ibang sinabi kundi ang pagsenyas ng thumbs up.

Pagkatapos ng rides na iyon ay masayang masaya kaming bumaba ni Zachary. Para kaming mga lasing, magkaakbay na naglalakad dahil sa hilo na nakuha namin sa rides na iyon.

" S-so ano nang s-sunod tol?". Hingal pa nang magtanong si Zachary.

Di pa ako makasagot dahil sa pagod. " Sa-sandali! Maya maya muna!". Hingal ko ring sagot.

Nilapitan nya ako tinitigan muna at saka inakay sa tabi ng fountain sa gitna ng karnabal at doon kami naupo sa mga nakahilerang sementadong brenches.

" Gusto mo ba ng tubig or softdrinks? Bibili ako..". Alok sa akin ni Zachary.

" S-sige lang kuya kahit ano". Nakangiti kong sagot.

Agad syang tumungo sa bilihan ng softdrinks. Hinabol ko pa sya ng tingin. Narealize ko lang na parang may kakaiba sa kanya, feeling ko na parang matagal ko na syang kilala. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pero mas inisip ko si Steve sa sitwasyon.

" Oh tol!". Pagbasag ni Zachary sa aking ulirat, di ko namalayan ang pagbalik nya.

" A-ah! Hehe..". Sagot ko sabay kinuha ang iniabot nyang softdrinks at king size na burger.

" Parang ang lalim ng iniisip mo ha?". Nagkakatakang tanong nya.

" Ha? Wa-wala.. napagtanto ko lang na ang bait mo pala..". Pagmaang maangan ko sabay ngisi.

" Bakit hindi ba ako mabait?". Tanong nya ulit.

" Hmmm.. hindi ko alam haha! Eh pa'no kasi lagi ko kayong naririnig ni Steve na nag aargumento.. minsan pataasan ng boses? Mga singer ba kayo sa opera?". Patawang sagot ko.

Sandali syang natahimik, ngumisi muna saka tuluyan nang napahagalpak sa tawa. " Hahaha! Alam mo nakakatawa ka talaga simula't sapul.. S-saka yung kay Steve? Wala iyon! Pasaway kasi sya kaya bilang kuya ay kailangan ko rin syang pangaralan diba? Pero protektado ko yan!". Paliwanag nya.

" Ah? So totoo nga..". Sambit ko.

" Anong totoo nga?". Tanong nya.

" Totoo.. totoong pasaway sya!". Paglihis kong sagot.

" Eh talaga naman eh! Kaya wala rin maasahan si dad sa kanya sa pagpapatakbo ng kompanya..". Paggagad nya.

Hindi na ako sumagot. Ayaw kong pag usapan ang bagay na hindi naman ako komportableng marinig lalo pagdating sa usapang kompanya. Wala kasi kami non huhu!. Tahimik nalang kaming kumain, minsan lilingon ako sa paligid at ganon din sya. Tapos haharap ako sa fountain na parang nagdedebosyon, kulang nalang ay sambahin ito at lumuhod sa harapan nito. Syempre joke lang! Haha!.

-----

Alas kwatro pasado na nang matapos kami sa last ride na aming sinakyan. Halos mahapo ang aking katawan sa pagod at sakit nito, pero sa totoo lang nag enjoy ako. Niyaya ko nang umuwi si Zachary at sumang ayon na rin sya, pinagtawanan ko pa ang damit nya dahil sa sobrang gusot na ito sa kanyang katawan. Pagpunta namin sa parking area kung saan nya ipinark ang sasakyan, nagulat nalang ako nang pagsakay namin sa kanyang kotse ay walang pagdadalawang isip nya itong hinubad sa aking karapahan, nasa loob naman daw kami ng kotse kaya wala naman sisita sa amin. Nanlaki nalang ang aking mga mata sa ganda ng ipinakita nyang katawan sa akin. Pero hanggang doon nalang mahirap magkwento ng types of bodies mga bwisit!

Itutuloy...