Nagulat na lamang ako nang mas lalo pa nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at halos maghalikan na kami sa sitwayon, pero ni hindi ko manlang sya nagawang sitahin bagkus kapwa kami naging seryoso sa itinuon. Isang mahabang titigan lang kami sa ganoong posisyon.
Ang totoo namiss ko ito, yung eksena na magkalapit ang aming mga mukha. Ramdam ko ang bawat paghinga nya, ang amoy ng kanyang hininga at toothpaste ko na ginamit nya. Yung magkatitigan kami ng mata sa mata. Yung ililibot nya ang paningin nya sa kabuuan ng aking mukha at saka titigil lang kapag tumapat na sya sa aking labi. Bigla naman may naglaro sa aking imahinasyon. Ano kayang feeling ng makipaghalikan sa kapwa lalaki? Curious lang din naman ako kung anong lasa ng bibig ng lalaki kapag nilaplap! Pero kahit ganon ay hindi sya nagsamantala sa akin.
" Awwff..". Agad akong napabangon.
Nakangisi lang syang nakatingin sa akin. Sa tingin ko sinusubukan lang nya ako kung hanggang saan ako bibigay? Pero syempre dahil hindi naman ako bakla, hindi ako bibigay ng ganon ganon nalang. Tinitigan ko rin sya ng matulis.
" A-akala ko gusto mo?". Pabirong tanong ni Steve.
" A-ah.. Ha? A-anong gusto?". Napakunot noo ako. " Ano bang iniisip mo dyan tol? D-di ba dapat nililinis mo na yang sugat mo nang tuluyan ka ng gumaling at pwede ka ulit maggagala!". Bulyaw ko.
Tumawa lang ang bugok. " Hahaha! Gusto mo ba ulit ako masagasaan babe? Sa kabila naman kung gusto mo? Hahaha!". Biro nya sabay pakawala ng tawa.
" Err!! Bahala ka nga!!". Inis ko sagot. Tumayo ako at bumalik ulit sa aking study table, umupo sa upuan.
Nanatili lang sa ganoong posisyon si Steve, nakangiti, nakangisi habang nakatingin lang sa akin.
Pero di pa umabot ng sampung minuto ang pagbabasa ko ay di rin ako nakatiis at madali rin akong tumayo sa kinauupuan ko at tinungong muli sa kama nya si Steve. Alam kong gusto nya na ako ang maglinis ng sugat nya.
" Umupo ka!". Pagalit kong utos.
Nakangisi pa rin sya. Mabilis naman nyang sinunod ang aking sinabi at agad naman syang umupo patigid ng kama at tumabi sa akin. Tinanggal din nya ang bendaheng idinikit ko lang din kahapon sa kanyang dibdib na may pinsala. Nagkaroon kasi sya ng malalim na sugat nang sumagi ang kanyang katawan sa bumper ng sasakyan na syang sumasagasa sa kanya.
" Hawakan mo 'to..". Iniabot ko ang alcohol sa kanya.
" S-salamat nga pala babe..". Malumanay nyang saad pagkatapos ay bahagyang tumungin sa akin.
" Para saan naman?". Tanong ko.
" Para sa pag aasikaso mo sa akin..". Sagot nyang nakangiti.
Natawa pa ako. " Haha! Wala naman bago tol! Noong nagkalagnat ka ako rin ang sumalo sayo.. ano pa nga bang magagawa ko? Kung pababayaan kitang mamatay dito sa kwarto mangangalingasaw ang amoy dito sa loob kapag naagnas yang katawan mo! Ayoko kaya non? Saka ang tagal ko nang nakatira dito tapos dito ka lang pala mamamatay?". Satkastikong biro ko.
" Hahaha! Ang harsh mo naman babe? Mamamatay agad?". Ang sagot nya sabay pakawala ng isang malakas na tawa.
" Natawa ka pa?". Bulyaw ko. "Hi-hindi rin biro ang mag alaga ng baliw akala mo ba?".
" K-kaya nga mas minahal pa kita.. Pero alam mo babe kung ako ang tatanongin? Mas ok na hindi nalang bumalik ang mga alaala mo.. Mas komportable akong ganyan ka ngayon..". Sambit nya, bigla itong sumeryoso.
" Eh paano kung bumalik nga ang alaala ko kuno? Tapos ang totoong nangyari pala ay hindi naman talaga kita kilala simula pa lang?". Mabilisan kong sagot.
Di sya sumagot. Bigla syang nalungkot, napayuko. Di ko rin maiwasang magtaka, pakiramdam ko ang katagang nabitawan ko ay may malalim palang dahilan para sa kanya. Hula ko lang! wag nyo munang isipin na ganon nga, mahaba pa ang kwento!.
Muli akong nagsalita. " Mali! Paano pala kung kapag bumalik nga ang mga alaala ko tapos totoo palang ako yung mahal mo tapos mahal na rin pala kita anong gagawin mo babe? Ahihi!". Sarkastikong biro ko.
Pero hindi pa rin sya natinag sa pagkakayuko, sinilip ko ito. Nakita kong nakatulog na pala sya at tulo laway pa! Haha joke lang! Bumaling pala sya sa akin at saka naglabas lang ng isang matipid na ngiti, di na sya nagsalita.
Di na rin ako nagsalita at itunuon ko nalang ang paglilinis ng kanyang sugat, medyo naguilt kasi ako kaya nanamihik na 'ko. Nang matapos ko malinis ang kanyang sugat ay tumayo na 'kong walang imik, tinumbok ang maliit na cabinet at doon inilagay ang mga ginamit na panglinis sa kanyang sugat. Nagtaka pa ako kung bakit may kasamang mga panglinis ng kuko doon haha! Joke lang ulit, walang ganon ha?. Bumalik na ako sa aking pagbabasa. Si Steve? Bagamat di ko na naririnig ay alam kong naglalaro lang sya sa kanyang cellphone, may time na tumitingin din sya sa 'kin.
----
Kinabukasan, maaga akong pumasok ng eskwelahan. May group activity kami sa math at ako lang ang inaasahan nilang lahat. Paano ba naman puro bopols mga kagroup ko, si Renz, Senna, Paco, Kyla at may dalawa pang babae na pacute ng pacute sa akin! Masarap lang sila pero mukhang laspag na.
" Chander tol!". Sigaw sa akin ni Renz nang nasa likod na kami ng T.H.E building dahil doon ang plano naming magreview este ako lang pala!
Itutuloy...