Lunch
Ano bang pinagsasabi niya. Anong mahal? Nahihibang na ba siya? Sa gwapo niyang 'yan, magkakagusto sa akin? Sa skin, na mahirap lang? Parang hindi naman kapani-paniwala iyon.
"Ano bang pinagsasabi niyo sir?"
"Amasia please... alalahanin mo naman ako oh. Hindi ko na kaya kung tuluyan mo na talaga akong hindi maalala. Baka ikamatay ko pa 'yon."
Anong aalahanin ko? Ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? Ano naman ang kailangan kong maalala? Sa loob-loob ko.
Magsasalita pa sana siya nang biglang sumabad si ma'am Lishia. Umalis ako sa mga bisig niyang naka-kulong sa akin at saka pumunta sa gawi ni ma'am Lishia.
Kumunot ang noo niya. "What you guys doing?"
"Nothing," sagot ni sir Zazdrick.
Tinignan ako ni ma'am Lishia. "Amasia."
"Wala po 'yong nakita niyo ma'am. We're just talking."
Tumango naman siya. "Okay."
Pumunta sa gawi ko si sir Zazdrick. Naglapat ang mga braso namin. Nakaramdam ulit ako ng kakaiba.
"Lishia, we're just talking. Walang malisya do'n. If you're too preceded. Well, wala na akong magagawa."
Naglakad palabas ng silid si sir Zazdrick. Naiwan naman ako dito kasama si ma'am Lishia. Tinignan niya ako ng seryoso pagka-alis ng kapatid niya.
"Amasia, are you alright? Okay na ba ang papa mo?"
Sinabi ko kasi sa kaniya 'yong yung tungkol sa nangyari kay papa. Binigyan niya ako ng advice para malagpasan ko 'tong mga problemang ito.
"Okay na po ako, salamat po sa advice niyo. Stable na po si papa."
Ngumiti siya. "Mabuti naman."
Ngumiti ako. Umalis si ma'am Lishia at naiwan ako dito sa kwarto kong mag-isa, nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit gano'n si sir Zazdrick. Sabi niya pa nga, mahal niya daw ako. Paano naman nangyari 'yon, eh kabago-bago pa lang naming magkakilala.
Bumuntong hininga ako nang makita ko si Herrick at Astrid na masayang nag-uusap. Buti pa sila. Sa loob-loob ko. Napansin ako ni Herrick kaya lumapit siya sa akin.
"Anong problema? Ba't parang tulala ka diyan? C'mon, tell me."
Lumapit na rin si Astrid para maki-chismis. Paano ko sasabihin sa kanila ang totoo na naaksidente si papa at may gusto si sir Zazdrick sa akin? Ang gulo naman. Sa isip ko.
I shook my head. "W-Wala, 'wag niyo akong alalahanin. Okay lang ako."
"Sigurado ka bes?" sabat ni Astrid.
Tumango ako. "Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay? Ang saya ko nga eh."
Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto kong sabihin sa kanila pero ayokong mag-alala sila sa akin. Nandito ako para magtrabaho at pangarap rin talaga ni Astrid ang makapunta dito.
Nauna na akong umuwi sa kanila kasi madami pa akong gagawin sa mansion. Baka hinahanap na ako ni manang Risa. Hindi ko pa rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng gano'n. T'wing nakikita ko ang presensiya na para bang tumatakbo ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam, baliw na siguro ako.
Pagkapasok ko sa mansion, bumungad sa 'kin si sir Zazdrick na naka tayo sa 'di kalayuan habang naka pamulsa. Ang hot niyang tignan.
"Saan ka galing?" malamig niyang sabi.
"Diyan lang po."
Naglakad ako papunta sa kwarto ko pero hinawakan niya ang braso ko. Pumikit ako dulot ng iritasyon at dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
"Ano po bang kailangan niyo sa 'kin?"
Tinignan niya ako sa mata. "Ikaw."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
"Ikaw ang kailangan ko, Amasia. Please naman oh... alalahanin mo naman ako."
Ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na siguro siya.
"Bakit mo ba sinasabing alalahanin kita? May nakalimutan po ba ako? O sadiyang baliw lang po kayo?"
Tumingin siya sa taas dulot ng iritasyon. "Amasia naman, bakit ba hindi mo ako maalala?"
Hinawi ko ang kamay niya at tumakbo papunta sa silid ko. Pagkapasok ko, sinara ko agad at naglakad papunta sa kama ko sabay higa.
May mga gumugulong tanong sa isip ko at hindi ko alam kung bakit gano'n siya. Bakit gusto niya akong maalala siya, eh 'di naman talaga kami magkakilala.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa pool. Kailangan kong magmuni-muni. Bakit ba kasi ginugulo niya ang isip ko? Sa isip ko.
Ilang araw na rin ako dito sa Italy pero parang hindi naman ako masaya. Siguro dahil iyon sa pamilya ko na naiwan ko sa pilipinas. Hindi ko naman talaga ginusto ko pero may problema kami eh at kailangang bayaran.
Pero ngayon na nabayaran na ang utang namin. Mukhang uuwi ako sa matapos ang bagong taon. 'Yon lang naman kasi ang pinunta ko dito, ang magtrabaho para mabayaran ang utang namin kay aleng Nina. Napatalon ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Mag-isa ka na naman."
Lumingon ako at nakita ko si ma'am Lishia. "Ma'am Lishia. Ano pong kailangan niyo?"
Umupo siya sa tabi ko. "Napadaan lang talaga ako. Nakita kita kaya pumunta na lang ako sa gawi mo."
Ngumiti ako. Malaki ang pasasalamat ko kay ma'am Lishia. Binigyan niya ako ng mga advices para maging matatag.
"Oh, kamusta kayo ng kuya ko?"
Namilog ang mga mata ko. "Po?"
Ngumisi siya. "Just kidding, pero Amasia maiba tayo. Alam kong mabait kang tao, maraming nagkakagusto sa 'yo dahil sa ginto mong puso pero sana... maalala mo ang kuya ko. Dahil nahihirapan rin siya sa sitwasyon mo."
Hindi ko inasahan ang mga narinig ko. Pati ba naman si ma'am Lishia pinipilit ako. Eh wala nga sabi akong alalahanin kasi 'di naman kami magkakilala.
Tumayo ako. "Bakit niyo po ba ako pinipilit? Eh hindi ko nga sabing kilala ang kuya mo."
Tumakbo ako papasok sa mansion. Alam kong hindi tama 'yong ginawa ko pero hindi rin naman tamang pilitin niya akong maalala ang kuya niya.
Sinara ko ang pinto pagkapasok ko. Humiga ako at nag-isip. Bakit gano'n sila? Bakit parang may tinatago sila sa akin. Ano ba ang dapat kong malaman?
Tanghali na at tinatawag na ako ni manang Risa para kumain. Ang pinagtataka ko, iba ang trato nila sa akin. Para bang napaka importante kong tao.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad si manang sa 'kin na naka ngiti. May dala siyang tray na may lamang ulam.
"Manang, bakit may dala po kayong pagkain?"
"Ah... ito ba? Para 'to sa 'yo. Inutusan kasi ako ni sir Zazdrick na mag lunch ka na lang daw sa kwarto mo dahil alam niyang galit ka sa kaniya."
Seriously? Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'yon.
"Seryoso po kayo?"
Tumango siya. "Oo naman, bakit naman ako magsisinungaling."
Hindi na ako umangal at pinapasok ko siya sa loob ng silid ko. Inilagay niya ang tray sa lamesa sabay labas sa silid ko.
Seryoso talaga siya dito?
— —
ShineInNightt