Chapter 35 - Chapter 33

Wallet

Uuwi pa naman sana kami ng pilipinas ngayon pero kasi naaksidente si sir Zazdrick. Sabi ng doktor, may kaunting minor fracture lang siya sa binti pero this coming of days makakalabas na siya.

"Si papà. I'm okay, enjoy your day there."

Rinig kong sabi ni sir Zazdrick sa telepono. Kausap niya kasi ang papà niya. Hindi talaga kataka-taka kung maraming magkakagusto sa kaniya kasi napaka tikas ng tindig nito at ang lakas ng appeal.

"Okay papà, arrivederci." Ibinaba ni sir Zazdrick ang telepono sabay hinga ng malalim.

Nilagay ko ang fruit basket na dala ni ma'am Lishia kanina sa side table sa may kaliwa niya. Pinagmamasdan naman ako ni sir Zazdrick, mula sa paglagay ko sa basket sa mesa.

"Why you're so sexy, the way you did?" He touched his lips and bite it like a sexy hunk model star in hollywood.

What is he doing? Is he seducing me? For what? Sa isip ko. Nakita kong naghubad siya ng damit. Pasaway talaga.

"Ang init naman." Pinaypay niya pa ang hinubad na damit.

Accidentally, I saw his well-muscled body. Shit! Ano ba 'tong pinagagawa mo sir? Sa loob-loob ko? Tinignan niya ako nang nakaka-akit.

"Hindi ka ba nainitan?"

Umiling ako. "Hindi po, bakit?"

Hindi siya sumagot bagkus nag stretch siya ng kamay. Nakita ko tuloy ang paggalaw ng muscle niya. Shit! Why so sexy? Hindi ko talaga maintindihan bakit nagka gusto sa akin 'tong lalaking 'to, eh simple lang naman ang ganda ko.

"Why are you looking at?" masungit niyang tanong.

Gwapo sana kaso... pero parang may bipolar. Dahil paiba-iba ito ng mood. Kanina lang ngumi-ngiti pa siya sa akin, tapos ngayon nagsusungit na naman?

"Whom?" sarkastiko kong tanong.

"You."

"Me? No way. I'd rather look unto Brad Pit's glamor faces."

"I'm more handsome in Brat Pit, you know?"

Sa bagay, may maipagmalaki nga naman ang isang 'to. Hindi naman kasi maitatanggi na gwapo siya. Kusa itong nakikita ng mga mata.

"Ang yabang mo rin naman, 'no? Eh wala ka nga kahit katiting no'n?"

Hindi siya sumagot pero nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa tiyan niya. I felt his warm maw and his well-muscled abdomen. Shit! Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin sir?" Sa loob-loob ko.

"May ganiyan ba si Brad Pit ha, Amasia?"

Kukunin ko na sana 'yong kamay ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak nito. His soft and warm hand touching mine and I can't help but drooled.

"I'm asking you, Amasia. I'm tired waiting so don't make me wait."

Huminga ako ng malalim. "Fine, meron"

Inalis ko 'yong kamay ko sa kaniyang tiyan. Mahirap na baka kung ano pa ang gagawin niya sa 'kin sa susunod.

"You know what Amasia? I don't know why I like you so much. Kung tutuusin marami namang magandang babae diyan. But maybe I'm not into basing at at the faces. Ti amo, at hindi magbabago 'yon."

Why he's saying that? I learned few italian words at alam ko kung ano ang sinabi niya. He said 'I love you' at naguguluhan ko bakit niya sinsabi iyon.

"You love me sir? When? Where? Why?" sunod-sunod kong tanong.

Ngumisi siya. "Ang dami mo namang tanong, puwede isa-isa muna?"

I rolled my eyes. "Fine."

Sumeryoso siya. "Are you asking me when I started to love you? Well, you can't remember it because— nevermind. Basta mahal kita. Ano nga 'yong susunod na tanong?"

"Where?" pag-uulit ko.

"Sa Dastro Coffee Shop. Doon tayo unang— scratch it. Last but not the least, why? Siguro dahil sa pagiging mabuti mo. I'd been girls but I didn't serious them even a mite. So I already answered all your questions. Is it enough?"

Bakit parang kilalang-kilala niya ako? May nakalimutan ba ako? Na bunggo ba ako? Sunod-sunod na tanong ko sa isip ko.

Lumayo ako sa kaniya ng konti sabay tingin ng seryoso sa mga mata niya. I even stare him with serious look.

"Bakit ka ganiyan?"

Kumunot ang noo niya. "Huh? What's wrong?"

"Bakit ba ang gaan ng loob mo sa 'kin. Bakit ba parang ang feeling ko ang iba ng trato mo sa 'kin. Para bang matagal na tayong magkakilala. Ano ba talaga ang tinatago mo sa akin?"

Yumuko siya. "It's not the right time to say, Amasia. Let's wait for it."

Tumayo ako. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?"

"Dahil wala rin namang kwenta kasi 'di ka rin naman maniniwala."

"At bakit naman ako 'di maniniwala?"

Umiwas siya ng tingin. "Ayokong pag-usapan—"

"Bakit nga?!"

"Kasi na amnesia ka Amasia at wala rin namang kwenta kasi 'di mo rin naman ako paniniwalaan."

Nagulat ako sa narinig ko. Bakit hindi ko alam 'to? Bakit ang sabi nila mama sa akin. Nagkasakit lang daw ako. Ano ba talaga ang totoo?

"Imposible." Napa-upo ako sa gulat.

"Sana 'di mo na lang tinanong. 'Di mo rin pala paniniwalaan."

Paanong naging amnesia ang sakit ko? Eh nakita ko sa health certificate ko na may Heart disease ako. Ang gulo naman. Ano ba talaga ang totoo? Ano ba talaga ang dapat kong malaman?

"Gusto ko lang naman kasing malaman kung bakit ganito ang trato mo sa akin. Hindi ko naman kasi alam na may dapat pa pala akong malaman pero... ewan, I'm thorn. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala."

Hinawakan niya ang mukha ko. "Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para maalala mo ang lahat."

Nakatulog si Zazdrick. Habang ako naguguluhan sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko 'yong sinabi niya.

Lalabas na sana ako nang makita ko ang isang wallet sa sahig. Nilapitan ko ito saka kinuha. Sinong may-ari nito? Sa isip ko.

Tinignan ko si Zazdrick na mahimbing na natutulog. Kahit lamok nahihiyang dumapo sa mukha niya. Bakit ba ang gwapo niya? Kainis.

No'ng maalala kong naghalikan kami sa pool parang hindi ako makapaniwalang may hahalik sa aking ganito ka gwapo. Sa mga halik niyang iyon naramdaman ko ang pagiging totoo niya sa nararamdaman niya.

Pero ang pinagtataka ko, pagkatapos ng nangyari bigla na lang siyang naging masungit. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o ano pero nasaktan ako sa ginagawa niya sa akin sa 'di malamang dahilan.

Tinignan ko siyang muli. Sa kaniya kaya ito? Sa isip ko. Binuksan ko ang wallet at nagulat ako sa nakita ko.

No way.

— —

ShineInNightt