I like your lips
Lumipas ang dalawang linggo, naka-uwi na rin sa wakas sa bahay si sir Zazdrick. Nakakalakad na rin siya kasi minor lang naman iyon. Kaya ngayon, nandito kami sa pool naghahanda ng makakain kasi may celebration daw pra kay Zazdrick.
I saw him laughing with her sister. Samantalang si sir Stanford, wala. Umalis daw sabi ni manang Risa. Alam ko naman kung bakit umalis 'yon si sir Stanford eh. Kasi ayaw niyang makita ang kapatid kasi hindi sila close.
"Amasia, halika dito. Join us," pag-aaya ni ma'am Lishia.
Pumunta ako sa gawi nila sabay upo sa tabi ni Zazdrick. Napansin kong tumingin si Zazdrick sa akin pero hindi ko na lang pinansin iyon.
Tumikhim si ma'am Lishia. "Uhm... kamusta na pala ang papa mo Amasia?"
Nakita kong kumunot ang noo ni Zazdrick. Tinignan niya si Lishia at pagkatapos ako naman.
"Why? What happened to tit— I mean sa papa mo, Amasia?"
I stooped. "Okay na po si papa. Tumulong rin naman po kasi ang mga kaibigan ko para sa operation. At saka nagtagumpay rin naman po ang operation kaya okay na po siya."
"Good to hear that," si ma'am Lishia.
"Buti naman at okay na ang papa mo ngi— Amasia," si Zazdrick.
"Sa awa ng diyos po. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya kasi dininig niya ang mga dasal ko."
"Amen," si ma'am Lishia.
Matapos naming mapag-usapan si papa. Nagulat ako kasi napunta ang usapan sa amin ni sir— este Zazdrick.
"How's the care of Amasia, kuya?" tanong ni ma'am Lishia.
Tumingin si Zazdrick sa akin. Ang mga mata nito'y kay ganda tignan. Bakit ba napaka gwapo nitong kaharap ko ngayon? Sa loob-loob ko.
"Puwede na siyang maging nurse," malamig na sagot ni Zazdrick.
Ramdam ko ang lamig niyon. Bakit ganito siya ngayon? Kahapon lang, ang ganda ng trato niya sa akin pero ngayon. Ang lamig niya.
"Ayaw mo no'n kuya, may nurse kang maganda," sabi ni ma'am Lishia.
"Hindi naman importante sa akin 'yong maganda eh. Ang gusto ko 'yong naaalala ako. 'Yong hindi ako kakalimutan. Excuse me." Tumayo si Zazdrick at naglakad palayo sa amin.
Bakit siya gano'n? Bakit parang wala lang ako sa tabi niya? Ano bang problema mo Zazdrick? Sa loob-loob ko.
"Pasensiya ka na kay kuya ha. Baka may problema lang siguro," sabi ni ma'am Lishia sabay ngiti.
Lumipas ang ilang minuto, iniwan ako ni ma'am Lishia dahil may gagawin pa daw siya sa silid niya. Kaya naiwan ako ditong mag-isa. Hindi ko talaga maintindihan si Zazdrick. Minsan mabait, minsan suplado, minsan cold rin. Ano ba talaga?
Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko. Pamilyar sa akin ang boses. Nang lingonin ko ito, nakita ko si sir Stanford na hubo't hubad— I mean tanging boxer brief niya lang ang nakatapis sa kaniya
"Hey, why are you alone? Nasaan ang mga kapatid ko? Bakit 'di ka nila sinamahan?" sunod-sunod niyang tanong.
Ngumiti ako. "Okay lang po ako sir. You don't need to worry about me."
Tumango siya. "Okay."
Tumalon siya papunta sa pool at nagtampisaw. Ang sexy niyang tignan lalo na 'pag gumagalaw ang mga muscle niya. Bakit ba wala akong mapintas sa magkakapatid na ito? Sa loob-loob ko.
Tinignan ko lang siya habang lumalangoy sa pool. 'Di kalaonan, umahon rin siya at pumunta sa gawi ko. Ang puti niyang boxer brief ay bakat na bakat ang ano niya. Shit! Bakit ko ba natignan iyon. Pumikit ako sabay iwas ng tingin.
"Why you shut your eyes? Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi ko pa rin binubuka ang mga mata ko unless umalis na siya. Naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. His warm hand touching my face and I can't help but drooled.
"Hey, are you listening? I said, why you shut your eyes?"
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang mala dagat niyang mata sa asul nito.
"Hey, bakit ka pumipikit? May mali ba sa katawan ko." Tinignan niya 'yong katawan niya.
Napahawak siya sa sentido nang ma realize niyang naka boxer brief siya at kulay puti pa ito at... basta ayokong sabihin. Magagalit si lord. Mabait akong tao. Hindi ako open sa mga ganiyan-ganiyan.
"Okay, dahil pala wala akong suot? Tama ba ako?" tanong niya sabay ngisi.
Kinuha niya ang towel at tinapis ito. Pumunta siya sa gawi ko na naka tapis na ng tuwalya.
"Okay na?"
Hindi ako sumagot. Paano ba magiging okay, eh nasa utak ko na 'yong nakita ko kanina. Shit! Erase-Erase.
Umupo siya sa tabi ko sabay akbay. Naaamoy ko na naman ang bangong lalaki niya. Bakit ba ganito sila sa akin? Kung maka trato sila parang 'di ako kasambahay dito ah.
"Alam mo Amasia. It's okay to widen your mind. Be open minded kasi sa gano'ng paraan hindi kana magiging manga."
Manga ba 'yong ayaw sa mga ganiyan. Alam ko namang dadating din ako do'n pero ayoko lang mahaluan ng hindi maganda ang utak ko.
"Amasia, can we go for a date again? Free ako this saturday. Is that okay with you?" tanong niya sabay suklay sa buhok niya gamit ang kamay.
Nagulat ako sa narinig ko. "Po? Bakit po? 'Di ba kaka labas lang natin no'ng nakaraang araw?"
"I know, pero gusto ko kasing dalhin ka sa—"
Hindi na natuloy ni sir Stanford ang sasabihin dahil may sumabat sa likod namin.
"Hindi siya puwede. Sasama siya sa akin papuntang Milan."
Lumingon ako at nakita ko si Zazdrick na wala pa ring emosyon. Tumayo si sir Stanford para batiin ang kapatid.
"Oh, hi bro. Nandiyan ka pala? Akala ko si manong Fario."
Napansin kong nagpipigil ng tawa si sir Stanford at napansin naman iyon ni Zazdrick. Huminga siyang malalim sabay tingin sa akin.
"I need Amasia. Papà ordered me to go after him with my personal assistant at wala naman akong personal assistant kaya si Amasia na lang. Bawi ka na lang next time bro. Taken na si Amasia eh."
Hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig niya pero basi sa mga mata niya. May laman 'yong mga sinasabi niya at alam kong naiinis na si sir Stanford ngayon.
"Sa sabado ba talaga ang alis niyo? O nagdadahilan ka lang para ma solo siya?"
Ngumisi si Zazdrick ng peke. "Why would I? Palagi ko naman talaga siyang na so-solo eh. Tanongin mo pa siya. You know what bro? Kung alam mo lang ang nangyari nong nakaraan baka mapatalon ka sa gulat."
Shit! Sasabihin niya talaga? Kainis.
"Bakit? Ano bang nangyari sa inyo?"
Tinignan ako ni Zazdrick. "I like your lips and I wanting more."
Tumalikod si Zazdrick at naglakad palayo. Napanganga si sir Stanford sa sinabi ng kapatid pati nga ako. Hindi ko inasahang sasabihin niya talaga iyon.
— —
ShineInNightt