Chapter 32 - Chapter 30

Drowning

Umalis na sina Daken at Stella kasama 'yong anak nila. Do'n muna daw sila tutuloy sa bahay ng auntie niya. Sinabi ko ngang dito na lang muna sila tumuloy, pero tinanggihan ni Daken.

Nandito ako ngayon sa sala, nanonood ng movie. Paborito namin 'to ni Amasia eh. Kung sana nandito siya sa tabi ko. Busy kasi si Amasia at ang pinagtataka ko, iniiwasan niya ako.

Gusto ko siyang lapitan pero alam kong wala siya sa mood ngayon. Lintek kasi 'yong hinayupak kong kuya. Inagaw na nga niya sa 'kin ang kompanya tapos ngayon may balak pa yatang agawin ang girlfriend ko.

Umupo si Lishia sa tabi ko. May dala siyang pagkain. Napa-iling na lang ako sa kapatid ko. Ang ganda pero ang takaw kumain. Nagtataka tuloy ako kung bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya pero maybe it's because of his gorgeous beauty.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why are you looking at?"

Umiwas ako ng tingin. Ang sungit, akala naman niya kinaganda niya 'yon. Kahit kapatid ako ni Lishia hindi ko mapigilang mapahanga sa mukha niya. Kamukhang-kamukha niya kasi si lola no'ng bata pa lang ito.

"Kuya, narinig kayo ni manang Risa kanina. Nag-away na naman ba kayo?"

"You're out of it. Sa amin na lang 'yon."

She sighed. "Kuya naman, kailan ba kayo magkaka-ayos? We're siblings for pete's sake."

Siblings? Huh? Ako ba tinrato niyang kapatid? He tricked me, ginawa niya akong tanga. Ilang taon akong naghintay na isauli niya ang kompanya ko.

"Can you please... stop asserting that nonesense," mahina ngunit may awtoridad.

She crossed her arms. "Fine."

I stooped. Ayaw ko kasing pag-usapan 'yong traydor kong kapatid. Pinamukha niya pa sa 'kin na 'di ako maalala ni Amasia. Oo na, 'di na ako maalala ni Amasia. Pero alam ko, balang araw maaalala niya din ako.

Iniwan ko si Lishia sa sala at naglakad papunta sa kwarto ko nang nagkita kami ni Amasia sa 'di inaasahang pagkakataon. Umiwas siya ng tingin at naglakad palayo sa akin.

Tinignan ko siya habang papalayo sa gawi ko. How you can remember me, ngit? Do I have to stay at this situation? Or should I I do where since I want to do it? Sa loob-loob ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin.

Bumuntong hininga ako pagkapasok ko sa kwarto ko. Bakit ba kasi hindi niya ako maalala? Ang lapit-lapit nga niya sa akin pero ang pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin.

I took my phone when I heard it ringing. Sinagot ko ito nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello Daken."

"Hey bro, busy ka ba ngayon?" tanong niya sa kabilang linya.

Naalala ko 'yong sinabi ni Daken sa akin kanina. 'Wag daw ako susuko kagaya ng ginawa niya kay Stella. Should I've not give up? Pero iba na kasi ang sitwasyon namin ngayon eh. Hindi ko na kaya.

"Hindi naman, why?" tanong ko pabalik.

"Puwede mo ba kaming samahang mag-ikot-ikot? Maglalakad lang tayo."

How I wish I would be like him. A responsible father and a caring dad to his son. Dati pa lang, alam ko nang bagay talaga sila ni Stella. I'm happy for them.

"Oo naman. Para sa inaanak ko," tumawa ako ng mahina.

"Sige, see you later."

He end up the call. I sighed sabay higa sa kama ko. Ang sarap mabuhay na walang problema pero it's too boring kung walang challenge sa buhay natin kaya nga binigyan tayo ng problema para matuto at patuloy na matuto sa hamon ng buhay.

Bumaba ako at pumunta sa pool para mag swimming nang hindi ko inaasahang nando'n rin pala si Amasia. Umiwas siya ng tingin nang makitang topless ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Dati 'di naman siya naiilang sa katawan ko eh. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Amasia. Kung sinama ko na lang sana siya sa party baka 'di niya nararanasan 'tong sitwasyon na 'to. Pero alam kong may rason ang lahat ng mga nangyari.

Tumalon ako sa pool at lumangoy hanggang gusto ko. Gusto kong kunin siya at ilagay sa abaga ko pero ayoko rin namang magalit siya sa akin.

Pagka-ahon ko, nakita ko siyang inabutan ako ng tuwalya. Kinuha ko ito at ngumiti ng pilit. Ayoko mang gawin 'yon pero para rin 'yon sa kaniya.

Hahakbang na sana ako papasok ng mansion nang may narinig akong may sumisigaw.

"TULONG."

Lumingon ako at nakita ko si Amasia na nalulunod. Mabilis akong tumalon sa pool at pumunta sa gawi ni Amasia. Nang kinuha hinawakan ko ang mga braso niya para maka-ahon kami. Hindi ko inasahan ang susunod na nangyari.

Our lips collide at hindi ko matiis ang nararamdaman ko ngayon. Sinuklian ko ang mga halik niya at hindi ko alam bakit hindi pa rin siya bumibitaw sa akin.

Maya-maya, bumitaw siya at umiwas ng tingin. Ngumiti ako nang makita ang reaksiyon niya. Hinawakan ko ang beywang niya ang binuhat siya para maka-ahon sa pool. Nang maka-ahon siya, palihim niya akong tinignan.

"Salamat po sa pagsagip sa akin."

Umahon ako at pumunta sa gawi niya na nagpupunas sa buhok niya. Nang magtagpo ang mga mata namin, ngumiti ako pero umiwas siya ng tingin.

"Ano ba kasing nangyari?" malamig kong tanong.

Ayoko talagang maging cold sa kaniya pero kailangan. Hanggang hindi pa niya ako naaalala, paninindigan ko ito.

"Nadulas lang po ako," sagot niya.

"Hindi ka kasi nag-iingat. Sa susunod mag-ingat ka naman baka kami pa ang managot kapag may nangyari sa 'yo." Tinalikuran ko siya at naglakad papasok sa mansion.

Sorry, ngit pero kailangan kong panindigan 'to. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at inalala ang nangyari kanina. I felt her lips again. Hindi ko talaga inasahan 'yon. Natigil ako nang biglang nag popped-up ang phone ko.

Kinuha ko ang telepono ko at tinignan ko sino ang nag text. Pagkakuha ko, rumehistro ang pangalan ni Daken.

From: Daken

Nandito na kami sa bahay niyo.

Mabilis akong naligo at parang ilang minuto lang iyon. Madalian akong nagbihis. Nang tapos na akong makapagbihis, bumaba ako.

Nakita ko si baby Rayleigh, ang cute talaga ng anak nila. Manang-mana kay Daken. Pinangarap ko ring magkaroon ng supling pero hindi ko alam kung mangyayari nga iyon.

Pumunta ako sa gawi nila. Busy si Daken sa paglalaro sa anak niya. Ama na talaga siya, sa bagay matured na naman siyang mag-isip eh.

"Daken, Stella."

Lumingon si Daken sa akin. "Bro, ready ka na bang maging tour guide?"

Tumawa siya ng mahina pero 'di ko na lang siya pinansin. Sana lumaki pa ang pamilya niya.

— —

ShineInNightt