SUMUBSOB si Alynna sa desk ng station niya. Inaantok pa siya at parang lantang gulay ang kanyang katawan at utak. Ni hindi siya sigurado kung makakapagtrabaho pa siya nang maayos hanggang sa matapos ang shift. Sabaw na sabaw ang mga calls niya kanina. Mabuti na lang at nagkaroon ng unscheduled downtime ang tools nila sa computer kaya't sandali silang natigil sa pagtatrabaho. Maipapahinga niya ang isip kahit papaano.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-move on sa naging break up nila ni Toby dalawang linggo na ang nakararaan. She wasn't heartbroken. She was just pissed off. Alam niyang dakilang playboy ang lalaki pero hindi pa rin siya makapaniwala na madali itong nagsawa sa kanya. And the jerk had already found a new toy? Paminsan-minsan ay nakakasalubong niya ang lalaki sa hallway kasama ang bago nitong babae. Nagbabatian pa rin naman sila kahit papaano, pero iyong tipong parang walang namagitan sa kanilang dalawa.
Pinihit niya ang mukha paharap sa katabi niyang si Lanie na nakatuon ang pansin sa binabasang young adult fiction novel. May naka-topless na guwapong lalaki sa front cover niyon at namumutok sa muscles ang mga braso. Mabalahibo ang dibdib.
"Tungkol na naman ba sa werewolf 'yan?" bagot na untag niya rito.
Bumuga ng hangin ang katabi at ibinaba ang librong binabasa. "Isipin mo na lang Ynna, marami pang darating. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Five months pa lang naman kayo, 'di ba? Saka talaga namang hindi ako boto sa kanya para sa'yo."
Naikuwento niya rito na nagkaroon sila ng matinding argument ni Toby at iyon ang naging dahilan ng break up nila. Kahit kasundo niya si Lanie, hindi pa sila ganoong ka-close para sabihin niya rito ang lahat-lahat tungkol sa buhay niya—and that includes her active but not-so-exciting sex life.
"Maganda ka, sexy. I'm sure marami pang manliligaw sa'yo," wika nito.
"Parang hindi naman sapat ang ganda ng mukha at katawan." Napabuntung-hininga siya at kinayod ang bangs gamit ang mga daliri. Kung ganda lang din naman ang batayan, bakit walang lalaking tumatagal sa kanya?
"Be patient kasi, Ynna. Malay mo, parating pa lang 'yung lalaking nakatakda para sa'yo, na-traffic lang."
Susubsob na sanang muli si Alynna sa kanyang desk nang bigla siyang tapikin ni Lanie.
"Aray ha!"
"Nand'yan na si Boss. Gusto mo bang mapagalitan kapag nakita ka niyang nakaplakda d'yan sa station mo?" Ngumuso ito sa direksyon ng pintuan. Kababalik lang ni Troy Montejano galing sa meeting ng mga supervisors. Seryoso ang anyo nito habang nakatutok ang mga mata sa smartphone. Tall, dark, and handsome. Their officemates had always labeled him as deep and enigmatic. Halos lahat ng kababaihan sa production floor ay nababaliw rito.
"Three months na rin pala sa 'tin si Boss-Baby Troy, ano? Tingin n'yo, kaya niyang isalba ang team natin mula sa lusak? Six months na tayong bottom team-awardee, patatayuan na nga tayo ng monumento sa Luneta eh." Kinalabit sila ng ka-team nilang bading na si Tetet. Isa lamang ito sa mga ahente sa floor na may lihim na pagnanasa kay Troy.
Substitute supervisor lang nila ang lalaki sa team. Nag-maternity leave kasi ang orihinal nilang team leader. Maselan ang pagbubuntis kaya't pinayagan ng management na magbakasyon muna ito nang mas matagal. Ang dating team na hinawakan ni Troy ay nalipat sa ibang Line-of-Business ng kanilang account. Karamihan pa sa mga iyon ay mga na-promote na.
Ilang beses na ring inalok ng promotion si Troy, tinatanggihan lamang ng lalaki. Everyone knew how good he is at managing people. All the teams he handled before were always on top. Kaya siguro ito in-assign sa team nila. He had a reputation of turning the worst teams into the best.
"Hindi naman siya tatawaging A-Team Maker kung hindi niya kayang iahon ang team natin eh. Manalig lang tayo," sagot ni Lanie.
"Amen!" ani Tetet na madramang itinaas ang isang palad sa ere.
Tahimik niyang pinagmasdan si Troy at muli siyang nakaramdam ng kakatwang tensyon. Naglaro na naman kasi sa kanyang isipan ang eksenang nasaksihan sa back door passage ng bar na pinagtatrabahuhan ni Kuya Jun… The way he touched that girl, the way he looked at her when he was getting a deep throat—
Napasinok si Alynna sa pagkagulat nang biglang lumipad ang tingin ni Troy sa direksyon niya. Bahagyang kumibot ang sulok ng mga labi ng lalaki na parang sinasabing: "I caught you starting at me." Yumuko siya upang ikubli ang pamumula ng mukha. Dalawang linggo na ang lumipas mula nang aksidente niyang masaksihan ang mainit na tagpong iyon pero hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya sa tuwing makikita ang kanyang boss.
Who could blame her anyway?
"Alynna, go on Coaching. Now," utos ng makapangyarihang tinig at nanlamig ang bawat himaymay ng katawan niya.
***
PAGPASOK sa conference room ay dinatnan ni Alynna si Troy na prenteng naka-figure four sa malaking swivel chair, nakasandal ang likod sa high backrest at abala sa pagkalikot ng kung ano sa cellphone. She couldn't help but admire how broad his shoulders were. Hakab sa suot na puting undershirt ang solidong dibdib. Gaano kaya kasarap haplusin iyon?
She shook her head. What the hell was she thinking?
Aaminin niya, attracted din siya rito. Sino bang hindi? Troy looked like an elegant warrior in a business casual attire. Classy ang postura sa suot na itim na blazer at pantalon. Rough and sexy with his scruffy stubble. Matigas ang hulma ng mukha, malalim ang mga mata na kung tumitig ay parang magnet na nanghahatak ng katinuan. His nose was masculine straight and his lips were simply seductive. Troy never acted like high-and-mighty, but he was definitely intimidating. Mula sa makapangyarihan nitong tindig, hanggang sa propesyonal nitong paraan ng pakikipag-usap sa mga tao.
Somehow, she had a crush on him.
Pero hindi niya ito pwedeng magustuhan nang todo. He was way too far from the kind of man she needed at the moment. Definitely out of her league. Kailangan niya iyong lalaking pwede niyang gawing boyfriend.
And Troy was not on her list—realistically speaking.
"Tatayo ka lang ba d'yan? Our time is running, just so you know." She flinched as the casual masculine voice filled her ears. Animo binangga ng kung anong ugong ang tahimik na silid. Hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa screen ng phone.
Umupo siya sa swivel chair na nasa gitnang bahagi ng mahabang conference table. Noon nag-angat ng tingin sa kanya si Troy, kunot ang noo.
"Really, Alynna? Do I look like I'm gonna bite you?" amused nitong wika saka marahang sinipa ang gulong ng swivel chair na kalapit nito. "Sit here. I want you near me."
Nanulay ang init sa kanyang katawan pagkarinig sa mga katagang iyon. What was wrong with her? Was it because of that one steamy night in the bar? She needed to pull herself together and stop her mind from conjuring indecent images of her boss—or else, she would be damned.
Tahimik siyang umupo sa swivel chair na itinalaga sa kanya ng lalaki. Pasimple niya iyong inusod upang makalikha ng kaunting distansya mula kay Troy.
"What happened to the team's stats, Alynna?" pormal nitong panimula. "We all struggled in the first two months but fortunately, nagkaroon naman tayo ng improvement. I really thought this month is finally ours. We were already on top during the first week, numbers slightly dropped on the second week, and now this third week…"
Napayuko siya. Pakiramdam niya ay isa siya sa mga nagpababa ng stats nila sa kasalukuyang buwan. Wrong timing naman kasi ang pakikipag-break sa kanya ni Toby. Naletse tuloy ang performance niya.
"Masyado ba tayong naging kampante? QA is still okay, but the rest are a disaster. Our team's CSAT is at seventy-four percent. Overall AHT is average seventeen point five. And the attendance? May balak pa ba kayong magtrabaho?"
Their team suffered from several lates and absences this past week—at isa siya sa mga contributors doon. Pero bakit siya lang ang ginigisa ni Troy?
Napaangat siya ng mukha, nagpoprotesta ang anyo. "Teka, Boss. Unfair naman po yata na ako lang ang kino-coach n'yo. Hindi lang naman ako ang—"
"Are you okay, Alynna?" Natigilan siya nang biglang naging concerned ang tono ni Troy. Noon lang din niya napansin na mataman siyang pinagmamasdan nito na parang pinag-aaralan ang bawat features ng kanyang mukha. Bigla siyang na-conscious nang mapansing tumigil ang mga mata nito sa nakaawang niyang mga labi. His stare was wondering. Inalala niya kung naglagay man lang ba siya ng lip balm kanina.
She closed her plump lips and unconsciously licked them. Nahuli niya ang bigat ng paglunok ni Troy.
"I-I'm fine, Boss," sagot ni Alynna sa awkward na tono.
"'Doesn't look like it. Natutulog ka ba nang maayos? Maputla ka."
"Ahm… medyo puyat lang po siguro. Lately kasi, nagigising ako sa hapon tapos hirap na ulit akong makatulog." Mukha na ba siyang zombie? Masyado na sigurong malalaki ang eyebags niya.
"Bakit naman?" curious nitong tanong na ramdam niyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
"Hindi ko po alam."
"Stressed?"
"Hindi naman po."
"Problems?"
She sucked in her breath. This felt more like an interrogation! Their coaching sessions used to be all about stats and action plans. Ngayon ay parang malapit na ito sa pagtatanong nang tungkol sa personal niyang buhay.
Yes, she had a problem. Lots of problems, actually. Pero wala siyang balak ikuwento ang mga iyon kay Troy. Hindi sila close, ano!
"I'm okay, Boss. Promise. Baka kailangan ko lang po talaga ng tulog."
"I don't think it's just a sleep problem." Itinulak nito paatras ang swivel chair at hinarap ang nakabukas na computer doon. He opened a file, played a recording and she instantly recognized her voice. Para siyang namatayan. Troy played two more short calls. Lahat ay mga naging case niya nitong mga nakaraang araw. One old lady even asked her if she was drunk. God, ano ba ang nangyayari sa kanya?
"These customers gave you a very dissatisfied survey. At malamang sa malamang, madadagdagan pa sila kung gan'yan ka pa rin mag-take ng calls."
Narinig niya ang malakas nitong pakawala ng hangin bago humarap muli sa kanya. "You're one of the top performers of this account, Alynna, despite the fact that your team is struggling these past six months. You're even better sa previous agents ko. Everyone knows that. What happened?"
Hindi siya nakasagot. Alangang ikuwento niya rito ang tungkol sa naging break up nila ni Toby?
"Mind sharing your problem with me? Mukhang masyadong mabigat eh."
"No Boss!" defensive ang tono niya. "Well, it's nothing, I swear. Nag-break lang kami ng boyfriend ko two weeks ago, pero—"
Crap! Did she just say that?
Tumango-tango si Troy, panay ang himas sa baba gamit ang mahahaba nitong mga daliri. Why did she find the gesture sexy? "I see."
"Uhm… sorry, Boss. I promise, next time—"
"You can go on avail now. Mukhang naayos na ang tools sa labas." Tinalikuran siya nito at humarap itong muli sa computer. She felt bad. Hindi siya sanay na kino-coach siya for bad performance. And to think that it went downhill because of her petty personal problem. Nakakahiya kay Troy!
"Thanks, Boss." Tumayo na siya at tinungo ang pintuan.
"Wait, Alynna!"
Napalingon siya sa lalaki. Nakaharap pa rin ito sa screen ng PC. "Yes?"
"May plano ka ba after shift?"
Napaisip siya. Wala naman siyang ibang pupuntahan. "Uuwi lang, Boss. Bakit po?"
"Ten minutes, hintayin mo 'ko sa lobby." Ano raw? Lumingon ito sa kanya nang maramdamang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. "Bakit nandito ka pa? Go on avail, now!"
Hihirit pa sana siya pero natakot na siya sa boses ni Troy kaya't madali siyang lumabas at bumalik sa station niya. May call si Lanie pero pinindot nito ang mute button nang makita siya.
"An'yare?"
Napalabi siya saka umupo at isinuot ang headset. "Stats." She wondered what Troy was up to. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.