TROY really came at exactly ten minutes after their shift. "Let's go." Animo wala lang na nilampasan siya nito at pinasunod. How could he intimidate people just like that?
"Wait, Boss. Bakit n'yo po ba 'ko pinag-stay?" Hinabol niya si Troy para lamang ma-realize na papunta sila sa parking area ng building. Sinundan niya ng tingin ang lalaki habang nilalapitan nito ang pulang Ford Escape.
"Hindi ka sasakay?" untag nito sa kanya nang mapansing nakahinto lamang siya sa tapat. Nag-alangan siya pero sa huli'y tahimik siyang tumalima at sumakay sa passenger's seat.
"Ah, Boss, saan po tayo pupunta?" tanong niya nang makalabas na sila ng building. Mabango ang sasakyan, kasimbango ng may-ari. She could smell Troy's woodsy scent all over the place and she was tempted to close her eyes and relish it.
"I'll drive you home, 'di ba obvious?" he replied plainly.
Gusto niyang mahiya. Iniisip ba nitong hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya? Hindi niya alam na may pagka-thoughtful pala si Troy sa agents nito. Dapat ay matuwa siya, pero iba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. It was Troy Montejano for God's sake! Sinong babae ang mapapanatag sa tabi nito?
"Hindi na po kayo dapat nag-abala, Boss. Kaya ko naman pong umuwi nang mag-isa," sabi niya.
"Wala na tayo sa office, Alynna, pwede bang 'wag mo na 'kong i-po? I'm just thirty, in case you forgot." Biglang nagkamot ng ulo si Troy na kunwaring naiirita. Hindi niya napigilang mapangiti. It was the first time she had seen this cute side of him.
"Pero seryoso, Boss, hindi mo talaga ako kailangang ihatid. May hangover lang ako sa break up pero matino pa ang utak ko. Kaya ko pang maglakad, kumain, at makipag-usap sa tao. Tanda ko pa ang pangalan ko."
Troy stifled a laugh.
"B-But thanks, anyway," dugtong na lang niya. Ayaw naman niyang isipin ni Troy na ungrateful siya. Dumungaw siya sa labas ng bintana at hinayaang mamayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Maya-maya'y narinig niyang nagsalita ang lalaki, "I don't think you deserve a guy like him."
"Huh?" She glanced at him.
"Your ex."
"Toby?"
"Yeah, who else?" He frowned.
She blew out a breath. Kung alam lang ni Troy na companionship lang ni Toby ang pinanghihinayangan niyang nawala.
"I still don't understand it, Alynna." Napapailing si Troy. "That guy is a player. Why did you date him?"
Muli siyang tumingin sa labas. "Siguro dahil magaan siyang kasama."
"He's just flirting around," pakli nito.
"At least, walang dull moments kapag siya ang kausap mo."
"He slept with almost every hot chick in the office. That was okay with you?"
Hindi na niya nagustuhan ang tono ng lalaki. Troy was making her feel like she just ruined her own life by being Toby's girlfirend. "Choice ko naman na makipagrelasyon sa kanya kahit ang tingin ng lahat, may pagkagago siya."
She heard him sigh. "Sineryoso mo ba siya?"
"Of course not. Wala naman kami sa stage na gano'n. We were just having—" Kung hindi pa biglang hininto ni Troy sa gilid ng kalsada ang sasakyan, hindi pa niya mare-realize kung saan na napunta ang bibig niya sa pagsasalita.
Nilingon niya si Troy para lamang mahuling nakatitig ito sa kanya at pinag-aaralan na naman ang ekspresyon niya. He looked surprised and confused at the same time. Fine. Since mukha naman itong interesado sa personal niyang buhay, itinuloy na niya ang dapat na sasabihin. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang hesitation.
"Yes, Boss. We were just having sex." Kumurap si Troy at nahuli niya ang maliit na pagkibot ng nakakaakit nitong mga labi. Nagpatuloy siya, "Fuck buddies, I guess." May kakatwang init na namuo sa sikmura niya. Saying the word fuck in front of Troy had suddenly unleashed wild images in her head: Troy pulling her close, kissing her, touching and licking every part of her body…
Pasimple siyang napasulyap sa malaking kamay ni Troy na nakasakmal sa manibela. The sight of his powerful grip sent fire down to her core. His fingers were long and delicate. Parang kamay ng prinsipe na handang magparusa.
Oh God. Kanina pa yata nagiging maharot ang utak niya.
Napapitlag silang pareho nang may biglang bumusina sa likuran. Hindi makapasok ang kotse sa parking area ng katapat nilang bangko dahil nakaharang ang sasakyan nila. Mabilis na ibinalik ni Troy ang tingin sa daan at tahimik na pinaandar muli ang sasakyan.
Binuksan niya ang bag at hinagilap ang cellphone. Inabala niya ang sarili sa pagtsi-tsek ng feeds sa Facebook niya, umaasang mapapatay niyon ang init sa kanyang sistema.
"Dito na ba 'yon?" tanong ni Troy nang marating nila ang Kapitolyo.
"Yeah, pero pahinto na lang d'yan sa gas station."
"Ayaw mong ihatid kita sa mismong bahay n'yo?"
Pormal siyang ngumiti na hindi masalubong nang deretso ang tingin ng lalaki. "'Wag na, Boss. Sa bungad lang naman kami eh. Thank you ulit."
"You're welcome."
Nang makaibis ng sasakyan ay nagpaalam siyang muli kay Troy. At kahit nakatalikod na ay ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ng lalaki. Natutukso siyang lumingon, pero pinigilan niya ang sarili. Nakapagkit pa rin kasi sa pakiramdam niya ang letseng init.
Utang na loob, itulog mo 'to, Ynna.
***
"HAY NAKU Nelson, mamatay ka na nga!"
Pagpasok sa bahay ay sinalubong agad si Alynna ng usual away-scene ng mga magulang niya. Nakapamaywang ang mama niya sa baba ng hagdan, nakatingala habang nagsisisigaw. Nakasuot ito ng sexy na bestida kaya't sigurado siyang makikipagkita na naman ito sa bagong lalaki nito.
Inilapag niya ang bag sa sofa saka dumeretso sa kusina.
"Ako na naman ang paggagastusin mo? Ako na nga ang sumagot sa tuition ni Gelo, ako pa rin sa kuryente't tubig? Ano ka! Kung hindi naman kasi panay ang bigay mo ng pera sa kabit mong prosti!"
"Eh sa kailangan kong sustentuhan si Mary Ann. Buntis 'yon eh!" malakas na sagot ng papa niya mula sa taas.
"Hay naku, bahala ka! Basta hindi ako magbibigay sa'yo ng pera. Aalis na 'ko." Napahinto ang mama niya nang makita siya. "'And'yan ka na pala, Alynna. 'Pag nanghingi ng pera sa'yo ang magaling mong ama, 'wag mong bibigyan ha. Hayaan mo siyang mamroblema kung saan kukuha ng pambayad." Saka ito nawala sa paningin niya.
Napapailing na lamang siyang uminom ng tubig. Kapag ganitong sinusumpong ng giyera ang mag-asawa, alam niyang sa huli'y siya rin ang maga-abono ng pambayad nila sa bills.
Foreman ng isang construction company ang papa niya at sa post office naman nagtatrabaho ang kanyang ina. Bagaman tatlo silang may trabaho sa bahay, dumarating pa rin sa punto na kinakapos sila ng pera. Masyado kasing gastador ang mga magulang niya na kung hindi sa mga karelasyon ginagamit ang pera'y pinangsusugal ng mga ito. Ang kapatid niyang si Gelo ay nasa Grade 10 pa lang. Siya na ang umako sa pagbibigay ng allowance dito dahil obviously, wala siyang aasahan sa mga magulang niya.
Nagpasya siyang mag-shower saka nagkulong sa sariling kuwarto sa baba. Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Ang balak niya ay matulog nang mahabang oras tutal ay rest day na nila.
When she closed her eyes, her mind suddenly swam into hot images of Troy. Gulat siyang napamulat at napatitig sa dilaw na kisame ng kanyang kuwarto. She had never thought of her boss this way before. Ano nga bang nangyari kanina? Ang alam lang niya ay pinag-uusapan nila si Toby at…
Mabining bumagsak ang talukap ng mga mata niya. She recalled Troy's slightly parted lips… his startled deep-set eyes… his long fingers…
Kinagat niya ang ibabang-labi habang wala sa loob na lumukob ang kanyang kamay sa kanang dibdib at pumisil. Ang isang kamay naman niya ay dumausdos mula sa kanyang tiyan pababa sa puson. She was starting to feel wet beneath her undies and—
Teka, ano bang ginagawa niya?
"Oh God, no! Umayos ka nga, Alynna!" Tinabunan niya ng unan ang mukha at tumagilid siya ng higa sa kama. Pagpantasyahan daw ba niya si Troy?