Chereads / DARK TEMPTATION (novella/Filipino) / Chapter 6 - A Better Arrangement

Chapter 6 - A Better Arrangement

"TOBY'S a fuckin' douche."

"I like his ass," she replied, matter-of-factly. Tinatablan na ng alcohol ang isip niya kaya't wala na siyang pakialam kung gaano ka-straightforward ang mga isinasagot niya.

Napatiim-bagang si Troy at iniwas ang mukha sa kanya. Nagbukas ito ng bagong beer at sunud-sunod na nilagok iyon. Pansin niya ang paninigas ng kalamnan nito na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Nang matapos ay muli itong nagsalita, hindi pa rin ibinabalik ang tingin sa kanya. "He's only after sex."

"I know…" she almost whispered.

"Pero pumayag ka pa rin?" It sounded more like a statement.

"Sinabi ko na, I always look for a means of escape. I just need a companion, takbuhan sa tuwing gusto kong umalis ng bahay. Siguro naman napansing mong wala akong malalapit na kaibigan maliban kay Lanie. Madalas pang may sariling mundo ang isang 'yon."

"'Still doesn't mean na dapat ka nang makipagrelasyon sa lalaking katawan mo lang ang habol sa'yo. I'm not trying to be a hypocrite here, Ynna. It's just, I think you deserve a better arrangement than that." Bumaling itong muli sa kanya para lamang mapako ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Aware siyang nag-loose na ang plunge line ng blouse niya kaya't nakasungaw na mula roon ang kapiraso ng lace bra niya. She could see the flicker on Troy's eyes, and his stare was burning through her skin.

Kunwari siyang nagtanggal ng bara sa lalamunan at umupo nang tuwid, fixing her blouse in the process. Aabot sana siya ng bagong beer pero inunahan siya ni Troy doon upang magprisintang buksan iyon para sa kanya. She felt electrified when his elbow touched hers.

"You know, I don't really mind it," sabi niya, pilit ibinabalik sa normal ang himig. "Wala rin namang lalaking nanliligaw sa 'kin nang seryoso. Madali silang ma-turn off sa sitwasyon ng pamilya ko. But I'm not really looking for a serious relationship, anyway. Wala akong pakialam kung para sa ibang tao, irrational ang paliwanag ko. Some may think na wala akong respeto sa sarili ko. But what the hell? I care more about saving my sanity than protecting my freakin' feminine dignity. Some people are just lucky not to live my life." Dere-deretso niyang ininom ang laman ng beer na iniabot sa kanya ng lalaki.

"I don't judge you, Ynna. Concerned lang ako sa'yo. In fact, I admire you a lot, you have no idea. You're different from most girls I've met," makahulugang pahayag ng lalaki at gusto niyang paniwalaan ang bawat salitang binitawan nito. Kahit kailan ay wala pang lalaking nagsabi sa kanya nang ganoon. For the first time in her life, she felt special and not broken.

"So what happened between you and Toby? Why did you break up?" tanong ni Troy kapagkuwan. Sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya.

"He said I was boring in bed," she murmured. Umawang ang mga labi niya at tumutok doon ang mga mata ng lalaki. Troy swallowed hard and she could hardly breathe. "Sa tingin mo, tama siya?"

Troy lowered his face to hers and he captured her lips. Napapikit siya at napasinghap. Sinalo ng lalaki ang kanyang mukha sa mga palad nito. Panaka-nakang dumidiin ang mga labi nito sa kanya, pero naroon ang pag-iingat. As if he was thinking that this was her first kiss and he didn't want to break her.

Alynna parted her lips wider, as if to shut Troy's hesitation down and urged him to kiss her more. She was inviting his tongue to fill her inside. His hand crept to the back of her head, running his fingers through her hair. Ang isang kamay ay naglakbay pahaplos sa malambot niyang leeg, his thumb circling over her throat. Bumaba iyon sa kanyang balikat, hanggang sa pumaikot sa ibabaw ng kanyang likod.

Troy pressed her head towards him and he finally slipped his hot tongue through her wet lips. He plunged deeper into her mouth, tasting her. Nalalasahan din niya ang linamnam ng sandwich na kinain nila at ang tamis at pait ng beer na ininom nito.

Alynna moved her tongue fiercely, wrapping her arms around the nape of his neck. She moaned against his mouth and it stimulated Troy more. He kissed her deeper and suckled her tongue.

Napatuwid ang balakang niya nang bumaba ang isang kamay ni Troy para hagurin ang kurba ng kanyang katawan. Umakyat iyon upang hagilapin ang kanyang dibdib. She gasped as he squeezed her firm round breast. Manipis lamang ang suot niyang blouse at bra kaya't tumatagos ang init ng palad ni Troy sa mapanuksong tela. She could feel her nipples hardening in response and they were begging for release.

His hand slipped inside her shirt, caressing her curve, her bare back, until his fingers climbed up and found the hook of her bra. She waited for him to unclasp it, but he didn't. Pinutol ni Troy ang koneksyon ng kanilang mga labi at umusod palayo sa kanya. Habol-hininga silang pareho.

"No, this is wrong." Umiling-iling ito at marahas na inihilamos ang mga palad sa mukha. Inayos niya ang nagulong buhok at damit. Hindi niya inasahan ang halik ni Troy, pero mas ikinabigla niya ang reaksyon nito pagkatapos na para bang isang malaking pagkakamali ang ginawa nito.

"Troy?"

He turned his apologetic face to her. Naroon pa rin ang init sa mga mata nito ngunit mas nangingibabaw ang pagsisisi. "I'm your supervisor, Ynna. Temporary, yes. But still… I shouldn't be taking advantage of you."

She produced a low laugh. "Hindi ka nananamantala. I want this, Troy. Saka hindi naman 'to kailangang malaman ng iba. And we're both adults here." Their company would never encourage a supervisor-agent relationship, pero hindi nangangahulugan na dapat na nila iyong ituring na isang malaking krimen. Alynna knew things like this still happen in workplaces.

"You don't understand." Tumayo si Troy na animo mapapaso kapag nagtagal pa ito sa kanyang tabi. "Inimbitahan kita dito para magkaroon ka ng kausap. Pero pinagsamantalahan ko ang vulnerability mo. I shouldn't have done that to you, I'm sorry."

"Pero nasa katinuan pa 'ko, Troy. And I said I want this."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "You��re just drunk, Ynna."

Tiim-labi siyang napatayo sa harap nito. Napansin niya ang pagkuyom ng kamay nito at ang pag-igting ng panga. Sandaling itong napapikit na para bang isa siyang malaking kasalanan na pilit nitong iniiwasang langhapin.

Naramdaman niya ang pagkabuhay ng kanyang dugo, ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. "If I'm sober, will you sleep with me?"

He swallowed hard and his jaw tightened. Lalong tumigas at dumilim ang anyo nito nang muling magmulat ng mga mata.

"Answer me, please," puno ng determinasyon ang kanyang himig. Yes, she was drunk. But she knew what she was saying. Alam din niya kung ano ang gusto niyang mangyari. Noon pa lang sa bar… sa conference room… sa kotse... Her body was behaving unnaturally every time Troy was close to her. Every part of her wanted him.

Sa sumunod na sandali ay naging blangko ang ekspresyon ni Troy. Nawala ang tensyon sa mga muscles nito at naglaho rin ang dilim sa mga mata. Bumuka ang bibig nito at walang kurap na sumagot, "No, I won't sleep with you."

Pakiramdam ni Alynna ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig. It was the most painful no she had ever heard in her entire life. Nanulay ang magkahalong frustration at embarassment sa bawat himaymay ng katawan niya. She wanted to turn her back and run far away from Troy.

Pero naunang tumalikod ang lalaki. "Get your things, I'll drive you home."

***

"YOUR husband left you? I'm so sorry to hear that, Mrs. Davis. On the other hand, I'm happy for you. Men are complete jerks. They will lure you in, lead you on, and leave you halfway. Then, they will make lots of excuses. Believe me Ma'am, you're better off without him. Is there anything else I can assist you with today, Mrs. Davis?" mahabang litanya ni Alynna sa mouthpiece ng suot na headset. Ilang segundo ring naging speechless ang customer mula sa kabilang linya bago ito napahagalpak ng tawa. Natuwa ang ginang sa kanya at sinabing wala na itong kailangan pa.

"Thank you for calling us again, Mrs. Davis. Have a wonderful day!" aniya saka pinutol ang tawag. Alynna punched a button from her Avaya phone and removed her headset. Natigilan siya nang mapansing napatayo pala ang lahat ng teammates niya at tigagal na nakatingin sa kanya. Some got lost in the middle of their calls, and some pressed the mute button just to help themselves laugh.

"Ouch 'yon ah! Magpreno ka naman, Ynna," sabi ng isang teammate niyang lalaki.

"Hoy, Ynna, anong tinira mo at humuhugot ka d'yan? Balak mo bang magdeklara ng digmaan laban sa mga kalalakihan?" ani Tetet mula sa likuran niya na ginatungan naman ng iba pa niyang teammates. Si Lanie naman ay napapangiti lang sa kanya.

Lumipad ang tingin niya sa elevated station kung saan kasalukuyang nakatayo ang supervisor nila. There was a subtle shock in Troy's handsome face and she couldn't tell if he was scowling at her or what. Pero bago pa siya nito i-pull out para sa isang emergency coaching, nauna na siyang tumayo at nag-punch ng Lunch sa kanyang station. Pormal ang kanyang ngiti nang maglakad siya patungo sa station ni Troy.

"'Wag kang mag-alala, Boss, natuwa naman ang customer sa sinabi ko kaya siguradong perfect five ang ibibigay niya sa 'kin sa survey. Lunch lang po ako," paalam niya saka niya ito tinalikuran.

It had been a week since the night she and Troy shared a wild kiss. Nakabaon pa rin sa sistema niya ang sama ng loob at pagkapahiyang naramdaman nang tanggihan nito ang pag-alok niya sa kanyang sarili. Kung makaasta ito ay parang wala itong konsiderasyon sa damdamin niya. Men.

"No, I won't sleep with you…"

Ipinikit niya ang mga mata at ikinuyom ang dalawang kamay.

Gago siya!