HINDI mapigilan ni Alynna ang sarili na mapangiti sa tuwing maaalala ang naging pagtatalik nila ni Troy sa parking lot. Troy blew her mind the way like she had never been fucked before. It was intense, nerve-wracking, and exciting. Pinaramdam nito sa kanya kung gaano katindi ang kagustuhan nitong maangkin siya.
"Hoy, Ynna! Okay ka lang?" Tinapik ni Lanie ang kamay niya nang mapansin sigurong lutang na naman ang isip niya. Lunch time nila at kasalukuyan silang kumakain sa pantry kasama si Tetet.
"Hala nabaliw na! Si Marcos ang pinag-uusapan, etong lola mo, nakangising parang ewan," hirit ni Tetet. "Kung 'di mo uubusin 'yang pancit, akin na lang." Hinayaan niya si Tetet na agawin nito ang kanyang plato.
"These past few days, napapansin kong good mood ka lagi, ah. 'Tipong minumura ka na ng customer, naka-smile ka pa rin. An'yare? Share mo naman," si Lanie ulit.
"Wala 'yon. Teka, bakit ba tayo napunta kay Marcos? 'Di ba 'yung abs ni Chris Hemsworth ang topic natin kanina?" Lumagok siya ng tubig matapos ilihis ang usapan. Wala siyang balak ikuwento sa mga ito ang tungkol sa sexcapade nila ni Troy.
"Eh kaya naman pala nakangisi ang lola mo eh. Nag-stop na sa abs ang imagination," sabi ni Tetet habang ngumunguya. Nang makalunok ay muli itong nagsalita, ang tingin ay lumampas sa balikat niya. "Sige, balik tayo sa abs. Sino nang nakasilip sa abs ni Boss Troy?"
Nasamid si Alynna.
"'Yung boses mo naman, Tetet. Marinig ka ni Boss, nakakahiya," sita ni Lanie.
Binawi niya ang plato mula kay Tetet at inabala ang sarili sa pagsubo ng pagkain. Sumungaw sa peripheral vision niya ang pagdaan ni Troy sa gilid nila, kasama ang ibang supervisors. Pumwesto ang mga ito sa isang mesa di kalayuan sa kanila.
Nagbubulungan pa rin sina Tetet at Lanie tungkol kay Troy pero hindi na niya inintindi ang sinasabi ng mga ito. Lihim niyang sinulyapan si Troy. Ang ganda ng ngiti nito habang nagkukuwento ng kung ano sa mga kasama. She wanted to hear what he was saying but there was too much noise in the pantry. Nakuntento na lamang siyang pagmasdan ito.
Isang bahagi niya ang umaasa na sana ay ambunan siya ni Troy ng kahit isang sulyap man lang. Pagkatapos kasi ng nagyari sa kanila ng lalaki ay bumalik sa pagiging pormal ang pakikitungo nito sa kanya. He was again… her supervisor. He would talk to her as if they never shared an intimate conversation. He would look at her as if he never kissed her.
"This should only happen one time."
Alright, hindi naman siya hibang para umasang mauulit ang nangyari sa kanila. Mas lalong hindi niya kinokonsidera ang posibilidad na seryosohin siya ni Troy. But was it wrong to wish that somehow, Troy sees her as more than a one-time thing?
"Hi, guys! Pwede ba 'kong tumabi?" Napukaw siya ng boses ng lalaking lumapit sa table nila. It was Pete, isa sa mga naging kasama nila ni Lanie sa training noong bago pa lamang sila sa trabaho.
Napansin agad niya ang pamumula ng mukha ni Lanie. Matagal na kasing may crush ang huli sa lalaki.
"Ikaw si Pete 'di ba? Siyempre pwedeng-pwede kang tumabi sa 'min," makahulugang turan ni Tetet. "Gusto mo bang dito sa puwesto ko para tabi kayo ni Lanie?"
Pasimpleng siniko ni Lanie si Tetet.
"Okay na 'ko dito, thanks." Umupo sa tabi niya si Pete na napansin niyang pasadyang dumikit sa kanya. Nahuli niya ang pagsimangot ni Lanie kaya naman agad siyang dumistansya kay Pete.
"Kumusta ka na, Ynna? Balita ko wala na kayo ni Toby."
Sandali siyang na-caught off guard sa sinabing iyon ni Pete. She decided to answer him anyway, "Ahm, well, hindi talaga kami nag-work eh."
"At least available ka na ngayon." Napamata siya kay Pete na siya namang sobrang lagkit kung makatingin sa kanya. Pasimple siyang sumulyap kay Lanie at napalunok siya sa nakitang pagtusok-tusok nito ng tinidor sa kinakaing chicken nuggets.
But then, her attention was caught by someone else. Troy was looking at their direction and he didn't look happy either. Was he jealous? Why would he?
Dala ng matinding pagkailang ay nagpasya na lamang siyang tumayo at nagpaalam sa mga kasama.
***
"THERE'S really something different about you nowadays, Ynna. Parang mas lalo kang gumanda. Are you seeing someone new?"
Gustong magtaray ni Alynna nang basta na lang siyang ambush-in ni Toby sa hallway. She wasn't in a good mood today. Her last call took almost an hour and she felt so drained from getting yelled at by that customer. Nagsipaguwian na ang lahat ng teammates niya at siya na lamang ang natira roon. And now she had to deal with Toby?
"Mag-isa ka yata ngayon. Nasa'n 'yung bago mong jowa na palaging nakabuntot sa'yo?" bagot niyang tugon.
"Ah si Audrey? Wala na 'yon. Masyadong clingy kaya hiniwalayan ko na. But let's talk about you." Toby beamed excitedly. "I've missed you, Ynna."
Napahalukipkip siya kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay. "Wala ako sa mood makipaglokohan ngayon, Toby. 'Una na 'ko." Akmang tatalikod na siya nang biglang pigilan ng lalaki ang braso niya.
"Hey, you don't miss me? Ooh, may dine-date ka na bang iba ngayon? Kung wala, pwede bang—"
She jerked his hand away. "You already dumped me, Toby. At wala akong balak makipagbalikan sa'yo."
Napansin niyang lumampas ang mga mata nito sa kanyang balikat pero nang nilingon niya ang direksyong tinitignan nito ay wala naman siyang nakitang tao roon.
Alynna glanced back at Toby and caught him smiling cryptically. She sighed impatiently. "Can I go now?"
Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere at nagbigay-daan sa kanya. Nasa tapat na siya ng elevator nang marinig muli ang boses ni Toby mula sa puwestong pinag-iwanan niya rito. "Don't fall for him, Ynna."
Napakunot-noo siya rito. "Fall for who?"
"Secretive guys are worse than jerks like me." He winked at her and walked away.
What was up with him? Hindi siya sanay sa pagiging cryptic nito. Alynna thought Toby was probably just toying around. Feeling exhausted to think more about anything, she hastily rode the elevator and leaned her back against the wall. Pero bago pa tuluyang sumara ang elevator ay may kamay na biglang pumigil sa pinto niyon.
"Tr-Boss?"
Kaswal itong sumakay sa elevator saka pinindot ang basement button.
"Bakit nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na kanina," aniya.
Hindi ito sumagot. She then heard him sigh impatiently. "Is Toby trying to get back with you?"
That startled her. "S-Saan naman galing ang tanong na 'yan?"
He slightly moved his head but he was still staring at the elevator door. "You didn't answer my question."
"Nakita mo ba kaming nag-uusap kanina?"
Napakurap siya sa biglang pagpihit nito paharap sa kanya, ang mga mata ay matiim na nakatitig sa kanya. "The fact that you're a man-magnet pisses me off."
Napatanga siya kay Troy.
"You got out of a relationship and now guys are swarming around you."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why are you acting like you're affected, Troy? Are you trying to lead me on again?" Bumukas ang elevator door sa ground floor pero mabilis na pinindot ni Troy ang close button. Dinutdot niya ang open button pero muli na namang pinasara ni Troy ang pinto niyon.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Nagpapa-fall ka na naman ba? Please lang, ayoko ng ganitong laro." Iritable siyang napabuga ng hangin at napasuklay sa kanyang buhok. "You said it was one time only."
Sumeryoso ang mukha ni Troy. "Well, I just changed my mind."