Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 23 - Ang Parusa

Chapter 23 - Ang Parusa

Umaga na, niligpit na namin ang aming mga kagamitan. Pabalik na kami sa palasyo. Nakasakay na kami sa kabayo. Mahaba-haba rin ang biyahe papunta sa palasyo. Nasa likuran ko si Asher habang ako naman ay nasa harapan.

"Maaabutan ko pa ba kaya si Binibining Helen?" Ani ko. Tumingin lang sa akin si Asher ngunit wala siyang naisagot. Ako'y nakatulog sa aming paglalakbay.

Nang idinilat ko ang aking mga mata ay nasa labas na kami ng palasyo. Ako'y inalalayan ni Asher bumaba sa kabayo. Nakita ko si Heros palabas sa pintuan kasama si Binibining Helen. Sila'y pumunta sa aming kinarorounan at nagsimulang bumati.

"Magandang hapon Binibining Heleana." Bungad ni Binibining Helen sa amin. Sisimulan niya na sanang bumati kay Asher ngunit nahinto ito dahil kay Heros.

"Bakit matagal kayo nakabalik sa palasyo?"Agad na tanong ni Heros. Nanibago ako sa kanyang inasal. Ang kanyang mukha ay may madilim na ekspressyon at ang tono ng kanyang boses ay naging malalim.

"Naglakabay kami sa gubat. Naabutan kami ng ulan at lumubha ito, kaya nanatili kami buong gabi sa gubat. Kinaumagahan ay nagmadali kaming pumunta dito."Pagpapaliwanag ni Asher sa kanya. Tumama naman sa kanyang mukha ang kamao ni Heros dahilan siya'y napabagsak. Ako'y agad na pumunta patungo kay Asher at inalalayan siyang tumayo. Siya'y dumura ng dugo sa harapan ni Heros.

"Alam mo bang delikado ang ginawa mo?!"Agad na sigaw ni Heros. Susuntokin sana ni Heros si Asher sa mukha ngunit humarang si Binibining Helen sa kanyang daraanan.

"Tama na!"Sigaw ni Binibining Helen. "Hindi magandang mag-away sa harapan ng ating bisita. Kung nandito si Miranda ay tiyak...na magagalit siya sa iyong inasal." Saad niya. Napangiwi naman si Heros. Siya'y pumunta kay Asher at may ibinulong ito. Hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi dahil ibang lenguwahe ang kanilang ginamit. Si Heros ay tumingin muna sa akin bago siya magsalita.

"Kailangan mo na magdesisyon. Malapit na ang araw ng pagdiriwang ng mga demonyo. Hindi ka dapat nagsasayang ng nalalabing mong oras." Saad niya at inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga. "Hindi lang ang buhay ng mga kaibigan mo nakasalalay dito...pati na rin ang buhay ng iyong mundo at mundo namin." Saad niya. Ako'y nanatiling tulala sa kanyang mga sinabi. Napalakad ng paatras si Heros sa akin.

"Kaya kumilos ka na."Saad niya at tumingin kay Asher. "Huwag kang gagawa ng kahit na anong kabaliwan. Lalala ang parusa ng ating pamilya lalong-lalo na saiyo."Saad niya. Nakayuko lang si Asher habang nagsasalita si Heros. Nagsimulang lumakad si Heros patungo sa kalesa. Ngayon ay lumapit na si Binibining Helen sa amin.

"Aalis na ako...kung pwede lang talaga manatili kahit ngayon lang ngunit hindi maari."Saad niya, kitang-kita sa kanyang mga mata ang puno ng pag-aalala lalong-lalo na kay Asher. "May tungkulin ako sa mundong ito, kaya sana'y...maintindihan niyo ako. Patawad."Pagpapaliwanag ni Binibining Helen sa amin. Agad na tumayo si Asher at nagsimulang lumakad patungo sa loob.

Susundan ko na sana siya ngunit hinawakan ni Binibining Helen ang aking kanang kamay. "Heleana." Tawag sa akin ni Binibining Helen. Agad akong napalingon sa kanya."Pwede bang magbilin sa iyo?...Kung pwede lang sana."Saad ni Binibining Helen. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata, ako'y tumango sa kanyang saad.

"Pwede mo bang alagaan si Asher para sa akin?"Tanong niya sa akin. Wala akong masagot sa kanyang tanong. "Ikaw lang ang maaasahan ko Heleana. Maari bang maging tungkulin mo rin ang pag-alaga kay Asher?"Tanong na naman ni Binibining Helen.

Ako'y nag-isip sa aking desisyon kung tatanggapin ko ba ang tungkulin na alagain si Asher. Alam kong nag-aalala si Binibining Helen kay Asher at gusto ko rin maging malapit at kilalanin ng lubos si Asher. Nakatingin pa rin sa akin si Binibining Helen na naghihintay sa aking sagot. Ako'y tumingin sa kanya at sumagot.

"Huwag kang mag-aalala, aalagaan ko si Asher."Marahan na saad ko. Nabuhayan siya sa aking sinabi at yinakap ako. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita."Saad niya. Yinakap ko siya pabalik."Mag-iingat kayo dito."Saad niya at tumungo na sa kalesa. Siya'y tumingin muna sa akin bago tumungo sa loob ng kalesa. Ako'y kumaway sa kanya simbolo ng pagpa-paalam, siya nama'y tumango at ngumiti sa akin pabalik bago siya pumasok sa kalesa.

Ako nalang mag-isa sa labas, nang nakaalis na ang kalesa ay pumasok na ako sa palasyo. Tumungo ako sa aking silid at nag-ayos. Pumasok sa aking isipan ang eksena kanina kung paano sinuntok ni Heros si Asher.

Kamusta na kaya ang kalagayan niya?

Nang matapos akong mag-ayos sa aking sarili ay pumunta ako sa silid ni Asher. Ako'y kumatok muna bago ako pumasok. "Ash...Si Heleana ito."Ani ko. Walang sumagot sa akin pabalik, hindi ako nagdalawang isip na hindi pumasok sa kanyang kwarto kaya binuksan ko ito. Wala siya sa kanyang silid at palikuran, ngunit nakabukas ang bintana.

Ako'y pumunta sa bintana at nakita ko si Asher sa baba ng puno, nakahiga. May librong nakapatong sa kanyang mukha habang siya'y natutulog ng mahimbing. Ako'y bumaba gamit ang pisi na kanyang ginamit at tumungo sa kinarorounan niya. Ako'y umupo sa tabi niya at niramdam ang simoy ng sariwang hangin.

"Nandito ka lang pala. Pinag-alala mo si Binibining Helen."Saad ko. Tumingin ako sa librong nakapatong sa kanyang mukha. Ang pamagat nito ay Mga Panaginip. Hindi ako nagkakamali na ang librong ito ang aking binasa sa nakaraang araw.

Lilinawin ko sana kung tama ba talaga ang pagkabasa ko ngunit ito'y ikinuha niya at inilapag sa sahig. Habang idinidilat niya ang kanyang mga mata ay nabighani ako sa kulay ng kanyang mata na kayumanggi. Natauhan ako ng magtama ang pagtingin ng aming mga mata. Nakaramdam ako ng hiya ng tumutok siya sa akin ng pagtataka.

"Bakit ka nandito?"Agad na tanong niya. Muli akong tumingin sa kanya at sumagot. "Nag-aalala si Binibining Helen sa iyo kaya ibinilin niya sa akin na aalagaan kita."Saad ko sa kanya. Wala naman siyang imik sa aking sinabi. Nakikita ko ng malinaw ang pasa sa kanyang mukha. Ako'y lumapit sa kanya at hinawakan ito ng marahan.

"Kailangan ito gamutin para mawala ang sakit na nararamdaman mo."Saad ko habang hinahawakan ang kanyang mukha. Agad niya naman inilagay ang aking kamay sa baba. "Sanay na ako." Inis na sabi niya at tumayo kaagad.

"Kailangan natin gamutin iyan!"Sigaw ko. Tumutok siya sa akin ng matalim."Sinabi ko na sayo...sanay na ako. Hindi pa ba iyon maliwanag sa iyo?!"Galit na saad niya, sinimulan niyang hinubad ang kanyang pang-itaas dahilan ako ay mabigla sa aking nakikita. "Maaring di mo to nakita ng malinaw kagabi ngunit ito ang parusa sa akin. Nilabag ko ang kasunduan namin, lalong-lalo na sa kataasan. Ngayon ako ay nagdudusa."Paliwanag niya sa akin habang pinipigilan ang sariling magalit. Ako'y nakatingin lamang sa kanya habang walang sinasagot. Agad siyang tumungo sa loob ng palasyo at iniwan ako mag-isa sa labas.

Sana'y kakayanin ko tiisin ang lahat ng ito. Ako'y sumang-ayon sa pag-alaga kay Asher kaya dapat gaganapin ko ang tungkulin ko. Hindi dapat ako maging mahina dahil maraming buhay ang nakasalalay sa aking desisyon. Sana'y pakinggan ng kataasan ang lahat ng hiling ko.