Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 28 - Si Asher

Chapter 28 - Si Asher

Ako'y nagising sa aking bangungot. Kitang-kita ko ang mukha ng pag-aalala ni Asher. Agad akong umatras sa aking dulo dahilan siya'y nagtaka sa aking inaksyon.

"Kamusta ang kalagayan mo?"Tanong niya habang lumalapit patungo sa akin.

"Huwag kang lalapit!"Sigaw ko habang nakapikit ang aking mga mata. "Huwag kang lalapit."Saad ko ulit.

"Ano bang problema Heleana? Kanina'y hindi mo ako pinapansin, ngayon ay itinatakwil mo na ako? Ano ba ang nagawa ko para maging ganito tayo?"Sunod-sunod na tanong niya.

Ako'y napa-isip sa aking sasabihin. Tila'y nawala ako sa katinuan. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Ayaw ko nang magtagal pa.

"Anong petsa na ngayon? Anong araw na?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko maaring sabihin sa iyo dahil hindi mo pa sinasagot ang mga katanungan ko."Agad na ani nito. Siya'y tumungo sa akin dahilan ako'y naging hindi komportable sa mga kinikilos niya.

Ako'y napahinga ng malalim bago ko ilalabas ang aking nadarama. "Hindi ko alam kung paano sabihin sa iyo ngunit may kutob ako na-" Natigil ako sa aking pag-salita dahil hindi ko na alam kung paano ipagpapatuloy ang mga salita na gusto ko nang bitawan.

"Na alin?"Tanong niya. Ang mukha niya ay puno ng pag-aalala at gustong-gusto malaman ang sagot sa likod ng kanyang mga katanongan.

"Na baka...Ika'y mapahamak dahil sa akin. Baka ako rin ang dahilan bakit lumalala ang iyong sumpa."Malungkot kong saad. Siya'y napasandal sa dulo at naupo habang nakatingin sa ibabaw.

"Patawad Asher."Saad ko sa kanya.

Ako'y tumungo sa kanyang kinarorounan. Siya'y nakasandal lang habang tinitignan ang sahig. Hindi niya kayang tuming sa akin, kahit na ako. Ako'y nahihiya sa aking nagawa.

"Patawarin mo ako."Saad ko ulit sa kanya. Tumingin pabalik sa akin si Asher. Nakikita ko ang dating Asher na hindi ko pa lubos na kilala. Ang Asher na kilala bilang suplado, walang kamalay-malay sa kanyang paligid at ang Asher na walang pag-alala.

"Kung gayon, aalis na ako."Ani niya dahilan ako'y magulat sa kanyang sinabi. "Ganoon naman kayong lahat. Iniiwan niyo ako palagi sa ere na wala naman kayong tamang dahilan sabihin sa akin ang inyong mga rason kung bakit itinatakwil niyo ako."Saad niya at tumayo. Siya'y tumungo palabas ng aming kwarto. Ako'y sumunod sa kanyang ngunit malayo na ang hinakbang niyang paglalakad.

"Asher!"Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya tumalikod o huminto man lang sa aking pagtawag dahilan ako'y nawalan ng pag-asa makita o maka-usap siyang muli.

Ako'y tumakbo patungo sa kanyang kinarorounan ngunit hindi ko na siya nakita dahil sa dami ng bisita na nasa ibaba.

"Heleana!"Bungad ni Madam Miranda sa akin. "Magandang umaga binibini. Bakit pantulog na damit ang iyong sinusuot?"Tanong niya sa akin.

"Nakita niyo ho ba si Asher?"Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Baka nasa paligid lang siya nagmamasid. Bakit?...May nangyari bang masama sa inyong dalawa? May nagawa ba siyang hindi...ka nais-nais?"Sunod-sunod na tanong ni Madam Miranda.

"Wala ho. May maliit lang ho kaming problema kanina."Saad ko sa kanya habang tinitignan ang paligid.

"May dala akong mga damit na nais mong isuot sa kasunduan."Saad niya. Ako'y napaatras sa kanyang sinabi.

"Heleana, may problema ba?"Tanong niya sa akin. Ako'y nag-isip muna bago ako magsalita.

"Alam niyo na ho ba ang desisyon ko?"Agad kong tanong sa kanya.

"Pinaalam ni Asher sa akin." Ani ni Madam Miranda. "Kung ganoon, halika na at sumama sa aking silid." Saad ni Madam Miranda. Wala akong naggawa kundi hindi tanggihin ang kanyang alok.

Pumasok kami sa silid ni Madam Miranda. Ito'y malaki at maliwanag. Maraming bintana ang napalibot sa kwarto at ang isang bagay na naakit sa aking mga mata ay ang malaking salamin sa gitna.

"Heleana, mamayang gabi ay magdiriwang tayo."Ani ni Madam MIranda.

"Ho?Para saan naman ho ang pagdiriwang na igaganap?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Para sa kasunduan mo na magiging kabiyak ni Hudas. Hindi na maghihirap ang mundong ito." Saad niya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Dahil ikaw ang magiging kabiyak ni Hudas." Saad nito. Kitang-kita ang kasiyahan na nabubuo na reaction sa kanyang mukha.

"Dadating po ba si Asher?"Tanong ko sa kanya. Siya'y huminto sa paglalakad.

"Hindi ko alam ngunit...matigas talaga ang ulo ng batang iyon." Saad niya at tumingin sa akin habang nakangiti. Dala-dala na niya ang damit na aking susuotin sa pagdiriwang mamayang gabi.

"Maraming nasisiyahan sa iyong desisyon iha." Marahan na saad nito.

Marami ngang nasisiyahan ngunit masaya ba ako?

"Alam mo bang nasa panig ni Asher ang kataasan kesa kay Heros?"Biglang tanong niya sa akin dahilan ako'y magtaka sa kasagutan ng kanyang tanong. Ang alam koy kinagugustohan sila ng kataasan ngunit yun lang talaga ang alam ko. Ako'y tumahimik at naghintay sa kanyang isusunod na sasabihin.

"Si Asher ay mapag-isa. Hindi masyado siya nakikisabay sa kagaya niya. Marami rin siyang natuklasan sa kanyang murang edad kahit na...isinumpa siya."Pagkuwento ni Madam Miranda. Ako'y nakinig sa kanyang kuwento tungkol kay Asher.

"Ang batang iyon talaga...ibang-iba ang paniniwala kesa sa aming paniniwala sa mundong ito. Hindi nga maganda ang ugali niya noong una kaming magkakilala, ngunit iyon ay nag-bago." Malungkot na saad ni Madam Miranda at tumingin sa akin.

"Ang gusto niya lang talaga maranasan ay may mag-tiwala sa kanya at may...magmahal sa isang tulad niya kahit na, siya ay isinumpa."Saad nito. Ako'y napa-isip sa nangyari kanina, hindi dapat ganoon ang ginawa ko. Sinaktan ko ang nararamdaman niya. Ngayon ako ay nag-sisisi sa aking nagawa.

"Walang naniniwala sa kanya dahil siya'y isinumpa kahit na-"Saad nito at napatigil sa pagsasalita nang pumasok ang kasambahay sa loob ng silid.

"Malapit na ho magsisimula ang pagdiriwang."Saad ng kasambahay dahilan nahinto ang aming pag-uusap.

"Sandali lang, mag-aayos muna kami."Agad na palusot ni Madam Miranda.

"Ano ho iyong kasunod ng inyong sasabihin?"Agad kong tanong sa kanya, gustong-gusto kong malaman kung anong klaseng panauhin si Asher.

"Sa susunod ko nalang sasabihin Heleana. Ngayon ang pagbabalik ng mga kataasan." Saad nito at natapos na ang aming pag-uusap. Siya'y nauna lumabas sa silid habang ako naman ay naiwan mag-isa. Ako'y tumingin sa aking sarili sa salamin.

Panginoon, gabayan niyo ho ako sa aking gagawin.

Ako'y tumalikod na at tumungo sa harapan ng pintuan. Bubuksan ko na sana ito ngunit bumukas ang bintana dahilan ang maginaw na hangin sa labas ay pumasok sa loob. Ako'y tumingin sa direksyon nito. Nakita kong may lalake na nakaupo sa bintana, ito'y nakamaskara.

"Hindi lahat ng kanyang sinabi ay totoo." Maikling saad nito.

"Paano kung ang iba'y katotohanan?"Tanong ko sa kanya. Siya'y napangiwi sa aking sinabi.

"Sabihin na natin ang iba'y katotohanan, halimbawa na ang..."Saad niya at nahinto sa kanyang sasabihin. Siya ay huminga ng malalim bago siya magsalita. Ako'y nakatulala pa rin na naghihintay sa kanyang isasagot.

"Ang alin? Alin doon ang totoo na halimbawa sa iyo?"Agad na tanong ko. Siya'y tumingin sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung paano niya ako nilalaruan noon.

"Walang naniniwala sa kanya dahil siya'y isinumpa kahit na-"Saad nito at ngumiti. Ginaya niya ang sinabi ni Madam Miranda. Walang kumibo sa amin.

"Paalam." Iyon ang huling saad niya sa akin.

Ako'y tumakbo patungo sa kinarorounan nito ngunit ito'y tumalon at nawala pagkarating ko sa bintana.

Asher