Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 24 - Maliit na Panauhin

Chapter 24 - Maliit na Panauhin

Kinabukasan ay di ko makita si Asher sa palasyo, ako lang mag-isa ngayon. Ako'y pumunta sa silid aklatan kung saan kami pumunta ni Asher noong nakalipas na mga araw.

Ako'y naglibot at naghanap ng mga libro na maari kong basahin. Maraming lumang libro sa kabinet, nakakaakit ito pagmasdan. Nang ako'y nakahanap na ng libro ay may nakita akong kuwadro na nakatago sa tela. Kinuha ko ang tela para makita kung ano ang nakalagay sa kuwadro. Puno na ng alikabok ang sahig. Ako'y nagulat sa aking nakita. Ang kuwadro ay naglalaman ng mukha ni Asher at ni Heros, kasama ang isang matandang lalake at si Madam Miranda.

Natauhan ako nang may biglang tumakbo sa paligid. Ako'y tumalikod at agad na pumunta sa pinto, ngunit may nakita akong maliit na panauhin sa sulok ng silid. Ito ay kulay berde at hindi kaakit-akit ang tignan ang mukha nito. Tumungo ang maliit na panauhin sa aking kinarorounan.

"Laro tayo."Saad ng maliit na panauhin. Ako'y nakaramdam ng kilabot sa kanyang pananalita.

"Laro tayo."

"Laro tayo."

"LARO TAYO!"

Paulit-ulit na saad sa akin ng maliit na panauhin. Aking itiniklop ang aking tenga. Ito'y lumalakas at ang tono ng boses sa kanyang pananalita ay iiba-iba.

Bumagsak ang mga libro sa kabinet. Ako'y pumunta kaagad sa pinto at sinubukan buksan ito sabay ang pag-sigaw ng tulong.

"Tulong!"

"Tulungan niyo ako!"

Hindi ko mabuksan ang pinto. Nakarinig ako ng tawa sa dingding at sa labas ng pintuan. Ako'y napaatras ng kumalabog ang pinto at mga dingding.

"Sino ka?"Nakakabang tanong ko habang nanginginig ang aking katawan. Walang sumagot, ang paligid ay naging mapayapa.

"Sino ka?"Tanong ko ulit sa malalim na tono. Ito'y kumatok ng tatlong beses. Bubuksan ko na sana ito ngunit kumatok ulit ito ng tatlong beses. Ang patterno ng kanyang katok ay kagaya ng patterno ng katok na aking naranasan noon.

Nakarinig akong may bumukas na pinto sa silid aklatan, agad akong nagtago sa mga kabinet. Nakarinig ako ng sunod-sunod na mga yapak na patungo sa aking kinarorounan.

May nakita akong tabak sa di kalayuan, agad ko namang kinuha ito at inihanda ang aking sarili sa maaring mangyari. Nang makalapit na ang panauhin ay agad ko itong inatake. Nagulat ako sa aking nakita.

"Papatayin mo ba ako?"

Inis na tanong ni Asher. Duguan ang kanyang kamay sa paghawak ng tabak na aking inatake sa kanya. Nakaramdam ako ng pagsisi sa aking ginawa.

"May mali ba kung proprotektahan ko ang aking sarili?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Ako'y nakakasiguro lamang sa aking kaligtasan."Agad na paliwanag ko sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako dahil ako'y nagulat sa iyong ginawa kanina. Naiintindihan ko na pinapahalagahan mo ang kaligtasan ng iyong buhay ngunit sana nama'y bigyan mo rin ng pansin kung sino o ano ang babanggaan mo." Paliwanag niya.

Ngayon ay natahimik na kami sa aming pananalita. Ako'y nagdadalawang isip kung aalis ba ako o hindi. Pinili kong sumama nalang kay Ash sa pagkakataon na magkabati kami at maibalik ko ang tiwala niya sa akin. Hindi ko maintidihan kung bakit nagagalit siya sa akin na wala namang dahilan. Tila ako ay isang nawawalang panauhin na hindi alam kung anong puwesto niya sa buhay.

"Pwede ka nang lumabas." Saad ni Asher. Ako'y napahinga ng malalim at sumagot sa kanya.

"Dito nalang muna ako. Baka...Hindi ligtas sa labas ngayon."Nanginginig na saad ko habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Tumaas ang kanang kilay niya at tumingin ng matalim sa akin.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

Wala akong nasagot sa kanyang tanong. Ako'y napatingin sa itaas at napa-isip. Wala pa rin akong magawang sagot o di kaya palusot na paliwanag.

"Ang tagal mo namang makapag-isip." Natatawang sabi niya. Ako'y napahinga ng malalim at inihanda ang sarili para sumagot sa kanyang katanungan.

"Kanina, ako'y pumunta mag-isa sa silid na ito. May maliit na panauhin. Hindi ka nais-nais tignan ang kanyang mukha. Ang kanyang damit ay kulay berde. Ang sabi niya-" Pagkukuwento ko sa kanya.

"Laro tayo."Maikling saad niya. Siya'y tumingin sa akin, ang mga mata nito ay dumilim at parang malalim na nag-iisip. Hindi naman ako nakasalita dahil ako'y nabigla sa kanyang sinabi."Anong sinagot mo?"Agad na tanong niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong.

"Wala akong sinagot."Agad na sagot ko sa kanya.

"Nagwala ba yung maliit na panauhin?"Agad na tanong niya. Ako'y tumango sa kanyang tanong. Siya'y napahawak sa kanyang panga. "Ano pa ang mga nangyari?"Sunod na tanong niya.

"Nangyari ulit ang katok na naranasan ko noon."Saad ko sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo.

"Ilan?"

"Anim."

Siya'y napanganga sa aking sinagot. Tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. Agad niya namang hinawakan ang aking kamay at lumusot sa kabilang pinto.

"Saan tayo pupunta?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa lugar na ligtas ka." Saad niya habang nakatingin sa aking mata.

Kami ay tumakbo sa lugar na hindi ko pa napuntahan. Malaki ang tiwala ko kay Asher dahil sa simula pa lamang ay palagi niya nalang ako inililigtas sa kapahamakan.