Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 25 - Ang Pagsisisi

Chapter 25 - Ang Pagsisisi

"Bakit tayo nasa kwarto mo?"Tanong ko agad sa kanya pagkarating namin sa aming lugar.

"Dito ka lang."Maikling saad niya.

Ako'y napanganga sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinalita."Anong ibig mong sabihin na dito lang ako?"Agad ko namang itinanong sa kanya pagkabalik sa katinuan ng aking pag-iisip.

"Hindi naman tayo magkatabi humiga. Dito ako sa baba."Saad niya.

"Sandali lang!"Sigaw ko habang itinataas ang aking dalawang kamay na nagpapakita o nagsisimbolo na sandali lang."Ang bilis ng mga pangyayari...Di-Dito ako matutulog?...simula ngayon?"Nauutal na tanong ko sa kanya na tila hindi pa rin makapaniwala sa kanyang sinasabi.

"Hindi naman kita gagalawan."Saad niya dahilan ako'y nagulat pa ng husto.

"Ang ibig kong sabihin ay...malinis ang pagtingin ko sa iyo. Maaring naaalala mo pa ang aking mga sinabi noon na baka...may masama akong gagawin sa iyo."Saad niya habang tumitingin sa bintana. Ako naman ay napa-isip habang inaalala ang nakaraan.

"Panunukso ko lang iyon sa iyo. Madali ka kasing mauto." Ani niya at tumutok ulit sa aking mga mata. Ako'y sumimangot sa kanyang sinabi. "Pinaglalaruan mo ba ako?"Inis na tanong ko sa kanya. Siya nama'y tumungo sa akin habang ako ay umaatras.

"Nagmumukha ba akong nilalaruan lang kita?"Ani niya habang nakatutok parin sa aking mga mata dahilan ako'y hindi naging komportable. Ang kanyang boses rin sa pananalita ay lumalim. "Para kang tuta na takot sa multo." Saad niya at tumalikod, ibinahala niya ang kanyang sarili sa pag-aayos ng mga libro.

"May alaga ka ngang halimaw na aso."Ani ko habang inaalala ang nakaraan. Ako'y natauhan sa aking sinabi.

"Illusyon mo lamang iyan."Agad na sagot niya.

"Paano kung totoo?"Tanong ko sa kanya. Siya'y napahawak na naman sa kanyang panga at nag-isip."Patunayan mo muna."Saad niya. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Siya naman ay tumawa ng sarkastiko. Ako'y umubo para mapansin niyang nayayamot ako sa kanyang mga biro. Siya'y napahinto sa pagtawa at humingi ng tawad.

"Patawad sa aking inasal."Ani niya. Naka krus na ang aking kamay at umupo sa upuan malapit sa bintana. "Nakapagdesisyon ka na ba?"Pag-iiba niya.

Ako'y napag-isip sa aking sarili, gusto kong iligtas ang mundo ngunit gusto ko rin iligtas ang aking sarili. Kung ang aking pipiliin ay ang aking sarili, maaring ang mundong babalikan ko ay wala na rin.

"Hindi ko alam ngunit-"Hindi ko natapos ang aking sagot dahil siya'y nagsalita.

"May mga bagay na hindi nasasagot lalong-lalo na sa mundong ito."Ani niya at lumapit sa akin. "Kagaya lang tayo...nalilito sa ating tungkulin sa mundong ito. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo."Saad niya. Gumaan naman ang loob ko sa kanyang sinabi. Nagsasalita rin pala siya ng mga positibo na bagay para pagaanan ang aking nararamdaman. Ito'y panibago sa aking karanasan sa kanya.

Pagkatapos naming nagkuwentohan sa aming buhay ay sabay kaming bumaba sa hapagkainan at sabay rin kaming kumain. Mapayapa ang daloy ng aking buhay ngayon. Natagumpay ko na ang isang tungkulin ko sa buhay na nais kong mangyari, yon ay makilala ng lubos si Asher at maging malapit ang aming kalooban sa isa't-isa bilang magkaibigan at magkapanalig.

Pagkatapos naming kumain ay sumabay siya sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking mga gamit habang siya naman ay nagbabantay sa akin.

"Ako na."Saad niya habang inilalahad ang kanyang kamay upang kunin ang aking kagamitan. Ibinigay ko naman agad ang ibang kagamitan ko sa kanya. Kami ay lumakad sa pasilyo. Tahimik na ang lugar ngayon, tanging ang mga yapak ng aming mga paa ang tanging naririnig ko.

"Asher."Panimula ko.

"Bakit?"Agad na tanong niya.

"Noong nakalipas na araw...noong nakabalik na tayo sa palasyo-"Saad ko. Napahinto ako sa pagsasalita ng nahinto siya sa paglalakad. "Bakit?"Nagtatakang tanong ko sa kanya. Siya'y nakayuko ngayon.

"Patawad, hindi ko na sana binabalik ang nakaraan."Agad na sabi ko habang nakayuko. Pinagsisisihan ko ang mga sinabi ko, nang buksan ko ang mga bagay na hindi na dapat sabihin pang muli.

Nakaramdam akong humawak si Asher sa aking ulo, itinaas ko ang aking noo. "Hindi ka dapat nakakaramdam ng pagsisisi." Saad niya. Kitang-kita ko ang pighati at kalungkutan sa kanyang mukha, tila hindi ito nais niyang ipakita.

"Bakit?"Tanong ko sa kanyang sinabi.

"Dahil ako ang nagsimula."Saad niya.

Kami ay nakarating na sa kwarto. Hindi na kami nakapag-usap pang muli dahil malalim ang kanyang iniisip. Gusto ko sanang magtanong ngunit ibinaon ko nalang ito sa aking isipan na gusto ko sanang tanungin sa kanya. Kahit iba ang aming mundo, pareho pa rin kaming nakakaramdam ng pagnanasa ng kaligayahan.

Sana'y pagkarating ng panahon kung babaguhin man ng tadhana ang takbo ng aming buhay, sana'y makaranas man lamang kami ng kahit konting kaligayahan at pagmamahalan. Kung hindi man ngayon, maaring sa susunod na araw. Hihintayin ko ito, ang aking dasal sa may kapal.