Ako'y tumitingin sa aking paligid, walang panauhin. Nagsimula akong lumakad, hindi maganda ang aking pakiramdam dahil palayo ng palayo ang aking nilalakad. Ako'y huminto ng makarinig akong may umungol sa di ka layuan. Napaatras ako sa aking nilalakad.
Kailangan kong umalis dito
Hindi nagtagal ay nakarinig akong may lumalakad sa pasilyo. Ako'y nagtago sa kabinet. Binuksan ko ng maliit ang pintuan sa kabinet upang dumaloy ang simoy ng hangin at para rin makita kung sino ang lumalakad. May babaeng lumalakad sa pasilyo, kung di ako nagkakamali siya si Binibining Aphro. Pero bakit ganun? Parang hindi akma ang kanyang ginagawa.
Nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak. Isang halimaw na itim, may sungay ang ulo at buntot. Ang mukha nito ay nakakatakot tignan. May ibinigay si Binibining Aphro sa halimaw. Isang platong may karne. Ito'y agad kinain ng halimaw.
"Magpalakas ka, marami ka pang kakainin sa pagdiriwang."Saad niya at tumawa. Ako'y napatakip agad sa aking bibig dahil sa aking narinig. Ang mukha ni Binibining Aphro ay parang anghel ngunit may itinatago pala siyang perosonalidad sa amin.Nang matapos ng kumain ang halimaw ay agad itong umalis.
Alas sinco y medya na ngunit hindi ko kayang umalis sa kabinet na ito. May narinig akong lumalakad sa pasilyo. Ang pagyapak ay huminto sa harapan ng aking tinataguan. "Pwede ka nang lumabas."Saad ng panauhin.Hindi ako umimik, may masama akong hinala na may masamang mangyayari sa akin."Kung hindi ka pa lalabas diyan, maraming halimaw ang lalabas sa pagpatak ng alas sais. Hindi ka ba magtitiwala sa akin?"Agad na tanong niya, binuksan niya ang kabinet dahilan mapapikit ako.
"Lalabas ka ba diyan o ikaw ang susunod na ihahain sa mga halimaw?"Tanong niya, aking binuklat ang aking mga mata. Si Ash, pamangkin ng bisita." Halika na,malamang hinahanap ka na sa hapagkainan."Saad niya at nagsimulang lumakad, agad akong sumabay sa kanya.
"Kanina pa talaga ako nawawala habang papunta ako sa aking kwarto." Saad ko sa kanya, tahimik kaming lumalakad patungo sa hapagkainan. Habang kami ay naghiwalay papunta sa aming itanalagang upuan ay binati siya ng mga bisita, kasunod ang pagsulpot ni Heros sa aming tabi. Matalim ang tingin ng mga bisita sa akin, mabigat ang tensyon na aking nararamdaman. Iba ang tingin ni Binibining Aphro sa akin, di ko mapaliwanag ngunit ang reaksyon ng kanyang mukha ay para bang nagseselos. Ako'y pumunta agad sa aking itinalagang upuan matapos ang pagbati.
"Ano yun?"Bulong ni Yurika sa akin. "Wala, nagkasabay lang kaming pumasok sa hapagkainan."Paliwanag ko sa kanya.
"Ngunit ang tagal mong nakarating rito."Saad niya."Dahil naligaw ako."Sagot ko sa kanya.
Tahimik kaming kumakain sa hapagkainan. Nakikita kong tumitingin si Heros sa akin, habang tumatama ang aming mga mata ay ngumingiti siya. Nagsimula namang nagsalita si Madam Miranda.
"Bukas na bukas ay ihahatid na sa inyong mga silid ang inyong susuotin sa biyernes."Saad niya habang hinahati ang karne. "Kahit nagdiriwang tayo, hindi pa rin tayo sigurado na ligtas ang lugar lalong-lalo na sa gabi igaganap ang pagdiriwang."
"Pwede ho bang hindi sumali sa pagdiriwang?"Agad kong tanong, tumingin silang lahat sa akin. Agad namang nagsalita si Janine."Kung hindi naman ho tayo sigurado na ligtas ang lugar,pwede ho bang hindi na kami sumama?"Tanong niya.
"Hindi maari."Agad na sabi ni Binibining Aphro. "Ang pagdiriwang rin na iyon ay nagsisilbing alay, kaya importante ito."Pagpapaliwanag niya.
"Magpalakas ka, marami ka pang kakainin sa pagdiriwang."
Nakita kung tumawa si Ash, at tumingin kay Binibining Aphro. "Hindi maganda ang aking pakiramdam sa magaganap na pagdiriwang ngayong Biyernes."Saad niya. Marami naman ang sumang-ayon sa kanyang sinabi. "Ngunit paano patatawarin ang mga makasalanan kung patuloy pa rin itong gumagawa ng masama, lalong-lalo nang hindi sigurado na ligtas ang hinahandang pagdiriwang?"
Napaisip ang mga bisita at mga kandidato. Si Madam Miranda ay nagpatuloy sa pagkain. "Sa aking palagay pupunta si Hudas sa pagdiriwang."Saad ni Heros."Paano mo naman masisigurado na pupunta siya?"Agad na tanong ni Asher."Sa aking palagay lamang."Sagot ni Heros.
Nang matapos na kaming kumain ay naghintay kami sa oras ng alas siete. Kami ay lumabas na at tumungo agad sa aming mga silid. Nakita kong patungo si Asher sa akin. Ako'y huminto, may ibinigay siya sa akin.
"Naiwan mo sa kabinet. Mabuti nalang nakita ko, kung hindi ay hahanapin ka ng mga alagad ng bruha."Saad niya at inilahad ang libro sa akin."Aalis na ako." Paalam niya at nagsimulang umalis.
Ako'y pumunta sa aking kwarto,napahiga ako agad dahil sa pagod na aking nararamdaman. Kailangan kung maghanda sa aking sarili dahil malapit na magaganap ang pagdiriwang.
Nang makatulog ako ng mahimbig ay nagising ako sa oras ng alas tres y medya. Ako'y pumunta agad sa aking palikuran at nag-ayos sa aking sarili. Di na ako makatulog muli. Ako'y umupo harapan sa pinto, may humihikayat sa akin na bubuksan ko ang pinto. Ibinalik ko ang upuan ko malapit sa kama. May kumatok sa aking kwarto.
"Sino iyan?"Pagtatanong ko, kumatok lang ito ng tatlong beses. Ako'y pumunta sa harapan ng aking pinto. "Sino ka?"Tanong ko ulit. Walang sumagot, naging tahimik ang paligid.
Aking dinikit ang aking tenga sa pinto. "Mamamatay ka." Umatras ako agad sa pintuan. Nakarinig ako ng malakas na tawa sa labas. Nahuhulog na ang mga krus dahil umuuyog ang aking silid.
"Tama na!"Sigaw ko."Tama na!"Ako'y naupo sa sahig at tinakip ang aking mga tenga dahil sa ingay na aking naririnig."Sabing tama na!"
Huminto lahat ng ingay at paguyog ng aking kwarto, di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Bumukas ang pinto, sa di kalayuan ay nakita ko si Madam Miranda, ang kanyang reaksiyon ay puno nag pag-aalala at sa kanyang likod naman ay ang ibang bisita. Naagaw ang tingin ko kay Ash, matalim ang tingin niya sa akin. Pumasok sila sa aking kwarto ngunit umalis na si Ash. Nakita kong pumasok si Heros.
"Anong nangyari?"Tanong ni Heros. Hinawakan naman ni Madam Miranda ang aking mga kamay."Ikuwento mo sa amin ang nangyari."Saad niya.
"May kumatok ho..."Sagot ko, nanginginig ang aking katawan dahil sa takot."Idinikit ko ang aking tenga sa pinto upang pakinggan ang labas. Ang narinig ko ay mamamatay ka...pagkatapos ho... nag..nagsimulang umuyog ang aking kwarto at bumagsak ang mga krus sa sahig."Kuwento ko sa kanya. Inilahad naman ni Heros ang kanyang panyo sa akin dahil tumutulo ang aking mga luha.
"Bakit walang numero ang iyong silid?"Tanong ng babaeng nakamaskara."Tila ikaw ay naiiba sa lahat."Saad niya at tumingin sa akin."Ikaw ba ang kandidato na pinili?"Agad na tanong niya.
"Huwag mong takotin ang babae."Saad ng lalakeng nakamaskara.
"Hindi ho ako magiging kabiyak ng Hudas!Hindi ho ako papayag!"Saad ko at tumakbo palabas sa aking kwarto. Alas sais pa ng umaga ngunit madilim pa rin ang kalangitan. Ako'y tumakbo, naagaw ang aking paningin sa mga guwardiya naglalakad sa pasilyo. Nagtago ako sa isang silid malapit sa aking lugar.
"Hindi magandang pumasok sa hindi mo kwarto."Saad ng panauhin, hinarapan ko naman siya agad-agad. Wala siyang damit sa kanyang itaas, magsisimula na sana siyang magsalita ngunit inunahan ko na siya."Huwag kang maingay."Aking itinakip ang kanyang bibig. Agad naman niyang kinuha ang aking mga kamay. "Baliw ka na ba?"Inis na tanong niya. May kumatok sa kanyang pinto dahilan nang mapatingin kami nito.
"Ginoong Asher."Tawag ng guwardiya. Lumapit naman kaagad si Ash sa pintuan. Ako'y nagtago sa likuran ng pinto, binuksan niya na ito. "Nakita niyo ho ba ang kandidato na tumatakbo sa pasilyo?"Tanong ng guwardiya,hindi naman umimik si Ash. "Ang ngalan niya ho ay Heleana. Pinapahanap po siya ni Mafam Miranda." Patuloy na sabi ng guwardiya."Paumanhin pero di ko siya nakita."Sagot ni Ash, lumiwanag ang aking mga mata sa kanyang sinabi." Ah sige ho, salamat sa inyong sagot ginoo."Pagpapaalam naman ng guwardiya.
Isinarado naman ni Ash ang pinto at nagsimulang pumunta sa kanyang higaan upang matulog. Ako'y sumabay sa kanya. "Hinid ka pa ba aalis?"Inis na tanong niya. Hindi ako umimik, naka upo ako malapit sa kanyang lamesa na puno ng libro. Aking binigyan pansin ang paghahanap ng libro na aking mabasa kesa sagutin ang kanyang tanong."Pambihirang babae."Saad niya at nagsimulang tumulog.
Mahimbing siyang natutulog sa kanyang kama, ang tiyan ko ay sumasakit na dahil sa gutom. Alas onsi na ng umaga pero di pa rin siya gumigising.Malaki ang kanyang kwarto paghambingin sa akin. Ako'y nakatulog nalang sa aking pagbabasa. May naramdaman akong may humawak sa aking noo, binuklat ko naman agad ang aking mga mata. Nakita ko si Ash sa aking harapan.
"Mag-aalas sais na pero hindi ka pa rin lumalabas."Saad niya at may idinalang pagkain. Inilagay niya ito sa lamesa. "Mainit ka."Saad niya, agad ko namang hinawakan ang aking leeg. Parang lalagnatin nga ako. "Kung ako saiyo, babalik na ako sa aking kwarto at magpatulong sa kasambahay."Saad niya at umupo malapit sa akin.
"Ayaw ko."Agad ko namang sagot at nagsimulang kumain. "Pambihirang babae. Kaya pala maraming naaakit na demonyo at halimaw sa iyo."Saad niya,tinignan ko naman siya ng malalim at binalewala ang kanyang sinasabi. Nagbasa siya ng mga libro buong gabi habang ako ay nakaupo malapit sa bintana.
"Hindi ka ba natatakot?"Tanong niya dahilan sa aking pagtataka. "Bakit naman?"Agad kong tanong. "Lalake ako, maaring may gagawin ako sa iyo anumang oras."Saad niya. "May gagawin ka kapag naghihinala ka."Saad ko naman sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. "Temptasyon ang mga babae."Saad niya at humarap sa akin. "Kaya kung ako sa iyo, umalis ka na sana kanina pa."Saad niya at inayos ang kama. "Dito ka na humiga. Sa ibang kwarto na ako matutulog."
Umalis na siya sa kwarto,aking kinandado ang mga pinto at bintana. Nagsimula na akong matulog.
Nagising ako alas dose ng gabi dahil sa bigat na nararamdaman ko. Di ko maigalaw ang aking katawan. Ako'y nagulat ng may nakita akong maitim sa aking ibabaw, aking ipinikit muli ang aking mga mata at nagsimulang magdasal. Sa di kalaunan ay nawala na ang bigat na aking pakiramdam. Ako'y nagising muli alas sais ng umaga. Pumunta agad ako sa palikuran upang manghilamos. Wala akong damit na dala. Aking tinignan ang aking sarili sa salamin, puno ng pasa. Nakarinig ako ng katok sa pinto, nagdadalawang isip pa ako buksan ito ngunit tinuluyan ko itong buksan.
"Kinuha ko ang mga gamit mo sa iyong silid."Bungad sa akin ni Ash at nagsimulang lumakad sa loob. Inilagay niya ang aking kagamitan sa lamesa. "Sinabihan ko na si Madam Miranda, na dito ka na nanatili sa aking kwarto."Saad niya at tumingin sa aking katawan. "Bakit?"Tanong ko sa kanya. "Hindi ka kasi nakinig sa akin."Mahinang saad niya, tumungo siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.Ang aking mga kamay ay puno ng pasa, binawi ko naman agad ang kanyang pagkahawak sa akin.
"Anong nilalaman sa kahon na iyan?"Pag-iiba kong paksa sa kanya."Ah,naglalaman ito ng iyong isusuot mamayang gabi."Saad niya at inilahad ang kahon sa akin.
"Di ako pupunta, hindi maganda ang aking pakiramdam."Saad ko sa kanya at umupo sa upuan malapit sa bintana.
"Kung hindi ka pupunta, di mo maliligtas buhay ng iyong mga kaibigan."Saad niya at nagsimulang lumakad sa pinto. "Isipin mo nalang ang buhay ng mga inosente na mamamatay,dahil hindi mo sila pinagsabihan sa anong mangyayari ngayong gabi."Saad niya at agad na umalis sa kwarto.
Nanatili akong tulala sa bintana. Pupunta ako o hindi?