Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 17 - Mga Bulalakaw

Chapter 17 - Mga Bulalakaw

Ako'y napagod sa aking nilalakaran. Di ko na malaman kung anong oras na dahil iniwan ko ang aking relo. Ako'y umupo at nagsimulang umiyak.

"Ba't ba napakantanga ko?"Tanong ko sa aking sarili habang sinasampal ang mukha ko.

"Tanga ka talaga."Narinig ko sa di kalayuan. Aking pinunasan ang aking mga luha upang makita ng mabuti kung sino ito. Nakita ko si Ashna naglalakadpatungo sa akin, nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa nakikita niya."Para kang bata na nawawala. Kanina ka pa hinahanap ng mga guwardiya at kasambahay sa palasyo pero di ka nila makita." Saad niya, matalim niya akong tinignan. May inilahad soyang panyo sa akin. Tinignan ko lang lamang ito, tatanggapin ko ba o hindi?

Kinuha niya ang aking kamay at inilagay ang panyo na dapat kong tanggapin. Hinawakan niya ang aking ulo. "Lalagnatin ka dahil nagpalipas ka ng almusal, tanghalian at hapunan."

"Patawad."Mahinang saad ko sa kanya, iniwasan niya ako ng pagtingin. "Nagsisi ako sa aking ginawa kanina."

"Kalimutan mo na iyon. Gagawin mo naman ulit ang pag-aasar sa akin makalipas na araw."Saad niya, nakaramdam ako ng hiya at pagsisi. Nagalit ko ata siya ng todo.

"Tunay akong humihingi ng patawad sa iyo. Di mo ba ako kayang patawarin?"Agad ko namang tanong sa kanya,tumingin siya sa akin. "Bakit? nung humingi ba ako ng patawad sa iyo. Nagawamo ba akong patawarin?"

Wala akong imik sa kanyang sinabi. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Ako'y tumayo na rin at sumabay sa kanya, "Sandali!"Tawag ko sa kanya. Habang ako ay lumalakad nakaramdam ako ng hilo at sakit ng aking ulo. Bumagsak ang katawan ko sa aking kinatatayuan. Ang huling nakita ko ay ang pagtakbo ni Asher, papalapit sa akin.

Ako'y bumangonsa aking higaan, nakita kong nakatulog si Asher sa upuan. Ako'y tumingin sa aking damit, hindi pa ako nakabihis. Nakita ko ang planggana na may tualya sa kabinet malapit sa aking higaan. Aking hinawakan ang aking leeg at noo. Hindi na ako mainit. Pumunta ako sa palikuran at nagsimulang maligo at inayos ang aking sarili. Pagkalabas ko ay mahimbing pa ring natutulog sa upuan si Asher.

Ako'y lumapit sa kanya at tinignan ang kanyang mukha. May itsura nga siya ngunit napakasuplado. Gwapo siguro siya kung naka ngiti ngunit palagi siyang nakasimangot. Aking hinawakan ang aking mukha habang tumitingin sa kanya. Sayang, kung nasa mundo ko siya ay maaring magkakagusto sa kanya ngunit napaka-antipatiko naman. Nakita kong binubuklat niya ang kanyang mata, natauhan naman ako kaagad at nagsimulang lumakad patungo sa bintana.

"Kanina ka pa palang nagising."Saad niya at tumayo patungo sa kabinet at kinuha ang planggana at tualya."Sana'y ginising mo ako kaagad."

"Di na kita nagising dahil mahimbing kang natutulog."Paliwanag ko sa kanya, ako'y napalingon ng tumawa siya."Bakit?Anong nakakatawa sa aking sinabi.?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Binangungot kasi ako kaya ako nagising."Paliwanag niya. Ako'y tumingin sa kanya. "Anong panaginip mo?"Osyosa kong tanong sa kanya.

"Hmmm."Napaisip siya sabay kamot sa kanyang ulo."May babaeng nagmamasid sa akin, isang nakakasuklam at napakapangit ng kanyang ugali."Pagkuwento niya, siya'y tumawa ulit. Ako'y nadismaya sa kanyang sinabi. Ako'y tumungo sa aking pinto at binuksan ito.

"Pwede kanang pumunta sa iyong silid, Ginoong Asher."Paggalang na saad ko at sinabayan ko ng pag-ubo.

Agad naman siyang tumungo palabas, isasara ko na sana ito pero bigla siyang nagsalita.

"Naigagalak kitang makilala Binibining Heleana."Saad niya at yumuko."At sana ring lubusan pa kitang makilala."Itinaas niya ang kanyang noo at ngumiti. Nagsimula na siyang lumakad papalayo sa aking kwarto. Agad kong isinara ang pinto at hinawakan ang aking dibdib. "Ano iyon?"Nagtatakang tanong ko sa hangin.

Ako'y nanatili sa aking kwarto, almusal hanggang tanghalian. May inihatid na pagkain ang mga kasambahay sa aking silid. Nakarining ako ng katok sa aking silid. Alas tres y medya pa ng hapon.

"Sino yan?"Agad kong tanong. "Si Manang Zelda ho ito, isang kasambahay ho ng palasyo."Saad ng panauhin sa labas. Agad ko namang binuksan ang aking pinto.

"Magandang hapon ho sainyo, anong maililingkod ko ho sa inyo?"Bati ko sa kanya, matanda na ito. "Kukunin ko lang yung mga plato na ginamit mo kanina. Abala kasi ang ibang kasambahay maglinis sa bakuran."Saad niya.

"Ah, pasok ho kayo."Saad ko, pinapasok ko siya sa aking silid at ibinigay ang mga plato. Tumingin siya sa bawat sulok ng aking silid. "Bakit ho?"Tanong ko sa kanya. "Wala." Maikling sambit niya sa akin. Iniwasan niya ang aking tingin habang kinukuha ang mga plato at agad nang umalis sa aking kwarto.

Nang pumatak na alas sinco y medya ay nagtungo na ako sa hapagkainan upang maghapunan. Kaming dalawa lang ni Asher, malayo ang kanyang upuan mula sa akin. Tahimik kaming kumakain. Nararamdaman kung patago siyang tumitingin sa akin. Hindi naman ako komportable sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay tumayo ako at lumapit sa bintana at doon umupo. Nakita kong papalapit si Asher sa akin. Aking ipinikit ang aking mga mata at humiling na di siya lalapit sa akin.

"Ba't mo ko iniiwasan?"Dinig ko sa aking likuran."May nagawa ba ulit akong mali sa iyo?"Sunod na tanong niya.

"Wala naman."Marahan na saad ko sa kanya. May nakita akong bulalakaw sa langit. Agad naman akong napatayo at itinuro iyon."May bulalakaw!"Sigaw ko. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at itinuro ulit ang mga bulalakaw. "Humiling ka!"Saad ko sa kanya na nakapikit. "Ano?"Nagtatakang tanong niya. "Sabing gumawa ka ng hiling sa iyong isipan, pag hindi ka humiling walang saysay ang pagtingin mo sa mga bulalakaw."Paliwanag ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

Nang matapos na akong humiling ay ibinuklat ko na ang aking mga mata at tumingin sa kanya. "Anong hiniling mo?"Tanong ko sa kanya. "Wala."Maikling sagot niya sa akin. Sumimangot naman ako sa kanyang sagot. "Sayang, kung nandito guro sila Yurika malamang humiling na iyon."Saad ko sa kanya na nakangiti,di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.

"Patawad, malaiyakin kasi ako."Pagkukuwento ko sa kanya."Simula pagkabata ako'y nangungulila sa aking ina, ofw kasi siya. Tapos iyon, nabalitaan ko nalang namatay na siya. Kinuha ng mga parente ko ang mga inipon niyang pera. Nagpa-alipin ako sa mga parente ko para maka-aral ako."Malungkot na saad ko."Ang sabi pa nila may utang ang mama ko sa kanila. Sana'y mamatay sila at mapunta sa impyerno!"Sigaw ko at tumawa. Para akong baliw, nakaramdam akong may yumakap sa aking likuran. Ako'y tumingin kay Asher at ibinuhos na lahat ng luha na aking pinipigilan. "Di ko na alam ang gagawin ko."Hagulgol na saad ko, hinawakan niya ang aking buhok.

Bigla ko siyang itinulak papalayo dahil ako'y natauhan sa aking ginagawa. "Patawad,napadala lang ako sa aking damdamin."Saad ko sa kanya."Gulong-gulo na kasi ang aking isipan."Paliwanag ko sa kanya. Tumunog na ang orasan, agad akong tumungo sa aking silid. Kinandadohan ko agad ang aking pinto at isinirado ang bintana.

Ako'y humiga kaagad humiga sa aking higaan. Bumabalik ang mga alaala na nangyari kanina.

Ano bang ginagawa ko?