Ako'y umupo sa sala at naghintay kay Asher. Nakita ko si Helen na bumababa sa hagdan. Tumungo siya sa aking lugar.
"Heleana, tama ba ako?"Tanong niya, ako naman ay tumango sa kanyang tanong. "Nakilala mo na ba sila Heros at Asher?"Tanong nito."Ah,oo. Nakilala ko sila noong nakaraang linggo. Bakit ho?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala lang, inaanakan kasi sila ng aking ate. Maliit lang naman agwat ng aming taon maliban kay Heros."Saad niya, siya'y lumingon sa paligid na tilang may hinahanap."Ah...nakita mo ba silang dalawa?"Tanong niya sa akin.
"Si Heros ho ay may pinuntahan, babalik siya rito sa susunod na linggo. Habang si Asher naman ay hindi ko ho alam kung asan pumunta."Paliwanag ko sa kanya. Siya'y tumango naman sa aking sinabi. "Hmmm"Napag-isip siya."Gusto mo, sabay tayo magtanghalian?"Tanong niya sa akin, ako'y sumang-ayon at sumabay sa kanya patungo sa hapagkainan.
Kami ay nag-usap buong hapon. Ang aming pinagusapan ay sa pamilya nina Heros at Asher. May pagtingin pala si Helen kay Heros ngunit babaero pala ito. Ang sabi niya ay...
"Alam mo, noong nawala ang ina nina Heros at Asher ay...nawalan sila ng gana sa buhay. Si Madam Miranda ang naging ikalawang ina nila dahil nahulog ang loob ng ama nila sa aking ate. Doon ko rin nakilala silang dalawa, lalong-lalo na si Heros. Ngunit...may masamang nangyari." Pagkuwento niya.
"Anong nangyari?"Pagtataka kong tanong sa kanya. Bumukas ang pinto sa hapagkainan. Lumakad patungo si Asher sa kanyang itinalagang upuan.
"Magandang hapon Binibining Helen."Pagbati niya sa bisita, tumingin siya sa akin at yumuko bilang pagbati. Nagsimula na siyang umupo at kumuha ng pagkain.
"Saan ka pala pumunta?"Tanong ni Binibining Helen sa kanya na parang kanyang sariling ate."Dapat nag-iingat ka lalong-lalo na sa panahon ngayon. Maraming nangyayari na di natin inaasahan mangyari. Ayaw mo naman yun mangyari sayo,hindi ba?"Agad na tanong niya. Huminto sa pagkain si Asher dahil sa kanyang sinabi.Napakabigat ng hangin na aking nararamdaman sa pagitan ng dalawa.
"Hindi na ako bata para pagalitan."Saad ni Asher. Ang tono ng kanyang pananalita ay mas lumalim. Ako naman ay tumayo at nagbigay paalam kay Binibining Helen na aalis na ako gamit ang ekspresyon ng aking kamay at mukha. Siya'y tumango kaagad at ako'y nagsimulang lumakad patungo sa pinto.
"Bakit ka aalis?"Tanong ni Asher dahilan mapahinto ako sa paglalakad. "Aalis ako dahil...kailangan niyong mag-usap mag-isa. A-at isa lang naman akong kandidato. Di ko alam ang mga bagay-bagay."Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Siya'y tumango at hinawakan ang kanyang panga."Kung ganoon, sumama ka sa akin. Tuturuan kita sa iyong gawain."Agad na sabi ni Asher dahilan ako'y nagulat sa kanyang sinabi.
"Hindi na!"Sigaw ko, ako'y natauhan sa aking pananalita. Akala ko'y nasa isipan lang ako nagsasalita. Siya'y huminto kaagad sa pagkain at lumakad patungo sa akin.
"Paumanhin Binibining Helen, ngunit sa susunod nalang tayo mag-usap. Wala ako sa modo ngayon,lalong-lalo na..."Saad niya habang matalim siyang tumitingin sa akin. Naririnig ko na ang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ko alam kung naririnig din ba niya ito."May isang kandidato na napaka-ignorante sa kanyang mga gawain."Saad niya, tumango naman si Binibining Helen.
Hinawakan ni Asher ang aking kamay at agad na lumabas sa hapagkainan. Ako'y tumingin muna kay Binibining Helen na humihingi ng tulong, siya'y tumingin sa akin at ngumiti.
Kami ay pumunta sa isang pasilyo na hindi ko pa napupuntahan. Sa may likuran ito ng mga kwarto naming kandidato. Malayo-layo ang aming nilakad. Isang malaking pinto ang sumalubong sa amin. Habang kami ay papasok sa pinto ay nakapansin akong may nagmamasid sa aming dalawa. Agad naman akong pumunta sa likuran ni Asher. Siya'y nagtaka sa aking reaksyon habang tumitingin sa likuran.
"Ang iyong nararamdaman na presensya ay mga duwende."Paliwanag niya, ako'y tumingin sa kanya at lalong nakaramdam ng takot. Nabuksan na niya ang pinto, agad naman akong sumunod nito.
Madilim ang loob nito. Di ko maramdaman kung asan si Asher. "Asher?"Tawag ko sa kanya. Ako'y lumibot at hinawakan ang mga gamit na aking maaring mahawakan. Wala akong maramdaman na tao. "Asher!"Pagtawag ko ulit. May naramdaman akong may humaharang sa aking daan dahilan ako'y madapa.
"Aray!"Sigaw ko. Hinawakan ko naman ang aking binti. May nakita akong ilaw ng apoy sa di kalayuan. Ako'y pumunta agad nito. Habang ako'y lumalakad, ang ilaw naman ay lumalayo. May naririnig ako, na may gumagapang sa di kalayuan. Agad akong tumakbo. Ako'y nadapa ulit, may naririnig akong may umuungol sa di kalayuan. Isang malakas na ungol na aking kinakatakotan. Naramdaman kong may humihila sa aking damit, di ako makagalaw. Mga kamay na nakahawak sa aking katawan lalong-lalo na sa aking tiyan.Ipinikit ko ang aking mata at nagsimulang dumasal.
Aking iminulat ang aking mata. Nasa harapan ko na ang apoy. Aking kinuha ito at tumingin sa aking harapan. Madilim ito,walang katao-tao. Tumingin ako sa sahig na puno ng dugo. Nabagsak ko ang apoy sa sahig, ako'y napatingin sa harapan. Mga kandidato na nakahandusay sa sahig na wala ng malay.
Napatakip ako sa aking bibig at binagsak ang aking katawan sa sahig. Tumingin ako sa aking tiyan, ito'y malaki na. Dumilim ulit ang paligid. May naririnig akong mga ingay na di kanais-nais mapakinggan. Aking itiniklop ang aking mga tenga at ipinikit ang aking mga mata.
"Tama na!"Sigaw ko,may naramadaman akong may humawak ng aking ulo. "Para kang baliw."Saad ni Asher. Ibinuklat ko na ang aking mga mata at tumingin sa aking paligid. "Aking ikinuha lamang ang lampara,ngunit sumisigaw ka na. "Saad niya at ipinakita ito.
Ako'y tumayo agad at hinawakan ang aking tiyan, tumingin rin siya nito. "May isang buwan ka pa magdesisyon sa iyong buhay."Saad niya. Nagsimula siyang lumakad at ikinuha ang mga libro sa kabinet. Ang laki ng kwarto at puno ito ng libro.
Ako'y umupo sa upuan. Aking hinawakan pa rin ang aking tiyan. Nakabalik na si Asher na may dalang sampung libro. "Babasahin ko iyan lahat?!"Tanong ko sa kanya na parang hindi makapaniwala.
"Oo, babasahin mo ito. Dito mo malalaman ang mga dapat na gawin mo at mga dapat na hindi mo gagawin."Saad niya. Inilagay niya na sa lamesa ang mga libro. Naakit sa aking mga mata ang dalawang libro na ang titulo ay Mga Panaginip at Anak ni Hudas.Aking ikinuha ito, at binuksan.
Mga Panaginip
Ang mga panaginip ay maaring maging totoo. Ito ay gabay sa iyong buhay. May mga simbolo rin na nagpapakita sa iyong panaginip. Pwede mo itong gamitin para sa hinaharap. Ang mga panaginip rin ay may kahulugan. Maari rin ito'y kabaliktaran sa iyong inaasahan...
Habang ako'y nagbabasa ng malalim naramdaman ko ang pagtingin ni Asher sa akin. Aking inihinto ang aking pagbasa. "Bakit?"Tanong ko sa kanya.
"Palagi ka bang nananaginip ng mga kababalaghan?"Tanong niya sa akin habang nakatutok sa libro na babasahin niya pa."Oo, pero...para kasing totoo ang mga pangyayari."Naguguluhan na saad ko.
"Kagaya ng?"Agad na tanong niya. Ako'y napahinga muna."Kagaya ng may dumadalaw sa akin. Pakiramdam ko nga patay na lahat ng mga kandidato maliban sa akin."Pagpapaliwanag ko sa kanya na nakayuko."Ako lang ang naiiba sa kanila. Kaya siguro ako ang pinili."Malungkot na saad ko.
"Ikaw rin naman magdedesisyon sa iyong buhay. Bakit ka pa malulungkot?"Tanong niya ulit."Dahil...Inuuna ko ang buhay ng iba kesa sa akin. Kagaya ng nangyari sa mama ko. Hindi siguro siya mamatay kung tinanggihan niya ang alok ng kaibigan niya."Paliwanag ko sa kanya. Hindi na siya makatingin sa akin. Nagsimula na kaming magbasa,maginaw ang silid kaya nanginginig na rin ang katawan ko.
"Halika na."Saad ko sa kanya, habang ipinapakita ang aking orasan. Tumango naman siya at agad kaming tumungo sa pinto, hindi na ito mabuksan.
"Bakit hindi mabuksan?"Agad kong tanong sa kanya."Nilalaro tayo."Maikling sabi niya. "Ang ginaw."Saad ko habang hinahawakan ang aking braso. Ibinigay niya ang kanyang amerikana sa akin."Paano ka?"Agad kong tanong sa kanya.
"Di ako nakakaramdam ng ginaw."Saad niya. Ako'y napatawa namansa kanyang sinabi. "Bakit?"Tanong niya.
"Wala lang." Saad ko sa kanya habang nakangiti. Pumunta siya sa akin at yinakap ako sa likuran. Mainit nga siya. "Yinayakap kita para may maramdaman kang init."Paliwanag niya. Ako naman ay hindi nakapagsalita. Ako'y nakatulog sa tagal naming paghihintay.
Nagising ako alas siete ng umaga. Nasa silid na ako. Ako'y tumayo at pumunta sa aking palikuran. Inayos ko na ang aking sarili. Tumingin muna ako sa salamin bago ako maligo. Nang inalis ko na ang aking damit. May nakita akong linya sa aking tiyan. Aking tinanaw ito ng maigi. Kumuha ako ng sabon upang alisin ito ngunit hindi ito maalis. Parang isang tattoo.
Nakarinig akong may kumatok sa aking silid. Ang pinto ay bumukas. Dali-dali akong sumuot ng tualya at umalis sa aking palikuran.
"Nagising ka na pala."Bungad ni Asher sa akin."Magandang umaga, bakit naparito ka?"Pagbati ko sa kanya.
"Ibibigay ko lang tong tatlong libro saiyo."Saad niya, inilagay niya na ang mga libro sa lamesa. Tumungo siya papunta sa akin at inilahad ang isang sulat."Galing ito kay Madam Miranda."Saad niya.Ikinuha ko ang sulat at binuksan ito. Sinimulan ko itong basahin.
Sa kwarto
kung saan nagsimula,
ang mga kaganapan
na di kapanipaniwala.
Isang panauhin na nawawala,
sa mundong hindi
kagaya-gaya.
Kaligtasan ang inaasam,
sa buhay na puno
ng kasamaan.
Ang mga panaginip
na kanyang nararanasan,
maaring maging totoo
o kabaliktaran
sa kanyang pinaginipan.
"May babalang binigay si Madam Miranda sa akin."Saad niya."Ano?"Tanong ko sa kanya."Kailangan mo nang madaliin ang iyong desisyon. Hindi lang ang buhay mo nakataya dito.Buhay rin ng mga panauhin sa mundong ito at...buhay rin ng iyong mga kaibigan na kandidato."Paliwanag niya.
"Anong ibig mong sabihin?"Nagtatakang tanong ko sa kanya."Ang iyong mga kaibigan ay bihag na ni Binibining Aphro. Alam mo naman kung ano ang kaya niyang gawin."Saad niya sa akin. Ako'y tumalikod sa kanya at binuksan ang pinto sa palikuran.
"Babalik na si Heros sa susunod na araw. Aalis na ako."Pagpapaalam niya sa akin.
Ako'y tulala na naliligo sa palikuran. Iniisip ko pa rin ang mga maaring mangyari sa aking buhay. Inaasahan ko na, ang mga panaginip ko ay maaring mangyari. Kaya dapat gagawa na ako ng plano sa maagang panahon.