Tinignan ko ang kahon ng limang oras, may pumasok na kasambahay kanina upang ihatid ang aking almusal. Ako'y nakatulala pa rin sa kawalan. Gulong-gulo ang aking isip kung pupunta ba ako sa pagdiriwang o hindi. Ako'y lumabas sa kwarto at nagtungo sa sala.
Habang ako'y naglalakad ay napatingin ako sa mga pasilyo,punong-puno ito ng dekorasyon. Masaya ang lahat sa paghahanda, ngunit maliban sa akin. Nakita ko si Binibining Aphro, nagtama ang aming mga mata. Inilapag niya ang mga dekorasyon sa sahig at tumungo sa akin.
"Alam kong nagtago ka noong isang araw."Bulong niya dahilan sa pagnginig ng aking katawan. "Okay ka lang ba?"Tanong niya, hindi ako umimik."Ang aking ibig sabihin ay ang pagtago mo sa kwarto ni Asher. Si Madam Miranda lang ata ang nakakaalam na ikaw ay nagtatago sa kwarto ni Ginoong Asher, ngunit nakita ko siyang dala-dala ang iyong damit kaya sinundan ko siya."Pagkukuwento niya sa akin. "May ginawa ba kayong...kasalanan?"Agad naman niyang tanong.
"Ah...wala ho!Tinulungan niya lang ho ako."Agad ko namang sagot. Tumingin siya sa aking mga braso at kamay na puno ng pasa. "Wala kang pasa kahapon ha...ngunit ngayon ay bugbog sirado na ang iyong mga braso at kamay."Saad niya.
"Na...nahulog kasi ako kagabi kaya nagkapasa."Paggagawa ko ng rason sa kanyang sinabi. "Ah...nahulog. Magkatabi kayong natulog ni Ginoong Asher?!"Malakas na tanong niya, naakit ng attensyon ng maraming tao sa amin. Nakaramdam ako ng hiya at inis sa kanyang sinabi. "Sa ibang kwarto ho siya natulog binibini."Saad ko sa kanya. Nakita ko si Madam Miranda sa di kalayuan. "Ah...aalis na ho ako,may aasikuhin lang ho qkong importante." Saad ko sa kanya at nagbigay paalam. Agad ko namang sinundan si Madam Miranda. Lumalayo na ako sa lugar namin. Habang ako'y lumalakad ay nakaramdam akong may sumusunod sa akin sa aking likuran. Binalewala ko nalang ito at nagpatuloy ng lakad.
"Ba't mo ba ako sinusundan?!"Tanong ko, tumalikod ako agad dahil sa inis na aking tinitiis kanina pa.
"Hindi si Madam Miranda ang nakita mo."Pagpapaliwanag ni Heros."Malapit na magsimula ang pagdiriwang ngunit hindi ka ba nakabihis at nakahanda."Paalala niya.
"Paano mo nalaman na hinahanap ko si Madam Miranda?"Tanong ko sa kanya."Narinig ko."Maikling saad niya."Saan mo narinig?"Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kanina, habang kinakausap mo si Binibing Aphro."Saad niya at tumingin sa itaas ng bubong.
"Paano mo naman nalaman na hindi iyon si Madam Miranda?"Tanong ko sa kanya."Simple lang, dahil pinapalayo ka sa lugar na ito. Maaring may gustong magtangka ng masama sa buhay mo."Paliwanag niya. Tumingin kami sa langit, umuulan na. "Halika na, bago pa man lumala ang ulan."Saad niya, sumunod naman ako sa kanya.
Pumunta agad kami sa aming silid, ikinuha ko ang aking kagamitan sa kwarto ni Ash at nagbilin ng sulat sa kanyang kama.
Nagsimula na akong nag-ayos sa aking sarili. Ito'y isang mahabang gown na kulay itim, mahaba ang manggas sa itaas, ito rin ay nagpapakita ng aking balagat. Isinuot ko ang kwintas na krus para sa aking proteksiyon. Sa aking ibabang bahagi ay itinago ko ang kutsilyo malapit sa aking hita. Nang pumatak na ang oras ng alas sinco y medya ay pumunta na ako sa silid kung saan magaganap ang pagdiriwang.
Maraming bisita ang imbitado, nakita ko rin ang mga kandidato noon.Hindi akma ang kanilang ikinikilos, para bang may kumokontrol sa kanila.Nakaramdam ako na may humila sa aking kamay.
"Saan ka nagpunta? Isang araw ka namin hinanap?"Binungad ako ng tanong ni Janine, agad ko naman siyang yinakap."Patay ka na ba?"Agad naman niyang tanong.
"Shunga! Hindi pa." Saad ko at tumingin sa kanya."Nagtago lang ako, gusto ko na talagang tumakas."Sagot ko sa kanya.
"Saan ka nga pala nagtago?"Tanong niya."Sa kwarto ni Asher."Mahinang sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa aking sinabi."May nangyari ba sa inyo?"Osyosang tanong niya. "Bakit lahat ng tao ay tumatanong na may nangyari sa amin? Hindi naman ako ganoon kadali isakripisyo ang aking pagkababae."Sagot ko sa kanyang tanong na tila bang naiinis. "Wala lang,nagsisigurado lang kung may nangyari na masama sa iyo."Saad niya.
May narinig akong may tumatawag sa aking pangalan,nang sinundan ko ang tunog ay nakita ko si Yurika."Heleana!"Sigaw niya at yinakap agad ako. "Ba't ka ba biglang nawala?Nag-alala kami ni Janine sa iyo."Saad niya. "May nangyari lang."Sabi ko at yinakap siya ng mahigpit. "Ano?"Agad naman niyang tanong. "Mamaya na tayo magkuwentuhan, magsisimula na ang kaganapan."Paalala ni Janine.
Kami ay agad pumila sa linya.Binungad kami ng maraming tao, naging masikip ang daanan. Kami ay umupo sa aming itinalagang upuan. May bakante na bawat isang upuan sa aming kanan.
"Magandang gabi sa lahat!"Pagbati ni Madam Miranda sa mga bisita."Ngayon ang araw na patatawarin tayong mga makasalanan."Masiyahing saad niya dahilan mapalakpak ang mga tao. "At ngayon din ang araw na malalaman natin kung sino ang alay."Seryosong saad niya. "Ngayon, maging masaya tayo sa inihandang pagdiriwang!"Saad ni Madam Miranda, nagliliparan ang mga pirasong iba't ibang kulay ng papel sa itaas. Nagsimula na ang pagdiriwang, magsisimula na ring may makukuha na buhay.
Nagsisiyahan na ang mga tao, ang mga kandidato ay naglalaro na sa mga palaro. Ako rito ay nanatili sa aming lamesa. Ako lang magisa habang sa kabilang lamesa ay si Heros. Hindi ko makita si Asher.
"Parang may hinahanap ka ha."Saad ni Janine. "Wala, tumitingin lang sa paligid."Sagot ko sa kanya at tumingin sa palabas sa stage. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan na ako'y napatingin sa kanya.
"Laro tayo."Saad niya, naalala ko ang sinabi ni Asher sa akin noong nagtangka akong patayin ang aking sarili. Nakaramdam na ako ng pagsisi, kung ganito lang naman pala ang daraanan ko ay sana nalang hindi ko ginawa iyon.
"Ayaw ko, wala akong gana maglaro."Saad ko sa kanya."Ngunit kung hindi ka maglalaro, hindi ka makakaramdam ng saya dito sa palasyo."Saad niya at itinuro si Yurika."Tignan mo si Yurika, ligtas siya. Hindi siya sinasaktan ng mga kaaway natin at isa pa, naglalaro nga sila."Paliwanag niya, hinihikayat niya talaga akong mag-laro. "Ano?lalaro na ba tayo?"Tanong niya."Sige na nga."Napilitan kong saad sa kanya.
Ako'y sumabay sa kanyang paglakad, kitang-kita sa kanyang mukha na siya'y masaya dahil ako'y sumabay sa kanya."Halika na Heleana! Doon tayo sa putukan ng lobo!"Masiyahing saad niya. Wala akong naggawa kundi sumama sa kanya. Nang kami ay lumalakad ay may bumangga sa aking balikat. Ako'y tumingin sa aking nabangga. Isang panauhin na naka kapa, hindi makita ang kanyang mukha dahil ito'y nakatago. Ang kanyang mata'y pamilyar, parang nakita ko na ito noon pa. Dali-dali kong hinawakan ang kanyang kamay at nagtanong."Sino ka?"
"Kakilala mo noon."Saad niya at biglang nawala. Hindi ko na siya makita dahil sa dami ng tao, wala na rin si Janine sa aking tabi. Tila ako'y isang bata na nawawala. Hinanap ko ang sinasabing laro ni Janine, hindi ko siya makita.
"May hinahanap ka ata."Saad ni Heros sa aking likod. "Ah, oo. Nakita mo ba yung kasama ko kanina?"Agad kong tanong sa kanya. "Sa palagay ko ay bumalik na siya sa lamesa, magsisimula na rin kasi ang handaan."Paliwanag niya.
Ako'y tumingin sa palaruan. "Gusto mong subukan maglaro?"Tanong niya sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung lalaro ba ako pero inilahad niya ang maliliit na kutsilyo sa aking kamay. "Simple lang ang patakaran ng laro. Pagnatama mo ang lobo, may premyo na ibibigay sa iyo."Saad niya. Aking tinignan ang mga kutsilyo sa aking mga kamay.
"Sana ang premyo na iyong tinutukoy ay ang kalayaan naming kandidato na mabuhay muli."Saad ko at isa't-isa kong pinutok ang mga lobo. Siya'y namangha sa aking ginawa.
"Ang galing mo!"Saad niya na nakangiti, ngunit nawala rin ito. "Ngunit iba ang premyo ng laro na ito. Patawad dahil wala akong magagawa."Saad niya.
"Alam ko."At nagsimulang lumakad patungo sa aming itinalagang lamesa. Nakita ko na nanatili lang si Heros sa palaruan, at nag-isip ng malalim.
"Huy! Saan ka napunta? Hinanap kita kanina pero di kita makita."Nagtatampong saad ni Janine. "Nawala lang."Saad ko. "Hmmm...madalas ka nang nawawala ha. Baka sa susunod, totoo nang nawawala ka."Saad niya at tumawa. Inihanda ng mga tagapagsilbi ng pagdiriwang ang mga pagkain na aming kakainin. Habang kami ay kumakain ay hinahanap ko si Yurika.
"Janine, nakita mo ba si Yurika?"Tanong ko sa kanya. "Kanina nakita ko siya, kasama yung mga kadidato pero bumalik naman sila. Buhay pa naman siya. Nasa harapan nga siya na-"Hindi niya natapos ang kanyang salita."Asan si Yurika?"Agad na tanong niya.
Pumunta siya sa mga kandidato na nakasama ni Yurika kanina."Nakita niyo ba yung kaibigan namin?" Agad na tanong niya sa mga kandidato. "Nandito lang naman siya kanina. Sabay pa nga kayo."Saad ng mga kandidato.
Alam kong may masama talagang mangyayari sa pagdiriwang na ito. Sana'y hindi nalang ako dumalo sa kaganapan. Ako'y bumalewala kina Janine at sa mga kandidato. Sinabihan ko sila na aalis ako sandali, ngunit hindi ko sinabi ang totoong pakay ko.
Agad naman akong pumunta sa labas at naglakad sa pasilyo. Hinanap ko si Yurika, ako'y naglakad bawat sulok ng palasyo.
Nasaan ka na ba?
May narinig akong may tumatakbo sa pasilyo sa labas, aking sinundan ito agad. Ito'y pumunta sa gubat, aking ginupit ang aking gown gamit ang kustilyo para makalakad ako ng maayos.
Nagtago ako sa damohan, nakita kong may malaking palayok, at maraming apoy sa paligid. Nandoon din ang larawang guhit sa aking kwarto noon.
Nakita ko si Kiana, siya ang bumangga sa akin kanina. Nakakita rin ako ng mga halimaw. Nagulat ako sa aking nakita, si Binibining Aphro ngunit nag-iba ang kanyang anyo dahil tinangal niya ang kanyang sinusuot na kwintas dahilan ng pagbago ng kanyang sarili, lalong-lalo na ang kanyang mukha.
Nakita ko si Yurika,nakahiga sa bato na parang higaan. Kailangan kong makahanap ng paraan iligtas ang aking kaibigan.
Agad akong pumunta sa lugar na malapit sa bato, dahan-dahan akong lumalakad upang di nila mahalataan ang aking pressensiya. May inihagis ako na paputok upang maagaw ang attensyon ng mga halimaw. Nang marinig nila ito ay agad naman nila itong sinundan maliban kay Kiana at Binibining Aphro. Habang abala sila sa kanilang ritual ay agad akong pumunta sa kinarorounan ni Yurika at pinutol ang lubid sa kanyang kamay.
Nagising si Yurika, agad ko namang sinenyas na huwag siyang mag-ingay at agad na itinuro sila Kiana at Binibining Aphro. Sinundan niya ang aking utos at agad naman kaming pumunta sa palasyo at tumakbo patungo sa kaganapan ng pagdiriwang.
"Kailangan nating pagsabihan sila."Saad ko, pumunta naman agad si Yurika kina Janine habang ako ay pumunta kina Madam Miranda.
"Oh...Heleana, ba't naparito ka?"Agad na tanong niya. "Nakita ko ho si Kiana at si Binibining Aphro. Kinuha ho nila si Yurika at naggawa ng ritual, sa di kalayuan sa ating palasyo. Marami rin hong halimaw."Paliwanag ko sa kanya. "Asan na si Yurika ngayon?"Agad naman niyang tanong. "Itinakas ko ho siya, mapanganib ho ang ating kalagayan ngayon." Saad ko, agad naman niya akong sinampal na di ko alam kung ano ang dahilan. "Ginalit mo ang demonyita!"Saad niya. Ako'y napahawak sa aking mukha dahil sa sakit na aking nararamdaman. "Si Yurika ang magsisilbing alay!"Inis na saad niya, pumunta na siya ulit sa stage. Bumagsak ang aking katawan sa aking tinatayuan.
Anong ginawa ko?
"Paumanhin ngunit may ipahihiwatig ako sainyo."Bungad niya sa mga bisita ng pagdiriwang. "Ihihinto na natin ang pagdiriwang." Saad niya, nagsimulang nagusap-usapan ang mga tao."Dahil may isang panauhin ang sumira sa mga plano nito. Nasa delikado na ang buhay natin."Saad niya, bakas naman ang pagkagulat at kaba na reaksyon ng mga bisita.
Bumukas ang pinto sabay ang malalakas na tunog ng kidlat. Nakita ko si Binibining Aphro, tumingin siya sa akin bago siya tumingin kay Yurika. May mga aso rin siyang kasama. "Naigagalak ko kayong makilala."Bungad niya sa mga bisita.
"Bruha!"Tawag ng bisita, agad naman itong pinuntahan ni Binibining Aphro."Anong sinabi mo?"Agad niyang tanong."Maganda ka lang dahil sa kwintas mo!Pero ang totoo, isa kang demonyita."Sigaw ng bisita. Lumutang ang bisita at pumutok ang kanyang katawan. Ito'y nangyari na noon.
"Aphro, huwag kang gumawa ng eksena rito!"Saad ni Madam Miranda. "Bakit? Ang kandidato mo naman ang unang sumira sa aking plano. Sa ating plano!"Sagot ni Binibining Aphro. "Pinapahirapan tayo ni Satanas ate!"Saad niya, napatingin lahat ng tao sa kanila. "Oo nga pala, di nila alam na kapatid mo ako. Na isa ka ring demonyita kagaya ko!"Saad niya, sinampal naman siya ni Madam Miranda. "Ikaw ang gumagawa ng masama, huwag mo akong itulad sa isang tulad mo."Saad ni Madam Miranda at nagsimulang tumalikod patungo sa kanyang lamesa. "Kailangan ko ng kapalit sa aking alay!"Sigaw niya."Akala ko ba nag-aalala ka sa aking buhay, pero bakit ganun...tila wala kang pagmamahal sa iyong kapatid."Saad niya, malungkot ang mga mata nito. Hindi umimik si Madam Miranda. "Kukunin ko nalang lahat ng buhay rito!"Saad niya at nagsimulang tumawa. Nagiba ang kanyang anyo, kami ay agad tumakbo sa labas. Pinatay niya ang ibang bisita at ang ibang mga kandidato. Di ko na alam kung ilan kaming mabubuhay.Naghiwalay kami ng daan nina Yurika at Janine.
Ako'y tumakbo sa aking makakaya. Naalala ko ang lugar na ito, ito ang lugar kung saan ako nagtago nung may halimaw. Pumasok agad ako sa kabinet.
Nakarinig ako ng mga sigawan at iyakan. Aking tinakip ang aking mga tenga at pinikit ang aking mga mata,umaasang hindi ako makikita.