Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 11 - Ang Mga Lobo

Chapter 11 - Ang Mga Lobo

Kami ay tumakbo patungo sa pinto. Maraming halimaw ang nasa paligid. Sinugurado muna namin na ligtas kaming makakarating sa pinto.May tumatakbo na patungo sa pinto. "Halika na Janine! Bago pa man masara ang pinto."Saad ni Yurika.

"Di pa tayo makasisiguro kung ligtas ba ang paligid. Swerte siya dahil nakapasok siya agad, pero maari ring isa siyang lobo at ang kanyang mga kasamahan ay nagaabang."Paliwanag nito.

"Tama ka nga Janine. Dapat hindi tayo magpaligoy-ligoy sa ating kilos."Pagsang-ayon ko sa kanya.

"Lumalabas na sila."Saad ni Yurika. Nakita namin ang tatlong halimaw na pumalit sa anyong tao. Hindi makapasok ang dalawa.

"Ba't hindi sila nakapasok?"Agad naman na tanong ni Yurika.

"Maaring may apat pa na tupa ang nabubuhay."Saad ni Janine.

"Asan naman ang ibang lobo?"Tanong ko sa kanya.

"Nasa apat pa sa kanila. Ang dalawa ay nakapasok na. Maaring ang dalawang lobo ay hindi nakapatay ng tupa."Agad namang paliwanag ni Janine.

"AH!"May sumigaw sa aming di kalayuan. Ito'y nakuha ng attensyon ng mga halimaw,agad ito pumunta sa lugar ng sumigaw.

Agad naman kaming tumakbo patungo sa pinto. Di ko namalayan na isa pala itong patibong.

"Heleana!"Tawag sa akin ni Janine.

Nasa ibabaw na ang halimaw sa aking katawan. Isang galaw ko lang, maari niya nang tapusin ang aking buhay.

Kinuha ni Janine ang kanyang pana at nagsimulang panain ang halimaw. Kinuha ko agad ang aking tabak at itinusok ito sa puso ng halimaw. Kami ay pumunta agad sa pinto.

Maraming sugat si Janine, habang ako naman ay may pasa sa aking braso at binti.

"Kayo ang huling kandidato na nabuhay."Pagbati naman ni Madam Miranda sa amin.

Ako'y tumingin sa paligid-ligid, sampu kami.

"Hindi pa rin ito ang huli sa ikalawang laro, dahil kasama dapat kayo sa mga namatay."Bulong ni Madam Miranda sa amin. Nanginginig ang aming mga katawan sa kanyang sinabi.

"May dalawang lobo na nakapasok. Ngayon, aatakihin nila ang mga tupang nakaligtas. Di pa rin matatapos ang laro kapag hindi kayo namamatay maliban nalang kung kayo ang pumatay." Pagpapaliwanag ni Madam Miranda at nagsimulang lumakad papalayo.

Bumagsak ang aking katawan sa sahig. "Akala ko ba tapos na?"Agad na tanong ko.

"Dapat palang patayin ang mga lobo. Ba't di niya sinabi sa atin sa simula pa lang."Saad naman ni Yurika.

"Patayin dapat ang hindi nabibilang sa groupo kung ito'y nagtatangkang patayin ka sa simula pa lang."Saad naman ni Janine."Dapat tayong huwag magpalagoy-lagoy sa ating mga desisyon at aksyon sa ating buhay. Di natin kayang mahulaan kung anong mangyayari sa ating hinaharap."

"Tama ka nga, dapat tayong maghanda sa anumang pagsubok na darating sa ating buhay."Tumayo ako at sumangayon sa kanyang sinabi, agad naman kaming pumunta sa aming sari-sariling kwarto pagkatapos naming mag-usap. Inayos ko ang aking sarili at ginamot ang aking mga pasa.

Alas tres na ng hapon ay ako'y lumabas sa aking kwarto. May nakita akong tumatakbo sa pasilyo kaya ito'y aking sinunod.Habang sinusundan ko ito ay may humila sa akin sa silid aklatan.

"Hindi magandang sumusunod sa panauhin dahil lang sa pagkamausisa. Pwede itong sumanhi ng iyong kamatayan."Saad naman niya habang nakahawak sa aking palad. Agad naman niya itong binitawan.

"Bakit ka nandito? Bawal ang mga lalake dito."Agad kong tanong sa kanya, iniiwasan niya ang aking mga tanong at inaabala ang sarili sa pagtitingin ng mga libro.

"Bakit di mo masagot ang tanong ko? Kapag nakita ka ng mga kasamahan ko o mga tauhan sa palasyo na ito ay papatayin ka at madadamay ako."Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Para kang aso, palaging tahol ng tahol na wala namang dahilan."Saad niya. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa inis na aking nararamdaman.

"Sa palagay ko, ikaw ay napipikon na sa aking mga sinasabi."Saad niya at tumingin sa akin. "Paumanhin dahil ang iyong isipan ay nahihibang na."

"Tatanggapin ko ba ang iyong patawad na hindi mo naman talaga gustong magpatawad?"Agad kong tanong sa kanya. Ako'y tumalikod na at nagsimulang maglakad palabas.

"Ikaw ay nahihibang na. Magkikita pa tayo muli Binibining Heleana."Saad niya, ako'y nagulat ng marinig ang aking pangalan. Binalewala ko nalang ito at sinimulang buksan ang pinto at tumungo sa sala.

May mga guwardiya at mga tauhan na di namin kakilala. May mga bisita rin si Madam Miranda.

"Anong nangyayari?"Agad kong tanong kay Yurika.

"May bisita si Madam, maaring demonyo ito o anghel. Maari ring missionaryo."Agad niyang saad sa akin."Sasalo rin sila sa hapagkainan mamaya. May nais raw silang sabihin sa ating mga kandidato."

"Nasaan si Janine?"Tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto niya siguro."Saad niya.Ako'y pupunta na sana sa kwarto ni Janine ngunit nakita ko siya sa pasilyo.

"Janine!"Tawag ko sa kanya, agad naman akong tumungo sa kanyang kinarorounan."Kamusta ang sugat mo?May gamot nga pala akong dala."Saad ko at ibinigay ang mga gamot na dinala ko."Maraming salamat Heleana."Pagpapasalamat niya.

"Okay ka lang ba?"Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Aking hinaplos ang kanyang leeg at ulo, mainit ito.

"Nilalagnat ka!"Saad ko sa kanya dahilan na itinakip niya ang aking bibig.

"Huwag kang maingay, baka makarinig ang mga lobo."Saad niya.

"Pupunta ako kay Madam Miranda upang sabihan na ikaw ay nilalagnat."Agad kong sabi at tumalikod. Hinawakan niya agad ang aking kamay. "Huwag na, kaya ko pa naman. Abala si Madam Miranda sa kanyang bisita."Pagpapaliwanag niya.

"Alam ko... pero paano kung lumala ang iyong kondisyon."Agad kong sabi sa kanya.

"Malakas ako Heleana. Ang dapat mong bigyang pansin ay si Yurika. Ako ay naaabala rin sa kanya, tila di niya kayang matanggol ang kanyang sarili kapag umatake ang mga lobo."Pagpapaliwanag niya. Nag-aalala rin siya kay Yurika, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil na kilala ko siya. "Kaya huwag kanang mag-alala, mawawala rin itong nararamdaman ko." Tinulungan ko siyang pumunta sa kanyang silid at pinainom ng gamot.

Alas sinco na sa hapon, kailangan na naming pumunta sa hapagkainan. Pinayuhan ko ang mga kasambahay na ihatid nalang ang pagkain ni Janine sa kanyang silid dahil hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Ako'y nakaupo na sa aking nakatalaga na upuan. May mga bisita kami, ang iba ay nakasuot ng maskara ang iba naman ay wala.

"Magandang gabi sa inyong lahat, ating pagsaluhan ang mga putahe na inihanda sa aming palasyo. At pagkatapos nating kumain ay magsisimula na tayong talakayin ang ikatlong laro."Saad ni Madam Miranda.

Hindi pa natatapos ang ikalawang laro pero tumuloy na agad ito sa ikatlong laro. Hindi ako komportable, parang may humihikayat sa akin na tumakas sa lugar na ito.