Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 13 - Si Binibining Aphro

Chapter 13 - Si Binibining Aphro

Tumingin ako sa mga pader sa aking kwarto, maraming krus. May rebulto rin ni Birhen Maria.

"Ano ka nga ba?"

"Ikaw ay naiiba."

Paulit-ulit ko naririnig ang mga salita sa aking isipan dahilan na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa aking pag-iisip ng malalim. Palagi itong humahanap sa akin lalong-lalo na sa kwarto na numerong anim. Ito'y isang bangungot sa aking mga panaginip.Hinintay ko nalang tumunog ang orasan bago ako lumabas sa aking silid.

Alas siete ng umaga, agad kaming pumunta sa hapagkainan upang kumain. Kami ay nakaupo na sa aming itinalaga na upuan. Wala si Madam Miranda, kami lang ng mga kandidato at ang ibang bisita, nakasuot pa rin ito ng mga maskara sa mukha. Tahimik kaming kumakain sa hapagkainan, nararamdaman ko pa rin ang bigat na pakiramdam sa aking katawan. Hindi ko nakita si Janine, baka masakit pa rin ang kanyang katawan.

"Sino nga pala ang dapat patayin?"Biglang tanong ng lalaking nakamaskara. Kitang-kita ko ang kaba at takot na reaksiyon ng mga kandidato at isa na ako roon.

"Huwag mong itakot ang mga kandidato."Saad ng babae, ang kanyang ganda'y lumiliwanag sa lahat, ngunit parang may baho siyang hindi pinapakita.

"Magkakaroon nga pala tayo ng pagdiriwang para sa pasasalamat."Saad ng babaeng nakamaskara.

"Pasasalamat sa alin?"Agad namang tumanong ang isang kandidato.

"Pasasalamat dahil bibigyan niyang pagkakataon patawarin ang mga makasalanan at kasama na rin kayo roon."Pagpapaliwang ng babaeng nakamaskara.

"Araw ng biyernes magaganap ang pagdiriwang, maraming imbitado. Kasama na rin ang mga kakilala niyong hindi naligtas sa laro."Saad ng lalake. Gulat kaming lahat sa aming narinig. Miyerkules pa ngayon, may dalawang araw pa kaming maghanda sa aming sarili.

"Heros, asan nga pala ang iyong nakababatang kapatid?"Tanong ng babaeng nakabibighani dahil sa kanyang kagandahan.

"Hindi pa siguro siya gising Binibining Aphro."Agad namang sagot ni Heros sa babae.

"Sa tingin mo Heros, pupunta kaya siya sa pagdiriwang?"Tumanong ulit ang babae.

"Sinong siya?"Nagtatakang tanong ni Heros.

"Si Hudas."Agad na sagot ng babae sanhi ng pagkabasag ng baso na hinahawakan ni Heros. Nag-iba ang reaksiyon ng babae, kanina ay nasisiyahan ito, ngunit ngayon ay nangingibabaw ang kaba sa kanyang mukha.

"Patawarin mo ako dahil ikaw ay nagulat sa pagkabasag ng baso. Huwag mong ipalagay sa iyong isipan na ako'y nagalit sa iyong tanong. Marahil nabasag ang baso dahil sa aking lakas."Pagpapaliwanag ni Heros. Nilinis naman kaagad ng mga kasambahay ang mga nagkalat na piraso sa sahig.

Tahimik na ang lahat habang kumakain. Kitang-kita na nahihiya ang babae sa kanyang ginawa kanina.

"Maaring pupunta siya ngunit maari ring hindi, dahil sa kanyang kalooban."Saad ni Heros, tumayo na siya at tumungo sa pinto. "Hindi madaling pilitin ang panauhin kung talagang ayaw niyang sumama, kung ayaw niya marami siyang dahilan."Paliwanag niya at sinumulang lumabas sa hapagkainan.

"Hindi mo nalang sana binanggit iyon Binibi."Paalala ng lalakeng nakamaskara.

"Siguradong nagalit siya sa iyong inasal."Saad naman ng mga babae na nakamaskara.

Agad namang umalis sa hapagkainan si Binibining Aphro dahil sa kahihiyan na ginawa niya kanina.

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na rin kami sa hapagkainan. Ang mga bisita ay nasa balkonahe at ang iba naman ay nasa sala.

Ako'y pumunta sa silid ni Janine, kumatok muna ako bago pumasok."Janine."Tawag ko sa kanya. Naririnig ko ang mga yapak patungo sa pinto. Bumukas ang pinto, sinalubong naman ako ng pagbati ni Janine.

"Kamusta?"Tanong ni Janine."Ako dapat magtanong sa iyo niyan!"Saad ko at hinawakan ang kanyang noo, hindi na ito mainit.

"Wala ka nang lagnat." Saad ko sa kanya."Pumasok ka muna at sa loob tayo magsimulang magusap."Agad na sabi niya. Kami ay tumungo sa loob.

"Anong balita sa labas?"Agad na tanong ni Janine, kitang-kita ko na siya'y nagiging osyosa na.

"Iyon pa rin, naguusap na sa ikatlong laro."Saad ko sa kanya.

"Hindi pa nga tapos ang ikalawang laro pero tumuloy na tayo agad sa ikatlong laro?!"Inis niyang tanong.

"Kumalma ka, ito na yata ang panghuling laro na ating lalaruin."Saad ko sa kanya.

"Paano mo nasabing ito na ang huli?"Tanong niya sa akin.

"Dahil may isang kandidato na mag dedesisyon,kung ang buhay niya ba ang ililigtas o mananatili siya sa lugar na ito bilang-"Hindi ko natapos ang aking sinabi dahil binungad agad ako ng tanong ni Janine. "Bilang?"

"Bilang kabiyak ni Hudas."Saad ko sa kanya.

"Anong klaseng mundo ba ito! Kailangan na talaga nating gumawa ng plano upang tumakas sa palasyo na ito bago maging huli ang lahat!"Agad naman niyang sabi.

"May pagdiriwang magaganap ngayong Biyernes."Saad ko sa kanya dahilan ng mainis siya uli.

"Pagdiriwang?! Seryoso ba sila?!"Agad na tanong niya. "Sa biyernes pa talaga na araw, maraming demonyo ang nagsisiputan lalong-lalo na sa gabi."Paliwang niya.

"Janine, kumalma ka nga!"Hinawakan ko ang kanyang mga braso. "Makakalabas tayo dito,pero kailangan nating malaman kung sino ang isang kandidato na magdedesisyon sa ating buhay."

Nang ikinuwento ko ang buong kaalaman ko sa ikatlong laro,ikinuwento ko rin sa kanya ang nangyari kaninang umaga.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko."Saad niya."Sa palagay ko may koneksyon siya kay Hudas."Agad niya namang sabi.

"Tumitingin rin ng palihim si Heros kay Yurika."Sabi ko sa kanya, agad naman siyang nagulat sa aking sinabi."Narinig ko ba ng tama ang iyong sinabi? Na may pagtingin si Heros kay Yurika?"Agad namang tanong ni Janine.

"Sa aking palagay lang naman. Pero huwag tayong magpalagay, baka pala hindi."Paliwanag ko sa kanya. "Kapag nakita ko yung Heros na iyon, na may mali siyang ginawa kay Yurika. Itong kamao ko mapupunta sa kanyang mukha at sisiguraduhin kong magiging pangit siya."Saad niya dahilan ng mapatawa kami sa isa't-isa.

Ala una ng hapon ay lumabas na ako sa kwarto ni Janine. Ako'y pumunta sa silid aklatan para sayangin ko ang oras kong magbasa ng libro. Ako lang mag-isa sa silid,ako'y pumunta sa itaas at nagsimulang humanap ng libro na aking magugustuhan. Habang humahanap ako ng libro ay may nakaramdam ako na may lumalakad sa aking likuran. Agad akong tumalikod at sinundan ang tunog. May pinto akong nakita, bubuksan ko na sana ito ngunit may biglang tumanong sa aking likuran.

"Hindi magandang magpaligoy-ligoy sa aksyon binibini."Saad ni Heros dahilan nang mapatalikod ako."Kailan ka pa pumasok dito?"Agad ko namang tanong sa kanya at sinundan siya.

"Kanina pa."Sagot niya. "Kung kanina ka pa naririto bakit di kita makita? Ako'y lumalakad sa bawat sulok sa silid na ito."Paliwanag ko sa kanya.

"Magaling akong magtago."Dahilan niya. Ako naman ay tumawa sa kanyang sinabi, hindi akma ang aking pagtawa dahilan sa pagkaramdam niyang hindi komportable."Aalis na ako."Pagpapaalam ko sa kanya.

"Sa lahat ng libro ng silid aklatan na ito, iyan pa ang kinuha mo?"Nagtatakang tanong niya, tinignan ko naman ang librong hinahawakan ko. "Paano tumago sa kamatayan" Nakaramdam ako ng hiya sa kanyang sinabi.Ako'y huminga ng malalim bago ako sumagot sa kanyang tanong.

"Isa ako sa mga kandidato na nanganganib ang buhay. Kailangan ko rin ng patnubay sa librong ito, upang naman maligtas ang buhay ko kahit papaano."Paliwanag ko sa kanya. "Mauuna na ho ako, paalam."Pagpapaalam ko sa kanya at nagsimulang lumakad patungo sa labas.

Habang ako'y lumalakad ay nakaramdam akong may mali sa nilalakaran ko, tila bang nilalaruan ako.Paulit-ulit ko nakikita ang larawan sa pader. Ako'y huminto sa paglakad at tumingin sa king paligid.

Nawawala na ako...