Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 9 - Ang Gubat

Chapter 9 - Ang Gubat

Masarap ang tulog ko, walang gumugulo sa aking isipan ng ako'y inilipat sa panibagong kwarto.Ako'y pumunta agad sa hapagkainan pagpatak ng orasan sa alas siete y medya.

Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Kami ay umupo sa aming itinalagang upuan. Normal ang nangyari ngayong araw, walang gulo at naging mapayapa ang buong araw ko.

Alas kwatro ng hapon, kami ay nagpahangin sa labas. Naglakad-lakad kami sa gubat.

"Ang sariwa ng hangin!"Sabi ni Yurika.

"Paano kaya makakalabas dito?"Tanong ni Janine.

"Kung may nakatagong labasan man dito ay agad na akong pupunta doon. May apat nang kandidatong nagtangkang tumakas sa lugar na ito pero hindi sila nagwagi."Sabi ko sa kanila. Napuno kami ng katahimikan. Habang naglalakad kami pabalik sa palasyo ay dumidilim na.

"Halos isang oras na tayong naglalakad dito sa gubat. Malayo pala yung nalakad natin kanina?"Tanong ni Janine.

"Nakakapagod na Heleana. Upo muna tayo sa puno."Saad ni Yurika.

"Hindi pwede, delikado nang tumambay dahil gabi na. Malapit na rin mag-alas sais ng gabi. Delikado tayo dito sa labas."Paalala ko sa kanila.

Kami ay lumakad patungo pa rin sa palasyo. Tumingin ako sa aking relo, limang minuto nalang mag-aalas sais na.

May nadinig kaming may tumatakbo sa mga puno.

"Girls, nadidinig niyo ba ang naririnig ko?"Tanong ni Janine sa amin. Kami ay nagsenyas sa pagsang-ayon. Agad kaming tumakbo, ako'y nahuli sa kanila. Nagtago ako sa kakahuyan.

Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Lalabas na sana ako ngunit may nakita ako bigla, dalawang kalahating tao at kalahating kabayo. Tinakip ko ang aking bibig.

Nakita kong may dala-dalang katawan ng babae ang tikbalang. Aking ipinagdasal na hindi sana ang aking mga kaibigan ang nahuli nila.

Umalis ang dalawang tikbalang dahilan ng paglabas ko sa puno. May humawak sa aking mga kamay. Agad naman akong napatingin.

"Ikaw?"Tanong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ako dapat magtanong saiyo niyan ngunit wala na tayong oras. Alas sais na." Sabi niya habang tinitignan ang buwan. "Gusto mo pa bang mabuhay?"Tanong niya at tumingin sa aking mga mata.

"Halika na." Sabi niya, hindi niya binawi ang kamay ko. Tumakbo kami pabalik sa palasyo.

"Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko."Nagpasalamat ako sa kanyang kabutihan na nagawa niya kanina.

"Aalis na ako."Saad niya at sinimulang lumakad.

"Naalala ko pa rin ang iyong pangalan!"Sigaw ko sa kanya sanhi ng pagtigil niyang paglakad. Tumingin siya sa akin.

"Ano nga ba ang iyong pangalan?"Tanong niya at tumungo sa akin.

"Ako nga pala si Heleana."Sabi ko at inabot ang kanyang kamay para makipagkamayan. Agad niya namang binawi ang kamay niya sa pagkahawak ko.

"Ash."Saad niya. Nakatakip pa rin ang kalahati ng mukha nito at agad na itong tumalikod at nawala na parang bula.

"Salamat." Sabi ko, kahit hangin nalang ang kinakausap ko.

Ako'y pumunta agad sa palasyo at hinanap sila Janine at Yurika. Nakita ko silang naka-upo sa sala.

"Heleana!"Tinawag nila ako, at tumungo sa aking kinarorounan."Nakita kami ng mga guwardiya kaya agad kaming nakabalik sa palasyo." Nagaalalang sabi nila. "Hindi ka na namin nakita kaya ipinahanap ka namin sa mga-"Hindi natapos ni Yurika ang kanyang gustong sabihin dahil biglang pumasok si Madam Miranda at ang mga guwardiya sa sala dahilan nang ang attensyon ng mga tao sa sala ay nasa kanila.

"Madam Miranda, di pa po namin nahahanap ang isang kandidato niyo sa labas."Sabi ng guwardiya.Habang lumalakad si Madam Miranda ay nakita niya ako.

"Paano ka nakabalik?"Tanong niya sa akin.

"May tumulong ho sa akin."Sagot ko sa kanya, hindi ako komportable dahil naagaw sa akin ang attensyon nilang lahat.

"Sino?"Agad niyang tanong sa akin.

"Isang guwardiya ho."Sagot ko sa kanya. Tumingin naman ang mga guwardiya sa kanilang gilid at likodan.

Nagpasalamat si Madam Miranda sa mga guwardiya pero bakas sa mukha ng ibang guwardiya ang pagtataka.

"Walang anuman ho. Aalis na ho kami."Pagpapaalam ng mga guwardiya sa amin.

"Hali na sa hapagkainan, nakahanda na ang pagkain sa lamesa."Sabi ni Madam Miranda, tumungo naman kami sa hapagkainan.

May narinig akong bulong-bulongan.

Nasaan ang iba?

Nakita mo ba si Natasha?

Nawawala rin si Gail.

Bakit unting-unti na tayong nababawasan?

Sila ang dalawang babae na nakita ko kanina sa gubat, dala-dala sila ng mga tikbalang.

May tumungo na babae sa akin.

"Nakita mo ba sila?" Tanong ng babae, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Wala akong masagot.

"Nakita mo rin ba sila?"Nagtanong siya ulit, wala pa rin akong imik. "Ang ibig kong sabihin ay ang dalawang halimaw na dumukot sa ibang kandidato sa gubat."Bulong niya sa akin.

Ako'y umatras sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sayang, hindi ka nakuha."Saad niya at tumungo na sa hapagkainan.

Bakas sa aking mukha ang pagkagulat sa kanyang sinabi. May koneksyon kaya siya sa pagkawala ng dalawang babae? Tila bang naguguluhan na ang aking pag-iisip.

Habang kami ay kumakain sa hapagkainan ay di ko maiwasan tumingin sa babaeng nakausap ko kanina. Mukha siyang normal habang kumakain pero nung kinausap niya ako ay ibang-iba siya.

Ako'y natauhan nang may nahulog na baso. Nilinis agad ito ng mga kasambahay. May nahulog na naman na baso.

"Ba't niyo ba hinuhulog mga baso niyo? Alam niyo bang pwede kayong masugatan sa mga pirasong nabasag?"Inis na tanong ni Madam Miranda, tumunog na ang orasan. Alas seite na. Pwede na kaming lumabas sa hapagkainan. Kami ay tumungo agad sa aming mga silid.

Napakalayo ng silid ko sa kwarto ng iba kaya matagal-tagal din akong nakapunta doon. Ako'y pumasok sa aking kwarto at pumunta sa banyo upang linisan ang aking katawan. Sumuot ako ng itim na pantulog na kasuotan na tinatabon halos lahat ng aking balat. Ako'y humiga na sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Ako'y nagising sa maingay na tunog. Habang idinidilat ko ang aking mga mata nakita ko ulit ang larawang guhit sa itaas, ang bilog na may bituin sa loob nito. Hindi maganda ang aking kalooban sa aking nakikita. Ako'y tumingin sa mga bubong, walang mga krus.