Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 8 - Sa Kwarto

Chapter 8 - Sa Kwarto

Ako'y pumunta agad sa palikuran upang linisan ang aking sarili. Pagkatapos kong magbanyo ay nilinis ko ang aking higaan.

Alas sais kinsi pa.

Pumunta ako agad sa silid labahan. Pinasok ko ang aking kumot,punda at takip sa aking kama sa makinang panlaba. Binuhusan ko na rin ng sabon ang loob nito at saka pinaandar.

Ang sakit lumakad at mahapdi hawakan ang aking pribadong parte. Ako'y naghintay matapos ang labada.

Nakadama ako na may pumasok sa silid. Ako'y tumalikod agad. Tumingin ako sa aking relo, alas sais singkwentay sinco pa. May nalalabing limang minuto pa para maging alas siete.

Tumunog ang makinang panlaba, aking tinignan ito.

"Hays...bakit hindi umaadar ito!"Inis kong sabi.

"Baka pinuno mo."May sumagot sa aking likuran, agad akong tumingin sa likod.

"Ah!Madam Miranda...magandang umaga ho."Binati ko siya at yumuko, simbolo sa aking paggalang.

"Lumabas ka sa oras ng alas sais?"Tanong niya.

"Ah! Patawad ho di ko na ho kasi kayang tiisin labahin ang takip ng kama ko."Saad ko sa kanya. Tumingin siya ng matalim sa akin, may mali ba akong nasabi? AH!ALAM KO NA KUNG BAKIT!

"Patawarin niyo ho ako dahil lumabas ako sa oras ng alas sais!"Yumuko ulit ako at humingi ng tawad.

"Walang problema, basta sa susunod huwag muna ulit uulitin."Paalalang sabi niya. Ako'y yumuko ulit, sensyas sa pagsang-ayon sa kanyang sinasabi.

"Samahan mo ako mag-agahan. Matagal pa yan matapos ang labada mo."Saad niya at lumabas.

Ako'y sumabay sa kanya patungo sa hardin. Masakit pa rin lumakad pero titiisin ko ang sakit na aking nadarama.

Kami ay umupo, inilagay na ng mga kasambahay ang mga putahe sa lamesa. Mga pandesal halos ang aking nakikita.

"Heleana."Tawag sa akin ni Madam Miranda, agad akong napatingin sa kanya.

"Bakit ho?"Tanong ko sa kanya.

"Kumain ka ng marami at magpalakas ka."Sabi ni Madam Miranda.

"Maraming salamat ho."Sabi ko sa kanya. Nagsimula na kaming kumain. Busog na busog na ang tiyan ko. May pumunta na kasambahay patungo kay Madam Miranda at bumulong ito.

Hindi ko marinig ang kanilang pinaguusapan, binigyan ko nalang ng pansin ang mga pagkain.

"Heleana, baka makakatulong itong lunas sa hapdi na nadarama sa pribado mong parte."Sabi ni Madam Miranda at inilahad ang maliit na bote, agad akong tumingin sa kanya.

"Ho? Paano niyo ho nalaman na sumasakit ang aking pribadong parte?"Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko na hindi maayos ang iyong paglakad, parang tinitiis mo lang ang nararamdaman mo."Sabi niya." Sa totoo lang, maayos naman ang paglakad ng iba habang dinadalaw sila. Pero bakit ikaw ay hindi?"Nagtatakang tanong niya, wala naman akong masagot sa kanyang tanong.

"Pwede mo bang ikuwento ang iyong naaalala?" Tanong ulit niya.

Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari kagabi. Siya'y nakinig ng mabuti sa bawat salita na aking sinasabi.

"Iba ang dumalaw sa iyo." Sabi ni Madam Miranda."Iba na ang kwarto mo ngayon, iibigay ko sa iyo ang susi ng bago mong kwarto mamaya."

"Bakit ho?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Anong numero nga ulit ang kwarto mo?"Tanong niya.

"Ikaanim ho."Sagot ko sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Walang ikaanim na numero, wala ring pang pito. Tinanggal namin ito noong nagsimula ang laro. "Kuwento niya. Nagsimulang tumaas ang aking mga balahibo sa kaba at takot na aking nadarama."Mag-impake ka sa iyong mga gamit ngayon na!"

Ako'y pumunta agad sa aking kwarto, kitang-kita sa kanilang mga mata na nasa akin ang attensyon nila.

Inimpake ko ang aking mga gamit. Handa na ako magpalit ng bagong kwarto. May kumatok sa aking kwarto. Aking bubuksan na sana pero kumatok ito ng pang-anim na besses at kumatok muli ito ng pang-anim na besses. Ako'y umatras sa pinto.Nakadama ako na may humila sa akin papunta sa kama. Di ko kayang tumayo, natutuyo na ang aking lakas.

May naramdaman akong may humahawak sa aking tiyan. Unting-unti tumataas ang aking itaas na damit. Wala akong makita kung sino ang gumagawa nito, hindi makita ng mga mata ko. Nakadama ako na may dumidila sa aking tiyan. Ito'y pumunta sa loob ko.

Ako'y sumigaw sa sakit na aking nadarama. Parang bibigay na ako, di ko na kaya.

Nakita kong binuksan ng kasambahay ang pinto, sumigaw rin siya ng "Tulong!". Pumunta agad siya sa akin, at hinawakan ang aking kamay. Ako'y sumigaw nang malakas nang nakaramdam akong matalim na bagay na itinusok sa aking tiyan. Di pa rin makita kung sino ito o ano ito. Unting-unti nagdilim ang paligid ko. Ang naalala ko lamang ay binasbas ako ni Madam Miranda ng banal na tubig.

Ako'y nagising sa hindi pamilyar na kwarto. Tumingin ako sa itaas, walang larawan na nakaguhit rito. Tumingin ako sa bubong,may krus.

Ako'y tumayo gamit ang buo kong lakas. Lumabas si Madam Miranda sa pinto.

"Ito na ang magiging kwarto mo. Walang numero."Saad niya at inilahad sa akin ang susi.

Ang raming krus na inilagay sa bubong.

"Bakit ho maraming krus sa kwarto na ito?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Proteksiyon."Saad niya."Pwede pa rin makuha ng demonyo ang kaluluwa mo kahit hindi pa naguumpisa ang laro."

"Anong klaseng laro ho ba talaga ang nilalaro namin?"Tanong ko ulit sa kanya.

"Sakripisyo." Yun lang ang narinig kong salita na nagmula sa kanyang bibig.

Iniwan niya na ako sa aking silid. Walang bintana, mapuot ang kwarto. Ang natatanging gumagawa lamang ng hangin ay ang makina.