Nagpresinta si Nick na sunduin ako papunta sa trabaho, pero tumanggi ako. My parents are here at ayokong isipin nila na may namamagitan sa amin. Kaya nag-pahatid na lang ako sa kuya ko.
"Di mo sinabi sa kanila mama ang nangyari?"
Ipinilig niya ang kanyang ulo.
"Why would I do that? Baka isama ka na nila sa pag-alis nila." Ayoko din naman na mangyari iyon.
"Malay mo mas okay yung ganun?" sabi ko.
"No, not okay at all. Running away doesn't end the problems. Besides we already have a lead about your case."
"What? " Di ko inasahan iyon. I thought everything was a dead end.
" Yes, Xavier and I were just talking about it last night."
"So, that explains why you were with him." I concluded.
"Stop giving him a hard time, do you hate him? He was the one who saved you," aniya.
I didn't answer him. I don't hate Xavier, I just can't find the courage to talk to him again. I ignored my brother's question and looked outside the car's window.
....
I miss being the carefree me but after what happened, many things have changed in me.
"Tulala ka na naman bakla, ano bang nangyayari sayo?" tanong sa akin ni Donna habang naka-break.
"Wala, stress lang siguro," pagdadahilan ko.
Donna knew nothing about what happened to me just like my parents but he knew something was off pero di na lang siya nagtatanong. Ayaw kong maglihim sa kanya pero ayoko nang maalala ang nangyari sa akin.
"Iniisip mo si Xavier noh?" tanong niya.
"Paano siya napunta sa usapan?" balik ko ng tanong din sa kanya.
"Wala, gusto ko lang magtanong."
"So mag-kakabalikan na ba kayo?" tanong niya ulit.
"No, malabo," I stated.
Bago pa niya kwestiyunin ang sinabi ko ay tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"So, tama nga siguro ang tsimis," habol niya.
Napakunot ako ng noo dahil wala akong ka ide-ideya sa sinasabi niya.
"Ayon sa radar ko, engaged na si Xavier," pagbibigay alam niya.
"Kung hindi pa rin kayo nagkakaayos ibig sabihin hindi ikaw yun. Kaya siguro lagi kang nakatulala at parang wala sa sarili?"
I was shocked of what my friend said. I just walked out and left without saying a word.
...
Okay na 'yun Gabriela, pagtuunan mo na ng pansin ang paghahanap sa mga kidnappers mo.
That's what I'm thinking while at my office habang naka 'ninoy aquino' pose. Pero paano ko iyon gagawin kung di ko naman naaninag ang mga mukha nila. Napa hilamos ako ng kamay ko sa mukha ko. At pinikit ang mga mata ko trying to put myself back to that day I was kidnapped.
I do remember that person's voice and smell. But there's only few chances that I'll meet them again.
...
I am now with Nick paano ba naman kasi nagkukulong ako sa kwarto ko tapos biglang susugod sa bahay.
*earlier*
Nakatalukbong ako at tulog nang bigla nalang may kumatok sa pinto ng kwarto ko nang walang tigil.
"Wala! Tulog!" sigaw ko.
"Andito si Nick! Kanina ka pa hinihintay bumaba, may date raw kayo," sagot naman ng nanay ko sa kabilang pinto.
Ano na naman pinagsasabi ni mama? Kunot noo akong napabangon sa kama ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Ano ba yun ma?" tanong ko habang nakapikit na nagkakamot ng ulo ko.
"Ano ka ba namang bata ka, tanghali na at saka maligo ka na kanina ka pa hinihintay ni Nick," sabi niya habang tinutulak ako papasok ng banyo.
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat na lang nang bigla niyang buksan ang shower.
She is one savage mom.
Tinawanan pa ako habang sinasara ang pinto ng banyo.
***
Ngayon kasama ko si Nick tinatawan ako dahil naka-simangot pa rin ako habang papasok kami sa mall.
"Nakabusangot ka na naman?" tanong niya habang tinatawanan ako.
"Sana tulog pa ako hanggang ngayon, kung hindi ka sumugod sa bahay," pagtataray ko.
"Mabuti nga 'yun ehh di ka na magkaka-ugat sa kwarto mo," tila proud pang sabi niya.
"Ewan ko sayo, ano bang ginagawa natin dito?"
"Samahan mo akong bumili ng pabango," sabi niya.
"Ha? aba malay ko ba sa mabangong pabango?" reklamo ko.
I literally don't want to do anything.
"Just follow me," sabi niya at yun na nga ang ginawa ko.
May nag assist sa amin na lalaki and he keeps on giving us testers to smell. Pakiramdam ko ang mababahing na ako sa ginagawa namin.
"Sir try this one po," alok ng salesman.
Kinuha ni Nick ang Papel na may pabango. And he looked pleased.
"Gabby, try mo."
Kinuha ko ang papel na iniaabot niya at inamoy. Pamilyar ang amoy nito nanghina ang tuhod ko nang napagtanto kung saan kailan at kanino ko iyon naamoy dati.
"Gabby okay ka lang?," tanong ni Nick.
"Oo, okay lang ako.
"You don't like it?" tanong niya.
"Hindi sa ganun," sagot ko.
Alangan naman sabihin Ko ng lantaran na yun ang pabango ng kumidnap sa akin.
"Do you have other recommendation?" tanong niya sa nag assist sa amin.
I didn't pay attention sa mga recommendation na pabango dahil ang utak ko ay nasa malayo.
"Mag-meryenda tayo mukhang gutom ka na ehh," hula niya.
Hinihintay ko si Nick na bumalik sa mesa namin.
I was just scrolling thru my cellphone when I another message from Xavier popped.
Ewan ko ba, araw-araw na niya akong tinetext but I didn't bother replying on any of his messages. I know I'm being unfair I know it was not his fault.
...
X
Will you please smile often, I miss your smile Silang.
...
Him calling me 'Silang' squeezes my heart. I wanna run to him but I shouldn't . He's already engage, to whom I don't know.
Nawala ang pagmumuni-muni ko nang dumating si Nick at nilapag ang tray sa mesa laman ang orders namin.
"Tulala ka na naman parang saglit lang ako nawala miss mo na ako agad," sabi niya habang umuupo sa upuan sa tapat ko.
"Asa ka naman," pagtataray ko.
"Pag ako nagka girlfriend mamimiss mo ko," walang lainlangang saad niya.
"Di kita mamimiss," sabi ko naman.
Di siya makapaniwala a sinabi ko.
"Ako? Di mo mamimiss? Grabe ka Gabby kaibigan ba talaga kita?" protesta niya.
"Di ka magkaka-jowa tatandang binata ka," pigil ang tawag sinabi ko.
"Paano mo nasabi?" tanong niya.
"Sige ganito na lang para di ka tumandang binata, ang unang babae na pumasok diyan sa pinto kukunin mo ang number at ididate mo," sabi ko.
"At bakit ko naman gagawin yun? Paano kung di siya pasok ang kagandahan niya sa standard ko?" kwestiyon niya.
"Oh, come on Nick, nagkagusto ka losyang na tulad Ko, I know you look beyond the looks." I stated.
Nabuntong hininga siya.
"Siya sige payag na ako," pag suko niya.
I'm doing this for him, I don't want him to be stuck with me for the rest of his life. I want him to be truly happy.
Pareho kaming nag-abang ng mga pumapasok sa loob ng cafe, the first Lady was with a guy so it's a no-no. The second one was an old lady, I just laughed looking at Nick's face. The third one was a lady, she was cute I think. Wearing a pink tutu like skirt and a lacy top wearing a sailormoon bag and a cute ribbon on her hair.
I beamed a smile at Nick sinusubukan kong I cheer siya pero nakangiwi siyang nakatingin sa akin at tila napipilitan lang.
"Pwede pa bang umatras?" tanong niya sa akin.
"Sapak gusto mo?" Banta ko sa kanya.
Napakamot na lamang siya kanyang sintido at wala nang nagawa kundi ang puntahan ang babaeng pumasok kanina lang. I was just watching him, at least the girl didn't get scared. Nick really have his charms. I was sipping on my coffee when I heard someone laugh.
Nanindig ang balahibo, It was that familiar laugh. The guy was sitting on the next table with a girl. He even smelled the same, I tried to take a deep breath. All those horrible memories suddenly came back. Before I knew it, Nick was already shaking me.
"Gabby calm down, I'm here. You're safe now." it turns out everyone in the Cafe was confused while staring at me.
I looked at Nick's eyes. Took a deep breath. My eyes averted to the man sitting at the next table.
He was also staring at me, I could see his face turn pale. Before I could even speak, he took his step out of the Cafe.
"Siya 'yun Nick," yun na lang ang nasabi ko.
"Sino?" tamang tanong niya.
"Yung lalaking nakaupo sa kabilang table siya yung kumidnap sa akin," sabi ko.
"Paano ka nakasisiguro?" tanong niya.
"I just knew it," siguradong sabi ko.
...
All my speculations turned out to be right. The guy I saw at the cafe siya talaga yung taong kumidnap sa akin.
I am here at the police office watching the police questioning him inside the interrogation room behind the one way glass.
"Bakit mo kinidnap ang biktima?" tanong ng pulis.
"I did it because of money," simpleng sagot ng lalaki.
"Sino ang nag utos sa iyo?" sunod na tanong ng pulis.
"I don't know her name, she just promised to pay once we do what she asked," sagot nito sa kanya.
"Ano mismo ang inutos niya sa inyo?"tanong pa nito.
"Kidnap that person, scare her and take a video showing her skin I just need money," lahad nito.
"Di mo tinanong ang dahilan?" tanong ng pulis sa kanya.
"She said that she wants the girl to get out of her way," anito.
"Sa palagay mo, naghihiganti ba siya?" tanong sa kanya.
"Yes, I think the girl stole her man," sabi nito.
"Kasama din ba doon, ang pagtatangka mong panghahalay sa biktima?" tanong ulit ng pulis.
"No, it was not in the plan. I'm very sorry, it was unintentional it was just an urge and I'm just a man," sagot nito.
Gusto ko siyang sugurin sa mga oras na iyon. Being a man isn't a reason to do that.
My brother is standing next to me I could see his tensed jaw and clenched fist. Alam kong ganun din ang itsura ni Nick na nasa likuran namin. Gusto naming kuyugin ang lalaking ito.
Pero mas naiinis ako sa kung sino man ang nag utos sa kanya. Wala ng mas sasama sa mga taong ginagamit ang pera nila para gumawa ng masama sa kapwa.
If this is all because of a man, I hate to admit it pero isa lang ang taong alam kong may galit sa akin it was Ericka at hindi rin nag tagal at napatunayan namin na siya nga ang may pakana ng lahat. She was sentenced to be in jail for years. Akala ko pagkatapos nun ay magiging okay na ang lahat...
...
"Are you sure want to attend the dinner?" tanong ni Nick sa akin.
"I was invited, the whole staff will be there. Ayokong maging bitter," sagot ko kay Nick habang naka-ngiti. Pero sa totoo lang parang dinudurog ang puso ko tuwing iisipin kong ikakasal si Xi sa iba.
"You don't have to, if you're hurting like that. Gago talaga to si Xavier ehh alam mo matapos mahuli yung kumidnap sayo di na nagparamdam."
Tama, he didn't show up at the police station it seemed like he avoided me. Lumipat na rin siya ng tinitirhan.
"If he is happy, then so be it," I tried to sound okay.
"Do you really think so?" Tila di kumbinsidong tanong.
"Gusto mo tanungin ko siya?" tanong Ko.
"Bakit kaya mo bang kausapin siya ulit?" balik niya nang tanong sa akin,dahilan para di ako maka-imik.
"The both of you really needs to talk, you still have a week."
I want to, but things don't change overnight. But things happen the least you expect it. We are all having a dinner together with other department heads. Buti na lang kasama ko rin si Nick doon. Makakahinga pa rin ako kahit papaano.
"I couldn't imagine Sir, you're getting married."
Tinawanan lang sila ni Xavier. Ako nagpapanggap na hindi nakikinig at itinuon ang atensiyon ko sa pagiihaw ng karne.
"Eh, kayo Sir Nick at Ms. Gabby kelan kayo ikakasal?" tanong ng isa sa kanila.
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tong. Naka-kunot noo akong binalingan sila.
Habang si Nick ay tatawa tawa lang sa tabi ko.
"Shall I ask for your hand now?" tanong niya sa akin.
"Gusto mo ikaw ihawin kong sunod?" Banta ko habang nakatutok sa kanya ang tong na hawak ko. Tinawanan naman kami ng mga kasamahan namin.
"Pero sir, bakit ka ba nawala noon? Tapos malalaman namin na anak pala kayo ni Sir Claus."
Bigla naman sumeryoso ang atmosphere.
"I was terribly sick and I need to go on a medication. I don't want anyone to wait for me, when I know there is a small probability of me coming back," sabi ni Xavier.
Naka tingin ako sa kanya habang magsasalita siya. I was not aware that he is sick that time. He then look at my way. I didn't know what my expression was, but I could feel my heart being crushed.
"Ms. Gabby, bakit ka umiiyak?" tanong nila sa akin.
Natauhan di ko napansin ng pag-tulo ng luha ko agad Ko iyong pinunasan.
"Kayo kaya ang mag ihaw dito? Tignan ko kung di kayo maiyak," pagdadahilan ko.
"Si sir naman kasi pang MMK ang drama," sabi ni Mark habang nagpupunas din ng luha.
Dahilan para mag tawanan ulit sila. Nagkwekwentuhan sila samantalang ako naman ay iniisip pa rin ang sinabi ni Xavier kanina.
...
Pagkatapos namin kumain ay sabaysabay din kaming lumabas. Nag paalam na ang iba ngunit nagpa iwan ako. Hindi ako naka-inom pero may kung ano sa akin na gustong kausapin siya. Nasa loob pa ng restaurant si Nick at napunta sa banyo. I grabbed the opportunity.
Nang masigurado na akong wala ng nakakakita sa amin hinila ko si Xavier at agad na pumara ng taxi at tinulak siya para pumasok sa backseat tsaka ako tumabi sa kanya.
"And what exactly are you planning?" Bigla niyang tanong sa akin.
"We need to talk," Mariin kong sabi.
"About what? Is it urgent?" tanong niya.
"Bakit ang sungit mo? Iniiwasan mo ba ako? " tanong ko.
"I'm just doing what you asked for," sagot niya.
"Bakit di mo 'yun ginawa nung una pa lang?" Tanong ko ulit.
"Are we going to talk about it here? Where exactly are we going?" tanong niya.
"You'll know when we get there,"
Nagpunta kami sa amusement park, he didn't protest ng hilahin ko siya papunta sa may ferris-wheel at sumakay sa isang cable.
"You really wanna talk here," sabi niya.
"Oo, silent and it's just the two of us. 'Pag di mo ko sinagot ng maayos itutulak kita para mahulog ka."
H e just shrugged.
"Why did you leave?" tanong ko, kahit alam kong nasabi na niya ito kanina, gusto Ko ulit itong marinig.
"Look, anything I say doesn't matter anymore," sabi niya.
"Just answer me," utos ko.
"Like what I said, I got sick and it's terminal."
"And you didn't tell because you don't want me to wait? Kasi di mo alam kung makakabalik ka pa?" tanong ko.
"It was for the better, see you're stronger now," sabi niya.
Huminga ako ng malalim pilit na pinapalakas ang loob ko.
"I should've been there taking care of you. You don't need to suffer alone," sabi ko.
Di na siya umiimik at di rin makatingin sa akin ng diretso.
"You didn't know that for three years that you were gone, I always prayed at night for you to come back. I always dreamed you came back and everything fell back into place. But evertime I wake up, and lost you all over again, it hurts just the same as it did the first time. I prayed that you are doing well. Everytime I blow the candles on my birthday cake I wish for you to come back. Di mo alam kung paano ko pinapaniwala ang sarili ko na okay lang na iniwan mo ko nang di ko alam ang dahilan. Di mo alam kung ilang beses ako nagpanggap na okay na ako kahit wala ka. Ilang beses akong nagsinungaling sa sarili ko tuwing iniisip kong di na kita mahal. I thought telling myself that I love someone else would do the trick, but that doesn't make me forget you any less. I stayed strong because I was clinging for that little hope that you'll come back."
"You pushed me away when I came back," aniya.
"When I saw you that day I punched you, but what I really wanted to do was hug you. But I can't kasi pinapakita mo na wala kang pakielam kung iniwan mo ko noon," sumbat ko.
"I did try to tell you the reason why I left but you just shut me up," sabi niya.
"I know you, you'll do your best to make me understand, but you didn't. You always have your ways."
"I was always trying to talk to you, but you didn't let me and now you're blaming me for not telling you? I just got tired of it."
Di ko na pigilan ang sarili kong sampalin siya.
"The Xavier I know is persistent, kahit gaano ko siya ipagtabuyan gagawa at gagawa siya ng paraan para mag-kausap kami, This isn't you."
"People change," singhal niya.
"That doesn't apply to you."
"Why are you telling me this now? Because you felt guilty? or you just can't accept that I'm getting married and it's not with you?" he sound irritated.
My tears started to fall. Di ako nakaimik, he is right this is all my fault di dapat ako nagmatigas dapt di ko siya pinagtulakan palayo.
"Oo na, kasalanan ko pinagtabuyan kita nung bumalik ka, hindi kita binigyan ng chance magpaliwanag. Kasalanan ko na umasa ako na gagawin mo ang lahat Para mag kabalikan tayo. Kasalanan ko na pinagtulakan kita ulit kasi iniisip ko na you deserve better dahil tingin ko sa sarili ko, ang dumi-dumi ko. Kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon kasi alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Na kahit anong gawin ko di ako makaka move-on. Hindi ko matanggap na kasalanan ko kung bakit ka sumuko at nagsawa. Kasalanan ko rin dahil hanggang ngayon naniniwala ako sa sinabi mong you'll never get tired of me." Saka ko dinuro duro ang dibdib ko.
"Di ko matanggap na di ko man lang nakilala kung sino 'yung papakasalan mo. Mabait ba siya, matalino, magaling mag luto, aalaga an ka ba niya, kaya ka ba niyang patawanin, kaya niya bang tiisin pagsusungit mo kapag sinusumpong ka," sabi ko.
"Ako dapat yun ehh, yung babaeng dadalhin mo sa harap altar at papangakuan mo na mamahalin mo habambuhay. Pero hindi ko pa rin matanggap na hindi na ako yun."
"I love you too much, that I still hope for your happiness na sana di ka niya saktan gaya ng ginawa ko. Sana di niya gawin lahat ng pagkakamali ko. I hope she would give the love you deserve, the love I failed to give."
I was sobbing while saying those things. I'm hurting because of my own doing.
"Sometimes I ask myself if I had met you somewhere else, in another time, at another place, would I have loved you as much as I do now?"
Hindi ko na namalayan na bumukas na ang pinto ng cubicle, Hudyat na kailangan na naming bumaba. Pero bago ako lumabas ay I leaned over him and kissed him. It was brief but it meant everything to me. He was left dumbfounded.
I immediately disembarked the cable and ran away as fast as I could, even though I know he will not run after me.
< End of Chapter fifty-one >