Chereads / My Two First Kiss / Chapter 54 - Chapter 53

Chapter 54 - Chapter 53

Nagising ako nang naramdaman kong wala na si Xavier sa tabi Ko. Napabangon ako at naupo sa kama

Was it all just a dream?

I looked around the room but my eyes can't see him. I was about to shed a tear when he got out of the bathroom wearing nothing but a towel on his hips.

Langya! Ang aga-aga nagiging makasalanan na ako.

I couldn't stop staring at his bare chest.

Di ba siya nilalamig?

There were few scars from his medication but somewhat faded. He raise an eyebrow and smirked.

Ang manyak ko!

He started walking towards the bed  and leveled our gaze.

"Wanna have it?" he sounded soothing.

Dahil sa sobrang hiya hinampas ko siya ng unan, saka ko siya tinalikuran. To my surprise sumampa siya ng kama.

"Do you know how cute you are when you're acting shy," I could feel his breath on my ears and a tingling feeling with it.

Langya! I kennat!

"Magbihis ka na pwede ba?" paki-usap ko.

"Why? You can't resist me anymore?" tanong niya.

Why does he sound sexy.

Kelan ko pa nalaman ang tunog sexy?

"Naaalibadbaran ako, mas maganda naman katawan ni Tom Ellis sayo," tukoy ko sa bidang artista sa series na Lucifer.

"Who is that? Are you having an affair?"

Bahagya akong natawa. I could imagine his furrowed brows. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama. Tinawanan ko ulit siya. 

"No, but I see someone's jealous." Hinarap ko siya at ngayon ay may suot na siyang damit.

"What should you do when someone's jealous?"

No Way!

Hindi ko siya lalambingin, it's not my thing.

"Wala?" pagmamaang-maangan ko.

"Really Silang? Don't you have any sweetness in you?" dismayadong sabi niya.

"Parang wala," ngisi ko sa kanya. Napapikit na lang siya, a sign that he's  giving up. 

"Psst!"sitsit ko sa kanya, nilingon niya naman ako. 

"Labyuu Impakto," sabi ko at saka ko siya nginitian.

He smiled at me, a genuine one.

"I love you too."

Langya! Kinikilig ako.

I hurriedly went off the bed, gathered my things and went inside the bathroom to hide my red face. Dinama ko ang dibdib damang-dama ko ang kabog nito. 

Langya!

This is forking real, it's not a dream anymore. I looked at my face in the mirror only to be disappointed on it. Nakikita ko pa ang bakas muta sa mata ko at ng laway Sa baba ko. Naka kahiya, feeling ko pa man din ang ganda ko. Samantalang siya laging gwapo. I was also staring at my eyebags when I saw something behind me. 

Nakita ko ang mga underwear ko na nakasabit doon na parang banderitas, Ano 'to Fiesta?Naglaba kasi ako nung isang araw. There's no way Xavier didn't see this. 

Lalabas pa ba ako sa banyong to?

Okay lang yan, magpapanggap na lang ako na wala siyang nakita.

...

I saw him at the balcony staring at the ocean. Ewan ko ba, masaya talaga akong nakikita siya ngayon kasama ko. Kaya tumakbo ako at agad na niyakap siya mula sa likod. Ramdam ko ang pag kagulat niya sa ginawa ko saka siya sumilip sa akin. 

"I love you Xavier," sabi ko.

"I love you Gabriela," sabi niya while he turned to face me.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Just waiting for you," sabi niya.

Ayieeee!

Those are simple words pero bakit ganun kapag siya ang nagsabi iba, iba talaga. Kinikilig na naman ako.

Teenager ka Gabriela? Landi!

Kinikilig pa ako nang ilapat niya ang labi niya sa labi ko ng mabilis. Napakurap kurap na lang ako. 

Hindi ako ready!

"What was that for?" tanong ko.

"I just wanted to kiss you."

"Why?"

"I spent three years missing your kiss. I'm just making up for it, don't you like it?" tanong niya.

The face his making is just so cute.

Xavier why do have to this to me?

Tumingkayad ako para mabilis na halikan siya. Huminga siya ng malalim. 

"What's wrong?"nag-aalalang tanong ko.

"Can we just get married ASAP?" tanong niya.

"Bakit?"

"I don't know how long could I resist you," pag-amin niya

"Why don't we  go back to Manila and plan everything?" I smiled at him.

"I love you." He smiled at me.

"I love you too," tugn ko.

He pulled me on my waist and kissed me again, he moves his lips passionately asking to deepen the kiss which I gave him. I move my arms around his neck. I felt him leaning closer.  We are both caught in the moment when his phone rang. I was back to my senses and he tried to ignore it but I gestured him to answer it. Feeling defeated he answered it. I didn't bothered listening to there conversation and went back to the room. 

"Would you mind if we fly back to Manila today?"

Pinilig Ko ang ulo ko.

"No, can we just grab our breakfast first?" tanong Ko.

Natawa na lang siya sa akin.

Bakit ba? Food is life kaya.

***

Pareho kaming Naka upo sa sofa kaharap ang kuya ko. Nakayuko ako pero si Xavier, confident as ever. Just like the first time they met. 

"Sige anong sasabihin niyo? Bakit kayo magkasama? Buntis ka Gabriela?" tanog niya.

Nagtaas ako ng tingin sa kanya at napakunot ng noo.

"Hindi ahh," paglilinaw ko.

"Ehh ano, bakit ganyan itsura mo?"  tanong niya sa akin.

"Ehh kasi," tinignan ko si Xi na napatingin din sa akin.

"We are getting married and we want you to be the first one to know."

Kuya's jaw literally dropped out of shocked.

"Close your mouth Kuya," sita ko sa kanya.

Umayos naman siya and composed himself.

"Paanong nangyari 'yun? Nag-Batanes ka lang tapos ikakasal na kayo?" nahihiwagaang tanong niya.

"Baka nabigla lang kayo?"

Yung totoo anong trip ni Kuya?

"I want Gabriela to be my wife, I'm sure of it." 

"Sigurado na ba talaga kayo?" tanong ulit ni kuya.

"Ano bang bumabagabag sa iyo Kuya?" tanong ko.

"He hurt you a lot before, sigurado ka bang handa ka pa ring masaktan nang dahil pa rin sa kanya," sabi niya.

"I don't have any plan of hurting her again," singit ni Xavier.

"Di ikaw ang tinatanong ko Xavier, chill ka lang diyan," ma-awtoridad na sabi ni kuya.Tinignan ko si Xi. 

"Xavier is worth the pain. I've suffered a lot a pain without him, I suffered enough that I could handle anything life throws at me." 

Tumango-tango lang si kuya sa akin, saka bumaling kay Xi.

"Ikaw naman don't try to call me Kuya, I prefer you to call me Migz. Okay ba yun bayaw,"

"Fine with me," sabi naman Xi.

"Tamang-tama uuwi sila mama at papa nextweek. So kailan mo balak sabihin sa kanila mama at papa ang tungkol dito Gab?"

"Uuwi sila?" gulat na tanong ko.

"Magugulat 'yun. Goodluck guys!" Patawa-tawang sabi ni kuya.

OMG! The last time I checked akala ni mama jowa ko si Nick. What to do?

"Gabriela I want to introduce you to my parents," sabi ni Xi.

'Yung totoo full of surprises agad?

"Goodluck Gab, mabuti pa mag umpisa ka na sa cooking lessons."

***

"OMG! Bakla!Trulalu? Ikakasal na kayo ni Papa Xavier!" Tili ni Donna habang nasa sala.

"Excited? Mas excited ka pa sa akin? ikaw 'yung bride?" sarcastic na sabi ko sa kaibigan kong eksaherada.

"Ewan ko sayo! Anong gusto mo malungkot ako? I cannot imagine makikita kitang may malaking pakwan sa tiyan," sabi niya.

"Oh wait, I think you need my help when it comes to the honeymoon. Madami akong alam na site bakla!" Binatukan ko siya. 

"Aray Ko naman beks!" reklamo niya.

"Puro ka kalokohan!" sita ko sa kanya.

"Ehh bakit mo ba kasi ako pinapunta dito?" tanong niya.

"Ehh kasi may dinner kami ni Xi with his parents, and I don't know what will I do. Paano kung di nila ako magustuhan?" tanong ko sa kanya.

"Just be confident and be yourself. Hindi ka naman sa job interview pupunta Baks. Di naman siguro monster ang parents ni Xavier. Bakit di mo tanungin si Nick?" suggestion niya.

Nawala sa isip ko, I haven't talk to Nick since Batanes.

How is he?

"Okay, I'll tell him to come over," saka ko siya tinext.

"I don't know where he is exactly," pag-amin ko kay Donna.

"Alam mo minsan, naloloka ako sayo. Di ko alam kung paanong di ka nainlove kay Nick," sabi niya.

"I don't know myself. Hindi siya mahirap mahalin but I know within me who I wanted to be with. I just hope he finds the one for him."

"Ganda mo teh! Pero mas maganda pa din ako sayo," aniya.

"Okay fine." Di na ako nakipagtalo sa kanya.

After several minutes. Nick arrive may dala pa siyang paperbags. He was all smiles when he saw me.

"Ano yan?" tanong Ko.

"Foods? Baka nagugutom ka na?"

"Lafang!" sigaw ni Donna palabas ng kusina.

I saw how Nick's expression changed.

"Bakit ganyan itsura mo? Disappointed lang?"

"Disappointed sa mukha mo," sagot ni Nick.

"Ay grabe siya," sabi ni Donna.

"Anong atin? Bakit niyo ko pinapunta dito?" tanong niya.

"Uhmm I haven't told you yet, but Xi and I are engaged," sabi ko.

Saglit siyang natahimik.

"Ang lalaking yun talaga maagap," pailing-iling na sabi niya.

"Yun lang ba?" tanong niya.

Is it me or he sounded cold.

"We need your help, alam mo kasi may meet the parents na magaganap and we have no idea Kung anong klaseng tao ang mga parents niya," sabi ni Donna.

"Oh, I see," tipid niyang sagot.

"His parents we're control freak. But I don't know if nagbago na 'yun."

"Do you know what they like?" tanong  ko.

"Uhmm, I don't know exactly but I think you'll manage," sabi ni Nick.

"What's not to like about you? Relax lang nood na lang tayo ng Netflix," aya niya.

"Mabuti pa nga," sabi ni Donna.

***

The day has come, I mean the night.

Pinagbuksan na ako ni Xi ng pinto ng kotse. Huminga muna ako ng malalim, bago ako bumaba ng kotse. 

"Magusgustuhan kaya ako ng parents mo?" tanong ko sa kanya.

"What's not to like?" he said reassuring me.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Do I look good?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang dress ko.

"You're beautiful even when you just woke up Gab," he smiled at me.

Okay sige, panghahawakan ko 'yan. First I don't know what to say about there mansion. It was a mid-modern century mansion.

Nakalimutan ko mayaman nga pala sila. Nakakapanliit, isa lamang akong simpleng mamamayan ng Pilipinas.

Halos mawala ang balance ko nang sinalubong ako ng yakap ng Mama niya.

"Ma," sita ni Xi sa mama niya. Agad naman itong bumitaw sa akin. 

"Pasensya na hija, na-excite lang," nakangiting sabi nito.

"I'm Miranda, Xavier's Mom," Nakangiting pagpapakilala nito.

"Goodevening po, I'm Gab," pakilala ko.

"Nice meeting you hija," sabi nito.

"Nice meeting you rin po," I answered nervously.

Yung totoo, ganito ba talaga kaganda ang lahi nila.

"Ang ganda niyo po, sigurado po kayo di kayo ate ni Xavier?" tanong ko.

"Bolera pala itong girlfriend mo anak," sabi nito pagkatapos tumawa.

"Halina kayo, naghihintay na sila sa garden," pag-aaya ni Tita sa amin.

Napatingin ako Kay Xavier, akala ko simpleng dinner lang bakit parang hindi ganun ang nadatnan ko. Andun ang iba pa nilang kamag-anak bukod pa sa immediate family nila. 

May mga ilaw na nakasabit na parang banderitas may long table. Sa gitna kung saan nakalagay ang mga pag kain at may mga tables sa paligid. Ang ganda ng pagkaka-ayos meron din parang mini stage sa harap. 

"Akala ko tayo-tayo lang?" pabulong na tanong ko kay Xi.

"My family is always extra, it's okay for you to see what a bunch of crackheads we are," bulong din niyang sagot.

"Family reunion ata 'to," sabi ko.

"Kind of," nakangiting sabi niya.

"Ayan na sila!" tili ng babaeng may hawak ng mic na tila nakatokang mag-host.

Napatingin naman sa direksyon namin ang buong angkan nila.

"Hi po," bati ko sa kanila at nginitian.

Bigla na lamang kaming dinumog kami ng mga babae nilang kamag-anak at ang mga lalaki naman ay nakatingin lang sa amin. Nataranta ako, pakiramdam ko na mob ako ng mga zombie sa Zombie apocalypse. Sobrang gaganda at cute na zombie nga lang sila. 

Isa-isa silang nagpa kilala sa akin. They look so happy to meet me which I'm glad  to feel. Lumapit kami ni Xi sa table kung saan nakaupo ang papa ni Xi. 

"Dad, this Gabriela."

"I know her," sagot ni Sir Claus.

"It's nice too meet you outside the office Ms. De Guzman," anito.

"It's nice to meet you too sir," bati ko.

"Call me Dad," nakangiting sabi nito.

"Ganda ng magiging manugang ko noh?" Pagmamalaki nito sa mga kasama.

So ganito talaga si sir kung ano siya sa office ganun din siya sa totoong buhay.

"Better get married ASAP I want a dozen of grandchild," sabi nito kay Xi.

Bigla akong nahiya. Isang dosena, paano ko kakayanin umire ng ganun karami. 

"Kidding aside you better be a good husband son, don't let any other guy steal her."

"I will not," Xavier assured. Tumango naman ito sa kanya.

"Will get going dad," paalam namin dito.

Pumili na kami ng mauupuan. Habang sa side ay may tumutugtog na acoustic band.

"Are you okay?" tanong niya.

"Oo, kaso may tanong ako," sabi ko.

"Marunong naman kayo mag tagalog noh? I mean nakakaintindi?" bulong ko.

"The young ones prefer to converse in English," bulong din niyang sagot.

"Okay,alam ko na kung sino ang mga dapat iwasan," patango-tangong kong sabi.

"Why do you seem so scared of socializing in English."

"Ang hirap kaya, first of all hindi yun ang first language ko, at pangalawa di ako articulate, at higit sa lahat isang saktong english lang ang baon ko."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Anong na kakatawa? Ikaw kaya managalog ka nga kung dika mahirapan," sabi ko.

"O ano, pustahan na lang," pang-hahamon ko.

"Managalog ka buong Gabi. For every english word katumbas ay isang pitik."

"What about you?"

"Bakit pati ako marunong naman akong managalog," sabi ko.

"That's not fair Gabe, it should be like this. For an hour if I don't get to speak  five English words I get a kiss."

"Ay wow, iba din. Simpleng harot lang Xavier?" sita ko sa kanya.

"Is it a deal?" pag kumpirma niya.

"Okay, sige. Pero kain muna tayo," sabi ko.

"Sige, diyan ka muna," sabi niya. 

"Marunong ka pa pala talagang managalog," pang-aasar ko sa kanya.

"Of course," mabilis niyang sagot. Napa-ngisi naman ako. 

"Give me your hand," utos ko sa kanya.

Inabot niya naman ito sa akin.

"Of. Course, dalawa yun diba?"

Tumango siya. Pinitik ko siya ng dalawang beses kamay. 

"Ah!" sigaw niya. Dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng mga kamag-anak niya.

"H'wag na nga lang ganito, lakas mo umaray," pang-aasar ko sa kanya.

"Kung iyan ang gusto mo," pagtatagalog pa rin niya.

"Uy, pwede ka na mag-English," sabi ko sa kanya.

"But I really wanted a kiss," he said making a cute face.

Langya naman ehh, enebe weg genyen merepek eke ehh.

"Stay there, I'll just get some food."

I was just listening to the band nang may naki-upo sa table ko na di ko ata nakita kanina.

"You're Gab right? "tanong nito sa akin.

"Yes," sagot ko.

I was just stunned by her beauty, model ang peg siguro 5 years ang tanda ko sa kanya.

"I'm Xindy," abot niya ng kamay niya.

Tinanggap ko iyon, at nakipag shakehands.

"Kuya's back, See you around," nakangiting paalam nito sa akin.

"Sino siya?" tanong ko kay Xi.

"She's my younger sister," sabi niya.

She is equally beautiful as their mother, younger version lang.

"Hala, bakit di mo sinabi agad."

"She was not here earlier, how can I introduce you with each other?" dahilan niya.

"Sana nakipag kwentuhan pa ako sa kanya," reklamo ko.

"You still have a lot of time to talk."

Sinimangutan ko siya saka ako nag-simulang kumain.

What's a reunion without games. Naloloka ako mga konyo din pala ang kamag-anakan ni Xi. Naglalaro sila ng limbo rack habang nakapiring. Tumatawa akong nanood sa kanila ganun din ang iba. After the games nag simula na naman ang  chikahan sa bawat table. Naharang si Xi ng mga pinsan niya at tila ayaw siyang paalisin sa table nila. While I was sitting along with his nieces and nephew.

They are teens and quite energetic, kung ano anong mga napag usapan namin like, cartoons, anime's, music and social media related stuff.

Tumatawa kami ng mga dalaginding nang tawagin naman ako ng mama, tita at mga pinsan ni Xavier.

"Have you started planning the wedding hija?" tanong nila sa akin.

"We haven't started yet maybe once we have my parents blessing. I think that's when we will start planning it." paliwanag ko sa kanila.

"Do you have any preferred motifs?" tanong ni Tita Grace na kapatid ni Sir Claus.

"I would like to have a church wedding," sagot ko.

"Which church do you prefer?" tanong ni Tita Fe na ate ni Mama Miranda.

"We still have to decide about that," sabi ko.

"Megan here is a wedding coordinator," sabi tita Pat na kapatid ni Mama Miranda.

Nagtaas naman ito ng kamay.

"She could help you plan the wedding." sabi ni Mama Miranda. 

"Talaga po?" di makapaniwala g tanong ko.

" Yes, ako na bahala maningil kay Xavier," kindat nito sa akin.

Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa kasal. They seem so excited about it. Ang supportive ng family niya. 

"So tell us, ready ka na ba sa honeymoon?" pilyang tanong sa akin ni Trisha.

Bigla akong namula.

"Oohhh, don't tell us that will be your first night with him?" tanong ng isa pa sa kanila.

Nahihiya akong tumango. 

"We should really need to teach you how to tame our dear cousin Xavier," sabi ni Jillian na uan kong nakilala ata napagkamalan ko pang girlfriend ni Xavier noon.

Kung anu-anong pinagsasabi nila sa akin suggestion. Kesyo ganito dapat ang isuot, dapat gawin.

Natatawa ako dahil sa may actions pa sila kung mag suggest. Akala ko dudugo na ilong ko dahil sa mga pinagsasasabi nila. Dala na rin siguro dahil umiinom kami ngayon.

It's fun talking with other women like this. I don't have a sister or a cousin to talk to about stuff like this. I'm glad they're so warm and welcoming.

Di ko namalayan na natapos na ang gathering. Ala una na ng madaling araw na nang matapos ang program nila. Si Xi ay nakikipag inuman pa rin sa isang table. Ang mga pinsan at pamangkin naman niya ay umuwi na ng mas maaga. I was sitting alone on the table. 

"So how long have you been, with Kuya?" biglang tanong ni Xindy sa akin.

"Uhmm we just got back together, after we fix some issues," paglilinaw ko.

"You just got back together, and now you're getting married?" May iba sa tono ng pananalita niya.

"Why are you asking?"tanong ko pabalik.

"How would I know, that you really love my brother? You weren't there when he was sick. He's been looking for you everytime his in ICU because of an infection."

"How would I know that you're not after his money," kwestiyon niya.

"First I have money of my own. Though it may not be that big. It's enough for me to buy things and do things that I want."

"About not being there when he is sick. If I know he was sick I'd be taking care of him. Three years of not being with him, thinking that he left me for no reason is painful. But not being there by his side when he wants me to be there is agonizing. I decided to marry him because I don't wanna spend more yours of pain not being with him," pag-amin ko sa kanya. .

"I know how much you love your kuya, I also have an older brother. He treat me as his baby, gives me whatever I want. Thinking that someday he will settle down kind of hurts me. It feels like he' s being stolen from me but you know he deserves love too and if that woman makes him happy. It will also make me happy."

Bigla na lamang itong umiyak. Napatingin sa amin ang iba pang nandun. Nataranta ako, kaya agad Ko siyang inalo at niyakap. 

"Uy, 'wag ka ng umiyak. Di ko naman kikidnapin kuya mo. Kuya mo pa rin siya you can visit him anytime," I assured her.

"To my beloved Gabriela. this song is for you,"

Pareho kaming napatingin ni Xindy kay Xavier na nasa ibabaw na ng maliit na stage nakaupo at may hawak ng gitara. Nagchicheer naman ang mga pinsan niya sa kanya. 

I'm not familiar with the song, it was good and the lyrics caught me.

I can't wait for you to be my wife

To live this life together

And I won't let you go

I need you to know

That you are my heart forever

And on and on and on

Yeah, we go on and on and on

He was staring at me the whole time.

Langyang pakana ng impaktong ito!

After that song he mouthed 'I love you'I did the same.

"Why are you smiling that way, you guys are-- I'm having goosebumps," sabi nito saka ito tumayo paalis ng table.

***

Xi was drunk and his parents doesn't want him to drive the car that why they insisted that I should sleep on the guest room. Ayokong makipag talo kaya pumayag na lang din ako. 

I was wearing a robe and my undies after taking a shower when I heard a knock on the door.

"Bukas 'yan, paiwan na lang po sa ibabaw ng kama," sabi ko, habang inaayos ang pagkakatali ng robe ko. Saka ako lumabas ng banyo. Nagulat ako nang makita ko si Xi na nakatayo sa hamba ng pinto. Nangungusap ang kanyang mga mata dahil na rin siguro sa naka inom siya. 

"Anong ginagawa mo diyan?" kunot noong tanong ko.

"I just wanted to say Goodnight."

"Goodnight," sagot ko sa kanya.

"Silang goodnight kiss," he pouted his lips like a child.

My Gosh Xavier why are you so cute.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"I want one on the lips," pagmamaktol niya na parang bata.

"Yuko ka kaya," utos ko na sinunod naman niya.

"I love you," sabi niya.

"I love you too," sagot ko at mabilis na dinampi ang labi ko sa kanya.

"One more please," pagpapacute niya.

"Stop it Xi, I know you're not drunk," sita ko sa kanya.

"That's no fun Gabe," sabi niya tsaka umayos ng tayo.

"Matulog ka na kaya?" suhestiyon ko.

"I thought playing drunk will do the trick," simangot niya.

"Not on me, Mr. Villafranco," paglilinaw ko.

"Really?"

Bigla na lamang niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya at saka ako siniil ng halik.

I didn't resist it and answered him, I could taste alcohol and sweetness in his kiss. I didn't even remembered how he carried me into the bed we we're both panting when we stopped  both looking at each other. Bigla na lang may tumikhim. Napalingon kami sa sung sino iyon. 

"Do you still need this clothes? Nakakalokong tanong ni Xindy habang nasa bungad ng pinto.

Agad naman akong tumayo at inayos ang robe na suot ko. Lumapit ako sa kanya para kunin ang damit na ipapahiram niya sa akin.

"Thank you," sabi ko.

"You're welcome," sabi nito saka umalis.

"I think I  should leave now, I might get out of control," sabi ni Xi.

"I think you should," pag sang-ayon ko.

"Goodnight," sabi niya habang nasa labas ng pinto.

"Goodnight," sagot ko.

"Lock your door, I might break in," paalala nito.

"I will," natatawang sabi ko sa kanya.

Saka siya naglakad pabalik sa kwarto niya. Nang maisara ko ang pinto aya agad akong napa-upo. 

My Gosh, buti na lang dumating si Xindy or else mauuna ang honeymoon kesa sa kasal.

How will I be able to sleep after this.

Nag-ring naman ang cellphone ko sa bag. Tumayo ako, kinuha ito. Si Kuya Migz ang tumatawag kaya sinagot ko iyon agad.

"Gab, mom and dad is here they are looking for you, the whole night. Baka gusto mo agahan ang uwi mamaya," sabi ni Kuya.

Okay, okay di dapat ako tanghaliin ng gising bukas.

< End of Chapter fifty-three>

Don't forget to vote