Erica
Kinakabahan at nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa loob ng opisina ni Ms. Torres, ang aming bagong CEO.
Naabutan ko ito na prenting nakaupo sa kanyang silya, kung saan nakatalikod pa mula sa akin at nakatanaw mula sa malaking glass window ng kanyang opisina. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang white marble plaque na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang nitong iniikot ang kanyang silya paharap sa akin at mabilis na sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap dahil sa kanyang ganda. Para talaga siyang isang anghel. Kumikinang ang kanyang ganda katulad ng kanyang pangalan.
Mabilis na nagbawi ako ng tingin bago napayuko at pasimpleng pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay, habang nakatayo sa kanyang harapan na parang ewan.
"You know you can sit down so your feet don't get tired." Wika nito bago napa musyon sa dalawang bakanting silya na nasa harap ng kanyang lamesa.
Grabe! Kahit pananalita niya, nakakatindig balahibo. I mean, ang lakas ng dating! Ang ganda ng boses nito na hanggang ngayon ay pamilyar parin sa akin at hindi ko maalala kung saan ko iyon unang narinig.
Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa bakanting upuan at naupo roon. Hindi parin ako makatingin sa kanya. Ewan ko rin ba, pakiramdam ko nakakapaso 'yung mga titig niya na hanggang ngayon ay nararamdaman ko sa akin.
Isa pa, sobrang nahihiya ako dahil sa nagawa ko sa kanya noong gabi na iyon sa bar.
"I have two questions, so that means I need two and honest answers." Panimula nito bago napa sandal sa likod ng kanyang silya at napa cross arms pa.
"S-sure Ms. Torres." Mas lalo yata akong kinabahan sa tono ng kanyang pananalita. This time, lakas loob na sinalubong ko na ang kanyang mga mata na nakapako parin pala sa akin hanggang ngayon.
"Are you single or taken?" Tanong nito at walang bahid ng kahit anong emosyon na makikita sa kanyang mukha.
Kailangan ko ba talagang sagutin 'yun? Tanong ko sa aking sarili. Napalunok ako.
"S-Single." Sagot ko sa kanya, pagkatapos ay muling ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.
"Good. Now, I want you to attend in a party with me on Saturday. You'll be my date there." Awtomatiko na nalaglag ang aking panga dahil sa gulat nang sabihin niya iyon, dahilan upang muling tignan ko ito sa kanyang mukha habang nanlalaki ang mga mata.
"D-Date?!" Hindi makapaniwala sa tanong ko rito. Agad na napatango siya at muling inayos ang kanyang pagkakaupo.
"Yes, do we have a problem?" Matigas na tanong nitong muli sa akin. Agad na napailing ako bilang sagot.
"And what about the second question?" Tanong ko sa kanya. "Akala ko po ba dalawa ang itatanong ninyo sa akin Ms."
"Hmmm..." Napahawak ito sa dulo ng kanyang baba na tila ba nag-iisip. "It looks like I don't need to ask you more questions, the answer is obvious and whether you like it or not, you'll come with me." Wika nito na halatang siya na mismo ang gumawa ng desisyon para sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi madisappoint sa aking sarili. Marahil ginagawa niya ito dahil sa nagawa ko sa kanya.
"But---"
"But buts, no ifs." Putol nito sa akin. "Now, you may back to your department." Utos nito at ibinaling na ang kanyang atensyon sa mga papeles na nasa kanyang harapan.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa aking kinauupuan, agad na tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit roon ay may sinabi pa ito sa akin.
"Oh, and by the way. Have you washed my handkerchief?" Awtomatiko na natigilan ako. Kusa ko na lamang din naramdaman ang pamumula ng aking mula dahil sa itinanong nito.
Ang ibig ba niyang sabihin, siya iyong babae na katabi ko noong nanood ako ng sine kasama ang aking mga magulang? Iyong stranger na babae umabot ng panyo na iyon sa akin?
"Why are you blushing? It's just a question, Ms. Jimenez." Sabay tayo na sambit nito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang sandaling pag ngisi nito habang may mapanuksong mga tingin. "Please, stop arguing with yourself because what you have in mind is right."
So tama nga ako, siya nga iyong babae na iyon. Kaya naman pala pamilyar ang boses nito dahil bago pa man mangyari ang eksina sa bar, nagkausap na kami noon.
Tila ba mas lalo lamang lumakas ang pintig ng aking puso sa mga sandlaing ito. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o sinasadya nitong mangyari ang lahat ng ito.
"And also..." Dagdag pa niya habang naglalakad ng mabagal papalapit sa akin. Iyong lakad na para itong isang modelong nang aakit. Muli ay napalunok ako at napaiwas ng tingin mula sa kanyang katawan.
Walang nagawa rin na napa atras ako ngunit sa isang pahabang couch ako bumagsak at napa upo ng disoras.
"Why did you kiss me that night? At the bar?" Kung kanina ramdam ko ang pamumula ng aking mukha, ngayon naman pakiramdam ko bigla yata akong naubusan ng dugo at agad na namutla sa itinanong niya. Daig ko pa ang nasa isang investigation at ako ang suspek.
Hirap na napalunok ako. Parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan. Hindi ako kaagad nakapag salita.
"I-I'm sorry about that Ms. T-Torres. Hindi ko sinasadya, l-l-lasing lang ako noong mga sandaling iyon at dala na rin ng halo-halong emosyon---"
Natigilan ako noong sandaling nagpakawala ito ng isang malutong na tawa ngunit masarap paring pakinggan.
"You should see your face!" Komento nito pagkatapos. "I mean look at you. You look so adorable." Dagdag pa niya. "I'm just messing with you."
Huli na ng marealize ko na pinagpapawisan na rin pala ako ng malamig. Shit! Ano bang nagawa ko at humantong ako sa ganito? Lumapit si Ms. Torres sa pintuan at siya na mismo ang nagbukas noon para sa akin.
"Thank you for your time, Ms. Jimenez." Sambit nito.
This time, naka ngiti na ito sa akin. Hindi katulad kanina na wala akong mabasa na kahit anong emosyon sa kanyang mukha. At jusko! Mas lalo siyang gumaganda kapag naka ngiti. Hays!
Mabilis na napailing ako sa aking sarili. Hindi pupwede itong ganito. Kailangan kong itigil ang pagpuri sa kanya. Tama! Nagagandahan lang ako sa kanya, 'yun lang.
------
Nanghihina ang aking mga tuhod noong makarating ako sa aming Department. Agad na sinalubong ako nina Vina at Francis at pagkatapos ay inulan ng napakaraming tanong.
"OMG! Buhay ka pa!" Mapanukso na komento ni Vina bago ako pinaupo. "Anong nangyari? Kailangan may kwento." Dagdag pa nito.
"Tama!" Pag sang-ayon naman ni Francis. "Anong ginawa sayo ng ating bagong CEO? Is she good?" Sabay taas baba nito ng kanyang kilay dahilan upang mabatukan ko siya.
"Aray ko naman, nagbibiro lang eh." Reklamo nito habang hinihimas ang parte ng kanyang ulo na nasaktan.
"Baliw! Kung anu-ano kasing naiisip." Inis na sabi ko sa kanila. "Problemado na nga ako rito eh." Sabay hinga ko ng malalim.
"Ano ba kasi ang nangyari? Nagalit ba siya dahil sa ginawa mo sa bar? Dahil sa...kiss?" Pabulong na sabi nito sa muling sinabi dahil baka may ibang tao na makarinig.
Mabilis na napailing ako atsaka napapikit ng mariin. "Hindi."
"Eh ano?!" Chorus ng dalawa.
Kagat labi na tinignan ko sila pareho sa mukha, nag-iisip kung tama bang sabihin ko sa kanila, pero dahil mga kaibigan ko sila kaya sasabihin ko na.
"Sinabi nito na isasama niya ako sa isang party sa Sabado at..." Napahinto ako sandali. "Sinabi niyang ako raw ang magiging date niya."
"WHAT?!" Sabay na sigaw ng mga ito dahilan upang mapatingin sa aming direksyon ang iba naming katrabaho. Pinaghahampas ko naman sila sa kanilang braso.
Isang himpit na tila naman ang pinakawalan ni Vina pagkatapos ng ilang segundo at parang bulati na pumapalag palag pa.
"Ay ang ganda ng best friend namin oh!" Komento nito. "Ang haba ng hair! Umabot hanggang sa ibang ibayo." Dagdag pa niya.
"Korak! Iba ang dating." Sabi naman ni Francis.
Nagpatuloy pa ang aming kwentuhan ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan na namin na bumalik sa aming kanya-kanyang trabaho.
Hindi ko alam pero dumating nalang ang oras ng lunch break, lutang parin ako at hindi masyadong makapag focus. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ha.
Nasa canteen na ako ngayon kasama parin ang aking dalawang kaibigan. Napansin ko na nasa kabilang lamesa lamang naka pwesto si Karl at ang girlfriend nito na si Joanne. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na sila ng dalawa. Hindi ko parin maiwasan ang hindi masaktan lalo pa at nakikita kong sobrang masaya at kampante na ang mga ito sa isa't isa.
Dala ng pagiging bitter, hindi ko mapigilan ang hindi mapa irap habang tinitignan silang dalawa. Nagawa pa kasing magsubuan. Nakakainis lang! Dahil doon, hindi sinasadya na mapadpad ang aking mga mata sa mukha ng pinaka magandang babae na aking nakilala sa tanang buhay ko, si Ms. Torres, na ngayon ay naka tingin rin pala sa aking direksyon.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap sa tuwing magtatama ang aming mga mata. May kung anong kiliti kasi akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Gustuhin ko man bumawi agad ng tingin, hindi ko magawa, para kasing may magnet ang kanyang mga mata na mapapatitig ka nalang din pabalik. Napalunok akong muli, lalo na noong makita ko ang isang nakakalokong ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. Isa pa, sobrang nakakatunaw na ang kanyang mga titig kaya noong hindi ko na nakayanan pa ang sensasyon na ibinibigay nito ay agad na akong napayuko at ibinalik ang atensyon sa aking nga kaibigan.
Tinukso pa ako ng mga ito noong mapansin ang pangangamatis ng aking mga pisnge at mabilis na hinanap sa paligid kung sino ba 'yung tinitignan ko kanina. Mabuti nalang dahil si Karl ang nakaagaw ng kanilang pansin at hindi si Ms. Torres, tiyak na uulanin na naman ako ng maraming katanungan kapag nagkataon.
Hanggang sa pag-uwi ko galing sa trabaho, habang kumakain ng hapunan, sa paglilinis ng katawan, hanggang sa makahiga na ako sa aking higaan, lutang parin ako. Nagsisimula na akong mainis sa aking sarili dahil bawat sulok nalang yata ng bahay, 'yung magagandang mga mata at ngiti ni Ms. Torres ang nakikita ko.
"Arrrghhhh! Ano bang nangyayari sa akin?!" Inis na sambit ko sa aking sarili habang napapagulong-gulong sa ibabaw ng kama.
Inaamin ko na ngayon lang ako nagkaganito, hindi kaya....
"AAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko habang nakapatong aking mukha ang isang unan upang hindi marinig ng aking mga magulang. Hindi pwede! Mali ito, maling mali!
Hindi ko yata alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok. Nakakailang bilang na ako para lang antukin, kung anu-anong kanta na rin ang aking kinanta pero wala parin.
Nakakainis! She's my boss! Huhu. Bakit kasi nagkataon na siya pa iyong babaeng nakahalikan ko?! At isa pa, bakit naman kasi nagawa ko 'yun in the first place?! Nababaliw na ba talaga ako?!