Erica
Hanggang ngayon, ayaw paring mag sink in sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa opisina ni Ms. Torres. Paano niya nagawang mag desisyon ng para sa sarili ko? Bakit hindi muna nito itinanong sa akin kung magugustuhan ko ba ang pinaplano niya o hindi?
Daig pa nito ang mga magulang ko na basta na lamang ako ipagkakatiwala o ibibigay sa taong hindi ko naman kakilala o ka anu-ano. Oo, mabait si Liam at mukhang mapag kakatiwalaan. At nakikita ko iyon mula sa mata at mukha niya, gwapo, mabango, matipuno at higit sa lahat...yummy?
Napa iling ako ng aking ulo nang biglang sumagi iyon sa aking isipan.
Pero kahit na gaano pa siya ka perpektong lalaki, hindi parin okay ang ginawa ni Pearl. Lalo na ngayon na kasama ko na si Liam sa loob ng kanyang kotse habang tinatahak ang daan papunta sa first date namin. Pagkatapos kasi ng aming trabaho, hindi ko inaasahan na muling makikita ito habang naghihintay sa akin sa labas ng gusali ng kompanya.
Gustuhin ko rin man ang humingi ng saklolo sa aking mga kaibigan, hindi ko na magawa dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kanila. Isa pa, kahit naman kasabay ko ang mga ito, tiyak na papayag iyong mga iyon lalo na si Francis, dahil napaka pogi ni Liam. Alam niyo na ang ibig kong sabihin.
May choice ka namang tumanggi bakit hindi mo ginawa? Tanong ng aking isipan.
May choice akong tumanggi, oo. Pero naisip ko rin na baka pwede ko na rin na gamitin ang pagkakataon na ito para mapatunayan kay Pearl na lalaki talaga ang hinahanap ko at hindi babae. At may punto rin naman ito sa kanyang sinabi kanina, na gusto lamang niya akong tulungan para ma diskubre ko mismo kung ano ba talaga ang gusto ko. Which is wala naman akong iba pang dapat na patunayan sa kanya, kung hindi ang mali siya sa hinala niya at nakikita sa akin.
"You seem tense, are you okay?" Tanong nito sa akin dahilan upang mag baling ako ng aking paningin sa kanyang napaka perpektong mukha at napa lunok na rin.
"O-oo naman." Utal na sagot ko pagkatapos ay palihim na kinagat ang dulo ng aking dila. "Pasensya kana, f-first time ko kasing makipag date." Dagdag ko pa.
Halata naman na nagulat ito dahil mabilis na namilog ang kanyang medyo singkit na mga mata.
"Oh, really? Sana sinabi mo kaagad, sana mas napag handaan ko pa ang first date natin." Wika niya. Mabilis akong napailing.
"Liam, hindi naman ako maarteng babae." Sabi ko sa kanya. "At mas lalong hindi mo na ako kailangang dalahin pa sa mga mamahaling restaurant---"
"It's fine, Erica." Putol nito sa akin. "Dapat lang na dahilan ka sa mga mamahaling restaurant at bigyan ng mga mamahaling bagay, because that's what you're worth. Ang malas nga ng mga lalaking hindi ka pinapansin o nakikita noon."
So malas si Karl dahil mas nakita at pinili niyang ligawan si Joanne?
"What did you say?" Tanong nito. Hindi ko alam na lumabas pala mula sa labi ko ang dapat na nasa isipan ko lang. Napa ngiti ako ng maasim.
"W-wala. May sinabi ba ako?" Pag mamaang-maangan ko rito. Natawa na lamang din ito atsaka muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Habang ako naman ay napatingin sa labas ng bintana.
Well, good luck talaga sa iyo Erica. Mukhang hindi na rin naman ako lugi kay Liam, bukod sa gwapo, mabait pa at mukhang ma respeto sa babae.
Choosy ka pa girl? Tuyo na naman ng aking makulit na isipan.
Hindi nagtagal, huminto kami sa harap ng isang hindi ko kilalang restaurant. Pero sa mukha at desenyo pa lamang nito sa labas eh, mukhang mamahalin na.
Masakit sa bulsa.
Pagbaba pa lamang ni Liam ng sasakyan ay maingat na tinggal ko na rin ang aking seat belt, habang siya naman ay awtomatiko na umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan.
"Thank you." Medyo nahihiya na pagpapasalamat ko sa kanya noong tuluyan na akong makalabas ng sasakyan.
"My pleasure." Sabay kindat na sabi nito at basta na lamang akong hinawakan sa aking kamay papasok ng restaurant. Gusto ko pa sana ang bawiin ang aking kamay mula sa kanya ngunit nahihiya naman ako, isa pa, mukhang ayaw niya rin itong bitiwan.
Pagpasok pa lamang namin sa loob, agad na pinagtinginan na kami ng iilang customer na naroon. Mas lalo tuloy akong na curious at nahiya dahil si Liam ang kasama ko at nagmukha lamang yata niya akong alalay dahil sa itsura ko.
Binati kami ng mga waiter at waitress na nagkalat sa paligid at dalawa naman sa front desk. Mukhang kilala na rin ng mga ito si Liam. Paano ko nalaman? Awtomatiko kasi na tinawag ito sa kanyang pangalan noong sandali na pagpasok pa lamang namin sa pintuan.
May lumapit sa amin na isang lalaki na kakaiba ang suot na uniporme kaysa sa iba, na sa tingin ko ay manager nitong restaurant. Sinalubong kami nito ng isang pormal na ngiti pagkatapos ay binati. Sandaling nag kausap sila ni Liam atsaka iginaya na kami papunta sa table kung saan dapat kaming dalawa uupo.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang maramdaman ang marahan na paglapat ng kamay ni Liam sa aking beywang. Agad na kumabog ang aking dibdib dahil mas lalo kaming naka agaw ng pansin mula sa ibang tao na nandito rin sa loob atsaka kami pinag bulungan.
Noong maka pwesto na kami sa may medyo sulok at tago na bahagi ng restaurant, agad na iniwan na rin kami ng manager. Noon naman lumapit ang isang waiter para kunin ang aming orders.
Hirap na napalunok ako noong makita ang mala gintong presyo ng bawat putahe na nasa menu book.
"Uhmm..L-Liam?" Medyo naka ngiwi na pagtawag ko sa pangalan nito. Agad naman na napatingin ito sa akin.
"Pwede bang lumipat nalang tayo sa ibang restaurant? Sa medyo mura lang sana." Inilapit ko pa ng konti ang aking mukha sa kanya. "Ang mahal kasi rito." Bulong ko pa dahilan upang matawa ito sa akin.
"You're so adorable, Erica. But no." Pag tatanggi nito. "Just order whatever you want, okay?" Walang nagawa na muling ibinalik ko na lamang ang aking mga mata sa menu.
Omg! Two thousand pesos? Iyon na ang pinakamura na nakikita ko rito. Paano nila nagagawa ang gumastos ng ganoon kalaking halaga para sa isang putahe lamang? Ginto rin ba ang sikmura nila?
Dahil sa masyado akong nangangamba sa mga presyo kaya si Liam na mismo ang nag order ng pagkain para sa akin. At alam niyo ba kung ano ang nangyari? Pinuno lang naman nito ng pagkain ang aming lamesa at ang kung ano ang pinakamahal sa menu, iyon ang pinili niya para sa akin.
Pero in fairness, masasarap silang lahat. Atsaka na busog talaga ako ng sobra. Halos hirap na nga ako sa paghinga eh. Kulang nalang din eh tanggalin ko ang butones ng aking suot na skirt. Nag take out pa nga ako eh kahit na medyo nakakahiya, sayang kasi tapos itatapon lang nila. Hehe.
Sandali pa kaming nagtagal ni Liam, hindi ko alam pero natutuwa ako sa kanya. Ang dali lamang kasi nitong pakisamahan at napaka masiyahin pang tao. Hindi rin halata sa kanya ang lumaki sa isang marangyang buhay dahil sa napaka humble nitong tao.
Sinabi rin nito sa akin na kaibigan niya ang may ari ng restaurant. Kaya naman pala, ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit nakilala na agad siya rito kanina.
Pagkatapos naming mag kwentuhan, nagpasya na kaming umuwi na. Siya na rin daw ang maghahatid sa akin dahil iyon naman daw talaga ang gawain ng isang tunay na lalaki. Bagay na hindi ko naman na tinanggihan.
Habang naglalakad kami palabas ng restaurant, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali at biglang kinabahan. Pilit na itinago ko iyon kay Liam upang hindi niya mahalata bago dire-diretso ng nauna sa kanya sa paglakad nang makita ko ang isang pamilyar na awra ng babae, habang naka sandal ito sa kanyang hindi pamilyar na kotse.
Ang totoo? Ilang kotse ba ang meron siya? At isa pa, kaya naman pala bigla nalang akong kinabahan.
"How's your first date?" Tanong nito habang naglalakad papalapit sa akin.
Awtomatiko na napalunok ako noong magtama ang mga mata naming dalawa. Ang sexy niya sa kanyang suot na fitted blue jeans at tenernohan naman ng isang plain white polo shirt sa itaas na mayroong logo ng lacoste.
"F-fine." Utal at tipid na sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Noon naman dumating si Liam at agad na lumapit sa kanya para bigyan ito ng halik sa pisnge.
"What are you doing here?" Agad na tanong ni Liam rito.
Kusa naman na napadako ang mga mata ni Pearl sa akin sabay napa ngiti na parang ewan.
"I'm here to take her home." Diretsahan at walang preno na sagot nito kay Liam.
"Oh, sure. If that's what---"
"No." Putol ko kay Liam.
"Ikaw ang gusto kong maghatid sa akin, Liam." Kunot noo at sabay silang napalingon sa akin. "Please?" Dagdag ko pa habang nag papa cute rito.
Hindi napigilan ni Pearl ang mapa tirik ng kanyang mga mata. Bagay na mas lalong gumaganda siya tignan kapag nagtataray ng ganyan. Awtomatiko rin akong napa kagat sa aking labi upang pigilan ang sarili sa pag ngiti.
"Your wish is my command." Pabirong sabi naman ni Liam sabay harap nito kay Pearl. "So paano ba yan, mauna na kami?" May halong pang-aasar pa na dagdag nito.
"Whatever." Agad naman na sabi nito atsaka kami tinalikuran ng dalawa ni Liam.
-----
Pagdating sa labas ng bahay, hinintay ko lamang na makaalis ang sasakyan ni Liam bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Tinawag ko sina mama at papa pero kahit isa sa kanila ay walang sumasagot. Kaya dumiretso na ako sa kusina para ilagay sa ref ang aking take out, hindi nga ako nagkamali noong madatnan ko silang dalawa roon habang masayang nagtatawanan. Ngunit laking gulat ko pa nang makita na mayroon silang kasama, at hindi lang iyon.
Napakurap ako ng maraming beses dahil baka namamalikmata mata lamang ako, pero hindi.
"P-Pearl?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Hi, anak." Sabi ni papa. "Nandito rin kami." Dagdag pa nito. Mabilis na lumapit ako sa kanila ni mama bago nag mano.
"Pwede ho bang kausapin ko muna si Pearl?" Tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan muna silang dalawa pagkatapos ay napatango.
"Walang problema. Mukhang seryoso yang pag-uusapan niyo eh." Pahabol ni mama bago ito tuluyan ng hinila ni papa palabas ng kusina.
Hindi maipinta ang mukha na muling sinalubong ko ang mga mata ni Pearl. Magsasalita pa lamang sana ako ng maunahan na niya.
"Hindi mo ako hinayaang samahan at ihatid kita pauwi, kaya sasamahan nalang kita sa pagtulog ngayong gabi. Hindi ba mas romantic 'yun?"
Kusang nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi niya. Noon ko lamang din napansin na naka pantulog na ito ng damit. Napa tikhim pa ako dahil tumama ang aking mga mata sa mapuputi at makikinis nitong legs.
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag ngisi nito.
"B-baliw kana ba?!" Singhal ko rito at pinilit na hindi na muling mapatingin sa kanyang katawan.
"Hep. Hep. Baka nakakalimutan mong boss mo parin ako?" Bago ito nemeywang sa aking harapan. Napalunok ako.
"S-sorry." Pahingi ko ng tawad atsaka napakamot sa aking batok. Jusko! Bakit naman kasi ganito yung puso ko?! Nakakainis lang dahil sa tuwing nasa harapan ko siya, sobrang nagwawala ito.
"Now, let's go upstairs." Pag-aya pa niya. "Because whether you like it or not you will sleep with me." Sabay talikod na sabi nito habang pa kanta-kanta pa.
Padabog na lumabas ako at sinundan ito, noon naman nahuli ko na nakikinig rin pala sa amin ang aming mga magulang. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Kaya naman pala lumalaki ang ulo ng isa. Hays!