Chereads / I Kissed A Girl (GxG) (COMPLETED) / Chapter 10 - Chapter 9: Innocent Mind

Chapter 10 - Chapter 9: Innocent Mind

Erica

Araw na naman ng Lunes ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakakatamad paring pumasok? Hindi naman sa masyado akong na aliw nitong weekend na kasama at masolo si Ms. Torres este, Pearl. Kung hindi dahil, hindi ko lang talaga trip ang pumasok ngayon sa trabaho. May pakiramdam kasi ako na mayroong hindi magandang mangyayari at iyon ang bagay na iniiwasan ko.

Isama mo pa ang mga dapat na ikwento ko sa aking mga kaibigan noong gabi ng party. Tiyak na uulanin ako ng mga ito ng napakaraming tanong at hindi sila titigil hangga't walang lumalabas sa labi ko na gusto nilang marinig.

Kinakabahan din, dahil hindi nila alam na magkasama kami ni Pearl hanggang kahapon at dinala pa ako nito at ipinakilala sa kanyang Lola. Ang galing! Ngayon, paano ko sasabihin sa kanila ang lahat ng ito ng walang halong malisya para sa kanila. Ugh!

Walang nagawa at lulugo-lugo ang aking katawan na bumangon na sa kama para mag handa sa pag pasok. Agad akong napa singhap atsaka frustrated na napa sabunot sa aking buhok noong makita ang nanlalalim kong mga mata at medyo nangingitim pa ang ilalim nito.

"What the--" Hindi ko mapigilang bulalas sa aking sarili bago napa buntong hininga.

Paanong hindi magiging ganyan kalalim ang mga mata ko? Buong mag damag na naman akong napuyat dahil sa itinanong ko kay Pearl kahapon, na hindi man lamang niya nagawang sagutin.

Ang hilig niya akong pag tripan, ang hilig-hilig niyang mamilisopo. Minsan hindi ko na rin tuloy napipigilan ang aking sarili, nakakalimutan kong boss ko siya dahil sa mga kalokohan niya. Hays!

At gusto ko ring disiplinahin ang sarili ko, madalas nawawala ako sa aking sarili dahil masyado akong nalilinlang ng maganda niyang mukha. Alam mo 'yun? Para akong nahi-hypnotise sa tuwing nasa harapan ko siya. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod at umu-o sa mga sinasabi at gusto niya.

Pwera nalang sa isang bagay na paulit-ulit niyang ipinagtutulakin sa akin. Ang sabihin na...na gay rin ako. Na bakla rin ako.

Nakakaloka! Bakit ko ba nararanasan ang lahat ng ito? Kahit na ano pa ang sabihin niya o kahit na sino pa, straight pa ako sa ruler! Hindi nila ako mababaliko.

Talaga lang ha? Baka ulamin mo iyang sinasabi mo pagdating ng araw? Tuyo ng aking isipan.

Ah, basta. Mas kilala ko ang sarili ko. Sagot ko naman dito.

-------

Katulad ng sinabi noon ni Garry, siya na ang magiging taga hatid at taga sundo sa akin kaya hindi na ako nagtataka noong makita ko ang pamilyar na sasakyan na iyon na naka park sa labas ng gate ng aming bahay. Mabuti na lamang din at maagang umalis ang aking mga magulang, hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanila kapag nagkataon.

Pag pasok ko pa lamang sa loob ng sasakyan, hindi ko inaasahan na makikita ang pamilyar na mga ngisi na iyon. Lalo na ang maganda niyang mukha na napaka fresh tignan. Isama mo na rin ang napaka bango nitong perfume na bumabalot at maaamoy sa buong sasakyan.

Hindi naka ligtas sa aking paningin ang pag lunok nito noong sandali na pinasadahan niya ako ng tingin sa aking kabuohan. Lalo na noong sandali na tinignan niya ako na tila ba hinububaran sa kanyang isipan.

Maraming beses na napalunok ako at biglang na blangko ang aking isipan dahil sa hindi malaman ang gagawin. Lalabas pa sana ako, ngunit huli na ang lahat nang maisara na ni Garry ang pintuan at umikot na ito sa driver seat bago muling binuhay ang makina.

"Nice outfit!" Komento nito sabay ngiti ng nakakaloko.

"G-Good morning Ms. Torres." Pormal ngunit utal naman na pagbati ko rito. Noon din nagsimula na sa pagmamaneho si Garry.

"Why do you look so shocked? It's just me." Wika nito dahilan upang lakas loob na salubungin ko ang mga mata niyang hanggang ngayon ay may kakaibang epekto sa akin.

Kahit gustuhin ko man ang magsalita, hindi ko magawa. Pakiramdam ko may kung anong bagay ang naka bara sa aking lalamunan kaya't walang salita ang gustong kumawala mula rito.

"You know I'm your boss, right? So expect that you will see me every day." Muling wika pa niya habang naka tingin sa labas ng bintana. "And from now on, we will go to work together and go home at the same time." Pagkatapos ay muling napa baling ito ng kanyang mga mata sa akin. Agad na napa iwas ako ng tingin.

"Hindi mo na naman kailangang gawin ito eh." Pag tatanggi ko. "Kaya ko naman ang mag commute at ang mag-isa. Isa pa, malaki na ako." Dagdag ko pa habang naka yuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Napatawa naman siya ng mahina pagkatapos ay mas inilapit ang kanyang sarili sa akin. Awtomatiko naman na nanigas ang aking katawan.

"Sorry, pero hindi mangyayari 'yun." Tugon nito. This time, mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso na halos kulang nalang eh, lumuwa ito. Sinabi ko naman na sa inyo, mas malakas ang dating niya kapag nananagalog siya at naririnig ko ang slang nitong boses.

"Alam mo ba kung bakit?" Dagdag na tanong pa niya kaya agat na napailing ako.

"Because I prefer to always be by your side, Erica. And do all the things I want..." Sagot nito pagkatapos ay walang sabi na inilapit ang kanyang labi sa may batok ko, dahilan upang magtayuan ang lahat ng aking balahibo at mapapikit ako.

"Like this..." Agad akong napa singhap nang maramdaman ang kanyang malambot na labi na lumapat sa aking balat. Kusa rin na nanghina ang aking mga tuhod dahil sa ginawa niyang iyon. Naging malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya mula roon dahil naka ponytail at buhok ko.

Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapa kagat labi noong maramdaman ang marahan na pag-angat ng kanyang labi sa likod ng aking tenga.

"M-Ms. Torres, w-what are you doing?" Nahihirapan na tanong ko rito. Hindi nagtagal, naramdaman ko nalang ang unti-unting paglayo ng kanyang mukha mula sa akin habang naka ngiti ng wagas.

Naka drugs ba siya? Hindi ko mapigilan na itanong iyon sa aking sarili habang patuloy parin sa pag taas baba ang aking dibdib. Agad na inayos ko naman ang aking pagkaka upo at pinilit na ikalma ang sarili.

"I want to see how much I affect you. It's satisfying." Sambit niya na hanggang ngayon ay hindi parin nabubura ang mga ngiti sa kanyang labi.

Hindi na ako muling nag salita pa, sa halip ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana.

Gusto kong maiyak dahil sa ginawa niya. Pero ang mas nakakainis lang, bakit parang nagugustuhan ko rin ang mga ginagawa niya? Bakit parang nasisiyahan din ako?

Hanggang sa makarating kami sa gusali ng kompanya, hindi ko parin ito pinapansin o magawang tapunan man lamang kahit na isang tingin. Ganoon din ito sa akin.

Hindi ko siya magawang tignan. Ewan ko, hindi dahil sa galit ako sa kanya. Kung hindi nagagalit ako sa sarili ko dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin, nanghihina ako. Nagiging marupok ako. Lumalambot ang puso ko. Ano ba ito? Hindi ko maintindihan.

Ilang araw pa lamang kaming magkakilala, halos dalawang linggo pa lamang simula noong unang beses kaming magkita pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba, straight ako? Hindi ko dapat nararamdaman ito.

Marahil masyado lamang akong napapalapit sa kanya, kaya ganito. Tama?

Masaya naman na sinalubong ako ng aking mga kaibigan at sinamahan hanggang sa makarating sa table ko. Mabuti na lamang dahil magkaiba ang elevator na ginamit namin ni Pearl, dahil hindi na yata ako makakahinga pa kung nagtagal pa ng ilang minuto na nasa tabi ko siya.

Nakiusap ako kina Francis at Vina na kung pwede, bukas o sa susunod na araw ko na lang ikwento ang mga nangyari sa party. Nag dahilan na lamang din ako sa mga ito na masama ang pakiramdam ko, upang hindi na sila mangulit pa.

Sa apat na oras na lumipas, itinuon ko lamang ang aking atensyon at isipan sa trabaho. Medyo madami na rin kasi ang kailangang ihabol sa deadline. Kahit kokonting space sa aking isipan, hindi ko binigyan si Pearl.

Ayoko na muna na guluhin nito ang aking isipan. Dahil hanggang ngayon, hindi parin ako nakaka get over sa ginawa niya kanina. Sa tuwing naaalala ko iyon, lalo na ang paglapat ng kanyang labi sa aking batok papunta sa likod ng aking tenga, para bang may kung anong bultahe ng kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan. Hindi ko maipaliwanag.

Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran. It's Francis.

"Girl, pinatatawag ka sa CEO office." Diretsahan na sabi nito sa akin.

Awtomatiko naman na bumilis ang pag tibok ng aking puso, daig ko na naman ang nang galing sa isang malayong pag takbo.

"N-ngayon na?" Tanong ko rito. Mabilis na napa tango ito habang mayroong nakakalokong ngiti.

"Uyyyy." Panunukso pa niya pagkatapos ay sinundot ng kanyang daliri ang aking tagiliran, dahilan upang mapaidtad ako. "May something na ba?" Dagdag pa niya. "Sabi ko naman na eh, BALIKO ka rin." Bigay diin nito sa huling sinabi bago ako tinalikuran na habang tatawa tawa.

"Tse! Tigilan mo ako ha!" Pahabol na sigaw ko naman sa kanya habang naglalakad ito palabas ng aming opisina.

Sandaling inayos ko muna rin ang aking sarili at kinalma ang ayaw papigil sa pagtambol na aking puso bago tuluyang dumiretso sa CEO office.

Pagdating doon, nakaka dalawang katok pa lamang ako nang marinig ko na agad ang boses niya, tanda upang pumasok na ako ng tuluyan.

Nadatnan ko naman ito na nakatayo malapit sa kanyang lamesa habang mayroong hawak na baso at mayroong laman na alak.

Mabilis na naagaw ng aking pansin ang isang round table sa may gitna at mayroong nakalagay na mga pagkain sa ibabaw. Habang mayroon naman itong dalawang silya sa magkabilaang dulo.

Awtomatiko na napailing ako at sinalubong ang kanyang mga tingin.

"P-pinatatawag mo raw ako, Ms. Torres?" Pormal na tanong ko sa kanya. Napa tango ito at inubos muna ang huling laman ng kanyang baso.

"As a matter of fact, yes." Walang kurap na sagot nito sa akin. "Please, have a seat." Bago ito lumapit sa lamesa na mayroong pagkain at ipinaghila ako ng upuan.

"P-para saan naman ang mga pagkain?" Tanong ko pa. Mataman na tinignan lamang ako nito sa aking mukha.

"Peace offering?" Patanong na sagot naman niya bago ako hinawakan sa aking balikat at pwersahan na pina upo sa silya.

"Look, Erica. I want to apologize for what happened this morning. I think I was overwhelmed by being a stupid person." Paliwanag nito at pag hingi na rin ng tawad na hindi ko ini-expext na gagawin niya. Ngayon, hindi ko na naman tuloy alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko sa kanya. Nakikita ko rin ang sinsiridad sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Napakurap ako ng maraming beses bago tuluyang naisip ang tamang words na sasabihin sa kanya. Umikot ito sa kabila atsaka na upo na rin.

"Pero okay na sa akin ang simpleng pag hingi ng tawad. Hindi mo naman na kailangan pang gawin ito." Sabi ko sa kanya at tukoy ko sa mga pagkain na nasa harapan.

Marahan naman na inabot nito ang aking kanang kamay na nasa ibabaw ng lamesa bago hinaplos iyon gamit ng kanyang hinlalaki.

"Just let me...prove myself to you Erica and then, kung mali ako sa nakikita ko sayo and you are not gay, hahayaan na kita. I promise." Sabi nito sa akin.

Wala sa sarili na napa kagat ako sa aking labi habang naka tingin sa kanyang magandang mukha. Hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa kanyang isipan nang...

"That's why, I want you to meet Liam. He's the perfect guy I believe suited for you." Wika nito bago napatingin sa may pintuan ng kanyang opisina. "Liam, please come in."

"Wait...what?!" Nagugulantang na tanong ko rito. Agad naman na bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang lalaki na nakapag palaglag sa aking panga dahil sa kanyang itsura.