Erica
Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit.
"Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa.
"Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila.
"Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba.
Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at malaki.
"Anong sino ho yan?" Ganti na tanong ko naman dito atsaka kumuha na ng aking plato, bago nag lagay na rin ng kanin at ulam sa aking pinggan.
"Ang ibig sabihin ng papa mo, may boylet kana ba? Aba'y kailangan ipakilala mo na sa amin yan." Singit naman ni mama habang pumapapak ng hotdog.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapa irap dahil sa sinabi nito.
"Oo nga anak. Pogi ba yan? Kailangan makilala namin---"
"Ma, pa. Pwede ho ba wag kayong malisyoso at malisyosa diyan dahil pimples lang yan." Saway ko sa mga ito at tuluyan na ngang napasubo ng dalawang beses sa aking bunganga. Gusto ko ng madaliin ang pagkain dahil tiyak na hindi sila titigil.
"Eh bakit defensive ka?" May panunukso na tanong naman ng aking ina habang tinititigan ang aking mukha.
"H-Hindi ako defensive, mama naman eh!" Reklamo ko pa.
"At mukhang blooming din. Para nitong mga nakaraang araw lang daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa." Muling bigkas ng aking ama habang ngumunguya pa. Dahil doon ay naalala ko na naman si Karl at Joanne. Ang aga-aga bakit silang dalawa naman ang agad na pumasok sa aking isipan? Nasisira ang araw ko. Hays!
Padabog na napatayo ako mula sa aking upuan.
"Oh, saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos sa pagkain." Saway sa akin ni mama ngunit hindi ko siya pinansin.
"Oo nga." Pag sang-ayon naman ni papa. Binigyan ko sila pareho ng isang malawak na ngiti bago tuluyang tumalikod na.
"Maliligo na 'ho ako. Malalate na ako sa trabaho." Nagmamadaling paalam ko sa mga ito.
Pagdating sa aking kuwarto, frustrated na napaharap ako sa salamin. At oo nga! Doon ko lamang nakita na ang laki nga pala talaga ng tigyawat ko sa ilong.
Paano naman ako nagkaroon nito? Hindi kasi ako madalas magka tigyawat. At kung magkaroon man, hindi naman ganito kalaki.
Hays! Buong gabi ba naman kasi ako hindi patulugin ng magandang mukha ni Ms. Torres! At isa pa itong problema ko sa kanya, hanggang ngayon hindi parin nawawala ang kakaibang kiliti na nararamdaman ko sa aking sikmura sa tuwing naaalala ko siya.
"Hays! Erica." Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap parin sa salamin at tinitignan ng maigi ang aking mukha.
"Straight ka. Okay?" Paalala ko. "Straight ka, straight kaaaaaa!!!!!" Paulit-ulit ko iyong sinasabi hanggang sa tuluyan na akong magpasya na maligo na dahil baka ako'y malate pa ng tuluyan.
--------
Pagbaba kong muli sa sala, wala na ang aking mga magulang. Nakaalis na ang mga ito at nagtext na lang sa akin na mag commute nalang daw ako dahil pati sila ay malalate na.
Walang nagawa na napabuga ako ng hangin sa ere. Ano pa nga bang magagawa ko? Magtataxi nalang siguro ako para mas mabilis.
Habang nag-aabang ng masasakyan, bigla na lamang may huminto na itim na kotse sa aking harapan.
Ang bastos naman nito, kita naman na may tao. Sabi ko sa aking isipan at naglakad ng konti sa may unahan upang doon muling pumwesto.
Ngunit wala pang ilang segundo nang sumunod ang kotse at muli na namang huminto sa aking harapan.
Nananadya ba ito?
Nauubusan ng pasensya na napatingin ako sa pag bukas ng pintuan mula sa driver seat at iniluwa noon ang isang matipuno at matangkad na lalaki. Para siyang isang character sa pelikula na konting pagkakamali mo lamang ay sasapakin ka na niya. Ngunit nakikita ko na hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa.
"Good morning Ms. Jimenez." Sandaling napa tingin ako sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata rito.
"A-Ako ba ang kinakausap mo?" Naguguluhan na tanong ko rito. "Kilala mo ako?" Dagdag ko pa. Mabilis itong napatango sa akin.
"Yes, ma'am." Sagot nito. "I'm Garry." Pagpapakilala pa nito sa akin. "Pinasusundo ho kayo ni Ms. Pearl, ipagmamaneho ko kayo papuntang office."
Napakurap ako ng maraming beses bago muling nagsalita. "Ibig mo bang sabihin, Pearl as in Pearl Torres?" Natango ito at napa ngiti. "Pearl Torres of T Corporation ba kamo kuya?"
Hahaha. Ang kulit ko ano? Mamaya kasi kidnapper pala itong taong ito, edi na tigwak ako. Kawawa naman ang mga magulang ko ano? Wala silang kamalay-malay. Pero teka...bakit naman ako ipasusundo ni Ms. Torres?
Noon ko lamang muling naalala ang nangyaring kaganapan kahapon. Oh no! Hindi pupwede.
"Ehem!" Pagtikhim ko. "Magtataxi nalang ako." Sabi kay Garry. "Paki sabi kay Ms. Torres, salamat dahil nagmabuting loob siya."
Awtomatiko naman itong napakamot sa kanyang batok.
"Eh ma'am, kapag hindi po kayo sumama, mapipilitan siyang tanggalin ako sa trabaho. Ayoko ko hong mawalan ng trabaho ma'am." Pakiusap ni Garry. Hindi ko mapigilan ang hindi mapanganga.
"Ano?! Sinabi niya 'yun?!" Sigaw ko upang pagtinginan kami ng ibang taong dumaraan. Napahilamos ako ng aking palad sa mukha. Konsensya ko pa kapag nawalan ito ng trabaho. Nakakainis naman bakit kasi kailangan pang maging ganito ka komplikado?
Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kotse. Habang si Garry naman ay naka tingin lamang sa akin.
"Ano pang hinihintay mo, halika na!" Sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
"Salamat ma'am." Pagpapasalamat nito sa akin habang binabaybay na ang daan. Napa ngiti ako. At least alam ko sa sarili kong nakatulong ako.
"Wala 'yun. Alam ko naman na kailangan mo ang trabaho na ito. Ayaw ko lang na mawalan ka ng trabaho dahil sa pagmamatigas ko." Tugon ko naman rito.
"Actually ma'am, kayo ho ang kauna-unahan na ipinasundo ni Ms. Pearl. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naging ganito."
Awtomatiko naman na nang init ang aking mukha dahil sa sinabi ni Garry. Hindi na lamang din ako nagsalita o nagbigay ng komento.
Ano ba kasi ang gustong mangyari ni Ms. Torres? Masyado na niyang ginugulo ang aking isipan.
-------
Hindi kaagad ako nakapag lunch break dahil sa mas gusto ko munang tapusin ang mga ginagawa ko. Kaya't iniwan na ako ng aking mga kaibigan at nauna na ang mga ito sa canteen.
Katetext lang sa akin ni Vina na hihintayin nalang daw nila ako para sabay-sabay na kami. Bagay na ikinatuwa ko naman.
Pagdating ko, nagdadaldalan pa ang dalawa at abala sa pagkalikot ng kani-kanilang cellphone. Ngunit noong mapadako ang aking paningin sa ibabaw ng lamesa, agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa dami ng putahi na nakahain rito.
"Magpapa piyesta ba kayo?" Tanong ko sa mga ito. Sabay naman silang nag-angat ng tingin. "O gutom na gutom lang talaga?" May paka sarcastic pa na dagdag ko.
Natawa sila pareho atsaka napatingin mula sa aking likuran kaya naman, agad na napalingon na rin ako sa kung ano man ang tinitignan nila.
"Garry?" Pag banggit ko sa pangalan nito habang mayroon pang hawak na isang bilao ng pansit.
"Oh no." Sabay takip ko sa aking bibig. "Don't tell me, ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito?"
Napa ngiti ito sa akin. "Pinasasabi ni Ms. Pearl, kumain daw kayo ng madami." Wika nito atsaka ako nilampasan bago tuluyang inilapag ang kanyang hawak sa lamesa. Hindi ako kaagad maka imik dahil hanggang ngayon, nagugulantang parin ang aking isipan.
"G-gusto ba niyang tumaba ako?" Hindi makapaniwala na sambit ko sa kanya. Mabilis na tumayo naman si Francis at hinawakan ako sa aking braso.
"Nandito naman kami oh, tutulungan ka naming kumain." Sabay aper nila ni Vina.
Minsan talaga hindi nakakatuwa itong mga kaibigan ko eh. Nakakahiya! Ano nalang ang sasabihin nitong si Garry sa akin? Hays.
Ipinaghila ako ni Garry ng silya. "Gusto ka lang niyang alagaan at masigurado na hindi mo pinababayaran ang sarili mo." Wika pa nito.
Ngunit hindi ko na siya muling nasagot pa dahil pinandilatan ko ng aking mata ang dalawa, na ngayon ay sumusubo na ng pagkain. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Kumain kana girl, hindi ka mabubusog niyan." Panunukso pa ni Vina. Napairap ako atsaka tuluyang kumuha na rin ng pagkain.
Habang kumakain, hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip. Magkano kaya ang ginastos niya rito? Baka kasi bigla nalang niyang ikaltas sa sweldo, naku! Huwag naman sana, huhulugan ko nalang monthly.
Isa pa itong dalawang kaibigan ko, ayaw paawat ang mga bibig. Pati ba naman sweldo ni Garry gusto rin nilang alamin? Kung malaki raw ba ang bahay ni Ms. Torres, kung may single daw ba siya at marami pang iba. Mga bagay at katanungan na pilit naman na iniiwasang sagutin ni Garry dahil masyado ng personal. Ako 'yung nahihiya kay Garry para sa kanila.
Buong araw tuloy, hindi na naman ako makapag concentrate sa trabaho. Naiinis ako na ako! Kung hindi ko kasi maaalala si Ms. Torres, kukulitin ako ng mga kaibigan ko lalo na kapag tapos na ng mga ito ang kanilang mga ginagawa.
Noong uwian naman na, hindi na ako pumayag pa na ihatid ni Garry sa bahay. Sobrang ang laking abala ko na. Sinabi pa nito na iyon na raw ang magiging trabaho niya ngayon, pero pilit na tinatanggihan ko siya. Sinabi ko na lamang na mag pahinga nalang ito at magcocommute na lamang ako. Mabuti naman at hindi na ito nangulit pa. Hindi na rin ako nakisabay kay Vina at Francis dahil may kanya-kanya rin silang lakad after ng office hours, kung saan man? Hindi ko rin alam.
Sa totoo lang, wala naman akong maraming ginawa ngayong araw. Pero pakiramdam ko, pagod na pagod parin ako. Marahil sa masyado kong pag-iisip.
At kanino naman kaya? Tuyo ng aking isipan.
Ah basta. Sagot ko naman rito.
Pagdating ko sa may kanto, malayo palang natatanaw ko na ang isang itim na sasakyan mula sa labas ng aming bahay. Agad na sinipat ko iyon ng tingin noong nasa tapat na ako nito. Hindi lang siya isang kotse, mahahalata mong mamahalin pa.
Aba! Big time ah. Baka may bisita sila mama nakakahiya naman dahil dadaan na naman ako sa kanilang gitna habang naka upo at nag-uusap ang mga ito sa sala. Hmp.
"Ma, Pa!" Tawag ko sa mga ito habang naglalakad papasok ng bahay. "Kanino hong kotse iyong nasa labas ng bahay----"
"Hi Erica." Hindi ko na naituloy pa ang aking nais sabihin noong magtama ang aming mga mata. Tiba ba natuklaw din ako ng ahas dahil bigla na lamang akong pinagpawisan ng malamig.
"M-Ms. Torres, anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan at medyo na hihiya rin na tanong ko sa kanya. Awtomatiko na bumalik sa aking isipan ang nangyari sa bar.
Teka...huwag mong sabihin na sinabi nito sa aking mga magulang ang nangyari?! Juice colored Huwag naman sana, parang gusto ko nalang himatayin.