Erica
Galit na muling bumalik si Ms. Torres sa loob ng function hall kaya kaagad naman na sinundan ko ito. Pagdating sa loob, agad na kumuha ito ng dalawang baso ng wine at mabilis na inubos ang laman ng mga ito.
Kahit kinakabahan, patuloy na naka buntot lamang ako sa kanya na parang bata. Nagpatuloy ang party ng hindi na ako nito muling kinibo pa, ngunit halata na hindi ako nito magawang pabayaan dahil kahit saan ito magpunta, palagi niya akong hinihila. O kung hindi naman ay palaging naka hawak ang kamay nito sa aking balakang. Kahit nga nakikipag kwentuhan at nakikipag-usap siya sa iba nitong kakilala at ka sosyo, nasa tabi parin niya ako at hindi pwede na mawala sa kanyang paningin.
May iilan naman na kinakausap ako, of course kaya ko naman ang makipag sabayan sa iilan. Lalo na kapag alam ko ang mga bagay na pinag-uusapan, kaya kong sumagot sa mga tanong ng mga ito. Ngunit hindi ko pupweding sabihin kung aling kompanya ako nagtatrabaho, tiyak na pag kakaguluhan si Ms. Torres lalo na ang T Corporation, kung bakit empleyado niya ang naging nobya niya.
Hanggang sa matapos ang event hindi parin ako nito muling kinakausap. Sandali siyang umalis sa aking tabi ngunit nakaka ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin ito nakakabalik. Hindi ko na rin ito mahagilap sa kung saan kaya nag pasya na ako na lumabas na ng function hall at dumiretso kung saan makakahagilap ng taxi na masasakyan pauwi.
Pero dahil mas gusto ko ang mag tipid kaya naisipan ko na tawagan na lamang ang aking mga magulang para sunduin ako. Alam ko kasi na kapag ganitong oras eh gising parin ang mga ito.
Agad na kinuha ko ang aking cellphone mula sa loob ng aking pouch, nang siya naman na biglang pag parada ng kilala kong kotse sa aking harapan at muling lumabas doon si Garry. Iyon din kasi ang kotse kung saan ako isinakay kanina.
"Can't you wait?" Rinig ko na tanong ni Ms. Torres mula sa aking likuran atsaka huminto sa tabi ko. Nahihimigan ko rin ang pagkainis sa kanyang boses.
"Pwede ba sa susunod kung saan kita iniwan eh doon ka lang?!" Napalunok ako bago napa pikit ng mariin, ang buong akala ko iniwan na niya ako sa loob kanina dahil sa galit ito sa akin. Kaya lumabas na rin ako.
Napa yuko ako bago napa kagat labi. Parang gusto ko ng maiyak, ngayon lang kasi ako napapagalitan ng madalas at boss ko pa. Nakakahiya na ang mga ginagawa ko.
Natahimik kami ng ilang minuto. Hindi ko parin magawang makapag salita dahil sa kahihiyan at takot na rin na baka wala na akong mabalikan pa na trabaho sa Lunes.
"You can call me Pearl." Muling wika nito. This time, medyo kalmado na ang boses niya. Kaya naman, dahan-dahan na nag-angat ako ng aking ulo para tignan siya sa kanyang mukha.
Hindi man siya naka tingin sa akin, pero makikita mong nawala na ang kunot sa kanyang noo.
Hindi na ba siya galit? Tanong ko sa sarili.
Hindi ako kumibo at nanatili lamang na tahimik. Muling inalis ko rin ang aking mga mata sa kanya at pinili na ibaling na lamang ito sa ibang direksyon.
"Now get in the car. Alam kong pagod kana." Malumanay na utos nito sa akin. Dahil doon ay nagtataka na muling ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata.
"H-Huh?" Medyo nautal pa na tanong ko rito, dahil hindi ko naman inaasahan na gugustuhin parin pala niya akong isakay sa kanyang mamahaling sasakyan.
Tinignan lamang niya ako ng may kahulugan. Isang kamot sa batok naman ang ginawa ko bago muling nagsalita.
"I-I-I mean...m-magpapasundo nalang ako kila mama at papa Ms. Torres, masyado ng nakakahiya---"
"Sasakay ka ba o hahalikan kita rito mismo sa maraming makakakita na tao? Your choice." Matigas na sambit nito. Sunod-sunod naman ang paglunok na ginawa ko. Napa tingin din ako sa paligid, medyo marami pa nga ang mga tao sa paligid mula event.
"Pero kasi..." Mabilis ako nitong hinawakan sa aking braso at basta na lamang hinila papalapit sa kanya. Mabuti nalang dahil naging alerto ako at agad na itinakip ang aking dalawang palad sa aking bibig, para pigilan siya sa kanyang binabalak na gawin.
"I-ito na nga ho Ms. Torres, sasakay na---"
"I said, call me Pearl!" Putol nito sa akin ng may pagkainis na naman. Hayyy. Ang kulit ko kasi. Napatango ako ng mabagal.
"O-Okay Ms--este, ehem! Pearl." Medyo nahihiya pa ako na banggitin ang first name niya dahil sa hindi ako sanay. Isa pa, bakit naman kailangan Pearl lang ang gusto nitong itawag ko sa kanya? Hindi ba boss ko siya?
"Good. Now, get in." Wika nitong muli sabay mosyon sa sasakyan kung saan agad naman na pinag buksan ako ni Garry.
------
Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kakaibang kiliti sa aking loob at kabahan. Kapwa kasi kami tahimik ni Ms. Torres, este ni Pearl na ngayon ay panakaw-nakaw ng tingin sa akin.
Awtomatiko naman na naramdaman ko ang pang iinit sa aking pisnge noong sandaling napa tingin ako sa kanyang mukha, na hanggang ngayon ay nasa akin parin pala ang kanyang mga mata.
Mabilis na nag bawi ako ng tingin at ibinaling ito sa labas ng bintana. Kahit hindi ako naka tingin o hindi ko na nakikita ang kanyang magandang mukha, alam kong naka ngiti na naman siya ng nakakaloko.
Noon ko lamang din napansin na iba ang daanan na aming tinatahak ngayon. Hindi ako pamilyar rito. At mas lalong hindi iyon ang daanan pauwi sa amin dahil ngayon ko lamang ito nakita.
Mabilis pa sa alas kwatro na muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Pearl, na ngayon ay nasa kanyang cellphone na nakatutok.
"M-may iba pa ho ba tayong pupuntahan, Pearl?" Kinakabahan parin na tanong ko rito dahil normal na yata sa akin ang kabahan sa tuwing nasa harapan ko siya, lalo na ngayon na ilang dangkal lamang ang layo namin sa isa't isa.
Sandaling ibinalik nito ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang pouch, bago muling sinalubong ang aking mga mata. Napa singhap pa ako dahil hanggang ngayon, para parin akong tinutunaw ng mga matang iyon sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa.
"Anong silbi ng pag tawag mo sa akin ng Pearl, kung mayroon namang 'ho' at 'po' na kasama?" Bigay diin na tanong nito sa akin at inayos ang kanyang pagkaka upo.
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapa kagat ng aking labi. Nasabi ko na ba sa inyo na ang cute niyang tignan kapag nag tatagalog? Medyo slang kasi eh. Hehe.
"Do I really look old to you?" Dismayado at napapa iling na muling pagtanong nito sa akin.
"And to answer your question, we have nowhere else to go but my house. And can you please stop biting your lips?" Dagdag pa niya. "You're turning me on."
Mabuti nalang at mayroong harang sa unahan at soundproof dito sa likod kaya hindi naririnig ni Garry ang mga boses namin. Mas lalo yata na nangamatis ang aking mukha dahil sa huling sinabi ni nito.
"Hindi ba sinabi ng parents mo sayo na ipinagpaalam kita ng isa pang araw kasama ko?" Napa nganga ako sa gulat habang nanlalaki ang mga mata.
"A-ano?!" Medyo napataas na ang boses ko. Bakit naman kasi ganon sila mama. Hindi man lamang nila sinabi sa akin? Siguro naman may karapatan na akong mag desisyon ng para sa sarili ko, hindi ba?
"So I guess I'm right, they didn't tell you." Muling sambit nito.
Pagkatapos kong malaman iyon, hindi na ako muling nagsalita pa. Ang sama-sama ng loob ko ngayon. Twenty two years old na ako pero para parin akong bata para sa kanila, paano ako mag ggrow nito? Hays.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok kami sa isang mataas na gate na gawa sa bakal at huminto sa harap ng isang napaka gara at malaking bahay. Hindi, isa na yata itong mansyon dahil sa laki.
Agad na pinagbuksan kami ni Garry ng pintuan ng sasakyan. Nauna ng maglakad si Pearl sa amin, agad ko naman itong sinundan papasok sa loob ng kanyang bahay.
Sinalubong siya ng tatlong maid at agad na may sinabi siya sa mga ito pagkatapos ay itinuro ako. Hindi ko naman masyadong marinig ang kung ano mang pinag-uusapan nila dahil hindi na ako nakaalis pa sa aking kinatatayuan, noong sandaling maaliw akong tignan ang buong paligid.
Wow! Wala yata akong nakikita na hindi mahal sa mga gamit na nandito. Siguro kahit isang piraso lamang ng flower vase dito eh libo na ang halaga. Grabe!
"Erica." Pukaw ni Pearl sa aking mga iniisip.
Agad na lumapit ako sa kanya dahil baka magalit na naman. Mahirap na, masyadong maiksi ang pasensya. Ngunit noong nasa harap na ako nito, noon naman biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sandaling natigilan siya nang makita ang pangalan sa screen at mabilis na pinatayan ang kung sino mang tumatawag sa kanya, pagkatapos ay muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata.
Magsasalita na sana ito nang muli na namang mag-ingay ang kanyang cellphone. Hindi nito mapigilan ang mapa irap pagkatapos ay tuluyan na ngang sinagot ang tawag.
Lumayo muna ito ng ilang hakbang mula sa akin bago nagsalita at kinausap na ang caller. Habang ako naman ay sandaling na upo muna sa may pinaka malapit na sofa dahil nararamdaman ko na ang pananakit ng aking mga binti at paa. Medyo nangangalay na kasi ang mga ito dahil sa hindi sanay mag takong.
Habang naghihintay kay Pearl, hindi ko maiwasan ang hindi ito tignan mula sa aking pwesto. Ang ganda-ganda parin niya. Kahit na alam kong pagod na ito mula sa nakaka stress na party, eh mukha paring fresh siya. Hay sana all.
Pero agad akong natigilan noong makita ito na para bang may pinupunasang luha mula sa kanyang pinsge. Naguguluhan na napatitig ako sa kanya mula rito. Nagtagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap nila, pagkatapos ay agad itong pumihit papunta sa hindi ko alam.
Ewan ko, pero may parte sa akin na gustong hanapin at damayan siya sa kung ano mang pinagdadaanan niya. Tao lang naman siya diba, kahit na gaano pa siya kayaman o ka perpekto, may kahinaan parin ito. At bilang tao, normal lamang na maramdaman iyon.
Kahit na hindi ko alam kung saan patungo ang aking mga paa, nagpatuloy parin ako. Hanggang sa mapadpad ako sa may pool area. At doon, nakita ko si Pearl habang naka upo at naka lublob ang dalawang paa sa tubig. Hindi na rin nito suot ang kanyang heels na ngayon ay naka lapag lamang sa kanyang tabi.
Sandaling hinubad ko na rin muna ang heels na suot ko bago tuluyang lumapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Isinawsaw ko rin ang aking paa sa malamig na tubig ng pool. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang muli nitong pag punas ng kanyang luha at maging ang kanyang pag singhot.
Hindi ako nagsalita at tahimik lamang na pinag mamasdan ang tubig.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong nito sa akin. Halata sa kanyang boses na galing ito sa pag-iyak.
Napalunok ako at lakas loob na tinignan siya sa kanyang mukha. "S-Sorry." Pag hingi ko ng tawad. Awtomatiko na napa kunot ang kanyang noo.
"Sorry sa nasabi ko kanina. Hindi ko 'yun sinasadya." Dagdag ko pa. "I mean....hindi lang ako sanay dahil boss kita at---"
"Forget it." Putol nito sa akin bago napa ngiti. Iyong ngiti na palaging nagpapabilis ng pintig ng puso ko, kagaya nalang ngayon. 'Yung ngiti na dahilan kung bakit kailangan kong malito sa nararamdaman ko.
"It's okay." Dagdag pa niya at pagkatapos ay walang sabi na piningot ang ilong ko.