Chereads / I Kissed A Girl (GxG) (COMPLETED) / Chapter 4 - Chapter 3: I Kissed A Girl

Chapter 4 - Chapter 3: I Kissed A Girl

Now playing: Now that I've found you

Erica

Pupungas-pungas ako ng aking mga mata habang napapainat pa. Pagkatapos ay mabilis na napahawak sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman.

"Ouch!" Reklamo ko sa aking sarili pagkakuwan bago unti-unting napangon na at agad na iginala ang paningin sa buong paligid. Noon naman nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaibigan na pinanonood lamang pala ang bawat kilos ko, habang naka upo sa dalawamg silya sa may gilid ng kama.

"Jusme naman! Papatayin niyo ba ako sa nerbyos?!" Singhal ko sa kanila kahit na medyo nahihilo pa. Argh! Ito ang ayoko eh, 'yung hangover kinabukasan.

"At ano kami? Hindi pa ba kami nakakaramdam ng nerbyos ngayon dahil anong oras na ito, nandito ka parin sa bahay nina Vina." Panimula ni Francis. "Jusko, Rica. Hinahanap kana ng mga magulang mo, nauubos na ang mga dahilan namin, tulog ka parin riyan." Dagdag pa niya. Dahil doon ay mabilis na napabalikwas ako at agad na napatayo mula sa kama.

"A-anong oras na?" Natataranta na tanong ko sa mga ito.

"Ninety thirty AM." Chorus na sagot nila.

"Wag kang mag-alala, ihahatid ka naman namin para naman makapag explain kami ng mas maayos kina tita at tito." Muling wika ni Vina.

"At alam mo ba kung ano ang nangyari kagabi?" Pag-iiba ni Francis sa topic.

Natigilan ako atsaka napa isip rin kung ano nga ba talaga ang nangyari kagabi. At awtomatikong nag replay sa aking isipan ang lahat ng ginawa ko. 'Yung pagsasayaw namin ni Vina sa dance floor hanggang sa makabalik ako sa table namin, noong oras na nagkita kami ni Karl habang kasama pa nito si Joanne, ang paglalasing kong mag-isa hanggang sa naubos ko ng tuluyan ang huling laman ng black label, hanggang sa mapunta ako sa cr para magsuka at hanggang sa may nakausap akong isang magandang babae at...

"Shit!" Pag mura ko sabay napahawak sa aking labi at muling napa upo sa kama dahil napanghinaan ng tuhod.

"I kissed a girl!" Hindi makapaniwala na sabi ko sa aking sarili. Napatango ang aking mga kaibigan. "And she kissed me back?"Nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa mga ito.

"Ah huh! That's right girl." Sabi ng kaibigan kong si Vina. "You kissed a girl." Pang gagaya pa nito sa aking boses. "Ano? Anong feeling ng makahalik ng isang kapwa mo babae, na palagi mong sinasabi sa amin na hinding-hindi mangyayari!"

"At mala dyosa sa ganda ang hinalikan mo bakla!" Dagdag pa ni Francis na mas lalong napaghahalataan na bakla. Ayaw pa kasing umamin eh.

Pero teka nga....

"Waaahhhhhhhh!" Nagwawala sa hiya sa aking sarili na sigaw ko habang nagpapadyak ng paa. "Hindi 'yun maaari, bakit naman sa dinami-dami ng pweding makabinyag ng labi ko, isang babae pa?! Huhuhu." Hindi parin makapaniwala na sambit ko sa aking sarili habang napapatakip ng aking mukha. "Ang first kiss ko!"

Isang malutong na sapak naman ang natamo ko mula kay Vina. Pero 'yung alam mong pabiro lang. "Ikaw gaga! Kung hindi ka ba naman kasi baliw!"

"Oo nga!" Muling pag sang-ayon ni Francis. "Atsaka hellooo? Choosy ka pa dyan, ang ganda-ganda 'nong babaeng yun."

"Tama girl, artistahin." Muling pag-sang ayon ni Vina.

This time, hindi lang ako nahihiya para sa aking sarili. Nagagalit din ako dahil....ano ba kasi itong kahibangan na nagawa ko?!

------

At dumating na nga ang araw ng Lunes, isang panibagong araw na naman na haharapin at mga tambak na gawain sa opisina ang kailangang tapusin.

Hindi ko pa nga pala nababanggit kung aling kompanya ako nagtatrabaho. Ang kompanya na pinagtatrabahuhan ay isa sa pinaka malaki at kilalang kompanya dito sa bansa, ang T Corporation. T stand for, Torres.

Ang mga Torres ang nagmamay-ari ng kompanya. Ipinapasa ang pamamahala ng T Corporation sa kanilang mga anak, mapa lalaki man ito o babae. Ilang dekada na ang nakalilipas magmula ng itinayo ito.

Ang T Corporation ay isa sa may pinaka mataas na stock market pagdating sa energy drink, fresh can juice at mayroong pinakaka malawak na lupain ng pinya sa buong bansa.

Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag trabaho sa ganitong klaseng kompanya. Well, actually pinaghirapan ko naman talaga na makapasok dito dahil pangarap ko talaga ito. At masaya akong sabihin na isa akong Assistant Marketing Executive ng kompanya.

At ngayon nga, pagpasok ko pa lamang ay usap-usapan na may bago ng CEO ang kompanya dahil medyo nanghihina na si Mr. Torres, dala ng may medyo katandaan na ito. Ang sabi pa mula sa mga naririnig ko, ang nag-iisang anak daw nito ang tanging taga pagmana ng kompanya, which is, nanggaling pa sa States.

Bigla naman akong na loading doon, hindi ko kasi akalain na may anak pala ito. Hindi naman kasi ito lumalabas sa kahit anong balita, dyaryo o magazine. Maging sa mga article na makikita at mababasa sa internet.

Siguro...pogi 'yun. Biglang komento ng aking isipan.

"Rica!" Sigaw ni Francis sa pangalan ko habang kasunod naman nito si Vina.

"Kanina ka pa namin hinahanap, paparating na raw ang bagong CEO natin. Dali! Maki tsismis na muna tayo." Excited na wika naman ni Vina bago ako hinila na pabalik sa hallway kung saan madalas dumadaan ang CEO at iba pang may matataas na posisyon sa kompanya.

Ang daming tao ngayon ang nandidito para batiin at salubungin ang bagong CEO, lahat excited, lahat gustong makita siya at lahat naiintriga sa kanyang itsura. Maging ako, na cucurious na rin kung ano bang mukha nito.

"Sana gwapo!" Bulong ng bakla na katabi ni Francis na sa tingin ko ay mula sa HR Department.

"Sana chix!" Sabi naman ng isang lalaki mula sa aming Department na halos mapunit na ang labi sa sobrang pag ngiti. Napapailing na lamang ako sa mga ito.

Ah basta ako, ke lalaki man o babae basta mabait sa mga empleyado niya at hindi kuripot lalo na sa Christmas bonus, okay na ako. Isasama ko pa siya palagi sa prayers ko. Hehe.

Tumagal pa ng ilang minuto ang paghihintay namin hanggang sa kusa na lamang nagtabihan ang ibang mga empleyado sa unahan, at kanya-kanya ang mga ito sa pagbati, habang ang iba naman ay nagbubulungan. Iyong iba pa nga ay tila ba nakita ng isang dyamante dahil makikita mong nagkikislapan at nagniningning ang kanilang mga mata sa nakikita.

Panay pagbati at papuri ang naririnig ko mula sa mga ito, hanggang sa unti-unting masilayan ko ang mukha ng aming CEO.

Napakurap ako ng maraming beses at awtomatikong napa nganga dahil sa aking nakikita. Para itong isang modelo na naglalakad at rumarampa sa gitna ng napakaraming tao habang naka ngiti. Hindi maalis ang mga mata mo sa kanyang magandang mukha hanggang sa palapit na ito ng palapit sa aking harapan.

Ngunit agad na napakunot ang aking noo dahil parang pamilyar ang ang mukha nito sa akin, para bang... nakita ko na ito noon kung saan.

Saan ko na nga ba siya huling nakita? Tanong ko sa aking sarili.

Iniisip ko kung isa nga ba talaga siyang modelo o isang artista na napanood ko sa isang pelikula o teleserye. Ang ganda-ganda niya!

Samantala, nagulat na lamang ako dahil sa mariin na pagkurot ni Vina sa aking tagiliran, dahilan upang mapangiwi ako sa sakit at tuluyang mapalingon sa kanya. Habang ang nasa kabila ko naman na si Francis ay tila ba nakakita ng multo at nanlalaki pa ang mga matang nakatingin ng diretso sa mukha ng aming CEO, na ngayon ay mas malapit na sa kinatatayuan naming tatlo.

"Aw, Vina! Bakit mo naman ako kinurot, ano ba?!" Inis na bulong ko sa kanya bago ito hinampas ng mahina sa kanyang braso.

Ang sakit kaya!

"S-She's that g-girl." Utal na bulong ni Francis mula sa aking kabilang tenga. Hindi parin nito inaalis ang kanyang mga mata sa nag-iisang diwata na nasa aming harapan.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nito at clueless na ibinalik ang mga mata sa aming CEO na ngayon ay nasa amin ng harapan.

"Huh?" Nagtataka na sambit ko pa.

"Tanga, yung babaeng hinalikan mo sa bar!" Inis na muling bulong ni Vina sa aking tenga dahilan upang mamula ang aking mukha at mapatitig sa mukha ng aming magandang CEO.

"ANO?!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw at makaagaw ng pansin, dahilan upang mapatingin sa aming direksyon ang mga empleyado, including Ms. Torres, na ngayon ay naka tingin na sa akin ng diretso.

Agad na napa singhap ako noong sandaling magtama na ang aming mga mata, noon ko lamang muling naalala ang kanyang itsura noong gabi na iyon. At iyong....ginawa kong paghalik sa kanya.

Patay! Anong gagawin ko ngayon? Natatandaan kaya niya ako? Tanong ko sa aking sarili na halos kulang nalang eh lumubas ang aking puso dahil sa sobrang kaba nito.

Mabilis na nagbawi ako ng tingin mula sa kanyang mukha bago napayuko. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapalunok dahil ngayon palang, mukhang alam ko ng mawawalan na ako ng trabaho.

Bakit naman kasi nagawa ko pa ang bagay na yun? At ang malupit pa doon eh, boss ko pala ang babaeng nakahalikan ko!

Shit! I'm dead.

Ngunit muli rin akong nag-angat ng aking mga mata nang mapansin na mayroon ng nakatayo sa aking harapan ngayon. At ang bango-bango pa!

Lakas loob na sinalubong ko ang pamilyar na mga matang iyon, na ngayon ay wala ng ibang tinitignan kung hindi ako. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"G-g-good morning, Ms. T-Torres!" Utal na pagbati ko sa kanya dahil sa sobrang kaba, isama mo na rin na nasa amin na ang lahat ng mata ng ibang empleyado sa paligid.

Ngunit hindi nagbabago ang expression ng kanyang mukha, hindi ko iyon mabasa. Lalo na kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Dahil kung gaano ka lawak ang pag ngiti nito kanina, ganoon naman kaseryoso ang awra niya ngayon.

"In my office, NOW!" Hindi iyon isang kahilingan, kung hindi isang maawtoridad na utos na kailangang sundin.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya rin akong tinalikuran at dire-diretso na sa kanyang paglakad. Habang ako naman ay nanghihina ang mga tuhod na muling ibinalik ang mga mata sa aking dalawang kaibigan.

"You're dead!" Chorus ng dalawa at nag aper pa na para bang isang biro lamang sa kanila ang lahat.