Chereads / I Kissed A Girl (GxG) (COMPLETED) / Chapter 2 - Chapter 1: Ang Simula

Chapter 2 - Chapter 1: Ang Simula

Erica

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kuwarto, kung saan maaga na naman pong nagkakantahan ang aking mga magulang habang kinakanta ang kanilang paboritong 'Basang basa sa ulan' ng bandang Aegis. Mabuti na lang at Sabado ngayon, wala akong pasok sa trabaho.

Walang nagawa na bumangon na lamang ako at naghanda ng aking damit panlakad, pagkatapos ay naligo na rin dahil tiyak na sisingilin at kukulitin na naman ako ng mga ito. Nangako kasi ako sa aking mga magulang na tuwing weekend sa kanila ang oras ko, sa dalawang araw na walang pasok, dapat sila ang kasama at idadate ko.

Ako nga pala si Erica "Rica" Jimenez. Nag-iisang anak ng aking mga magulang, hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang. Sakto lang na nakukuha namin ang mga gusto naming bagay, nabibili ang mga gustuhin namin, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may meryenda pang kasama at sakto lamang din na nakakabayad ng mga bayarin at syempre hindi nawawala ang pag-iipon.

Isang makeup artist ang aking Ama, na nagtatrabaho sa isang sikat na beauty parlor sa Makati. At sa maniwala man kayo o hindi, he's gay. Oo tama! Kahit basahin niyo pa ulit, dahil tiyak na hindi kayo namamalik mata na ang tatay ko ay isang bakla. Nagtataka kayo ngayon kung paano niya nabuntis ang aking ina at nagkaroon ng bunga, which is ako? Ganito kasi yan.

Ang aking Ina, ay isa namang nurse mula sa isang Public Hospital. At siya naman ay isang poging babae, oo tama kayo ulit. Isa siyang poging babae dahil isa siyang lesbiana. Bihis lalaki, gupit lalaki, at kilos lalaki. Nagkakilala sila sa isang gay bar noon, nagkatitigan, nag exchange ng phone number hanggang sa nagkahulugan ng loob. Noong una, hindi alam ni papa na isa palang lesbiana si mama, naglasing sila noong gabi na iyon hanggang sa may nangyaring hindi dapat sa kanilang dalawa.

Doon lamang nila napagtanto at na diskubre ang isa't isa, na si papa pala ay isang bakla, bihis babae lamang at...masasabi ko rin na maganda naman kasi talaga si papa bilang isang bakla. At si mama naman, talagang masasabi ko rin na isang pogi na lesbian. Kaya nga ang ganda-ganda ko, diba? Pagmamalaki ko sa aking sarili.

Agad na natanggap naman nila ang isa't isa, sa katunayan, pinanagutan parin ni papa si mama kahit na isa itong lesbian at isa siyang bakla. Nagpakasal sila. Bumuo ng sariling pamilya.

Ngunit hindi parin maiiwasan na may mga taong hindi sila matatanggap sa lipunan, mga taong kukutyain sila at pagtatawanan. Mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang husgahan sila. At ako ang palaging nadadamay kapag ganoon, palagi akong tinutukso noon sa klase, dahil sa kasarian ng mga magulang ko. At inaamin ko, isa ako sa mga taong iyon, dahil hindi ko rin sila matanggap. Nagagalit ako sa tuwing pinagtatawanan ako dahil sa kanila, palagi kong tinatanong kung bakit sila ang naging magulang ko. Kung bakit hindi sila katulad sa normal na mga magulang.

Alam kong nasasaktan ko sila, pero nasasaktan din ako. Dahil hanggang ngayon na may trabaho na ako, paminsan-minsan alam kong pinagbubulungan parin ako. Hindi ko sila matanggap bilang sila, pero tanggap ko sila bilang mga magulang ko.

And I'm not like them, ayokong matulad sa kanila. I love my parents, and I love them both. Pero never kong pinangarap na magkagusto sa kapwa ko babae. No! Straight ako, and that's it. Pinangako ko rin sa aking sarili na ako ang magbabago ng kapalaran ng aming pamilya. At iyon ang gagawin ko.

"Ma! Pa! Ready na ako, kayo?" Tanong ko sa mga ito ng makarating sa sala.

"OMG! Pa naman! Ano ba yang makeup mo!" Saway ko rito habang nanlalaki ang mga mata bago lumapit sa kanya.

"Why?" Maarte na tanong ito habang nakaupo sa sofa. "Maganda naman ha."

"Oo nga naman anak, ang ganda-ganda ng papa mo!" Sabay kindat naman ni mama kay papa. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapatirik ng mga mata.

"Oh siya, kayong bahala. Tayo na po." Pagkatapos ay nauna na akong lumabas ng bahay at dumiretso sa garahe. Nabanggit ko na ba sa inyo na kahit papaano eh mayroon kaming kotse, hindi nga lang mamahalin pero pwede na kaysa ang mag commute palagi.

Sa mall ang una naming destinasyon, no, actually wala naman talaga kaming ibang pupuntahan kung hindi sa mall lamang. Gusto kasi ni papa na manood ng sine, kaya itong si mama naman na mahal na mahal ang kayang asawa, todo support naman. At syempre, doon sila masaya kaya masaya na rin ako.

-------

Habang nanonood sa loob ng sine, magkahawak kamay naman ang mga magulang ko at ako heto, tamang hinihintay lamang na matapos ang movie. Nakakaantok kasi! Pero 'yung papa ko, ngawa ng ngawa, nakakahiya. Hays! Pinagtitinginan tuloy kami ng iilan na mga katabi namin.

"Your parents?" Biglang tanong ng hindi ko kilalang babae mula sa aking tabi. Medyo madilim kasi dito sa loob kaya hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha.

Napatango ako. "O-oo." Pagsagot ko rito. "Pasensya kana ha, baka naiingayan kana kasi." Paghingi ko naman ng paumanhin.

"No worries." Mabait na sagot nito. "Your family is cute." Dagdag na komento pa niya at muling ibinalik na ang kanyang mga mata sa malaking screen sa harapan.

Napangiti ako, minsan lang kasi may nagbibigay ng ganoong komento sa pamilya namin. At sobrang nakakataba ng puso kapag nakakarinig ako ng ganoong komento mula sa ibang tao.

Hindi nagtagal, biglang tumunog ang aking cellphone mula sa aking maliit na sling bag. Pasimpleng kinuha ko iyon at tinignan, mayroong text message. Kaya naman, mabilis na binuksan ko ang message at binasa, agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita na nagtext sa akin si Karl. Ang aking kababata at ultimate long time crush. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, single parin ako. May pakiramdam kasi ako na, hinihintay lang ako nito na magtapat ng nararamdaman ko para sa kanya, in other word natotorpe lang siya. May nililigawan siya ngayon, si Joanne, pero alam ko na pinagseselos lang ako nito para sabihin ko na sa kanya 'yung feelings ko.

'Rica! I have good news! Sinagot na ako ni Joanne, girlfriend ko na siya Rica! Thank you kasi tinulungan mo akong ligawan siya. Dahil doon, naramdaman ko na support mo kaming dalawa!'

A-ano daw? Tatlong beses ko yata binasa ng paulit-ulit ang text nito bago iyon tuluyang nag sink in sa utak ko.

Noooo! Awtomatiko na nag-unahan sa pagpatak ang aking luha. Bakit naman ganon? Akala ko pa naman type niya rin ako? Nakakainis siya! Ang daya-daya niya.

Kung kanina si papa lang ang umiiyak, ngayon naman dalawa na kami. Partida, siya umiiyak lang dahil sa movie, ako totoong nasasaktan ako. Huhu.

Habang pinupunasan ang sariling luha, hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon muli sa katabi ko na ngayon ay tumatawa na. Hindi naman nakakatawa 'yung movie ha.

Laking gulat ko pa noong iniabot nito ang kanyang panyo sa akin.

"Sayo na yan, it looks like you need it more." Sabi pa niya habang iiling-iling. Kahit nahihiya, agad na kinuha ko naman ang panyo at mabilis na siningahan ng aking sipon.

"T-thanks!" Pagpapasalamat ko. Pero wala na ito ng muling mapatingin ako sa kanyang pwesto.

Kunot noo na iginala ko ang aking paningin sa paligid. Asan na yun? Tanong ko sa aking sarili. Hindi man lang niya hinintay na makapag pasalamat ako sa kanya.

Pero kung sino man siya, salamat parin dahil pinahiram nito sa akin ang kanyang panyo.

-----

Wala na akong kibo at nawalan na rin ng gana hanggang sa makauwi kaming muli sa bahay. Agad na dumiretso ako sa aking kuwarto at hindi na muling lumabas pa. Nasasaktan parin kasi ako, hindi ko matanggap na may girlfriend na si Karl. Nakakalungkot na pangyayari. Hays!

Paano ko siya haharapin sa lunes? Sila ni Joanne? Kung bakit naman kasi sa isang kompanya lang ang mga trabaho namin, tiyak na mabibitter lang ako sa tuwing makikita ko silang magkasama.

Mabuti nalang at tumawag itong si Francis at Vina, ang mga kaibigan ko rin sa trabaho. Nagyayaya kasi ang mga ito na lumabas ngayong gabi, tatanggihan ko pa ba? Syempre, gusto ko ng alak. Gusto kong maglasing! Gusto kong kalimutan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Kaya maglalasing ako!