SHANTAL went silent. Ramdam niyang iritable ang bunso niya. Nilingon niya si Brent na tahimik lamang nakatitig sa kalsada habang nagmamaneho. Gusto niyang magbukas ng usapan tungkol sa nangyari kaninang umaga ngunit mas pinili niyang manahimik dahil di rin naman siya sigurado kung tama nga ba ang hinala niya.
Pagdating sa Villa nila mabilis na bumaba si Denise at naglakad papasok ng bahay. Nahagip ng paningin ni Shantal ang regalong naiwan sa likurang upuan.
"Brent, pinagod mo ata ang anak natin. Nakalimutan na niya ang regalo niya o," sabay turo nito sa likod.
"Ah...yeah, kunin mo nalang Love at ibigay mo sa kanya," anito habang pababa ng sasakyan.
Tumalima si Shantal at dinampot ang regalo bago sumunod kay Brent papasok. Hindi na nila nadatnan si Denise sa sala kaya't pumanhik na silang mag-asawa sa ikalawang palapag. Nang tumapat sa kwarto ni Denise nagpaalam muna si Shantal kay Brent.
"Mauna kana sa kwarto natin para makapagbihis ka,"
"Okay!" tumalikod na ito.
Bumaling agad siya sa pinto ng kwarto ni Denise at kumatok.
"Come in!" narinig niyang tugon nito mula sa loob.
She pushed-opened the door and saw her daughter lying in her bed.
"Princess, you left your gift," bungad niya.
Bumangon ito mula sa kama at hinintay siyang makalapit rito.
"Thank you, Mommy!" wala sa loob na tugon nito.
Tumabi siya rito at tiningnan ito ng seryoso. "Are you okay? May pinag-awayan ba kayo ni Carl?"
Umiling si Denise at balisa ang tugon nito, "I...just felt so tired today. And I miss Carl's presence,"
Kinabig niya ang anak at hinalikan sa sentido. "Babalik din iyon. At tungkol naman sa trabaho, 'wag mong biglain ang sarili mo. Isang buwan pa naman kami mahigit mananatili rito sa Beijing para turuan ka ng Daddy mo. Ah, nga pala, may regalo sayo si Ivana," masayang bulalas niya.
"Oh, really? Where is it?" pinilit nitong pagaanin ang pakiramdam nang sumagot sa ina.
Hinugot ni Shantal mula sa shoulder bag ang regalong binanggit niya. "Here! Sabi niya dinesenyo niya iyan para lang sayo. Actually, I have one too. She gave it to me earlier. O, paano di na ako magtatagal ha, dahil alam kong gusto mo nang magpahinga,"
Muling humalik sa pisngi niya si Shantal bago tumalikod. She opened the gift Shantal had given to her. Tumambad sa kanya ang magandang kwintas na gawa ni Ivana. Napangiti siya habang tinitigan ito. Ilang saglit lang tumayo siya at lumapit sa full-length mirror na nasa loob ng kwarto at isinuot ang kwintas.
"Wow, perfect!" napangiti siya ng makitang bumagay ito sa kanya.
She had white and perfect skin. The emerald color of the small diamonds surrounded the pendant perfectly matches her long neckline. Hinubad niya ang kwintas at ibinalik sa box nito. She quickly slid it to the drawer. Bumalik na siya sa kama at dinampot ang regalong ibinigay sa kanya ng di kilalang sender. Ilang beses na rin siyang nakatanggap ng mga regalo mula sa mga avid fans niya ngunit lahat ng iyon ay may pangalan kung kanino galing ngunit ang regalong ito ay wala. Tanging isang maliit na mensahe lamang.
Ilang beses pa niyang paulit-ulit na tinitigan ang mensaheng nakasulat bago inumpisahang buksan ang regalo. Nagulat siya ng pagbukas ng box ay tumambad sa paningin niya ang sexy nightie at mga candid photos niya. Kalakip sa loob ng regalo ang isang maikling mensahe.
"Remember this sexy nightie, as it will be put on into your body soon!"
Nabitawan niya ang hawak na mensahe at malakas na tinabig ang regalong nakapatong sa ibabaw ng kama. Ibinagsak niya ang hawak na nightie sa ibabaw ng kama. Muli siyang kinilabutan matapos tingnan ang mga nagkalat niyang larawan sa sahig.
Napakislot siya ng tumunog ang cellphone niya. She saw an incoming voice call in her messenger, that was from the person who sent her messages earlier. She ignored it. Napasiksik siya sa kama ng muling tumunog ang cellphone niya. Hinayaan lamang niyang paulit-ulit itong mag-ring hanggang sa pumasok sa inbox niya ang mensahe mula rito.
"Aren't you curious to hear my voice, honey?"
Nanginginig ang kamay niya sa takot. Binalot ng takot ang isipan niya ng muling nag-pop-up ang incoming call.
"Denise kaya mo iyan. Gago lang ang baliw na iyan, sagutin mo," boses na tumatakbo sa isipan niya.
Napilitan siyang pindutin ang answer button dahil sadyang di tumigil ang misteryosong caller.
"Damn you, get a life!" she yelled after she answered her messenger.
Sunud-sunod na buntong hininga ang naririnig niya sa kabilang linya hanggang sa naging nakakakilabot na tawa na ang sumunod niyang narinig mula sa kabila.
"Honey, did you miss me?"' malamig na tugon ng boses lalaki sa kabilang linya.
"Shit! Fuck off, get a life!"
"Oh, really? How would I do that when my beautiful nightmare isn't at my bed," anang boses lalaki sa kabilang linya.
"Look, I don't have time with your childish---"
The man cut her words, "I will come to you soon and drag you to hell!"
"Demonyo ka! Sino ka ba talaga?" galit na galit niyang tanong.
"Any wild guess?" anito.
"Look, Mr. I said, I don't have spare time with your stupid guessing game! Get lost!"
"Hahaha, not that fast. I need to collect your debt. I wanted to hear your voice begging and crying for my mercy," bakas sa boses nito ang malalim na galit.
"Dream on! You don't know me, and I will not let you touch me. I will kill you!" She harshly said.
"Oh, really? Let's find out soon. Believe me. You will regret all the words you've told me today. Remember your words the day you will fall into my trap,"
"Fuck off!" She screamed.
"Hahaha. Hell, will going to be your destiny," huling tugon nito bago nawala.
She scrolled her inbox to send another message, but the man had already blocked her. Hindi na siya makapag send ng message pa rito kaya lalong nanggagalaiti siya sa galit.
Nang mga sandaling ito, titig na titig si Reymond sa cellphone niya. Bakas sa labi niya ang nakakalokong ngiti matapos paglaruan si Denise.
"It's nice to play some tricks to the sweet heiress," bulong niya sa sarili.
Muli niyang binuksan ang gallery ng cellphone niya. He opened the video that was saved to his phone a few years ago. Titig na titig siya sa lasing at batang mukha ni Denise na nagsasalita sa camera ng cellphone niya. Ito ang ala-alang iniwan nito ng araw na una niyang nakasalamuha ang dalaga. Sa dami ng inaasikaso niya ng mga nakalipas na taon hindi na siya nagkaroon ng panahon na hanapin ito noon.
He had let go of her a few years ago. He chose to focus on his own life being a pharmaceutical scientist. Naging abala rin siya lalo ng ibinigay ni Simon sa kanya ang laboratoryo sa Hainan. Doon niya halos ginugol ang panahon at oras. Kamakailan lang siya bumalik sa kabihasnan. Kasabay ng paglubog ng YUN Enterprise ang pagkakulong ni Simon. Laking pasalamat na lamang niya at nagkaroon siya ng sariling ipon at bahay na hindi nakadeklara sa ilalim ng pangalan ng Kuya niya.
Tanging ang laboratoryo na kumita ng malaki ang naiwan sa kanila. Maswerte na rin at nasa Europe na nakatira ang magulang niya bago ang nangyari kay Simon dahil nakaiwas ang mga ito sa eskandalo.
Nakabuti rin sa kanya ang hindi niya paglantad sa publiko bilang kapatid ni Simon dahil nakaiwas siya sa mapanghusgang pananaw ng mga tao laban dito. Napilitan ding umalis sa mundo ng showbiz si Nathalie matapos pumutok ang isyu tungkol sa mga ilegal na gawain ni Simon. At para makaiwas sa malaking kahihiyan, pumunta ito ng America at doon na ngayon nanirahan.
Bumalik sa kasalukuyan ang takbo ng isip niya ng marinig niya ang boses ni Denise sa recorded video.
"Maghanda kana dahil ikaw ang unang babalikan ko. May kasalanan ka rin sa akin. Hindi ako makakapayag na tuluyang lumubog ang pamilya ko at manatili ang pamilya mo sa pedestal na kinalalagyan ninyo ngayon. Honey, you've insulted me before, it's about time to let you know who I am!" bulong niya sa sarili.
Paroo't parito si Denise sa loob ng kwarto niya. Hindi siya mapakali dahil sa ginawa ng taong iyon. Ilang beses niyang tiningnan ang lahat ng social media accounts niya para sana balikan ang taong iyon ngunit parang bula itong naglaho.
"Shit! Shit! Shit! Sino ka bang demonyo ka?"
Nasa malalim siyang pag-iisip ng biglang tumunog ulit ang messenger niya. Mabilis niyang dinampot ito sa pag-aakalang ang estranghero ulit ang tumawag ngunit bigo siya dahil si Carl ang nasa kabilang linya.
"Hi, honey!" masayang bungad nito.
"Honey, thank god you call me!" aniya.
"Hmmm...what's wrong?" nagtatakang tanong nito.
"Nothing, I...I just miss you," pagsisinungaling niya.
"You look tired. Are you okay?" anito.
"Yeah...I… I just have a long day today," she said.
"I see. Dapat siguro hindi na muna kita aabalahin para makapagpahinga ka," anito.
"No, it's okay. Hinintay ko talaga ang tawag mo bago ako matulog," aniya.
"Bukas nalang ulit tayo mag-usap kapag nagising kana para makapagpahinga kana rin. Gabi na rin kasi dyan ngayon at ako naman paalis din, sasamahan ko si Grandpa sa isang event na dadaluhan niya,"
"I see. Okay, ingat ka. I love you!"
"I love you too. Bye, honey!"
Nawala na sa kabilang linya si Carl. Dali-daling sinamsam ni Denise ang mga nagkalat na larawan niya sa sahig at dinampot niya rin ang box sabay tapon ng mga ito sa basurahan na nasa loob ng kwarto niya.
Sumampa na siya sa kama at humiga ngunit di pa rin siya dinalaw ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang malalim na boses ng misteryosong follower niya. Samantala, sa tahanan nina Brent at Ivana, sunud-sunod na katok ng kwarto nila ang narinig ng mag-asawa.
Bumukas ang pinto at sumungaw si Brendon.
"Dad, Mom, can I come in?" magalang nitong tanong.
"Yeah sure! Halika anak," aya ni Brielle rito.
Huminto ito sa harapan nilang mag-asawa. Tinapik ni Brielle ang bakanteng espasyo sa gilid niya. Sumampa si Brendon at umupo sa tabi niya.
"May kailangan ka?" tanong niya sa anak.
"Yeah. Mommy, sinabi mo na ba kay Daddy ang nakita natin kanina?" lumingon ito sa ina.
"Oo, pahapyaw nga lang," tugon ni Ivana.
"Your Mom said, you captured a clear image of the CCTV footage from the other Villa?"
"Oo Dad. Nandoon sa computer ko naka-save. Gusto mo bang makita?" Brendon asked.
"Sure. Tara, tingnan natin," bumaba ng kama si Brielle.
"Sasama ako," tugon ni Ivana.
"Okay,"
Bumaba na rin ng kama si Brendon at sabay silang tatlo na nagtungo sa kwarto niya.