Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 12 - Chapter 12: Simon’s Letter

Chapter 12 - Chapter 12: Simon’s Letter

HINAPLOS niya ang pisngi ni Brielle at hinila ito palapit sa kanya. Binigyan niya ito ng malutong na halik sa pisngi. Brielle couldn't resist her charm, so he responded to her kiss passionately.

"Umm...maaga pa baka biglang pumasok ang mga anak natin madatnan tayong naghahalikan," Ivana pushed him quickly.

"Wala pa naman akong ginawa sayo ah, kiss lang eh," natatawang tugon niya.

"Alam ko na ang kahihinatnan kapag pinagbigyan kita. Sige na tulungan mo na akong mag-ayos. I will cook good food for our dinner later," she smiled at him.

"Yes, boss!" He gave her another passionate kiss before letting her go.

Habang inayos ni Ivana ang mga picture frames nila bigla nitong naalala ang nalalapit na engagement party ni Denise.

"Baby, diba sa isang buwan na ang engagement party nina Denise at Carl?"

"Yeah, why?" Brielle glances at her while putting their dresses to the built-in-closet.

"Wala pa tayong nabiling regalo sa kanila," she said.

"Hmm... Don't worry about it. I arranged our gift earlier. I bought a new condominium for my little sister. Malapit lang sa Elite Digital Marketing ang location noon para di na siya tamarin pumasok araw-araw. Alam mo naman 'yon may pagkatamad pagdating sa gawaing pang opisina," He said.

"Hindi kasi siya sanay sa ganong gawain. Alam mo naman ang kapatid mong iyon. Spoiled din masyado nina Mommy at Daddy,"

"Si Dad lang ang laging nag-i-spoiled doon, palibhasa babae kaya nakukuha niya sa lambing si Dad,"

"Hahaha, yeah. Parang ikaw din pagdating kay Brianna, iiyakan ka lang lumalambot na ang puso mo," tudyo niya rito.

"Syempre, spoiled talaga kapag babae, ikaw nga ini-spoiled ko rin diba?"

"Humph! Di rin, madalas ka ngang busy sa office lately,"

"Maraming gawain eh. Saka sa HUO GROUP naman ako pumapasok. Buti na nga lang pinayagan ako ni Dad na iwanan ang sarili naming kumpanya. Kaya kung ako sayo, sabihan mo si Denise ayusin niya ang trabaho niya tutal naman alam kong madalas kayong nag-uusap. Kapag ako kasi magsasabi doon, di makikinig sa akin iyon at kung anu-ano na naman ang ihihirit," natatawang tugon niya.

"Okay, don't worry, I will tell her. Don't be harsh to your sister. She's still young,"

***

Reymond Yun's Villa…

Nagising siya sa mahinang katok sa labas ng pinto ng kwarto niya. Napilitan siyang bumangon at binuksan ang ilaw. He glances at the wall clock to check the time, past 1 in the afternoon. Muling narinig ang mahinang katok sa labas kaya't napilitan siyang buksan ang pinto.

"Reymond, tanghali na, kinatok na kita. Sabi ng katulong mo di ka pa raw bumaba," bungad ni Samantha sa kanya.

"Sister-in-law, why are you here?" balik-tanong niya rito.

"Galing kami ni Nate sa kulungan. Dinalhan ko ng bagong damit at pagkain ang kuya mo. Bumaba ka muna, may dinala akong pagkain para sayo. And here, Simon had a letter for you," ibinigay nito ang sulat na hinugot mula sa bulsa ng suot na damit.

"Thank you! Sige maghihilamos lang ako at bababa na rin maya konti,"

Samantha nodded and went down immediately. Pagkasara ng pinto agad niyang binuklat at binasa ang sulat ni Simon.

"Little brother, I hope you're doing fine. I wrote this letter to seek your help. Find ways to get back all my assets that have been confiscated by the government. Tulungan mo rin akong makalabas sa kulungan. I need to be out here; my wife and son needed me.-Simon."

Matapos basahin ang maikling sulat ni Simon, parang lalong bumigat ang pakiramdam niya. He sighed deeply. Dali-dali siyang naligo at nagbahis. Pagbaba ng hagdan nadatnan niyang nanonood ng cartoons si Nate at katabi nito ang ina.

"Hey, little guy, uncle is happy seeing you again," aniya habang papalapit sa mag-ina.

Nate jumped out from the sofa and ran towards him. "Uncle, bakit ang tagal mong gumising? Kanina pa kami ni Mommy dito,"

He picks up his nephew and squeezes his chubby cheek. "Late na kasi nakatulog si Uncle kagabi. Sabi ng Mommy mo galing kayo sa Daddy mo. How was he?"

Nate pouted his lips, "He said, he can't leave at the jail soon not until you help him,"

Napatda siya sa narinig. Maging ang pamangkin niya nagpapahiwatig din na dapat tulungan niyang makalaya si Simon.

Biglang nagsalita si Samantha, "Naku, huwag mo ng pansinin ang kadaldalan ng pamangkin mo, alam naman nating malabong makalaya agad ang kuya mo. Patung-patong ang kaso niya,"

Umupo siya sa tabi nito habang karga si Nate. "Don't worry I will help my brother to get out from prison,"

Nabigla si Samantha sa sinabi niya at agad siya nitong tinitigan, "Tell me you're joking. You know that it is impossible. Saka nagkasala ang kuya mo, dapat pagsilbihan niya iyon sa kulungan,"

He stared at her and said, "Ayaw mo ba na mabuo ang pamilya ninyo?"

"Gusto, pero hindi sa maling paraan. Mahirap maghintay pero hindi ko naman gustong makasama namin ang kuya mo sa maling paraan. Tama na ang mga nagawa niyang kasalanan at nagpatawad na ang pamilya ni Brielle. Reymond, hindi ko alam kung ano ang laman ng sulat ng kuya mo dahil hindi ko pinakialaman iyon pero sana kung anuman ang sinabi niya timbangin mo muna. You are still young, intelligent and professional, don't ruin your life by taking revenge," malumanay na tugon ni Samantha.

"Samantha, I don't know, but I feel obliged to help him,"

"In what way? Doing it by force?" Samantha frowned. "Reymond, kalimutan mo na ang paghihiganti kung iyan ang tumatakbo sa isipan mo. Walang naidudulot na mabuti sa bandang huli. Kagaya ng nasabi ko na kanina, kaya naming maghintay hanggang matapos ang parusa ng Kuya mo,"

"But Nate needs his father," He argued.

"Yes, but Simon harmed people, and he even killed so many lives before our knowledge. So stop messing around and focus on yourself. Love yourself and build your own family. Hindi mo obligasyon ang sundan ang yapak ng Kuya mo. Kung gagawa ka ng masama ikaw rin ang maghihirap bandang huli,"

Hindi na siya umimik. Maging ito rin ay di muling nagsalita.

"Uncle, Mommy cooked food, let's eat!" biglang anyaya ni Nate sa kanya. Tahimik man ito ngunit tila naintindihan nito ang usapan nilang matatanda.

Tumango na lamang siya. Tumayo na rin si Samantha at niyaya siya nito sa dining room. Matapos ang isang oras mahigit nagpaalam na rin ang mag-ina. Muli, naiwan na naman siyang mag-isa at magulo ang isipan. Paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang mga salitang binitiwan ni Samantha kaninang nag-uusap sila.

Ilang saglit pa ang dumaan bago siya nagpasyang magbihis ng maayos. He is now heading to the Digital Elite Marketing office, wearing a cap, jacket with hoodie, and dark sunglasses that made him look more handsome.

He parked his car near the building. Nang mga sandaling ito, kababalik lang ni Denise mula sa planning department. Siya ang um-attend sa meeting na dapat ang Daddy niya ang naroon, dahil sinabi nitong dapat magsanay na siya dahil siya na ang papalit rito sa susunod na buwan. Nadatnan niyang naglambingan ang magulang.

"Ang aga pa ha at talagang di kayo nagsara ng pinto?" puna niya sa mga ito.

"Ahem..ahem...bunso, kasi itong Mommy mo may sinasabi sa akin," tugon agad ng Daddy niya.

"May sinasabi pero naghahalikan kayong dalawa. Nakakandong pa si Mommy sayo Dad. Sa susunod magsara kayo ng pinto, pambihira naman eh. Lalabas muna ako, bibili lang ako ng makakain, may nakita akong pastry shop sa tapat ng building natin," tumalikod na siya bago pa sumagot ang Daddy niya.

"Kasi ikaw di ka nagsasara ng pinto," angil ni Shantal.

"Sus, style mo. Ikaw sana nagsara ng pinto bago mo ako nilapitan at nilambing," natatawang tugon ni Brent habang kinakagat-kagat ang labi niya.

Tinanggal niya ang mga braso ni Brent nakapulupot sa beywang niya at tumayo na.

"Dapat dumalaw tayo sa nilipatan nina Brielle. Ano sa palagay mo, love?" pag-iiba nito ng usapan.

"Bakit nag-message na ba sayo ang anak natin? Di ko alam saan naglipat ang mga iyon," Brent replied.

"Tawagan ko nalang si Brielle," She said.

"Okay!"

Bumalik siya sa sofa na inupuan kanina at kinuha ang cellphone habang si Brent naman ay itinuloy na ang gawain. Ilang beses na dina-dial ni Shantal ang cellphone ni Brielle ngunit voice prompt lang ang paulit-ulit na sumasagot na nagsasabing naka-off ang unit nito.

"Eh, naka-off ang cellphone ng anak mo. Bakit kaya?" baling niya kay Brent.

"Baka naman low bat ang cellphone niya. Si Ivana ang tawagan mo,"

She tried to dial Ivana's number, but the same with Brielle's number, it also been off. "Anong problema ng dalawang iyon at di matawagan ang cellphone? Parehong naka-off!"

"Hayaan mo na baka walang signal doon sa nilipatan nila. Mamaya mo nalang ulit tawagan, baka sakaling mamaya bukas na mga gadget nila," tugon ni Brent habang naka-focus sa computer niya.

Shantal fell into deep thought. She scrolls her social media account and leaves a message to Ivana's messenger.

Napatuwid ng upo si Reymond sa loob ng sasakyan ng mapansin ang familiar na mukha. Patawid ito sa kabilang lane, patungo sa shop na malapit sa pinaghintuan ng kotse niya. Sinundan niya ng tingin si Denise. Papasok na ito sa loob ng pastry shop. Mabilis siyang bumaba ng kotse at sinundan ang dalaga.

Mangilan-ngilan lamang ang customer ng mga sandaling ito. Binati siya ng guard at ipinagbukas ng pinto. Nakita niyang nasa counter na ang dalaga at kausap na nito ang cashier. Bahagya niyang ibinaba ang cap para matakpan ang kalahati ng mukha niya. Naglakad siya patungo sa counter at huminto sa mismong likuran ni Denise.

He could smell her sweet fragrance. Denise's shiny long black hair smells good too, and it went straight into his nose trail.

"Three orders for AFFOGATO coffee, two slices of black forest cake, and one slice of red velvet cake. Then add three ham sandwiches," Denise placed her order.

"Is that all Ma'am?" the cashier asked.

"Yes! How much?"

"It's one thousand forty-two yuan,"

"Here's my payment,"

"Thank you, Ma'am. Here is your order number. Pakihintay nalang po, kapag ready na tatawagin kayo ng staff na naka-assign. Paki-abot sa kanila ang order number niyo to claim your order,"

"Okay, thanks!" She smiled before she turned around.

Nabigla siya ng may nabunggong tao pagpihit niya. Hindi niya napansin na may kasunod pala siya. Muntik na siyang bumagsak sa sahig ng maagap siyang nahagip sa beywang ng taong ito.

"Careful!"

Mabilis siyang tumayo ng maayos ng binitawan siya nito. She heard his baritone voice, but she couldn't see his face. Nakatungo ito at nakasuot ng cap at sunglasses kapares ang jacket na may hoodie.

"T--thank you, Mister!" alanganin niyang tugon.