One month later…
Carl picked up his luggage. Kalalapag lamang niya ng Beijing International Airport. He will surprise Denise. Hindi alam ng dalaga na ngayon ang dating niya, tanging ang mga magulang lamang nito at sina Brielle ang nakakaalam ng pagdating.
Paglabas niya ng paliparan, nakaabang na si Harold na siyang inutusan ni Brent na sumundo sa kanya.
"Sir Carl, welcome po! Dito pa tayo dumaan, sa bandang dulo kasi ako nakahanap ng parking space," Harold said.
"Thank you, Harold! Nahihiya tuloy ako kina Uncle Brent. Naabala ko pa tuloy ang trabaho mo," aniya habang papalapit na sila sa kotse nito.
"Naku, wala 'yun. Magiging pamilya ka na rin nila kaya normal lang ang ganitong treatment. Akin na po ang maleta niyo,"
"Okay, here! Thanks!"
Sumakay agad siya sa kotse nito habang nilalagay ni Harold ang maleta niya sa compartment. Mabilis na sumakay ng kotse niya si Harold at nilingon si Carl.
"Alam kong mahaba ang biyahe niyo at nakakapagod kaya doon ko na po kayo ihahatid sa Villa Santillian,"
"Okay! Let's go!"
Pagdating nila sa Villa ng mga Santillian nagpaalam kaagad si Harold kay Carl. Sinalubong naman siya ng mga katulong at inihatid sa magiging kwarto niya. Nakahiga na siya sa kama at mabilis na nag-sent ng message kay Brielle at ipinaalam dito na naroon na siya sa tahanan ng magulang nito.
Instead of answering Carl's message, Brielle took the initiative to call his best friend.
"Hey, buddy, welcome back!" bungad niya kay Carl.
"Thank you, buddy! I'm sure your sister will get surprised tonight when she arrives home," natatawang tugon niya.
"Kaya nga eh. Napaaga ang balik mo ah, akala ko nga matatagalan ka pa sa London," anito.
"Tapos ko na lahat ng gawain ko doon. Saka pinayagan na rin ako ni Lolo na bumalik rito, namiss ko na rin si Denise. Saka gusto ko ring tumulong sa kanya sa pag-aasikaso sa darating namin na engagement party," aniya.
"Oo nga eh, medyo busy kaming pareho ni Ivana kaya di kami makakatulong sa inyo. Alam mo naman iyon. Magulang ko lang ang tutulong sa inyo,"
"Okay lang 'yon buddy, kaya na namin gawin lahat. Kumusta na?"
"Well, as usual, I am busy with so many works. May ginawa kasi kaming expansion ng HUO GROUP kaya halos wala rin akong pahinga. Si Ivana naman naka-focus din sa HOUSE OF FONTANER,"
"Whoa, I am so amazed because your wife was really so responsible,"
"Oo nga eh, kaya maswerte ako sa kanya. Well, good luck sa pagiging husband sa makulit kong kapatid, alam mo naman ang ugali noon, spoiled brat at lahat ng katigasan ng ulo nasa kanya na," natatawang tugon nito.
"Hahaha, sanay na ako doon. Kahit naman noong di ko pa nililigawan si Denise nakikita ko na ang ugali non eh. O paano di na kita aabalahin pa, alam kong busy ka, kita nalang tayo sa engagement party namin," paalam niya.
"Okay, buddy. Bye for now!"
Kinagabihan, bihis na si Carl at naghihintay sa pag-uwi nina Denise at magulang nito. He asked someone to buy a flower for his girlfriend. Pasado alas-siyete na ng gabi nang dumating sina Brent sa bahay nila.
Bumaba kaagad si Denise sa kotse at naglakad patungo sa main entrance. Tahimik lamang na sumunod sina Brent at Shantal sa kanya. Matamlay ang pakiramdam ni Denise habang papasok sa loob.
When she entered the living room, Carl's smiling face welcomed her.
"Honey, welcome home!" Carl walked towards her.
"Oh my….oh my god!.... Carl!!" sumugod siya rito habang ang mga luha ay masaganang naglandas sa pisngi niya.
"Muah! Flowers for you, hon!" He kissed her lips and gave the bouquet.
"I love you! Ang daya mo, di mo sinabi sa akin na babalik ka na rito," umiiyak niyang tugon.
"Hahaha! I love you,too! Masisira ang sorpresa ko kapag sinabi ko kaagad sayo na babalik na ako," natatawang tugon niya.
"Welcome, Carl!" sabay na bati ng mag-asawa sa kanya.
"Thank you, Uncle Brent, at Auntie Shantal. Namiss ko po kayo,"
"Namiss ka rin namin. Siya umupo muna tayo, pagod kami maghapon," yaya ni Brent sa kanya.
"Love, I'll go ahead first to check if our dinner is ready. Maiwan ko muna kayo rito," paalam ni Shantal sa kanila.
"Okay!" Brent said.
"Uncle Brent may pasalubong po ako sa inyo," aniya.
"Naku, nag-abala ka pa. Pero tatanggapin ko na rin kung ano ang ibibigay mo. Natutuwa ako at bumalik ka na rito ng mas maaga para maasikaso ninyo ni Denise ang engagement party ninyo,"
"Oo nga po eh. Saka sabi ni Dad baka maaga rin silang darating dito," aniya.
"Sige mag-usap muna kayo ni Denise, aakyat lang ako sa kwarto namin para magbihis,"
"Sige po!"
When Brent left, he turned his attention to Denise.
"Hon, I'm sorry if I didn't inform you that I will be back earlier," nakangiting tugon niya.
"Okay lang ang mahalaga bumalik ka na rito. Marami pa kasi tayong gagawin. Nitong mga nagdaang araw kasi busy rin kami sa opisina. Ang daming ibinigay ng gawain si Dad sa akin," sumbong niya rito.
"C'mon kaya mo naman iyon. Saka wala namang ibang papalit kay Brielle sa kumpanya ninyo kundi ikaw lang. Don't worry, I will help you do all the tasks," He smiled at her.
"I know. Muah! I'm so excited to choose the date of our wedding," she said.
"Yeah, me too. Dapat siguro five months after our engagement party, we get married. Ano sa palagay mo?" He asked.
"Okay, we will discuss it with our parents later on. Si Ivana ang magdidisenyo ng wedding ring natin, gift niya na raw para sa ating dalawa," She said.
"Wow, that would be nice! Mukhang lumalawak na talaga ang jewelry business nila,"
"Oo nga. Ang layo na ng narating ni Ivana kahit may tatlong anak na siya," She said.
"Kaya mo rin gawin iyon. Magtulungan tayo," Carl said.
"Tinatamad nga ako sa mga gawain sa opisina, pero palagay ko naman kayang-kaya ko lalo na ngayong nandito ka na,"
"Balak ko nga sana magpatayo ng sariling hospital dito sa Beijing kaya lang mas pipiliin kong tulungan ka nalang magmanage ng business niyo. Nakiusap din kasi sa akin si Brielle dahil nangangamba rin siyang di mo kakayanin," aniya.
"Humph! Marunong din ako, kaya lang kulang ako sa motivation. Ngayong nandito ka na, nagkaroon na ako ng sapat na dahilan. Araw-araw ko ng makikita ang gwapo mong mukha,"
Lumawak ang ngiti ni Carl at marahang pinisil ang pisngi niya, "Ikaw talaga lagi kang may dahilan.
Biglang sumulpot ang Mommy niya mula sa dining room.
"Hey, love birds, dinner is ready. Pumunta na kayo sa dining room. Papanhik lang ako sa kwarto namin para magbihis at sunduin ang Daddy ninyo," anito habang paakyat na sa hagdan.
"Tara na, gutom na rin ako eh!" tumayo na siya at hinila si Carl papasok sa dining room.
***
Brielle Santillian's Home…
Abala si Ivana sa harapan ng laptop niya ng lumapit si Brielle. Yumakap ito sa kanya.
"Baby, pasado alas-otso na nang gabi di ka pa rin ba tapos dyan?" lambing nito sa kanya.
Ivana tried to dodge Brielle's kisses, but she knew he wouldn't stop teasing her.
"Malapit na, konti nalang. Binabasa ko lang maigi ang report na pinadala sa akin, through email,"tugon niya.
"Magpahinga na tayo, gabi na eh," Brielle said.
Agad na lumipad ang tingin ni Ivana sa wall clock na nakasabit sa dingding. "Brielle, maaga pa. Silipin mo muna ang mga bata sa kwarto nila,"
"Tulog na ang mga iyon," tugon nito at panay halik pa rin sa pisngi niya.
"Santillian, maaga pa. Alam ko na ang nasa isip mo. Tatapusin ko lang 'to," aniya.
"Bukas na iyan. Di naman ata nagmamadali iyan eh," pamimilit nito.
Napilitan si Ivana na i-shut-down ang laptop niya. Mabilis na kinuha ito ni Brielle at inilagay sa drawer. Bumalik agad ito sa kama at tumabi kay Ivana. He started to rain kisses on her lips while his hand is sliding down to her lower body.
"Hey, saglit lang may itatanong ako sayo," She stopped him.
"Ano na naman, pambihira ka eh, bukas ka na magtanong," huminto ito sa ginagawa at tiningnan siya.
"Dumating na si Carl?" She asked.
"Oo kaninang hapon. Tinawagan ko nga agad ng mag-sent siya ng message," dumukwang ito para halikan siya ulit ngunit mabilis niyang hinarang ng kamay ang labi nito.
"Saglit nga, di pa ako tapos eh,"
"Ano na naman iyan? Bilis, sabihin mo na!"
"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?" natatawang tugon niya.
"Nakakabitin naman kasi ang mga tanong mong iyan. Nakakasira ng climax," He pouted his lips.
"Anong nangyari sa investigation niyo about Reymond?" Ivana asked.
Wala namang tao doon sa ibinigay na address ni Samantha. Laging sarado ang bahay na iyon. Sigurado ka ba na di nagsinungaling ang pinsan mo?" tugon nito.
"Imposible namang nagbigay siya ng maling address sa akin. Saka ramdam ko naman ang sinseridad niya," aniya.
"Nagtaka nga ako walang bakas ng kapatid ni Simon sa kahit saan mang sulok. Let's all move on, I think I just made a wrong conclusion. Mukha namang nawala na rin ang nanggulo sa atin ng nakalipas na buwan," He said.
"So, pwede na tayong bumalik sa dating bahay?" She asked.
"Huwag na, okay naman dito eh. Saka komportable na rin ang mga bata,"
"Sigurado ka? Mas gusto ko sanang bumalik doon dahil mas malapit ang bahay nating iyon sa sentro,"
"Huwag na dahil di ko pa tiyak kung talagang ligtas nga tayo. Mas maigi na nandito tayo, walang nakakaalam sa lokasyon ng bahay nating ito,"
"Okay, wala naman akong magawa kong iyan ang gusto mo,"
"Ang dami mong pasakalye, nabitin ako sa ginagawa mo,"
She smiled at him and grabbed him closer. They kissed each other and made love.