SHE was awakened by a few knocks outside her door. Masigla at mabilis siyang bumangon ngayong umaga.
"Coming!" She shouted. She jumped out of bed and quickened her paced towards the door.
Bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Carl, "Morning hon! Hey, it's past six in the morning. Gising na kaming lahat at hinihintay ka sa dining room,"
Hinapit nito ang beywang niya at akma siyang hahalikan sa labi ng mabilis niyang iniharang ang kamay.
"What?! Ayaw mong magpahalik?" He asked.
"Hindi pa ako nag- toothbrush. Bumangon ako agad ng marinig ko ang sunud-sunod mong katok sa pinto," aniya.
"Oh! Bakit takot kang halikan na bagong gising ka?" panunukso nito habang gahibla na lamang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. Carl wore a naughty smile while staring at her closely.
Umatras siya ng bahagya, "Bababa ako pagkatapos maligo at magbihis, hintayin mo nalang ako sa dining room,"
Tumayo ito ng maayos at pinisil ang pisngi niya, "Malapit kana mag-asawa pero ang hirap mo pa ring gisingin. Kung di ka kakalampagin tulog ka pa ata hanggang tanghali,"
She pouted her lips and said, "Are you complaining? Nagsumbong na naman si Mommy sayo, natitiyak ko. Magpapakasal ako sayo dahil mahal kita hindi ako mag-a-apply na kasambahay mo,"
He smiled at her and patted her shoulder, "Just kidding! Sige na bilisan mo na at kanina pa naghihintay ang parents mo sa dining room,"
"Ginising mo ako ng maaga para lang sermonan ah," angil niya.
"Of course not! Tanghali na, malalate ka sa trabaho kapag ganito ang ginagawa mo lagi," He said.
"I'm the daughter of the company owner, as far as I remember, I got a privilege to come late," she retorted.
"Eh, an effective leader always set an example. Tutularan ka ng mga tao mo sa kung anuman ang ipapakita mong ugali at gawain sa loob ng kumpanya. Sina Uncle Brent at Brielle, masipag at maagang pumapasok lagi sa opisina kaya ganon ka productive ang araw nila," He chuckled.
"Doctor Carl Cruz, in case you forget, I am your future wife, but it seems you have a lot of words to say against me. Sabihin mo lang kung---"
"Hahaha, joke!!!! Ang aga-aga nagtatalo agad tayong dalawa sa walang kabuluhang bagay. Ayaw mo namang pagsabihan ka. Okay, suko na ako. Bilis na bumalik kana sa loob ng kwarto mo at maggayak. Hihintayin kita sa dining room," He winked at her before descending.
She quickly took a shower and dressed up. Pagbaba niya sa dining room, nadatnan niyang masayang nakipagkwentuhan si Carl sa magulang niya. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito.
Carl quickly put some of her favorite foods on her plate. She gave him a sweet smile.
"Anak, ipinagpaalam ka ni Carl sa amin na isasama sa pagsa-shopping kaya pumayag kami," masayang tugon ng Mommy niya.
Huminto siya at pagsubo at lumingon sa ina. "Eh, diba may meeting ako ngayong umaga sa R & D department para doon sa expansion natin for South Africa?"
Brent answered immediately, "Si Harold na ang uutusan kong a-attend on behalf of you. Since, kababalik lang ni Carl dito sa Beijing, mas maiging maglaan kayo ng oras na magplano para sa darating ninyong engagement party. Hindi kami makakatulong sa inyo dahil marami rin kaming inaasikaso,"
Lumingon si Carl sa kanya at ngumiti, "Pumayag na ang mga magulang mo, kaya 'wag kanang mag-react. May ibang lakad tayo ngayong araw, simpleng date habang pagplanuhan natin ang engagement party. Ayoko rin kasi bigyan ng kahihiyan ang pamilya ko," pabirong tugon nito.
"Okay, sabi mo eh! Pwede ba akong magdala ng camera ko para meron naman akong mai-upload na bagong video blog sa channel ko?" hirit niya.
"Oo naman, alam ko namang iyan ang gusto mong gawin kesa maghapong magkulong sa opisina," Carl said.
After breakfast, they parted ways with her parents. Lulan na sila ng sasakyan ng magtanong si Carl kung saan niya unang gustong pumunta.
"Umm...mas maigi doon muna tayo sa bahay nina Kuya Brielle. Kay Ivana tayo mangungulit, tiyak akong maraming ideya iyon sa mga ganitong activities. Every other month, HOUSE OF FONTANER launches a unique marketing event led by my sister-in-law," aniya.
"Okay. Mukhang mas maganda ang suggestion mo at para madalaw na rin natin sila. And I'm pretty sure Ivana will give us some good ideas. Saka tingin ko may matututunan ka rin na bago mula sa kanya. Sana kasi gayahin mo siya at---"
Nakasimangot na lumingon siya rito at pinutol ang dagdag pa nitong sasabihin, "Carl Cruz, ibang level ang kakayahan ng hipag ko. Nahawa na iyon kay Kuya Brielle, huwag mo nga akong ikumpara sa kanya,"
Agad na lumingon sa kanya ang fiance at tinawanan siya, "Hahaha, pikon ka talaga lagi. Biro lang pero kung pwede mo naman siyang gayahin, bakit hindi? Pakiramdam ko nga superwoman si Ivana kasi kahit tatlo na ang anak nagagawa pa ring magtrabaho direkta mismo sa loob lang ng tahanan nila,"
"Isa pang hirit dyan di na talaga kita kikibuin," banta niya.
"Okay, mananahimik na ako, para walang away," kindat nito sa kanya.
"Keep your eyes on the road. Nagda-drive ka tapos panay lingon mo sa akin," sita niya.
"Yes, honey! Pikon!"
***
Reymond's House 9 am …
Narinig niya ang mahinang tunog ng sasakyan sa baba ng bahay niya. Tumayo siya mula sa harapan ng computer at sumilip sa bintana. Nakita niyang bumaba mula sa sasakyan si Cenon at naglakad patungong main entrance. Mabilis niyang tinanggal ang suot na salamin at lumabas ng kwarto.
Pagbaba ng hagdan naabutan niya na itong nakaupo sa living room. May tangan itong brown envelop. Cenon stood up when he saw him walking towards the living room.
"Morning, sir Reymond!"
"O, bakit naparito ka?" umupo siya sa kabisera nito.
Inabot ni Cenon ang brown envelop na bitbit nito. He took it and silently opened it. Umupo na rin si Cenon at hinintay ang sasabihin niya.
"Oh, some stolen shots of Denise's fiance, huh. So, nandito na pala ang mapapangasawa niya," He smirked.
"Yes, sir! Binigay iyan sa akin kahapon nong taong inutusan kong sumunod kay Miss Santillian. At balita nga may gaganapin na engagement party sa susunod na buwan para sa dalawang iyan," anito.
"I see. What a great opportunity to pursue my plans,"
"Nakuha ko na rin ang bagong address ng nilipatan ng pamilya ni Brielle, sir Reymond. Ito po!" sabay abot nito ng papel na pinagsulatan ng address ng bahay ni Brielle.
"Leave them alone for a while. Mahihirapan tayong mag-umpisa kay Brielle dahil maraming tauhan iyan na nagbabantay sa pamilya niya. Mas madaling gumawa ng hakbang kung sa bunsong anak ni Brent ako unang maniningil," Dumaan sa mga mata niya ang galit na kinimkim.
"Nga pala sir, nakailang punta na raw sa dati mong bahay si Miss Samantha, hinahanap ka marahil nun," anito.
"Hayaan mo lang siya. She doesn't know my whereabouts, so nothing to worry about it. I will tell you my plan next month. Let's keep in touch with each other. You may go now!" pagdedespatsa niya rito.
Tumayo na rin ito at nagpaalam. Nang magsolo na lamang sa living room, tiningnan niya ulit ang mga larawan ni Carl. He stared at those photos, and a fit of sudden jealousy came across his heart.
"Oh, you're the man who makes Denise Santillian fall in love. How unlucky, huh, she won't be yours. Namnamin mo na ang mga araw na kasama mo siya ngayon dahil mga huling sandali na ninyong dalawa iyan," tugon niya sa sarili at mariing ikinuyom ang mga kamay.
Padarag na tumayo siya at pumanhik sa kwarto. Mabilis na inilagay sa drawer ang envelop at bumalik sa harapan ng computer. Dalawang linggo na siyang nagpupuyat dahil may ginagawa siyang formula ng bagong gamot. Sa nakalipas na isang buwan mahigit inilaan niya ang oras sa paggawa ng masinsinang pag-re-research.
Marahas siyang napabuga ng hangin dahil nawala na siya sa concentration matapos makita ang mga larawan ni Carl. Hindi mawaglit sa isipan niya ang mapanuksong eksena. He imagined Denise smiling at Carl and holding his hand.
He felt frustrated, thinking of those scenarios playing in his mind. "Shit! Reymond, stop thinking about them. You had so many things to do that need your focus,"
***
Brielle Santillian's Villa…
Papasok na ng main entrance sina Denise ng makita nilang marahang naglakad si Yaya Santina. Galing ito sa garden at bitbit ang ilang piraso ng rosas na pinitas nito.
"Yaya!" Denise exclaimed.
Nag-angat ng mukha ang matanda at nginitian silang dalawa ni Carl. "Oh, nandito na pala si Carl!"
Sinalubong ni Denise ang matanda at inakay papasok ng bahay. Sumunod naman si Carl sa kanila tangan ang mga pasalubong.
"Opo, kahapon siya dumating," masayang balita niya.
"Yaya, may pasalubong kami sa inyo," masayang tugon ni Carl sa likuran nila.
"Naku, itong batang 'to, nag-abala pa. Marami namang binibigay sa akin ang mag-asawa," anito.
"Okay lang po iyon. Galing naman ito sa amin ni Denise," Carl said.
Ngumiti lamang ito. Pagpasok nila ng living room, nadatnan nilang naglalaro si Kyree mag-isa. Lumapit si Denise dito at kinarga ang pamangkin.
"Baby, Kyree, where is your Mom?"
Kyree wrapped his tiny arms around Denise's neck and gently kissed her cheek.
"Mom was in her office," maikling tugon nito.
"Aba, nagsalita na ang bunso ah," puna niya rito.
Tumikhim si Carl at lumapit sa kanila matapos ilapag ang dalang pasalubong.
"Mas kamukha ni Ivana itong si Kyree," puri ni Carl.
"Yeah, agree! At madalang sa patak ng ulan umimik ito. Namana nito ang ugali ng ina, mahiyain," she said.
"Ahem...ahem...bagay na pala sayo mag-alaga ng bata. Pwede na tayong mag-umpisang gumawa ng atin," biro ni Carl sa kanya.
She sneered at him, "Pakasalan mo muna ako bago mo isipin iyan,"
"Biro lang, seryoso eh!" natatawang tugon niya. "Akin na nga iyan, ako na magkarga, puntahan mo muna si Ivana sa taas,"