"Anong result doon sa imbestigasyon ng mga tao mo?" Ivana asked.
"Ang sabi, iyon pa rin ang dating may-ari ng Villa na 'yun, kaya lang di ako kumbinsido dahil nga doon sa CCTV video clip na nakuha ni Brendon. Hindi ko naman kilala ang may-ari ng bahay na 'yun saka wala akong maalalang nagkagalit kami o nakasalamuha ko ang may-ari. Kaya alam kong may mali sa report na nakuha ng mga tauhan ko," aniya.
Ivana sighed. "I don't know why there is still someone who wants us to fall down. Wala naman tayong inargrabyadong tao,"
Brielle pulled her inside his arms, "Don't worry, I will make sure our family will be safe. It would be best if you informed Grandma to take care too. Hindi pa natin kilala ang nasa likod nito, pero may hinala na ako eh, hinintay ko lang magkaroon ako ng solid evidence,"
"Humm...sino iyon?"
"Pakiramdam ko may kinalaman ang pamilya ni Simon. Inisip ko ang kapatid niya dahil ni hindi ko man lang nakita ang mukha noon at nakakapagtaka lang dahil wala siyang record sa Europe," aniya.
"Si Reymond? Sigurado ka? Kasi alam mo mabait iyon eh, kung natatandaan mo, siya ang tumulong sa akin noong muntik na akong mapahamak," tugon ni Ivana.
"Hindi ko pa naman natitiyak pero sa ngayon kasi wala pa akong ibang naisip na pwedeng gumawa nito. Nawawala kasi siya at imposible rin naman na si Samantha ang gagawa nito dahil nagkaayos na kayo, parati ko rin naman siyang nakikita sa HUO GROUP dahil siya ang pumalit sa Daddy niya," aniya.
"Exactly. Samantha is not really that bad; besides, she had changed. Nakikita ko naman ang pagsisikap niya at alam ko namang ilang beses niya na ring sinabihan si Simon. Naikwento niya kasi sa akin lately," aniya.
"Oh, can you ask her if she knew where Simon's little brother was?" He said.
"Okay, kapag nagka-usap kami ulit itatanong ko. Tara na magpahinga na tayo, pagod na rin kasi ang pakiramdam ko,"
Brielle nodded, and they headed back to their room.
***
Reymond Yun's Villa….
Abala siya sa harapan ng computer ng tumunog ang cellphone niya. When he picks up his phone, he saw an incoming call from his Mom through messenger pop-up.
"Reymond, anak baka hindi ako makakapunta dyan sa susunod na linggo. Sinumpong na naman ng arthritis ang Daddy mo," malungkot nitong bungad.
"It's okay, Mom. I will send a prescription for him after we talk,"
"Thank you, son! Kumusta ka na?"
"Okay lang naman po, may inaasikaso lang ako lately," aniya.
"Someone had visited our house the other day, and they asked me if you're with us,"
"Who are they?"
"Kliyente mo raw, pero sinabi ko na wala ka at nasa South Africa for a big project,"
"Oh, thank you, Mommy. I think it's an investigation made by Brielle Santillian's men. Duda ako na kliyente ko sila dahil ilan lang ang nakakausap ko talaga,"
"I know, that's why I told them that you're not with us. Sinabihan ko na rin si Samantha na kapag may magtatanong sa kanya tungkol sayo huwag siyang magbanggit kung nasaan ka,"
He heaved a deep sighed. "I can't trust her that much because she's Ivana's cousin. Sige lang lilipat ako ng ibang bahay sa lalong madaling panahon. Wag po kayong mag-alala mag-iingat po ako,"
"Okay. That's it! I can't afford to lose another son,"
"O, paano di na ako magtatagal. Mag-ingat ka parati, kung kailangan mo ng pera magsabi ka lang sa akin," anito.
"No, Mommy, I still have my own money. Huwag niyo po akong alalahanin, alagaan niyo lang si Dad, isang araw uuwi rin po ako dyan kapag natapos ko na ang gawain ko dito,"
"I love you, son! Take care!"
"Umm...bye, Mom!"
Nang maibaba na niya ang cellphone saka lamang siya nakaramdam ng pagod. Mula ng bumalik siya rito sa Beijing pakiramdam niya unti-unti siyang nalulunod. Bumabalik ang ala-alang pilit niyang kinalimutan.
Ang biglaan nilang pagtatagpo ni Denise ay lalong nagpabigat ng pakiramdam niya. He knew Denise had a significant impact on his life. He avoided her for many years and never thought of taking revenge against her family.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka muling bumalik ang atensyon sa computer. He searches Carl's information by browsing the internet. A few information from the internet pop-up, he read it carefully.
"Oh, you're a doctor too—a family friend of the Santillian's. Sounds interesting, and you're lucky to have her as your fiancée. Samantalahin mo na ang pagkakataon na nakakausap mo pa siya Doctor Carl Cruz dahil sa mga susunod na buwan hindi mo na siya ulit masisilayan. Hihilahin ko siya sa impyernong nakalaan para sa aming dalawa. I can't let you both live a happy life!"
***
SANTILLIAN's Villa past 10 pm….
Nakaupo sa kama niya si Denise habang abala sa pag-e-edit ng kanyang latest video na i-a-upload sa kanyang YouTube Channel ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nakita niyang papasok ang Mommy niya at palapit sa kanya.
"Bunso, gusto mo bang sumama sa akin bukas?" tanong agad ng Mommy niya.
Huminto siya sa ginagawa at tumingin rito. "Saan ka pupunta bukas, Mom?"
"Sa salon, magpapaganda," nakangiting tugon nito.
"Umm...ayoko dahil may importante akong gagawin,"
"Weekend naman bukas ah, walang pasok sa opisina," anito
"Marami akong eedit na video na di ko pa natapos po eh, ngayon pa lang ako nag-uumpisa. Si Dad nalang isama mo Mom,"
Shantal pouted her lips, "Tinatamad akong isama ang Daddy mo kasi laging nagmamadali,"
"Eh, di bilisan mo lang ang beauty treatment mo para di mainip si Dad. Saka di ba kayo dadalaw kina kuya? I'm sure matutuwa ang mga bata kapag nandoon kayo bukas," aniya.
"Pupunta rin kami doon pero bandang hapon na. Inaya lang kita na samahan ako pero kung may gagawin ka, wala naman akong magagawa at di kita pwedeng pilitin,"
"Naku, nagdrama ka na naman Mommy. Sorry, next time nalang talaga 'wag this weekend,"
"Okay. Eh, may tanong ako sayo, kailan ang biyahe ni Carl papunta rito?"
"Sabi niya po three weeks before our engagement party. Why did you ask?"
"Wala lang, kasi lately napapansin ko di ka na halos nagkukwento tungkol sa kanya,"
"Busy po kaming pareho eh. Saka may tinatapos din siyang gawain pa doon sa London. Di ba kayo nag-uusap ni Tita Aya?"
"We've talked, but she also doesn't know Carl's schedule. Sa totoo lang nalulungkot kami ng Daddy mo kasi mag-aasawa ka na rin," anito.
"Eh...dapat kasi nag-anak kayo ng marami ni Dad para kahit mag-asawa na ang iba may maiiwan pa sa inyo,"
Shantal rolled her eyes, "Busy lagi ang Daddy mo noon. Saka tamad din iyon mag-alaga ng anak. Mag-alaga na nga lang sayo noon di na siya nakakatagal, magdadagdag pa ba kami?"
Denise smiled and said, "Hayaan mo na, magbibigay kami ng maraming apo sa inyo,"
"Talaga?" namimilog ang mata nitong tugon.
"Opo. Mas gusto ko ng maraming anak eh. Kaya lang di ko pa alam kung si Carl gusto rin ba ang ganon. Nga pala may tanong ako sayo?"
"Hmm...ano iyan?"
"Noong nasa fashion world ka pa Mom, may mga fans or followers ka ba na nagme-message sayo directly?"
"Meron din pero may social media accounts manager kasi ako. Si Martin ang nag-hire doon, at saka madalas kasi hectic schedule ko kaya di rin ako ganon ka-active sumagot sa mga messages. Bakit mo naitanong?" anito.
"Weird lang kasi dahil nitong mga nakaraang araw may mga makukulit na followers na nag-sesent sa akin ng mga private messages," aniya.
"Hmmm...private messages? Like what?"
"Like, comments and some greetings," she lied.
"Oh...that's normal when you are popular. Pero alam mo anak, mas makabuluhan kung ang oras mo i-focus mo nalang sa negosyo natin dahil tumatanda na ang Daddy ninyo. Nakikita ko kasi pagod na rin siya, ramdam ko rin na gusto na niyang magpahinga kaya lang wala pa namang sasalo sa responsibilidad niya dahil ang Kuya Brielle mo naman naka-focus na sa HUO GROUP. Hindi rin kasi namin pwedeng pilitin ang Kuya mo na huwag iwanan ang kumpanya natin dahil may pamilya na siya,"
She nodded and said, "I know. I am honestly getting bored with all the tasks that have given me recently. Hindi ko kasi gusto na makisawsaw sana sa business world kaya lang sabi mo nga matanda na si Dad. Huwag po kayong mag-alala kapag nandito na si Carl, pagtutulungan namin na asikasuhin ang kumpanya natin,"
"Okay. Sige na magpahinga ka na. Babalik na ako sa kwarto namin. Muah!"
"Good night, Mom!" pahabol niyang tugon bago tumalikod ang ina.
After almost two hours of editing a few videos, she turned off her laptop. Nakahiga na siya sa kama ng biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napaigtad siya ng makitang may pinadalang bagong larawan ang mysterious follower niya.
Sunud-sunod na pagmumura sa isipan ang ginawa niya bago kalmadong nag-type ng message para sa taong ito.
"Whoever you are, you're playing with fire, darling!"
Ilang saglit lang sumagot na rin ito.
"Oh...Indeed I am playing with fire, but guess what, the flame will burn us both, not just only me!"
Umusbong ang inis niya, "Gago 'to ah. Nakakagigil...ano bang problema nitong taong ito?"
Sa halip na sumagot tinawagan niya ito ng direkta ngunit hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Maya't-maya pa nakatanggap siya ng mensahe mula rito.
"Oh! I think my little wild stubborn princess misses me so much, eh! Parang gusto ko tuloy dalawin ka ngayong gabi sa bahay mo. Gustung-gusto mo talagang makita ang mukha ko ah...tumatawag ka kasi sa akin!"
"Stop this stupid game. Carl is this you? Honey, hindi na nakakatuwa ang mga trip mong ito," panghuhula niya.
"Oh...you really love your fiance, huh?"
Lalong nainis siya sa sagot nito, "Carl, ano ba di na nakakatuwa ito,"
Ang buong akala niya si Carl ang gumawa nito.
"Your wild guess was wrong, honey!"
She clenched her fist and answered back. "Coward! Who are you, then?"
"Your future nightmare!"
"F*ck off asshole! You're making me sick,"
"Oh...really? Don't worry. I will have a big surprise for you soon!"
"Bring it on! I'm so excited to see what it would be," galit na galit niyang tugon rito.
"Oh...then you should be careful every day because I will come like a thief that you won't notice!"