Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 9 - Chapter 9: Can’t Wait To Know You

Chapter 9 - Chapter 9: Can’t Wait To Know You

PABILING-biling sa higaan si Denise at mahapdi na ang mata niya sa kakapilit niyang matulog. Gising ang diwa niya kahit madaling araw na. Gusto niyang sabihin kay Carl na may nanggugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw ngunit ayaw niya ring bigyan ito ng alalahanin. Nagdadalawang-isip rin siyang magsabi sa magulang niya dahil di rin siya sigurado kung ano talaga ang pakay ng taong nanggugulo sa kanya.

"Maybe this is just a prank from one of my followers. He may stop this kind of game later on," She thought silently.

Napilitan siyang dumilat at bumangon. Umupo sa lamang siya sa kama at ilang beses na isinuklay ang kamay sa mahaba at makapal niyang buhok. Hinilot niya rin ang sentido para tanggalin ang stress na nararamdaman.

Ilang minuto lang dinampot niya ang cellphone at muling tiningnan ang inbox. Bagong gawa ang account ng misteryosong tao na nagpadala ng messages sa kanya.

"Ah...my head hurt so much, thinking who you are," she said louder out of frustration.

Finally, she decided to hit the call button to have a serious conversation with this mysterious follower. Napakislot si Reymond ng makitang may incoming call sa Instagram niya.

"Oh...my prey get some courage to call, huh, sounds interesting!"

He hit the answer button yet didn't speak any words. Kapwa sila nagpakiramdaman ni Denise. Ilang saglit lang nagsalita na ang dalaga.

"Who are you? Why are you bothering me?" Her gentle voice came out.

Reymond cleared his throat and said, "Got bothered? And have a sleepless night?"

"Tell me what you want? Money? How much? Tell me, and I will give it to you, so you will leave me alone," She sounds like crying.

Reymond was taken aback and feel a little guilty hearing her frustrated voice. Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot rito.

"Your family owes me a lot. Kahit ikaw may kasalanan din sa akin. It took several years, for me to gather enough strength to collect the debt I think I should have done earlier,"

"What? I don't remember that I owe to anybody. What are you talking about?" She asks.

"Recall in your memory, think harder," He said shortly.

"Face me personally. Let's see each other. I wanted to talk to you in person. I can't wait to know you and to know the reason why you keep bothering me,"

"Oh, my prey seems so frustrated, eh. I haven't done playing with you, yet you wanted to see me in person? You are underestimating my knowledge, honey. Do you think I am a fool to step into your trap? Why should I do that, when obviously I want to make you suffer," His voice was firmed and arrogant.

Suddenly, after a few moments of silence from the other end, he heard a low sobbing. He was stunned and didn't expect that a strong character like Denise would definitely become weak.

"Why are you doing this? Kahit ilang beses kong pigain ang utak ko kakaisip kung ano ang nagawa kong kasalanan sayo wala akong maalala. Utang na loob, tantanan mo na ako,"

"Do you think you can persuade me not to pursue my plan? Just wait for me coming like a nightmare that you don't want to remember for the rest of your life. Save all your tears, Miss Santillian, because I will give no mercy to your family, and it will begin with you," He ended the call immediately.

"What a stupid woman, she really thinks I'm a fool that she could easily coax with tears and begging," inis na bulong ni Reymond sa sarili.

"Hello?! Hey….hey… talk to me. Talk to me. I haven't done, yet!!!!" paulit-ulit na bulalas ni Denise habang dumadaloy ang masaganang luha sa mga mata niya.

Magkahalong galit at inis ang nararamdaman niya dahil binabaan siya nito. Kahit ilang beses niyang iniisip ang mga posibilidad na naging sanhi ng galit sa sinumang nakakasalamuha niyang tao sa London noon maging ang mga malalapit niyang followers wala siyang maalalang nagawang kasalanan kaninuman.

Ibinagsak niya ang pagod na katawan sa kama. She curled herself and continue sobbing. How on earth that someone come along her way to ruin her perfect and happy life? Gusto na niyang madaliin ang engagement nila ni Carl dahil takot siya sa maaaring gawin ng taong nanggugulo sa kanya.

Tanging ito lang ang naisip niyang paraan upang pagtakpan ang kabang pilit na lumalamon sa natitirang katinuan niya. She felt sick-tired, thinking this mysterious man. She's not used to it. She lived a happy and carefree life. Kung kailan naman handa na siyang magseryoso sa buhay saka naman dumating ang ganitong kalokohan.

Kinaumagahan ng magising siya, kagaya ng mga nagdaang araw pagod ang katawan at isipan niya. Mas malala nga lamang ngayong umagang ito dahil namamaga ang mga mata niya sa kaiiyak halos magdamag. She put on numerous amount of thick concealer to hide the swollen part of her eyes.

Habang lulan ng kotse papuntang kumpanya, tahimik siya sa likurang upuan at lumulutang ang isip niya. Tumikhim ang ina at bigla siya nitong pinuna.

"Princess, why do you look so tired lately?"

Hindi siya sumagot sa Mommy niya dahil di niya narinig ang sinabi nito.

"Denise! Hey...are you okay?" malakas na tanong ni Shantal habang nilingon siya nito sa likod.

"Did you say something, Mom?" She asked hesitantly.

"Tulala ka eh. Sabihin mo nga sa amin, nag-aaway ba kayo ni Carl?" bakas sa mukha ni Shantal ang pag-aalala.

"No, Mommy!" agad niyang tugon.

"Are you sure? Ilang araw ko nang napansin na ganyan ka,"

"Bunso, kung meron kayong di pinagkakasunduan ni Carl pwede mo namang sabihin sa amin," tugon ni Brent at sinulyapan siya nito sa front mirror ng sasakyan.

"No Dad! Okupado lang ang isip ko doon sa mga ibinigay mong impormasyon sa magiging responsibilidad ko pag-alis mo," pagsisinungaling niya.

Shantal eyes flew to her husband, and it brings resentment towards Brent, "Pinapagod mo ang anak natin, Santillian. Kasalanan mo pala eh,"

Nagulat si Brent ng marinig ang sinabi ng asawa, mabilis siyang lumingon dito. "Love naman, hindi ko naman binibigla ang anak natin. Actually, I haven't given her a lot of tasks this past few days because I know she's not totally ready,"

"Malalaman ko iyan ngayong araw dahil sasama ako sa inyong dalawa sa opisina. Sabi ni Brielle' wag daw muna akong pumunta sa bahay nila dahil magpapa-renovate sila. Pansamantala silang lilipat sa ibang bahay nila," tugon ni Shantal.

"Ha, magpapa-renovate sila ng bahay? Bakit biglaan naman ata?" gulat na tanong ni Brent.

"Hindi ko alam sa kanila ni Ivana. Maging ako nagulat din ng tumawag kanina at sinabi sa akin na huwag muna akong pumunta sa bahay nila. Nakalimutan ko lang banggitin sayo kanina dahil kausap ko si Martin," anito.

"Baka may naisip na bagong interior design si Ivana kaya naisipan nilang magpapa-renovate. Alam niyo naman ang creativity non, malamang siya nag-udyok kay Kuya na baguhin ang bahay nila," singit ni Denise.

"Hayaan na natin silang mag-asawa dahil may sariling buhay na ang mga iyon. Babalik na rin naman tayo sa Singapore sa susunod na buwan Love!" tugon ni Brent.

"I know, but we need to wait until Carl and Denise's engagement will be finished," aniya.

"Of course, we can't let this event pass without our presence," Brent replied with happiness added to his voice.

"Alam mo, saka ko lang naisip na sana pala nagdagdag tayo ng isa pang anak na lalaki noon para may isang katulad pa ni Brielle," biglang tugon ni Shantal.

Napalingon si Brent dito at pilyong kumindat sa asawa, "Iyan ang sinasabi ko sayo noon, ang arte mo naman, ayaw mo kasing makinig sa akin at di ka rin talaga agad tumigil sa pagiging fashion model, huli na para magsabi ka ng ganyan,"

Shantal glared at him, "Buti sana kung tumutulong kang magbantay noon. Di ka nga nakakatagal magkarga lang ng anak mo, niyayabangan mo pa ako dyan,"

"Hahaha! Bakit ako? Eh responsibilidad mo iyon. Padre de pamilya ako at maraming ginagawa sa kumpanya, alangan naman magpupuyat pa ako?" natatawang tugon ni Brent.

"Ang sabihin mo, tamad ka talaga!"

"Hey, Mom, Dad, stop it! Tch, humph! Kung kailan malaki na kaming dalawa ni Kuya saka pa kayo magsisihan dalawa? Sana gumawa kayo ng isang dosena tutal naman kaya ninyong magbayad ng katulong," Denise said.

"Ang Mommy mo---"

"Santillian, gusto mo na naman atang matulog sa study room mamayang gabi, umayos ka!" putol ni Shantal sa sasabihin ni Brent.

"Narinig mo anak? Ako na ngayon ang may kasalanan. Hindi talaga nagpapatalo ang Mommy mo. Samantalang noon gusto ko ng maraming anak, siya ang may ayaw," natatawang tugon ni Brent.

"Oops! Tama na iyan, baka mauwi kayo sa tampuhan. Ano ba naman iyan? Ang tanda na ninyong dalawa, makapaglambingan kayo sa isa't-isa daig niyo pa teenager huh? Ilang taon na ako para magbulahan pa kayo sa isa't-isa. Wala nang kilig factor!" Denise said.

"Kasi itong Daddy mo---"

"What?! Okay kasalanan ko na. In-love ako sayo, inaalila mo nga ako lagi eh. Mula pa noong mga teenager tayo at tumuntong ako sa pamamahay niyo, deadma ka eh. Kung ba naman di mo ako inaway non at inumpisahan natin ng maaga, di sana nakarami tayo,"

"Mag-drive kana nga lang. Nakakainis ka eh. Bumabalik kana naman sa mga nakalipas na. Pinakasalan kana nga kahit inayawan kita non, ang dami mo pang sinasabi dyan,"

"Haist, napilitan ka lang noon dahil balak mo talagang awayin ako. Saka takot na takot kang agawan ko ng---"

"Wait...wait...tama na iyan, baka saan dadako ang balik-tanaw ninyong iyan," muling sita ni Denise.