Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 7 - Chapter 7: Don’t Be Annoyed

Chapter 7 - Chapter 7: Don’t Be Annoyed

BRENDON sat down in front of his computer while Brielle and Ivana were behind his back, waiting for the details he had saved earlier.

Tahimik na inoobserbahan ni Brielle ang ginagawa ng anak niya. Ngayon lang niya ito nakitang magaling nga ito sa teknolohiya. Lumingon siya kay Ivana at kinabig ito palapit sa kanya.

"He inherited my knowledge and skills," Brielle whispered to his wife and a proud tone added to his words.

"Ang yabang mo. Parang sinabi mong di ako matalino ah," malakas na siniko ni Ivana si Brielle.

"Hahaha, biro lang. Di ko naman sinabing hindi ka matalino. Magaling ka naman mag-alaga ng mga bata at magturo ng tamang asal sa kanila," natatawang tugon ni Brielle.

She sneered at him. "Nahawa kana kay Anton. Di ko alam na may pagka-funny ka pala,"

"Hey, Mom, Dad, here it is!" biglang baling ni Brendon sa magulang niya.

Mabilis na huminto sa paghaharutan ang mag-asawa ng magsalita si Brendon. Bahagyang tumungo si Brielle at tiningnan ang maikling video clip na nag-flash sa screen. He quickly grabbed the mouse and paused the video.

"Someone had secretly taken photos from the window. May sumungaw na camera lens sa bintana ng kabilang Villa," bulalas ni Brielle.

"O, diba? Sabi ko nga sayo hindi lang basta hinala ang naramdaman namin ni Mommy kaninang umaga. May tao talaga sa katapat nating Villa,"

"Yeah. Kailangan na nating lumipat agad sa makalawa dahil hindi natin alam kong sino ang taong iyan. Nakakulong si Simon at mahigpit ang kulungan sa pagtanggap ng dalaw niya. He was treated as a high profile criminal that's why the jail officers had strictly implemented limited visitors to him. Wala namang nakapuslit na gadget sa loob ng kulungan niya para magkaroon siya ng contact sa mga tauhan niya sa labas. At ang pagkakaalam ko lahat ng iyon nadakip na rin at nakakulong. Ang pamilya niya rin nasa Europe naman nakatira. Besides, Samantha had become our family member after the reconciliation happened between the two of you," pahayag ni Brielle.

"Ewan ko, kaya nga nagtaka ako eh. Maliban nalang kung may nasagasaan kayong mag-ama sa mundo ng business," Ivana said.

"Never! Some of the people in our circle were all our allies. Son, kindly send this video to my email. Papaimbestigahan ko kina James at Harold,"

"Okay, Dad. I'll do it!"

Brielle patted the shoulder of his little boy. "Hey, you should rest now. Babalik na kami ng Mommy mo sa kwarto namin,"

"Muah! Good night, son!" dumukwang si Ivana sabay halik sa pisngi ng anak.

Brendon smiled at his mother. "Good night to both of you!"

Tumalikod na ang mag-asawa at bumalik sa kwarto nila. Habang nakahiga na sa kama, ilang beses na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Brielle. Puno ng alalahanin ang isipan niya.

"Baby, ano ba, matulog na tayo. Malalim na ang gabi pero panay ka pa rin galaw ng galaw," nagdilat ng mata si Ivana at tinapik ang pisngi ni Brielle.

"Di ako makatulog. Nag-aalala ako sa kaligtasan natin," aniya.

"Kalimutan mo muna iyan, tutal naman may mga nagbabantay sa main gate natin. Saka sabi mo nga lilipat na tayo ng bahay sa makalawa. Kailangan muna natin magpahinga. We've surpassed all the trials before, why you feel so bothered with this unknown problem, now?"

"Yeah. I...I just can't sleep," He said.

"Muah! Let's sleep, please. Forget about this one. We are safe, and nothing had happened yet,"

Brielle hugged her tightly and didn't reply to her anymore.

Kinabukasan malakas na katok sa pinto ng kwarto ni Denise ang gumising sa kanya. Tulad ng nakasanayan niya ang matinis na boses ng Mommy Shantal niya ang gumising sa kanya.

"Ah...nakakainis, gusto ko pang matulog," napilitan siyang bumangon at umupo sa kama habang sapo ang ulo. Mabigat ang gising niya ngayong umaga dahil pasado alas-tres na nang umaga siya dinalaw ng antok.

"Denise! Anak, gising na!" boses ulit ng Mommy niya.

"Yes Mom, gising na po ako! Maliligo lang ako, susunod na ako sa dining room pagkatapos," sigaw niya sa ina.

"Okay, bilisan mo pasado ala-siyete na. Ma-le-late na naman kayo ng Daddy mo," anito.

"Opo, susunod na nga!"

Tumahimik na ang Mommy niya at bumaba na. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at tinawagan sa messenger si Carl. Ilang minuto muna silang naglambingan dalawa bago nagpaalam sa isa't-isa.

Mabilis siyang pumasok ng banyo at naligo. After thirty minutes, she went out and dress up with exquisite business attire. Napabuga siya sa hangin ng makita ang nangingitim niyang lower eyelid. She put on a thick concealer to hide the dark spot. Gusto niyang murahin ang gagong nanggulo sa kanya kagabi ngunit di rin naman niya kilala kong sino ito.

She is ready to go downstairs and pick up her phone when suddenly a message pop-up on her Instagram account. She was shocked because someone had sent her a photo of a sexy woman tied to the bed.

Nabitawan niya ang cellphone sa sobrang takot. Another message pop-up, and this time around, a photo of a man wearing a black mask sent to her. His face was covered with the entire mask.

Galit na galit siyang nag-type ng message para sa sender. "Go to hell. I was so annoyed by your childish game. This isn't funny at all!"

Mabilis ang naging sagot nito, "I am so happy right now because I annoyed the stubborn heiress of the Santillian family. Didn't I tell you last night that your destiny will be in hell?"

"Get some bulls on your stupid d*ck! Face me in person if you're brave enough!" she replied.

"Honey, it will be soon. I am craving to hear you cry, scream and begging while I'm dragging you to hell,"

"Oh, really? I'm not scared of you. No one can scare me. Get lost, my patience is wearing, and you're getting into my nerve," galit na galit niyang sagot rito bago in-off ang cellphone niya.

Nakasimangot siyang bumaba ng dining room at agad na napuna ng Mommy niya na hindi maganda ang gising niya.

"Anak, bakit ang aga naman ata ng simangot mong iyan," anito.

Bumuntong huminga muna siya bago sumagot sa ina, "May nang-aasar kasi sa akin na fans sa social media, nakakasira ng umaga eh,"

"Naku, tigilan mo na ang social media mong iyan, walang naidudulot na maganda sayo. Besides, you will be very busy at work soon; once your Dad will hand you the responsibility in our office here," tugon ng Mommy niya.

"I know, Mom. Don't worry, and I will not focus on blogging anymore. Definitely, I will stop blogging once you and Dad will return to Singapore," aniya.

Tahimik lamang ang Daddy at di nakikisawsaw sa usapan nilang mag-ina hanggang sa nakaalis na sila ng bahay.

***

HUO GROUP office, 9 am….

Pumasok si Adela at may bitbit itong tray na laman ang coffee ni, Brielle.

"Morning sir Brielle, your coffee," inilapag nito sa harapan niya ang tray.

"Thank you, Adela! Tinanong mo na ba sa front desk kung sino ang nagpadala ng regalo?" He asked.

"Opo, kahapon pa nung umalis kayo. Sabi nila wala raw iniwan na impormasyon ang nagpadala ng regalong iyon. Nakipag-coordinate na rin kami sa courier company, a certain "reaper" name lang daw po binigay at nag-iwan ng fake number. Tinawagan ko na kasi ang binigay nilang contact number nong nagpadala di po matawagan eh," anito at bakas sa boses ang pag-aalala.

Napabuga sa hangin si Brielle. "Okay. Kapag pumunta rito ang asawa ko, huwag na huwag mong banggitin sa kanya ang tungkol doon sa regalong pinadala sa akin,"

Tumango lamang ito saka nagtanong, "Hindi niyo po pala binanggit kay Ivana?"

"Hindi, dahil ayokong mag-aalala siya. Kahit sa Daddy ko, wala ring akong binanggit. Sige na Adela bumalik kana doon sa pwesto mo. Paki-cancel lahat ng appointments ko ngayong hapon dahil darating sina Harold at James. May pag-uusapan kaming importante,"

Adela quickly nodded, "Noted on that, sir! I'll go ahead now!"

After lunch, Harold and James arrived at Brielle's office. Sabay itong umupo sa sofa na nasa loob ng opisina niya.

Brielle picks up the intercom on his table, "Adela bring some cookies and coffee at my office. Make it three cups,"

"Coming, sir!"

Ilang saglit lang pumasok na si Adela at mabilis na inilapag sa center table ang inutos ni Brielle. Tumalikod din ito kaagad. Tahimik na dinampot nina Harold at James ang coffee na nasa harapan nila. Nakailang lagok na sila ng lumapit si Brielle.

"May kailangan po kayo sir Brielle?" agad na tanong ni Harold matapos ibaba ang tasa ng kape. Ganon din ang ginawa ni James ngunit tahimik lamang itong naghihintay ng sasabihin ni Brielle.

"Yeah. I asked both of you to come because lately, something had happened and bothered me so much," aniya.

Nagkatinginan ang dalawa ngunit walang nagsalita.

"Kahapon may misteryosong regalo na pinadala rito. Ang masama pa, sariwang patay na daga ang laman at nakasabit sa leeg nito ang larawan naming mag-anak noong kasal namin ni Ivana. Nakalakip din ang isang mapanghamong mensahe," walang gatol na tugon ni Brielle.

Sabay na napamulagat ang dalawa. Naunang nakabawi si James.

"Sa palagay ko po galing sa kalaban ninyo iyon para sindakin kayo," anito.

Tumango si Brielle ngunit naroon ang galit na dumaan sa mga mata niya dahil wala siyang ibang maisip kung sino ang nagpadala noon dahil namayapa na si Hendric at si Simon naman ay nakakulong na rin.