Chereads / LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 5 - Chapter 5: The Mysterious Follower

Chapter 5 - Chapter 5: The Mysterious Follower

BINUKSAN niya ang ilaw sa loob ng kwarto. Kumalat ang liwanag sa buong paligid at sumalubong sa kanya ang malungkot na paligid. He's always been an introvert and has his own world that nobody understands. He glances at the wall clock inside the room to check the time. It's past six in the evening. Hindi niya alam na gano'n na pala kahaba ang oras na naglagi siya sa loob ng kwarto at nakatitig lamang sa kawalan. Nagpasya siyang maligo muna bago maghapunan dahil marami siyang gagawin magdamag.

***

Elite Digital Marketing Office…

Pasalampak na umupo sa sofa si Denise matapos bumalik sa loob ng opisina ng Daddy niya. Nakita niyang abala ang ama sa binabasa nitong dokumento at ni hindi man lamang ito nag-angat ng tingin kahit naramdaman nitong pumasok siya. She always admired her Dad for being so workaholic and dedicated to all his tasks. Naging mabuting ama ito sa kanila at mapagmahal na asawa ng Mommy niya. Laging mahaba ang pasensya nito at hindi nakikipagtalo sa Mommy niya kaya't dasal niya lagi na sana ganito rin sila parati ni Carl balang araw.

Speaking of his boyfriend, she quickly grabbed her phone and typed a few sweet messages to him.

"Honey, I hope you have a wonderful day today. Ako, buong maghapon na nag-training at sandamakmak na impormasyon ang binigay ni Dad sa akin na halos di ko na ma-absorb lahat. The corporate world is really so annoying and different from the internet world that I've been used to,"

Halos sampung minuto ang lumipas bago sumagot si Carl sa message niya,

"Honey, it's okay. You will definitely become familiar with it soon, once you appreciate your new job,"

"I wish you're here! I miss you so much, Carl!"

"I know. I miss you too. Promise, I will be there soon. Tatapusin ko lang lahat ng pinapagawa ni Grandpa sa akin dito sa London, pagkatapos nito dyan na ako mananatili sa Beijing. I love you!"

Hindi na siya sumagot sa message nito sa halip inikot niya ng tingin ang buong paligid ng opisina na siyang magiging sariling opisina na niya kapag bumalik na ng Singapore ang Daddy niya.

"Dad, umuwi na tayo, almost seven na nang gabi. Nagugutom na rin ako," untag niya kay, Brent.

Nag-angat ito ng mukha at ngumiti sa kanya, "Bagot kana agad, ilang oras ka pa nga lang dito sa opisina,"

She pouted her lips and said, "I didn't feel happy staying here. Pwede naman kasing si Kuya Brielle nalang ulit mag-manage nitong kumpanya,"

"Ikaw talaga laging may reklamo, namana mo ang ugali ng Mommy mo na ayaw humawak ng responsibilidad. Alam mo namang dalawa lang kayo ng Kuya mo at may pamilya na rin si Brielle. Hindi naman pupwedeng pabayaan niya ang HUO GROUP dahil busy rin si Ivana sa kumpanya nila sa Europe, dagdag pa ang mga pamangkin mo na personal niya pa ring inaasikaso. Alalahanin mo maliit pa si Kyree, at di nga halos maiwanan ni Ivana,"

"Humph!" bumuntong huminga muna siya "di ko talaga gustong gawin ang ganitong mga bagay. Blogger at YouTuber ako Dad, hindi ito ang mundong nakasanayan ko," reklamo niya.

"Ummm...di masanay kana. Balang araw ikaw rin ang magmamana nito maging ang Rodriguez Group of Companies. Anak tumatanda na kami ng Mommy mo at walang ibang sasalo ng responsibilidad na ito kundi kayo lang ni Brielle. Maliit pa si Brendon para ipasa sa kanya ang ganitong gawain," biro ng tatay niya.

"Oo na, Dad. Dami mo namang sinabi, tara na umuwi na tayo gutom na ako. Kanina pa nga nag-chat si Mommy, pinapauwi na tayo. Sa bahay tayo ni Kuya dumiretso dahil may hinanda silang hapunan," aniya.

Tumayo na si Brent mula sa working table nito at dinampot ang nakasabit na coat sa swivel chair.

"Halika na nga!" anito.

Kumapit siya sa braso ni Brent at dumiretso na sila sa main lobby. Pagbukas ng elevator, binati sila ng ilang empleyado na naroon pa.

"Sir Brent may hinatid po na regalo rito kanina ang isang delivery services company," tugon na receptionist nila.

Lumapit silang mag-ama sa counter at tinanggap ni Brent ang regalo. "Thank you!" tugon nito at saka binasa ang nakalagay sa small note. "To the heiress of Elite Digital Company"

"Oh, para pala sayo ito anak. Baka surprise gift ito ni Carl sayo," Brent said.

Nagtatakang tinanggap ni Denise ang regalo at binasa ang note. " Umm...nag-message ako sa kanya kanina lang Dad pero wala naman siyang sinabi sa akin tungkol dito,"

"Baka nga surprise. Halika na doon mo na buksan sa bahay iyan," anito.

She didn't reply anymore. Nang makarating na sila sa parking area mabilis na binuksan ni Brent ang kotse. Inilagay ni Denise sa likurang upuan ng sasakyan ang regalo sabay balik sa harapang upuan at umupo na roon. Pagdating nila sa bahay ni Brielle sinalubong agad sila ng mga anak nito.

"Daddy Lo, ang tagal niyo," bulalas ni Brianna.

"Sorry, little bunny, maraming ginagawa si Daddy Lo sa opisina eh," tugon ni Brent habang karga si Brianna.

Sumalampak ng upo si Denise sa sofa ng lumapit si Kyree sa kanya at nagpapakarga. "Aiya, our little boss wanted some hug from Tita,"

Her nephew raised his tiny hands, gesturing to her that he wanted to have a hug. "Tita...Tita I wants some hug,"

"Humph, ikaw talaga ang lambing lagi sa akin. Dapat magaling kana magsalita, two years old kana eh. Ang bagal ng development ng pagsasalita mo,"

Kyree wrapped his tiny arms around Denise's neck. Bumungad sa bukana ng hagdan sa ikalawang palapag si Brielle.

"Oo nga eh, ang bagal ng speech development niya," anito.

Denise raises her head and glances at her brother, "Ang aga mo atang umuwi Kuya Brielle!"

Bumaba na ito ng hagdan, "Oo kanina pang bandang hapon. Tara na, nasa dining room na sina Mommy at Ivana naghihintay," aya nito sa kanila ni Brent.

"Daddy Lo, may ginawa akong bagong software, sinend ko sa email ninyo pareho ni Dad," tugon ni Brendon habang patungo na sila ng dining room.

"Oh, talaga?! Sige bukas titingnan ko. We will do the run test tomorrow. I will send you a message when I arrive at the office,"

"Dad, ganyan siya kasipag, ang daming ginagawa," biro ni Brielle sabay lingon nito sa anak.

Ngumiti lamang si Brent. Nadatnan nilang nakahanda na ang dining room. At sabay-sabay na silang kumain. After dinner, nagyaya na agad si Brent kina Shantal at Denise na umuwi na sa sariling bahay.

"Brielle, Ivana, hindi na kami magtatagal," paalam ni Shantal sa kanila.

"It's okay, Mom. I know Dad and Denise have a long day at work, so they need a good rest!" Ivana said.

"Dad, ingat kayo sa pag-uwi," bilin ni Brielle.

"Yeah! Thank you, anak!"

Inihatid nilang mag-asawa hanggang sa sasakyan ang pamilya ni Brielle. Nang makaalis na ito, agad na nagtanong si Ivana.

"Sinabi mo ba kay Dad ang nangyari kaninang umaga?"

Sunud-sunod na iling ang ginawa ni Brielle. "Hindi. Ayokong mag-alala siya sa atin. Maging si Mommy di ko sinabihan doon sa nadiskubre natin,"

Hinawakan ni Ivana ang kamay niya at hinila na siya papasok sa loob. "May ipapakita kami ni Brendon sayo mamaya kapag tulog na si Kyree at Brianna. Baka makatulong sa atin iyon," aniya.

Tumango lamang si Brielle at di na umimik. Habang nasa daan pa sina Denise pauwi, inabala muna niya ang sarili sa pag-che-check ng kanyang social media account. Binabasa niya ang mga comments ng mga followers niya sa huling blog niya na in-upload. A particular message caught her attention.

"Meet you in hell, my beautiful nightmare!"

Kinilabutan siya sa komento na ito dahil bukod tanging ito ang paulit-ulit na pino-post ng follower niya na may kakaibang profile. She zoomed in on the profile of this person, and to her surprise, the image brings fear to her mind. She deleted all the comments from this unknown follower, yet it keeps coming back—tila naka-online ang taong ito ng mga sandaling 'to.

Galit na galit siyang pumunta sa inbox niya at nag-type ng message para rito.

"Fuck off! Whoever you are, get lost!"

She saw that the other end started typing a reply. Ilang saglit lang pumasok na sa inbox niya ang sagot nito.

"Are you scared, honey? I just started having fun, yet you seem so annoyed!"

She clenched her jaw ang furiously answered the message again, "Get a life! Don't bother me because I don't have time for a psychopath like you!"

"I will be your nightmare, bear that in your mind, honey!"

Nagimbal siya sa sagot nito lalo na ng nag-sent ito ng larawan ng impyerno sa inbox niya.

"Stupid! Fuck off!" malakas at galit niyang tugon.

Nagulat sina Brent at Shantal sa naging reaskyon niya. Di niya sinadyang mapalakas ang boses.

"What's wrong, princess?" tanong ng Mommy niya.

Tumingin siya sa Mommy niya..."I...I ...I just felt annoyed with one of my followers, Mom!" She stuttered.

"Ang lakas kasi ng boses mo. Akala ko tuloy si Carl ang kagalit mo dyan sa cellphone,"

Nahagip ng paningin niya ang manaka-nakang tingin ng Daddy niya sa front mirror ng sasakyan.

"It's just a bad comment. I'm sorry!" she apologized.

"I see! Gusto ko sanang magtanong sayo kung kumusta ang araw mo sa opisina," anito.

"It's so tiring, Mom. Maybe, I will be used to it later on," maikli niyang tugon sa ina.